Best baby wash for newborns sa Philippines, anu-ano nga ba?
Ang skin ni baby ay naturally sensitive kaya mahalagang pumili ng mainam na baby body wash para mapanatiling healthy ang skin ng bata.

Ngunit sa dami nang mga produkto ngayon na nagsasabing sila ang pinakamaganda para kay baby, alin nga ba ang best baby wash for newborns in the Philippines? Basahin mo ang article na ito para mabigyan ka ng idea kung alin ang para sa baby mo.
Pagpili ng baby body wash
Ngayon na mayroon ka nang little one, ugaliin mong tingnan ang ingredients list ng mga gamit ni baby. Gawin ito hindi lang sa pagkain, pero pati na din sa mga gamit para sa kanyang balat tulad ng baby lotion at yes, baby body wash. Ito ang mga bagay na dapat mong suriin sa pagpili ng body wash na gagamitin para kay baby.

- Scent
- May pabango ba ito or ito ay fragrance-free? Ideally, mas mainam ang fragrance-free dahil ang mga scents ay maaaring makapagdulot ng skin reactions at maka-irita sa sensitibong sense of smell ng bata.
- Ingredients
- Humanap ng mga baby body wash na hypoallergenic lalo na kung ang iyong anak ay prone sa mga skin issues tulad ng eczema, rashes, o dry skin. Tingnan mo ding mabuti kung ano ang mga ginamit dito. Huwag mo nang i-consider ang body wash kung mayroon itong sangkap tulad ng parabens at maging alcohol na maaaring masyadong matapang para sa sensitive skin ni baby.
- Presyo
- Depende sa iyong budget, madaming mga baby body wash ang available sa market. Piliin ang produkto na komportable para sa iyong wallet.
8 na best baby wash for newborns sa Philippines
Best Baby Wash for Newborn

Bakit maganda ito?
Siguradong safe ang Mama’s Choice Baby Hair & Body Wash dahil ito ay may lamang natural ingredients na effective sa pag linis ng sensitive skin ni baby.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay may mild scent na perfect para kay baby. Hindi matapang ang amoy, pero mabango parin dahil sa natural ingredients nito.
- Ingredients
- Ang chamomile ay tiyak na nakakatanggal ng irritation at dead skin cells mula sa iyong little one. Ang lavender at sugar maple extract naman ay nakaka strengthen at nakaka moisturize ng kanyang kutis at buhok.
- Presyo
- Para sa isang 2-in-1 product (Mama’s Choice Baby Hair & Body Wash 200 mL), sulit na sulit na ang Php 299.00 mo!

Bakit maganda ito?
Ang Lactacyd Baby products ay eksperto sa pagprotekta sa delicate skin ng isang newborn baby. Mayroon itong natural milk extracts na siguradong safe para kay baby. Makakatulong din ito sa pag soothe at moisturize sa skin ng iyong anak.
Maganda ang Lactacyd Baby Bath para sa sensitive skin ni baby dahil napi-prevent nito ang dryness, irritation at rashes.
Samantala, ang Lactacyd Milky Rich naman ay mabisa sa pagprotekta kay baby against heat at diaper rash.
Ang Lactacyd Toddlertubs Bubbles naman ay best suited para sa iyong toddler age 1 year onwards.
Ito rin ay recommended by many pediatricians.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay may mild scent na perfect para kay baby.
- Ingredients
- Milk-based ang ingredients ng Lactacyd Baby products. Mayroon itong Lactoserum at Lactic Acid na makakatulong sa pag nourish ng gentle skin ni baby.
- Presyo
- Ang pinaka mababang presyo ng isang 150 mL bottle ng Lactacyd Baby Bath ay nagkakahalaga ng Php 209.00. Ang 500 mL ng Lactacyd Baby Body & Hair Wash naman ay Php 485.00 at Php 230.00 para naman sa 250 mL ng Lactacyd Toddlertubs Bubbles.

