Best Baby Bottles For Gas And Colic

Tignan ang aming listahan ng best baby bottles for gas and colic na akma for newborns hanggang sa toddler stage.

Best baby bottles for gas and colic ba ang hanap mo? Narito ang mga baby bottle brands na proven and tested na nakakatulong sa mga babies upang maiwasan ang pagiging gassy at pagkakaroon ng kabag.

Ano ang gas at colic sa mga baby?

Ayon sa mga health experts normal sa mga baby na maging gassy o kabagin. Sa isang araw nga daw ay nasa 13-21 beses sila kung umutot. Isang palatandaan na maraming hangin o gas sila sa kanilang tiyan. Ito ay dahil umano sa madalas na ginagawa ng mga sanggol. Tulad ng pagdede sa suso man o sa bote. Pagsipsip ng pacifier at pag-iyak na dahilan upang sila ay makalunok ng mas maraming hangin.

Kapag ang sanggol ay may colic o kabag ay mas nakakalunok rin daw ito ng mas maraming hanggin. Dahilan upang siya ay magkaroon ng mas maraming gas sa tiyan.

Palatandaan na gassy si baby

May mga palatandaan namang makakapagsabi sayo kung gassy si baby. Ito ay ang sumusunod:

  • Siya ay dumidighay o nagbuburp.
  • Gusto niya lang ay magpakarga ng magpakarga.
  • Ang tiyan ay bloated o tila malaki at matigas.
  • Siya ay iyakin.
  • Utot siya ng utot.

Kahit nga daw mamula ng mamula si baby kakaiyak, walang dapat ipag-alala. Lalo na kung sa una ay mukha naman siyang happy at magiging biglang fussy o irritable sandali. Ito ay palatandaan rin na gassy si baby at wala namang seryosong bagay na dapat ipag-alala.

“If your baby is generally happy and only fusses for a few seconds while passing gas, that’s a sign that it’s normal. Even if they turn red and make noise, it doesn’t mean that it bothers them. If they’re happy in between episodes and not too distressed during them, there’s probably nothing wrong."

Ito ang pahayag ng pediatrician na si Dr. Jennifer Shu.

Palatandaan na may colic o kabag si baby

Kung si baby naman ay iyak ng iyak na umaabot na ng ilang oras sa buong araw, ito ay palatandaan naman na siya ay may colic o kabag.

Ayon sa mga doktor, ito ang mga palatandaan na colicky o may kabag si baby.

  • Si baby ay umiiyak ng tatlong oras sa isang araw.
  • Ito ay nangyayari ng tatlong araw sa isang linggo.
  • Minsan ay nangyayari ito ng sunod-sunod sa loob ng tatlong linggo.
  • Ang kaniyang pag-iyak ay nagaganap sa parehong oras araw-araw. Madalas sa hapon o bago mag-gabi.
  • Umiiyak siya na hindi dahil siya ay gutom o may basang diapers.
  • Siya ay umiiyak habang itinataas o isinisipa ang kaniyang binti. Isinasara ang kaniyang kamao habang ginagalaw ang kaniyang mga braso.
  • Sa kaniyang pag-iyak ay isasara o mas lumalaki ang kaniyang mata habang nagsasalubong o bumabaluktot ang kaniyang kilay.
  • Utot siya ng utot o isinusuka ang gatas na nadede niya.
  • Naiistorbo ng pag-iyak ang tulog at pagdede niya. Madalas ay bigla niyang hahanapin ang nipple o gustong sumuso. At bigla nalang iiyak at magigising sa oras na makadede ng saglit o magsimula na ang sucking.

Madalas nagsisimulang maging kabagin ang baby sa unang 2 at 3 linggo ng kaniyang buhay. Mas magiging madalas ito kapag siya ay nasa 6 na linggo na at unti-unting mawala kapag siya ay mag-tatatlong buwan na.

Best Baby Bottles for Gas and Colic

Baby Bottles for Gas and Colic
Philips AVENT Anti-Colic Baby Bottle with AirFree™ Vent
Best Overall
Buy Now
Tommee Tippee Closer To Nature Anti-Colic Baby Bottles
Best for Newborn
Buy Now
Pigeon Anti-Colic Feeding Bottle
Most Budget-Friendly
Buy Now
Hegen Feeding Bottle
Best Anti-Spill
Buy Now
Pur Advanced Plus Wide Neck Feeding Bottle
Best Medium Flow Nipple
Buy Now
Yoboo Anti-Colic Feeding Bottle
Best for Weaning
Buy Now

Best Overall Baby Bottle for Gas and Colic

Philips AVENT Anti-Colic Baby Bottle with AirFree™ Vent

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Philips Avent

Ang Philips AVENT AirFree™ Vent for Anti-Colic Bottles ay ginawa para makaiwas si baby sa colic at acid reflux. Less air ang maaaring malunok ni baby habang dumedede dahil sa AirFree vent feature nito. Napapanatili nitong puno ng gatas ang tsupon pahiga man o diretso ang posisyon ng feeding bottle. Sa ganoong paraan ay mapipigilang makapasok ang hangin.

