Baby Hair Care: Best Baby Shampoo In The Philippines

Alamin ang best baby shampoo in the Philippines na inire-rekumenda ng mga Pinay Mommies. Alamin din ang kanilang presyo at kung saan mabibili.

Ang buhok at scalp ni baby ay nangangailangan ng special care, gaya na lamang sa pag-aalaga sa kanyang sensitive skin. Bilang isang magulang, nararapat lamang na malaman natin ang tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng kanilang buhok at scalp upang ito ay maging healthy. At isa ang baby shampoo sa essentials na makatutulong sa maganda at healthy na development ng buhok at scalp.

Sa kabilang banda, marami nang naglalabasan na baby shampoo sa market na nangangakong bibigyan ng sapat na pangangalaga ang buhok at scalp ni baby. Ngunit paano ka makakasigurado na ito ang nararapat gamitin para sa iyong baby?

Worry no more! Narito kami para tulungan ka. Inilista namin ang aming top 6 baby shampoo picks na gentle at magbibigay ng special care sa buhok at scalp ng iyong little one.

Pagpili ng baby shampoo para sa inyong little one

Ang mga sumusunod ang ilang sa mga ingredients na dapat tignan sa pagpili ng tamang baby shampoo sa inyong baby.

1. Fruit oils

Madalas ito nilalagay para amoy fresh ang amoy ng buhok ni baby lalo na yung mga pawisin. Ginagamit din ang fruit oils para sa dagdag na moisturizer sa scalp ng baby. Halimbawa nito ang avocado oil at mixed berries oil.

2. Chamomile extract

Para maiwasan ang pangangati sa scalp ni baby. Nakakapagpatibay rin ito ng buhok at nagpapalago.

3. Sunflower seeds oil

Kilala rin ito sa para sa magandang pagtubo ng buhok. Mayroon din itong antioxidant at vitamin E na kailangan ng ating katawan.

4. Plant based glycerin

Ito ay kadalasan gawa sa soybean o coconut oil kaya naman ito ay mild at may magandang benefits sa hair ni baby. Ang soybean oil ay nagbibigay ng natural moisture. Habang ang coconut oil naman ay napakaraming benefits na binibigay para masigurong healthy ang scalp at buhok ng ating baby.

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands

Ang mga sumusunod na ingredients ang mga dapat iwasan sa pagbili ng baby shampoo.

  • Parabens o mga kemikal na ginagamit bilang preservative sa iba’t ibang mga produkto sa balat.
  • Phthalates o yung kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic na mga produkto.
  • Dyes o pampakulay na gawa sa kemikal na nakakasira sa balat.
  • Sulfate o SLS na karaniwang makikita sa mga panlinis sa ating bahay.
  • Fragrant na gawa sa harmful ingredients.

Baby shampoo brands na trusted ng Pinay moms

Hindi makukumpleto ang shopping list mo para sa iyong precious one kung wala ang baby shampoo. Kaya naman kung naghahanap ka ng gentle at baby-safe shampoo, alamin ang aming top picks ng 10 best baby shampoo in the Philippines:

Best Baby Shampoo Brands
Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash
BUY FROM SHOPEE
Johnson's Active Kids Shiny Drops Shampoo
Most trusted
BUY FROM SHOPEE
Sanosan Organic Baby Shampoo
Best organic
BUY FROM LAZADA
Baby Dove Shampoo Rich Moisture
Best Hypoallergenic
Buy Now
Cetaphil Baby Shampoo
Best baby shampoo
Buy Now
Mustela Foam Shampoo
Best Natural
Buy Now

Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Mama’s Choice

Isa pa sa katangian na dapat tingnan sa pagpili ng baby shampoo na  gagamitin para kay baby ay ang pH level. Kinakailangan na ang pH level ng baby shampoo na gagamitin ay balanced o neutral nang sa ganoon ay ‘di ito magkaroon ng irritating effects sa balat ni baby. Kaya’t kung ikaw ay naghahanap ng 2-in-1 baby shampoo at wash na may balanced pH at hypoallergenic, subukan ang Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash. Pasok na pasok ito sa best baby shampoo in the Philippines.

