Best Baby Head Pillows in the Philippines

Naghahanap ka ba ng unan para sa ulo ni baby? Inilista namin ang ilan sa mga best baby head pillows na maaari mong mabili sa Pilipinas.

Naghahanap ka ba ng unan na hindi magde-deform sa ulo ng iyong baby? Sa artikulong ito, ililista namin ang ilan sa mga best baby head pillows na maaari mong mabili sa Pilipinas.

Ang pagmasdan ang iyong sanggol habang natutulog ay isa sa mga pinaka-satisfying na bagay para sa isang bagong Mama. Gayunpaman, alam mo ba na dapat kang maglaan ng atensyon sa uri ng unan na ginagamit ng iyong baby?

Kadalasan, hindi lahat ng uri ng unan ay makakapagbigay ng sapat na suporta sa likod, leeg, at ulo ng iyong sanggol. Ang paggamit ng karaniwang unan ay maaaring makasama sa kanilang lumalaking katawan at magdulot ng seryosong problema sa kanila sa hinaharap.

Tulad ng lagi nating sinasabi, mas maganda nang maging ligtas kaysa magsisi sa huli. Kaya naman naririto kami upang magbigay sa inyo ng mga dapat malaman upang mahanap ang best baby head pillows para sa iyong baby.

Bukod dito, ililista rin namin ang ilan sa aming mga top picks. Handa ka na ba?

 

Mga Bagay na Dapat Hanapin sa Iyong Susunod na Baby Head Pillow

  1. Laki

Una, isipin ang laki ng unan. Maraming uri ng unan na maaring mabili ngayon, kaya dapat ay mag-ingat sa mga unan na maaaring masyadong malaki para sa iyong baby.

Sa kabilang banda, kung naghahanap ka ng unan para sa isang mas malaking sanggol, mahalagang iwasan ang mga mas maliit na unan na maaaring magdulot ng tensyon sa kanilang leeg.

  1. Materyal

Dahil madalas at matagal na didikit ang unan sa balat ng iyong baby, mahalagang tingnan din ang materyal nito. Bilang pangkalahatan, mas mainam na pumili ng mga natural na tela na nakakahinga tulad ng cotton, bamboo, hemp, o silk.

Bukod pa rito, dapat ding tingnan kung mayroong mga matutulis o matigas na disenyo na maaaring makasakit sa iyong sanggol. Mag-ingat sa mga zipper, buttons, at iba pang mga katulad na aksesoris.

  1. Pag-aalaga

Maraming gawain ang isang Mama araw-araw habang inaalagaan si baby. Ang huling bagay na nais nating idagdag ay isa pang hindi praktikal na bagay na magpapahirap pa sa iyong araw-araw na gawain.

Kaya naman mas mainam na pumili ng baby pillow na madaling itago at linisin. Sa paghahanap ng best baby pillow, hanapin ang mga ito na ligtas na malilinis sa automatic washing machine at dryer.

Bukod pa dito, mas mainam ding pumili ng mga unan na madaling ifold at itago kapag hindi ginagamit o kapag nag-ttravel.

  1. Presyo

Syempre, ang isang Mama ay dapat laging praktikal pagdating sa mga bagay na bibilhin niya para sa kanyang baby. Sa katunayan, dahil sa tumataas na halaga ng gastusin, mahalagang mag-budget ng maayos.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na dapat laging pumili ng pinakamurang option dahil maaaring mas magdulot ito ng kasamaan kaysa kabutihan.

Ang mahalaga ay suriin ang halaga base sa kalidad ng bawat item. Bigyang-pansin din ang mga kinakailangan mo lamang na mga feature.

 

Best Baby Head Pillows in the Philippines

6 Best Baby Head Pillows in the Philippines
Mama's Choice - Flat Head Prevention Pillow
Buy from Shopee
Einmilk Baby Pillow
Buy from Shopee
Babymoov Ergonomic Baby Pillow
Buy from Shopee
Mimos Anti-Flat Head Pillow
Buy from Shopee
Bub a Petit Baby Head Shaping Pillow
Buy from Shopee
Swaddies Newborn Memory Foam Head Shaping Pillow
Buy from Shopee

 

Mama’s Choice

Ang Mama’s Choice Flat Head Prevention Pillow ay nasa unahan ng aming listahan dahil ito ay nagtutugma sa lahat ng mga kailangan natin sa isang baby pillow. Mayroon itong concave contour na nagbibigay ng suporta sa ulo ni baby at hindi ito magdudulot ng deformasyon.

