Pinaalalahanan ng mga Security Experts mula sa National Cyber Security Centre (NCSC) ang mga magulang na gumagamit ng smart devices gaya ng baby monitor na mag ingat. Ito raw ay malapit sa cyberattacks at maaaring ma-hack. Dahil sa mga past incidents na naitala, pinapayuhan nila ang mga gumagamit nito na i-check maigi ang kanilang baby monitors lalo na kung matagal na ito.
Ayon sa technical director ng NCSC, kahit na magandang gamitin ang smart devices, ito ay may hatid pa ring kapahamakan.
Safe bang gamitin ang smart devices at baby monitors?
Ang isang cellphone ay kadalasang naka konekta sa mga Wi-Fi. Nakakatulong ito upang makahanap ng mabilisang information. Kung sino man ang may moderate technical knowledge pagdating dito ay may kakayahan ring i-hack ang Wi-Fi sa inyong bahay. Gaya na lang ng pagbabantay mo sa iyong anak gamit ang baby monitor.
Dagdag pa rito, ang mga murang baby monitor ay karaniwang hindi maganda ang security system. Ang ibang manufacturers ay naglalagay ng mga madadaling password katulad ng ‘0000’ o ‘admin’. At dahil dito, napakadali para sa mga cyber-criminals i-hack ang device.
Kaya nilang magamit ang smart cameras para sa kanilang planong pagnanakaw na maaaring maglagay sa pamilya mo sa kapahamakan.
Tips para maiwasan ang iyong baby monitors sa mga hackers
- Once na makabili ka na ng baby monitor, palitan agad ang password nito. Siguraduhin ding ito ay bago at may password na kakaiba at mahirap hulaan. Mahalaga ang password para ikaw lang ang magkaroon ng access dito.
- ‘Wag kakalimutang i-update lagi ang iyong device. Makakatulong rin kung mag-i-install ng security software dito.
- ‘Wag kakalimutang i-off ang mga features sa iyong phone at camera kung hindi ito ginagamit. Kung ayaw mo naman ng madaming features, pwede mo naman itong i-disable.
- Hanapin ang encryptions kung kinakailangan. Ang baby monitor ay kailangang may SSL/TSL encryption para ma-transmit ang video sa internet.
- I-disable ang UPnP at port forwarding sa iyong router. Ito ay maaaring magamit sa online gambling at makakatulong para ma-locate ang device mo.
Nag-iisip naman ang gobyerno ng mga bagong law at mandates sa security standards para mapanatili ang kaligatasan ng iyong baby. Lahat ng smart device manufacturers ay kailangan munang mag-comply sa mga bagong batas para maprotektahan ang kaligtasan ng customer.
Hindi natin maitatanggi na kasama sa importanteng gamit ng isang bata ay ang baby monito. Malaki kasi ang naitutulong nito lalo na kung nakahiwalay ng kwarto si baby sa mga magulang. Maaari mong makita ang sitwasyon ni baby sa kanyang kwarto gamit ang baby monitor.
Ano pa ang kailangan mong gawin?
Mommy, bago bumili ng baby monitor, kailangang maging mapanuri at matalino dito. Maiiwasan natin ang kapahamakan kung nag iingat tayo sa mga binibiling produkto lalo na kung para kay baby. Narito ang mga kailangang tandaan sa pagbili ng baby monitor:
- Tignan mabuti ang mga requirements sa bibilhing smart device. I-compare ang mga posibleng pros and cons sa bibilhing baby monitors at digital baby monitors bago tuluyang bilhin ang mga ito.
- Suriing mabuti ang bibilhing baby monitor.
- Asahan mo na ang makukuha mong sistema sa bibilhin mo. Katulad na lamang kung mura ang bibilhin mong device. Ang mga murang baby monitors ay kadalasang hindi maganda ang security provisions. Sa ganitong sitwasyon, mag invest ng mahal para ma-secure kaligtasan ng iyong little one. Di bale nang mahal ang mabibili basta alam mong secured at malayo sa disgrasya si baby at ang pamilya mo.
- Ang pinakahuli sa lahat, ‘wag kakalimutang i-update ang iyong smart devices at baby monitors kung sakaling may bagong available updates. Dalasan rin ang pagpapalit ng iyong password upang mapanatili ang seguridad.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: Spooked parents see ghostly baby beside toddler on their baby monitor