Kung lumaking walang kapatid, maaaring maraming benepisyo ang naranasan. Subalit, kung may kapatid, makukuha ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng malaki, masaya at mapagmahal na pamilya. Makukuha ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng kapatid.
Lumaki akong may isang kapatid, pakiramdam ko ay laki akong may kalaro at partner sa mga gagawin! Ang pagkakaroon ng kapatid ay maganda para sa development ng bata, at hindi lang ako ang nagsasabi nito! Itanong man sa mga lumaki na may kapatid.
Oo, maaaring simulan nila ang kwento ng, “Lagi kami dating nag-aaway”, o “Nakaka-asar dati yung bunso namin”. Ngunit, baliktarin man ang mundo, mahal nila ang isa’t isa, at ang pagiging bahagi ng malaking pamilya ay nagdudulot ng masayang kabataan.
Hindi namin sinasabing may mali sa pagging only child. Sa totoo, marami ang blessed ng pagkakaroon ng isang masaya at masiglang bata. Ang sinasabi lang namin ay kung pinagiisipang palakihin ang pamilya, gawin na ito!
Kung hindi sigurado kung dapat dagdagan ang miyembro ng pamilya, ito ang 11 argumento na makakatulong na maisip na kailangan ng iyong anak ng kapatid.
Anu-ano ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng kapatid?
1. Paghahati ng mga gawaing bahay
Pagdating ng bata sa tiyak na level ng maturity, maraming pamila ang sinisimulan silang bigyan ng gawaing bahay. Kung lumaki ang bata na only child, maaaring masobrahan sila sa iba’t ibang gawain na kailangang kumpletuhin. Ngunit, paano kung mayroon silang partner na mapaghahatian ng bigat? Ang mga gawaing ito ay tila gagaan, at makakahanap sila ng mga masasayang paraan para paghatian ang mga gawaing bahay. Maaari rin silang makahanap ng mga paraan para gawin nang magkasama ang mga gawaing ito!
2. Makwe-kwentuhan nila ang isa’t isa
Nang lumalaki ako, sobrang nagagalit ako minsan, o nagrereklamo kung paano napagalitan o napagbawalan ng mga magulang. Minsan, sa mga kaibigan ko ito nakwe-kwento–ngunit hindi naman talaga nila ito naiintindihan. Kapag nagkwe-kwento ako sa ing kapatid, naiintindihan niya mismo ang sinasabi ko. Walang ibang talagang nakaka-intindi sa pamamalakad ng mga magulang mo…bukod sa iyong mga kapatid. Kung bigyan ng kapatid ang iyong anak, may marereklamuhan sila, na makakatulong magparelax kapag galit, o kahit mailabas lamang ang dinadalang stress.
3. Maaari silang matuto sa isa’t isa
Ang paglaki na may ate ay nagbigay sakin ng mga kakaibang kaalaman. Ang mga nakakatandang kapatid ay nagtuturo ng kung anu-ano, at kapag pareho ng kasarian ay mas marami pa ang natuturo! Ito ay napakahalagang mapagkukunan ng kaalaman sa iyong anak, at hindi lamang mga nakakatanda ang nagtuturo sa mga masbata. Minsan ay ang mga masbata ay may bago ring nababahagi sa mga nakakatanda!
4. Bagong kaibigang makakalaro
Tila ito ang pinaka-basic na makukuha, at baka ito nga, ngunit ang pagkakaroon ng kapatid ay parang pagkakaroon ng kaibigan na nakatira sa parehong bahay — o sa parehong kwarto para sa ilang pamilya. Bigyan ang iyong anak ng kalaro na makakasama nila sa kanilang pagtanda!
5. Walang boring na sandali
Ito ay para sa iyo at iyong mga anak. Bilang magulang, ang pagkakaroon ng mga anak na may iba’t ibang stage ng development ay nakakapagbigay ng iba’t ibang karanasan. Ibig sabihin ay marami kang aasikasuhin (sa pinaka magandang paraan). Para sa mga anak mo, ang pagkakaroon ng kapatid ay pagkakaroon ng partner in crime na makakasamang maghanap ng mapaglilibangan!
6. Personal na bodyguard
Tila nakakatawa, ngunit ang pagkakaroon ng nakakatandang kaparid ay parang may bodyguard ang anak mo. Madalas, ang kuya ang nakikitang tagapagtanggol. Ngunit, lumaki ako na may ate at sa paaralan, siya ang tagapagtanggol ko! Ang pagkakaroon ng kapatid ang nagpapalabas ng pinakamabuting katangian ng iyong mga anak. Babantayan nila ang isa’t isa sa mga darating na taon!
7. Hiraman ng mga damit
Ito ay gender-specific pero isa paring perk. Lumaki akong hindi humihiram ng damit sa kapatid ko (pero minsan ay kumukuha siya ng damit sa drawer ko). Ngunit, ang mga babaeng magkapatid ay madalas naghihiraman ng mga damit at nagiging masayang bonding ito sa isa’t isa! Siguraduhin lamang na hindi pag-aawayan ang mga gamit na ito.
8. Made-develop nila ang pagpapasensya at pagpaparaya
Tila medyo pinilit ito pero totoo parin. Kapag ang mga bata ay lumaki sa parehong bahay, madalas silang mag-away. Ganunpaman, natututo silang magparaya at magpasensya dahil sa mga pag-aaway at di pagkakasundo na ito. Hanggang ma-aayos ang mga pag-aaway, at masiguradong salita lamang ito at maaayos naman, matututo at magmamature ang mga bata dahil dito. Dagdag dito, matapos ang mga pag-aaway na ito, mas magiging close sila!
9. Tamang sibling rivalry
Hindi laging masama ang sibling rivalry. Sa totoo, hanggang nama-manage ito, at inaayos sa sa masigla at nakabubuting paraan, makakatulong itong mailabas ang best sa mga bata. Huwag magkaroon ng paborito sa iyong mga anak, pero hikayatin silang i-motivate ang isa’t isa na ilabas ang galing nila.
10. Pagdating ng araw, may kasama sila
Sa buhay, tatanda tayo at balang araw ay magtatrabaho ang mga anak para alagaan tayo! Tama, babaliktad ang mga papel! Pagdating ng panahon na iyon, hindi ba masmaganda kung hindi sila nag-iisa?
11. Magkakaroon sila ng pang-habang buhay na bond
Maaaring may kaibigan ka na ka-close mo nang ilang taon na, ngunit may ilang matatagal nang kaibigan ang nawalan na ng komyunikasyon. Ang kapatid naman ay pang habang buhay. Mula sa ups at downs ng kabataan at patuloy pa, mauugnay sila ng apelyido at dugo at mapipilitang mahalin ang isa’t isa habang buhay!
Ang listahang ito ay base sa article na unang ibinahagi ng Pop Sugar
BASAHIN DIN: Long-lost sisters reunited after a miraculous coincidence
Siguraduhing bisitahin ang theAsianparent Community para sa iba pang insightful na kwentom katanungan, at sagot mula sa mga magulang at eksperto. Kung may insights, katanungan o komento tungkol sa paksa, mangyaring ibahagi sa amin sa Comment box sa ibaba. I-like kami sa Facebook at i-follow kami sa Google+ para manatiling up-to-date sa pinakabago mula sa theAsianparent.com Philippines!