10 na benepisyo ng Kalabasa, pampalinaw ng mata at marami pang iba

Alam mo ba na bukod sa pampalinaw ng mata, napakarami pang bitamina ang nasa loob ng dilaw na gulay na ito? Alamin ang mga benepisyo ng kalabasa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narinig mo na ba ang linyang, “Kalabasa, pampalinaw ng mata?” Totoo, pero marami pang ibang bitamina ang makukuha sa pagkaing ito. Alamin ang mga benepisyo ng kalabasa sa ating kalusugan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kalabasa at pumpkin – pareho lang ba?
  • Mga benepisyo ng pagkain ng kalabasa
  • Mga pagkain at putaheng pwedeng lagyan ng kalabasa

Karamihan ng mga Pilipino, kahit ‘yung mga hindi mahilig kumain ng gulay, ay kumakain ng kalabasa. Isa ito sa mga gulay na nakalakihan na nating kainin dahil isinasahog ito sa sa mga paborito nating ulam gaya ng pakbet.

Bagama’t kumakain tayo ng kalabasa (at kung hindi ka pa kumakain nito, simulan mo na) ang tanging alam lang natin tungkol dito ay nakakatulong ito para luminaw ang ating mga mata.

Pero anu-ano pa nga ba ang mga benepisyo ng kalabasa na makakatulong sa ating kalusugan?

Ano ang kalabasa – pumpkin o squash?

Ano ba sa Ingles ang kalabasa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang mabilis na trivia: Ang kalabasa, gaya ng pumpkin ay isang uri ng squash (na kalabasa rin sa Tagalog) na tumutubo sa lupa (vines) sa parehong maiinit o malalamig na lugar. Isa itong uri ng gulay at marami rin itong benepisyo sa kalusugan.

Ang pumpkin na mas madalas makita sa ibang bansa ay kabilang sa uri ng squash na Cucurbita Pepo, samantalang ang kalabasa naman na mas sikat dito sa Pilipinas ay Cucurbita Maxima. Sa ibang lugar, tinatawag rin itong Kabocha squash, pero kalabasa ang nakasanayan natin dahil ang mga Kastila ang nagdala nito sa ating bansa.

Sa lasa, wala namang halos pinagkaiba ang pumpkin at kalabasa, pero mas matamis lang ang kalabasa nating mga Pinoy (malapit ang lasa niya sa kamote) kaya naman naihahalo natin ito sa mga kakanin at mga panghimagas.

Trivia uli: Alam niyo ba na ang kalabasa ay isang uri ng prutas?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas nating mapagkamalan itong gulay dahil isinasahog ito sa mga ulam, pero ito ay isang uri ng prutas tulad ng melon, na tumutubo sa lupa, nagmumula sa bulaklak at mayroong mga buto sa loob.

Mga benepisyo ng kalabasa

Ngayon mas marami na tayong alam tungkol sa prutas na ito, alamin naman natin ang iba’t ibang benepisyo ng kalabasa at ang mga bitaminang makukuha natin mula sa pagkain nito.

1. Gulay na pampalinaw ng mata

Unahin na natin ang pinakakilalang benepisyo na nakukuha sa pagkain ng kalabasa. Ang kalabasa ay mayaman sa Vitamin C at Beta-Carotene na tumutulong labanan ang macular degeneration at iba pang sakit na may kinalaman sa paglabo ng mata o paglaho ng paningin.

Kaya naman ang mga pagkain na may kalabasa ay maituturing pampalinaw ng mata dahil sa taglay na nutrisyon ng kalabasa na nakakatulong sa mga na luminaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatulong rin ang Vitamin C na makaiwas sa pagkakaroon ng katarata o cataract.

2. Pampatibay ng buto

Hindi lang nakakapag palinaw ng mata, dahil ang kalabasa ay nakakatulong din upang tumibay at maging matatag ang buto sa ating katawan. Ito ay dahil sa taglay nitong Manganese at Vitamin C.

Ang manganese ay uri ng mineral na matatagpuan sa mga pagkain katulad ng kalabasa na nakakatulong upang panatilihin malusog at matibay ang ating bone structure.

Samantala, ang Vitamin C naman ay bitaminang may kinalaman sa pag-produce ng collagen na mahalaga sa pagpapatibay ng ating bone ma

3. Tumutulong na maiwasan ang cancer

Ayon sa American Institute of Cancer Research, napag-alaman sa isang pag-aaral na isa ang squash o kalabasa sa mga pagkaing tumutulong labanan ang iba’t ibang uri ng cancer.

Ang mga taong mahilig sa non-starchy na prutas at gulay gaya ng kalabasa ay may mas mababang posibilidad na magkaroon ng breast cancer o bladder cancer. Samantala, nakakatulong din ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C  at carotenoids (o Beta-carotene) na labanan ang lung cancer, breast cancer at colon cancer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Nakakapagpababa at inaagapan ang pagtaas ng blood pressure

Ang kalabasa ay nagtataglay ng sapat na dami ng potassium na kinakikitaan ng mga eksperto ng malaki at positibong epekto sa high blood pressure. 

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang inirerekomendang dami ng potassium na dapat tinatanggap ng tao sa isang araw ay 3,510 mg para sa mga matatanda.

Kaakibat ng pagkakaron ng mataas na potassium sa katawan ay mababang chance na sa panganib na dulot stroke at iba pang cardiovascular diseases.

