Best baby wash for newborns sa Philippines, anu-ano nga ba?
Ang skin ni baby ay naturally sensitive kaya mahalagang pumili ng mainam na baby body wash para mapanatiling healthy ang skin ng bata.
Ngunit sa dami nang mga produkto ngayon na nagsasabing sila ang pinakamaganda para kay baby, alin nga ba ang best baby wash for newborns in the Philippines? Basahin mo ang article na ito para mabigyan ka ng idea kung alin ang para sa baby mo.
Talaan ng Nilalaman
Pagpili ng baby body wash
Ngayon na mayroon ka nang little one, ugaliin mong tingnan ang ingredients list ng mga gamit ni baby. Gawin ito hindi lang sa pagkain, pero pati na din sa mga gamit para sa kanyang balat tulad ng baby lotion at yes, baby body wash. Ito ang mga bagay na dapat mong suriin sa pagpili ng body wash na gagamitin para kay baby.
- Scent
- May pabango ba ito or ito ay fragrance-free? Ideally, mas mainam ang fragrance-free dahil ang mga scents ay maaaring makapagdulot ng skin reactions at maka-irita sa sensitibong sense of smell ng bata.
- Ingredients
- Humanap ng mga baby body wash na hypoallergenic lalo na kung ang iyong anak ay prone sa mga skin issues tulad ng eczema, rashes, o dry skin. Tingnan mo ding mabuti kung ano ang mga ginamit dito. Huwag mo nang i-consider ang body wash kung mayroon itong sangkap tulad ng parabens at maging alcohol na maaaring masyadong matapang para sa sensitive skin ni baby.
- Presyo
- Depende sa iyong budget, madaming mga baby body wash ang available sa market. Piliin ang produkto na komportable para sa iyong wallet.
Best Baby Wash for Newborns
Baby Hair & Body Wash
|
Buy Now |
Lactacyd Baby Gentle Care
Best Moisturizing
|
Buy Now |
Baby Dove Hair to Toe Baby Wash for Sensitive Skin
Best for Sensitive Skin
|
Buy Now |
Cetaphil Baby Gentle Wash & Shampoo
Best Hypoallergenic
|
Buy Now |
Mustela Gentle Cleansing Gel
Best Expert-Trusted
|
Buy Now |
Johnson's - Top-to-Toe Baby Bath
Best Tear-Free
|
Buy Now |
Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo
Best Soothing
|
Buy Now |
Mama’s Choice Baby Hair & Body Wash
Siguradong safe ang Mama’s Choice Baby Hair & Body Wash dahil ito ay may lamang natural ingredients na effective sa pag linis ng sensitive skin ni baby.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay may mild scent na perfect para kay baby. Hindi matapang ang amoy, pero mabango parin dahil sa natural ingredients nito.
- Ingredients
- Ang chamomile ay tiyak na nakakatanggal ng irritation at dead skin cells mula sa iyong little one. Ang lavender at sugar maple extract naman ay nakaka strengthen at nakaka moisturize ng kanyang kutis at buhok.
Best Moisturizing Baby Wash for Newborns
Lactacyd Baby Gentle Care
Ang Lactacyd Baby Gentle Care ay eksperto sa pagprotekta sa delicate skin ng isang newborn baby. Mayroon itong natural milk extracts na siguradong safe para kay baby. Makakatulong din ito sa pag soothe at moisturize sa skin ng iyong anak.
Maganda ang Lactacyd Baby Bath para sa sensitive skin ni baby dahil napi-prevent nito ang dryness, irritation at rashes.
Ito rin ay recommended by many pediatricians.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay may mild scent na perfect para kay baby.
- Ingredients
- Milk-based ang Lactacyd Baby products. Mayroon itong Lactoserum at Lactic Acid na makakatulong sa pag nourish ng gentle skin ni baby.
Best Baby Wash for Newborns with Sensitive Skin
Baby Dove Hair to Toe Baby Wash for Sensitive Skin
Kilala ang Dove sa kanilang moisturizing soap bar. At hanga rin kami sa product line na binuo nila for babies! Kaya naman isinama namin ang Baby Dove Hair to Toe Baby Wash for Sensitive Skin sa aming listahan. Ginawa ito para sa mga newborn babies na may extra sensitive skin. Hypoallergenic at may pH neutral formulation kaya makakatiyak kang di ito magdudulot ng anumang iritasyon.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Fragrance-free ang baby wash na ito para iwas irritation.
- Ingredients
- Halos kasing gentle lang ito ang tubig. Ito’y tested ng ophthalmologist, dermatologist, at pediatricians kaya ito ay hypoallergenic at tear-free, at dahil mild ingredients ang gamit nito, pwede ito gamitin kahit ng newborns at mga sanggol na prone sa eczema. At hindi rin nakalimutan ng Dove na gamitan ito ng 1/4 moisturizing cream para maiwasan ang dryness ng balat.