Mayroon din itong 3 cm na mga organic fiber na komportable at hindi magdudulot ng irritation. Ito ay dumaan sa masusing pagsusuri ng experts sa Singapore at itinuturing na hypoallergenic.

Ang pinakamagandang bahagi ay ang unan na ito ay hindi lamang nagagamit sa kama, kundi ito rin ay maaaring i-install sa stroller, car seat, at iba pa.

Bakit mo ito magugustuhan:

  • Mayroong concave contour
  • Gawa sa magandang tela
  • Sinuri sa Singapore
  • Magagamit sa kama, stroller, car seat, at iba pa.

 

Einmilk

Ang Einmilk Baby Pillow ay isa sa pinakamura sa aming listahan. Dahil dito, inirerekomenda namin itong produktong ito sa mga Mamas na gusto mag-subok ng ergonomic baby pillows na may abot-kayang presyo.

Ito rin ay partikular na dinisenyo upang maiwasan at mai-correct ang baby flat head syndrome, kaya maganda itong option kung ito ay isa sa iyong concern.

Ang laki ng unan ay 22 cm by 8 cm na ideal para sa mga sanggol na bagong silang.

Bakit mo ito magugustuhan:

  • Pinakamura
  • Ginawa para maiwasan at mai-correct ang baby flat head syndrome
  • Tama ang laki para sa mga bagong silang na sanggol

 

Babymoov

Para sa mas malalaking sanggol, recommended namin ang Babymoov Ergonomic Baby Pillow dahil compatible ito para sa babies hanggang isang taong gulang.

Ito ay may ergonomic head cushion na umaangkop sa hugis ng ulo ni baby. Ito ay magtitiyak na pantay ang pressure sa ulo ng sanggol.

Mayroon din itong teknolohiyang Coolmax® na nag-aadjust sa temperatura ng sanggol upang maiwasan ang pagpapawis.

Bakit mo ito magugustuhan:

  • Angkop sa mga sanggol hanggang isang taong gulang 
  • Nagbibigay ng pantay na pressure sa ulo ng sanggol
  • May Coolmax® technology para hindi pagpawisan ang sanggol

 

Mimos

Ang Mimos Anti-Flat Head Pillow ay isang medical grade pillow na inirerekomenda ng mga doctor. Ito ay napatunayan nang nakakaiwas ng baby flat head syndrome. Ang medical grade pillow na ito ay dinisenyo ng mga engineers na nasa isip ang kalagayan at kaligtasan ng iyong baby.

Ito ay di tulad ng ibang pillows sapagkat mayroon itong patented ‘torus’ design na binubuo ng 32 layers ng 3D mesh fabric. Ang layunin nito ay upang mai-distribute ng maayos ang pressure sa gentle skull ng iyong baby.

Bakit mo ito magugustuhan:

  • Breathable ang fabric
  • Inirerekomenda ng mga doctor
  • May iba’t ibang sizes

 

Bub a Petit

Ang Bub a Petit Baby Head Shaping Pillow ay may anti-rolling protection zone at 360 degree setting area. Maganda ito dahil ito ay perfect para sa maingat na pag-tulog ng iyong baby.

Gawa ito sa 100% cotton at 5D Memory foam (highest standard), kaya sigurado kang komportable si baby kapag ginagamit niya ang pillow na ito. Ang laki ng unan ay 35cm x 22cm x 3cm.

Bakit mo ito magugustuhan:

  • May anti-rolling protection zone at 360 degree setting
  • Pwedeng pumili sa 6 na cute designs
  • Gawa sa 100% cotton at 5D Memory foam (highest standard)

 

Swaddies

Kakaiba din ang design ng baby pillow na ito. Ang Swaddies Newborn Memory Foam Head Shaping Pillow ay may Viscoelastic Memory Foam na high quality, organic, at breathable.

Nasubukan na ito sa mga lab para siguraduhing magiging tama ang hugis ng ulo ng iyong baby, at siya ay komportable habang ginagamit ang pillow na ito.

 

At iyan na! Nais namin kayong i-wish ng good luck sa paghahanap ng tamang unan para sa iyong sanggol na magbibigay ng magandang pahinga sa inyo at sa iyong sanggol.

 

READ MORE:

What causes Flat Head Syndrome and how parents can prevent it

Flat Head Prevention Pillows in the Philippines: 7 Best Brands

Best Gift For Baby Girl: Ideas for Baby Shower, Birthdays, Christening, and Other Occasions

Sinulat ni

Patricia Sioson