Ang kagandahan pa rito ay compatible rin ang teat nito sa iba pang Avent bottles. Available rin ito sa iba’t ibang teat flow rates.

Features we love:

  • Reduces colic and gas
  • AirFree Vent
  • Iba’t ibang teat flow rates

Best Bottle for Gas And Colic Suitable for Newborns

Tommee Tippee Closer To Nature Anti-Colic Baby Bottles

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Tommee Tippee

Perfect for newborn babies ang soft at smooth silicone ng Tommee Tippee Closer To Nature Anti-Colic Baby Bottles. Nakakapagbigay kasi ito ng natural na pakiramdam kay baby na para bang siya ay dumedede kay mommy. Nakakadagdag pa sa natural feeding feeling ang breast-like shape nito.

Bukod pa riyan ay napakagaan ng baby bottle na ito kaya naman tamang-tama rin ito kapag ang iyong anak ay nagsisimula nang matuto dumede mag-isa. BPA-free ito at hindi rin ginamitan ng iba pang harsh chemicals na maaaring makasama sa mga babies.

Features we love:

  • Breast-like shape
  • Soft at flexible nipple
  • Natural feeding feeling
  • BPA-free

Most Budget-Friendly Baby Bottle for Gas and Colic

Pigeon Anti-Colic Feeding Bottle

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Pigeon

Kung naghahanap ka naman ng affordable baby bottle for gas and colic, check out this classic feeding bottle from Pigeon. Mayroon itong Air Ventilation System na nakakapigil sa air pressure build-up sa loob ng bottle na nagcacause ng colic or reflux.

Bukod sa proteksyon sa gas at colic na nabibigay nito ay makakatiyak kang ligtas ito for babies.  Gawa kasi ito sa BPA-free polypropylene material na proven safe, matibay at heat resistant up to 180 degrees Celsius.

Higit sa lahat, ang baby bottle na ito ay may no-nipple-confusion feature dahil sa napakalambot at elastic na nipple nito.

Features we love:

  • Air Ventilation System
  • No nipple confusion feature
  • BPA-free

Best Anti-Spill Baby Bottle for Gas and Colic

Hegen Feeding Bottle

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Hegen

No more kabag at gassy feeling tuwing feeding time sa tulong ng Hegen Feeding Bottle. Mayroon itong built-in anti-colic air vent na epektibo sa pagbabawas ng unwanted air intake at formation ng air bubbles sa gatas.

Tiyak na mas magugustuhan mo ang feeding bottle na ito dahil sa Press-to-Close, Twist-to-Open feature nito na nakakapagpadali ng pagbukas at sara ng bote kapag ikaw ay magtitimpla ng gatas o maglilinis. Ang kagandahan pa rito ay kahit na napakadali nitong buksan ay spill-free ito dahil sa strategic form ng bottle.

Napakadali lamang nitong linisin dahil ito ay maaaring i-sterilize at pakuluan. Safe rin ito idaan sa iba’t ibang cleaning and sanitizing equipment gaya ng warmers, dishwashers at microwaves.

Features we love:

  • Anti-colic and reflux baby bottle
  • Anti-colic air vent
  • Press-to-close, Twist-to-open feature

Best Baby Bottle for Gas and Colic with Medium Flow Nipple

Pur Advanced Plus Wide Neck Feeding Bottle

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Pur

Mahalagang akma para sa edad ng baby ang flow level ng tsupon na gagamitin sa kanyang feeding bottle. Maaari kasi siyang mabigla kapag mabilis ang flow ng gatas at makaramdam ng tila ba siya ay nalulunod. Kaya naman kung ang iyong anak ay nasa edad 3 to 6 months, suitable para sa kanya ang medium-flow nipple. At mayroon nyan ang Pur Advanced Plus Wide Neck Feeding Bottle.

Ginawa ang feeding bottle na ito upang makaiwas sa colic at gas ang mga babies. Ang nipple nito ay ginamitan ng advanced Pro-flo Technology na nakakapigil sa pagpasok ng hangin sa bote. Napakalambot pa nito at gawa sa medical-grade silicone na odorless, tasteless, at non-toxic.

Features we love:

  • Medium flow
  • Soft and gentle
  • BPA-free and non-toxic

Best Anti-Colic and Gas Baby Bottle for Weaning

Yoboo Anti-Colic Baby Feeding Bottle

Bottles For Gas And Colic: Baby-Safe Brands Na Trusted Ng Experts | Yoboo

Nagsisimula na bang kumain si baby? Kung oo, magandang ipagamit sa kanya ang Yoboo Anti-Colic Feeding Bottle. May handle ito gaya ng mga sippy cups na makakatulong sa kanya upang matutong humawak ng feeding bottle. Ideal ito gamitin sa weaning stage dahil kasabay ng pagkatuto ni baby kumain ay madalas na rin siyang iinom ng tubig gamit ang sippy cup.