Best Hypoallergenic Baby Wash for Newborns
Cetaphil Baby Gentle Wash & Shampoo
Isa sa mga trusted brands ng baby products all over the world ay ang Cetaphil. Allergy-tested ang baby wash na ito kaya makakasigurado kang safe para kay baby. Two-in-one na rin ito kaya pwede sa scalp ni baby at sa buong katawan.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Fragrance-free ito kaya’t safe gamitin sa newborn.
- Ingredients
- Ito’y gumagamit ng mild ingredients para maging hypoallergenic at tear-free. Aprubado rin ito ng mga pediatrician, dermatologists at ophthalmologists at pwede gamitin sa sensitive skin mula nang ipanganak si baby.
Best Mom and Expert-Trusted Baby Wash for Newborns
Mustela Gentle Cleansing Gel
Nagdaan ang produktong ito sa 450 tests at measures para makasiguradong effective ito at gentle. Dahil dito, kabilang ito sa aming picks ng best baby wash for newborns in the Philippines.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong gentle formula with avocado na nagpro-protekta ng skin ng bata.
- Ingredients
- Ang kanilang main active ingredient ay galing sa avocado na mainam para sa sensitibong balat ng bata. Sa katunayan, ito ay ginawa para sa newborns kasama na ang mga bata na nasa NICU. Matutuwa rin ang mga animal lover at eco-conscious moms dito dahil ito ay walang animal-sourced ingredients.
Best Tear-Free Baby Wash for Newborns
Johnson’s Top-to-Toe Baby Bath
Sino nga ba sa atin ang di nakakakilala sa Johnson’s? Isa rin nito sa kinalakihang brand natin mga Pinoy pagdating sa baby products! Kaya naman kasama rin sa aming list ang Johnson’s Top-To-Toe Baby Bath. Ito ay isang effective product dahil ito ay tested with pediatricians. Ito din ay 2-in-1 kaya pwede para sa buhok at katawan ni baby.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Mayroon itong gentle scent na hindi masakit sa ilong.
- Ingredients
- Ang baby wash na ito ay pH-balanced at hypoallergenic. Gentle enough ito kaya pwede ito sa newborns kasi halos kasing mild lang nito ang tubig.
Best Soothing Baby Wash for Newborns
Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo
Ang Aveeno Baby Wash and Shampoo formula ay merong natural oat extract na sinasabing nakaka-soothe ng balat ng bata habang pinapa-healthy at nililinis ito.
Features na gusto namin dito:
- Scent
- Ito ay lightly scented lamang kaya hindi ka mag-aalala na makakasama ito kay baby.
- Ingredients
- Ang Aveeno Baby Wash and Shampoo ay fragrance-free, paraben-free, phthalate-free, hypoallergenic, and steroid-free. Hypoallergenic din ito at tested by pediatricians.
- Presyo
- Mabibili mo ang Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo 236 mL para sa Php 412.00
Price Comparison Table
Brand | Volume | Price | Price per ml |
Mama’s Choice | 200 ml | Php 189.00 | Php 0.95 |
Lactacyd | 250 ml | Php 325.00 | Php 1.30 |
Dove | 400 ml | Php 395.00 | Php 0.99 |
Cetaphil | 400 ml | Php 530.00 | Php 1.33 |
Mustela | 500 ml | Php 920.00 | Php 1.84 |
Johnson’s | 200 ml | Php 188.00 | Php 0.94 |
Aveeno | 236 ml | Php 412.00 | Php 1.75 |
Tips sa pag-aalaga ng newborn skin
Ang pag-aalaga ng balat ng newborn ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan at kagandahan nito. Narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin:
- Piliin ang tamang mga produkto. Gamitin ang mga hypoallergenic at mild products na naka-ayon sa sensitibong balat ng sanggol.
- Iwasan ang mga pabangong malalakas at mga produktong naglalaman ng mga matinding kemikal.
- Linisin ang balat ng sanggol gamit ang maligamgam na tubig. Iwasan ang sobrang init na tubig at hindi kailangang matagalang pagpapaligo.
- Punasan ang balat ng baby ng dahan-dahan gamit ang malambot na tuwalya, at iwasan ang pag-rub o pag-kuskos. Patuyuin ang mga skin folds, tulad ng leeg, kilikili, at singit upang maiwasan ang pagkakaroon ng rashes o impeksyon.
- Gumamit ng mild na moisturizer o baby lotion na nakakatulong sa mapanatili ang balat na malambot at hydrated. Piliin ang mga produkto na walang harsh chemicals o fragrances.
- Palitan ang diaper ng sanggol sa tuwing mabasa ito upang maiwasan ang rashes at impeksyon. Linisin ang puwitan gamit ang mild na baby wipes o malinis na tuwalya na basa sa tubig.
- Kung may mga kahalintulad na rashes, balat na may pamumula, o kahit anong sakit sa balat na hindi maalis sa loob ng ilang araw, mahalagang kumunsulta sa doktor para sa tamang diagnosis at paggamot.
Mahalagang isaalang-alang na ang balat ng sanggol ay sensitibo at madaling iritate, kaya’t dapat mag-ingat sa mga ginagamit na produkto at paraan sa pag-aalaga.