Bakit maganda ito?
Isa na d'yan ang Dove Hair to Toe Baby Wash. Gaya ng nakasanayan sa Dove products, hypoallergenic ito at moisturizing.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong mild scent na hindi matapang para sa skin ng iyong little one. Iniiwan din nitong mabango at fresh ang skin ni baby matapos ang bathtime.
- Ingredients
- Halos kasing gentle lang ito ang tubig. Ito'y tested ng ophthalmologist, dermatologist, at pediatricians kaya ito ay hypoallergenic at tear-free, at dahil mild ingredients ang gamit nito, pwede ito gamitin kahit ng newborns at mga sanggol na prone sa eczema.
- Presyo
- Sa halagang Php 295.00 mayroon ka ng Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Rich Moisture 400 mL.

Bakit maganda ito?
Allergy-tested ang baby wash na ito kaya makakasigurado kang safe para kay baby. Two-in-one na rin ito kaya pwede sa scalp ni baby at sa buong katawan.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong light at fresh fragrance.
- Ingredients
- Ito'y gumagamit ng mild ingredients para maging hypoallergenic at tear-free. Aprubado rin ito ng mga pediatrician, dermatologists at ophthalmologists at pwede gamitin sa sensitive skin mula nang ipanganak si baby.
- Presyo
- Ang Cetaphil Baby Gentle Wash & Shampoo 230 mL ay nagkakahalaga ng Php 333.00

Bakit maganda ito?
Nagdaan ang produktong ito sa 450 tests at measures para makasiguradong effective ito at gentle. Dahil dito, kabilang ito sa aming picks ng best baby wash for newborns in the Philippines.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong gentle formula with avocado na nagpro-protekta ng skin ng bata.
- Ingredients
- Ang kanilang main active ingredient ay galing sa avocado na mainam para sa sensitibong balat ng bata. Sa katunayan, ito ay ginawa para sa newborns kasama na ang mga bata na nasa NICU. Matutuwa rin ang mga animal lover at eco-conscious moms dito dahil ito ay walang animal-sourced ingredients.
- Presyo
- Mas mahal ito kumpara sa ibang brands sa listahan na ito. Mabibili ang Mustela Gentle Cleansing Gel 500 mL sa halagang Php 880.00.

Bakit maganda ito?
Ang Johnson's Top-To-Toe Baby Bath ay hindi exception dito. Ito ay isang effective product dahil ito ay tested with pediatricians. Ito din ay 2-in-1 kaya pwede para sa buhok at katawan ni baby.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong gentle scent na hindi masakit sa ilong.
- Ingredients
- Ang baby wash na ito ay pH-balanced at hypoallergenic. Gentle enough ito kaya pwede ito sa newborns kasi halos kasing mild lang nito ang tubig.
- Presyo
- Mabibili ito sa halagang Php 160.00 para sa Johnson's Top-to-Toe Baby Bath 200 mL.

Bakit maganda ito?
Gaya ng Johnson's, ang Tender Care ay isa ding household name. Isa ito sa mga pinakaabot-kayang baby wash na available ngayon.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Tulad ng nasa pangalan nito, mayroon itong gentle scent ng jasmine at cotton.
- Ingredients
- Sinuri ang produktong ito ng mga dermatologists mula sa US. Ito din ay sinasabing hypoallergenic at gentle para sa balat at mata ng bata.
- Presyo
- Php 437.00 para sa Tender Care Jasmine Cotton Hypo-Allergenic Baby Wash 500 mL.

Bakit maganda ito?
Ang Aveeno Baby Wash and Shampoo formula ay merong natural oat extract na sinasabing nakaka-soothe ng balat ng bata habang pinapa-healthy at nililinis ito.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay lightly scented lamang kaya hindi ka mag-aalala na makakasama ito kay baby.
- Ingredients
- Ang Aveeno Baby Wash and Shampoo ay fragrance-free, paraben-free, phthalate-free, hypoallergenic, and steroid-free. Hypoallergenic din ito at tested by pediatricians.
- Presyo
- Mabibili mo ang Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo 236 mL para sa Php 260.00