5. Tumutulong upang maiwasan ang Hika o Asthma

Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng article, ang kalabasa ay nagtataglay ng beta-carotene. Ang mga taong kumukonsumo ng mataas ng bilang beta-carotene ay makatutulong upang makaiwas sa Asthma o pag-atake ng hika.

6. Nababawasan ang posibilidad ng depression

Ang kalabasa ay naglalaman ng Vitamin B6. Ang mga taong may Vitamin B6 deficiency o kulang sa bitaminang ito ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng depression at anxiety.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

50 Baby-food recipes na hindi lang masarap, ngunit masustansiya rin!

Mga prutas at gulay na maaaring makatulong makaiwas sa COVID-19

7. Mas makinis na balat

Alam ng marami na ang pagkain ng mga prutas at gulay ay nakakaganda ng kutis. Ang Vitamin C sa kalabasa ay gumagawa ng collagen, para mapanatiling malusog ang ating balat.

Samantala, ang Beta-carotene at Vitamin C ay nakakatulong rin na protektahan ang ating kutis mula sa mga nakakasirang UV-rays na dala ng sikat ng araw.

8. Mas makintab at magandang buhok

Nakatutulong ang Vitamin A mula sa kalabasa upang mas gumanda at maging malusog ang strand ng buhok ng isang tao.

Ang bitaminang ito ay may kinalaman sa sebum production na tumutulong upang panatilihing makintab ang buhok.

9. Mainam na pagkunan ng protina

Karamihan sa mga tao ay kumakain karne ng baboy, baka, o manok upang pagkunan ng protina na kinakailangan ng katawan. 

Ang kalabasa ay nagtataglay din ng protina na makakatulong sa katawan ng tao. Ang magandang kaibahan nito sa karne ay wala itong fats at cholesterol.

10. Siksik sa mga bitamina

Bukod sa mga benepisyong nabanggit, ang kalabasa ay nagtataglay ng mga sumusunod na bitamina:

    • Manganese
    • Vitamin A
    • Calcium
    • Iron
    • Potassium
    • Phosphorus –
    • Folate
    • Riboflavin
    • Omega-3 Fatty Acids

Kalabasa puree para kay baby

Ngayong nabasa mo na ang mga benepisyo ng pagkain ng kalabasa, subukan itong ipakain sa iyong anak.

Kung mayroon kang sanggol na kakasimula pa lang kumain ng solids, tiyak na magugustuhan niya ang manamis-namis na kalabasa puree.

Bukod sa malasa ito, mataas ito sa calories na tumutulong para madagdagan siya ng timbang, pero wala itong cholesterol o fat. Gayundin, mayroon itong fiber kaya mas madali itong ma-digest ng iyong anak.

Simple lang ang paggawa ng kalabasa puree: balatan, alisin ang buto at pakuluin ang kalabasa hanggang sa lumambot ito. Tapos lagyan ng kaunting tubig (o breastmilk) at haluin gamit ang blender. Kung walang blender, pwede rin naman itong durugin at paghaluin gamit ang tinidor.

Siguraduhin lang na malambot ang kalabasa para mas madaling durugin at hindi ito makain ng buo ni baby.

Creamy Kalabasa Soup para sa buong pamilya

Kung healthy si baby, dapat healthy din ang buong pamilya. Maaari mo ring subukan gumawa ng soup na gawa sa kalabasa na tiyak ay mai-enjoy ng buong pamilya.

Simple lamang ang paraan ng paggawa nito kaya madaling sundan at hindi mahirap humanap ng sangkap. Parang Kalabasa puree lang ito ni baby, ang kaibahan lang ay mayroon tayong idinagdag na ibang pang mga sangkap na talaga namang nakakagana. 

Mga sangkap:

  • Kalabasa
  • Manok (chicken breast fillet)
  • All purpose cream
  • Butter
  • Sibuyas
  • Bawang

Sundin lamang ang tamang procedure kung nais mo itong subukan. Una, pakuluan ang manok hanggang sa lumambot at saka himayin. Maaaring timplahan ang manok paminta at asin, depende sa iyong nais at panlasa. 

Pangalawa, pakuluan ang kalabasa sa tamang dami lang ng tubig at sumunod ay haluin at duruin gamit ang blender. Kung walang blender, maari kang gumamit ng tindor.

Ikatlo, gisahin ang bawang at sibuyas gamit ang butter. Isama ang ginawang kalabasa at hinimay na manok. Antayin lamang na kumulo ay maaari na itong ihain sa hapag kainan.

Kumain na ng kalabasa

Dahil sa masarap na lasa nito, maraming putahe o ulam ang naglalagay ng kalabasa bilang isa sa mga sangkap.

Paborito nating mga Pinoy ang Pinakbet at Ginataang Kalabasa (na pwede mong haluan ng hipon o manok). Minsan, ipinapalit ito sa patatas at kamote sa ihinahalo sa nilagang baboy, o kaya sa sabaw ng malunggay. Maaari rin itong igisa lang sa bawang at asin, at mayroon ka nang masarap na ulam.

Pwede ring ihain sa meryenda ang kalabasa kung lalagyan mo ito ng breading at gagawing Okoy. O kung gusto mo naman, maaari rin siyang sangkap sa mga kakanin tulad ng maja kalabasa o kaya squash yema balls. Pwede itong masarap at masustansyang dessert.

Kaya kung makakakita ka ng kalabasa, tandaan na hindi lang ito basta pampalinaw ng mata. Isa itong prutas na punung-puno ng sustansya na dapat mong pansinin at bigyang-halaga.

Source:

WebMD, Healthline,  VeryWellFit, Medical News Today,

Sinulat ni

Camille Eusebio