Makakasigurado ka ring protektado ang iyong anak sa gas at colic habang gamit ng baby bottle na ito dahil sa anti-flatulent feature nito. Nananatili ang gatas sa butas ng tsupon na siyang nagboblock sa hangin upang makapasok sa bote. Ang design pa ng napakalambot ng nipple nito ay ginaya sa tunay na nipple ng isang ina kaya naman hindi maninibago si baby lalo na kung siya ay binibreastfeed din.

Features we love:

  • Anti-flatulent
  • Nipple-imitation
  • For weaning

Price Comparison Table

Check out the prices of our best anti-colic bottles here:

Brands Price
Philips Avent Php 1,405.00
Tommee Tippee Php 685.00
Pigeon Php 300.00
Hegen Php 1,160.00
Pur Php 499.00
Yoboo Php 479.00

Paano maiiwasan na maging gassy at colicky si baby

Ilan nga sa mga paraan na inirerekumenda ng mga doktor upang maiwasan ang gas at colic kay baby ay ang sumusunod:

  • Subukang panatilihing mas mataas ang posisyon ng ulo ni baby kesa sa kaniyang tiyan sa tuwing dumedede. Sa ganitong paraan ay dumederetso pababa sa kaniyang tiyan ang gatas na kaniyang nainom.
  • Padighayin si baby habang o matapos pasusuhin o padedehin.
  • Masahiin si baby o bigyan siya ng warm bath.
  • Inirerekumenda rin ng mga doktor na kung nagbobottle-feeding ay palitan ang boteng ginagamit. Dahil ito ay maaring pangunahing dahilan kung bakit siya nagiging gassy at colicky.

“If you’re bottle-feeding, switch to a slower-flow nipple."

Ito ang payo ni Dr. Joel Lavine, isang professor of pediatrics mula sa Columbia University.

Tamang pagpili ng baby bottle

Narito ang mga hakbang para sa tamang pagpili ng baby bottle:

1. Swak dapat ang size nito para sa inyong baby

Piliin ang baby bottle na may tamang laki para sa iyong sanggol. May iba’t ibang laki ng mga bote, kaya naman mahalaga na ikonsidera ito. Sapagkat matatansa kung gaano ba kadaming gatas ang maaaring itimpla dito sa bawat pag-feed kay baby.

2. Dapat durable at gawa sa safe materials

Mahalagang ikunsidera ang materials kung saan gawa ang bote ng iyong baby. Dapat ay FDA approved ito at hindi gawa sa mga delikadong chemicals na makakasama sa iyong baby. Siguruhing ang baby bottle ay gawa sa kalidad na materyales, gaya ng BPA-free plastics o glass.

3. Malawak o mas malapad ang nipples ng bote

Piliin ang baby bottle na may malawak na labasan o nipple upang mapadali ang pagdedede ng iyong sanggol. Ang mga adjustable nipples ay maaaring makatulong sa maayos na pag-latch ni baby.

4. Comfortable na hawakan

Pumili ng baby bottle na madaling hawakan at komportable sa iyong kamay. Ito ay importante lalo na kapag malaki na ang iyong sanggol at kailangan niya na itong hawakan mag-isa.

5. Madaling linisin

Piliin ang baby bottle na madaling linisin, tignan din kung marami itong singit-singit sapagkat kapag mayroon baka doon pa mag-build up ang mga bacteria lalo na kung hindi ito malinisan.

6. Compatibility iyong breast pump (Optional)

Kung ikaw ay gumagamit ng breast pump, siguruhing ang baby bottle ay compatible sa iyong pump para mapadali ang paglipat ng gatas mula sa pump papunta sa bote.

7. Magang nipple flow

Ang mga nipple ng baby bottle ay may iba’t ibang bilis ng pagtulo ng gatas. Pumili ng tamang bilis ng flow base sa gulang ng iyong sanggol – mabagal para sa mga sanggol, at mas mabilis para sa mas malalaki na.

8. Humingi ng recommendations sa iyong pedia

Kung hindi ka sigurado kung aling uri ng baby bottle ang nararapat para sa iyong sanggol, makabubuting magtanong sa iyong pediatrician. Sila ay makapagbibigay ng mga payo batay sa kalusugan at pangangailangan ng iyong anak.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri at pagsusuri sa mga ito, mas mapapadali ang pagpili ng tamang baby bottle para sa iyong anak.

Source:

TheAsianParent Community, Product Nation, WebMD