Ito ay gawa sa natural ingredients na effective sa paglilinis ng sensitive skin ni baby. Ang chamomile, lavender, at sugar maple extract nito ay nakaka strengthen at nakaka moisturize ng kutis at buhok. Ito rin ay Pediatrician approved kaya naman siguradong hindi ka mabibigo sa pag gamit ng produktong ito para sa iyong anak. 

Features we love:

  • May balanced pH at hypoallergenic
  • 2-in-1 baby wash at shampoo
  • Gawa sa natural ingredients

 

Johnson’s Active Kids Shiny Drops Baby Shampoo

Most Trusted

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Johnson’s

Trusted ng mga nanay around the world, ang Johnson’s Active Kids Shiny Drops Shampoo  ay itinanghal bilang Parents’ Choice 2023 sa TAP Awards 2023. Ito ay may mild formula na nakakapag moisturize ng scalp ni baby at mayroong balanced pH. Ito rin ay may no more tears formula na gentle para sa mga mata ng iyong precious one. Gawa sa baby-safe ingredients, ito ay walang parabens, phthalates, sulfates at dyes.

Bukod pa roon, ang baby shampoo na ito ay hypoallergenic. Mayroon din itong argan oil at silk protein na nakakatulong upang maging shiny at silky ang buhok ng iyong growing baby. Ang produktong ito ay tested din ng Pediatricians kaya’t makakasigurado kang ligtas ito gamitin para sa iyong precious one.

Features we love:

  • Mild at no more tears formula
  • Argan oil at silk protein
  • Paraben, phthalates, sulfates at dye-free
  • May balanced pH at hypoallergenic
  • Trusted ng mga mommies at ng experts

 

Sanosan Organic Baby Shampoo

Best Organic

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Sanosan

Kung ang hanap mo naman ay organic baby shampoo, i-add to cart mo na kaagad ang Sanosan Organic Baby Shampoo. Ito ay may kakayahang mag moisturize at i-rebalance ang scalp ni baby upang mas maging healthy ito, maging ang kanyang buhok. 

Ang combination ng organic olive oil at milk protein ay mabisang sangkap upang malabanan ang dryness ng scalp at buhok. Ito ay dahil sa may kakayahan ang mga ingredients na ito upang mapanatili ang natural moisture content ng scalp. Bukod dito, ang produktong ito ay walang halong harmful chemicals gaya ng paraffin oil, colorants, silicone at parabens.

Features we love:

  • Gawa sa mga organic ingredients
  • Nalalabanan ang dryness ng scalp at buhok
  • Walang halong harmful chemicals

 

Baby Dove Shampoo Rich Moisture

Best moisturizing

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Baby Dove

Kinakailangan ng scalp ni baby ang intense moisturization upang maiwasan ang dryness na maaaring maging sanhi ng iba’t ibang health concerns. Ang Baby Dove Shampoo Rich Moisture ay isa pa sa ideal na gamitin para kay baby sapagkat ito ay mayroong ¼ moisturizing cream na nakakapag nourish ng scalp ng iyong precious one.

Gentle ito sa balat kaya naman sigurong magiging healthy ang scalp ni baby at gaganda ang pagtubo ng kanyang buhok. Ito rin ay hypoallergenic at may neutral pH level kaya’t makakatiyak kang makakaiwas ang iyong anak sa anumang iritasyon. Bukod pa roon ay ito ay may tear-free formula.

Features we love:

  • Moisturizing baby shampoo
  • May ¼ moisturizing cream
  • Hypoallergenic at may neutral pH level

 

Cetaphil Baby Shampoo

Best scalp caring

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Cetaphil

Para sa mga magulang, mahalagang piliin ang baby shampoo na nagbibigay ng extra care para sa scalp ni baby. Kapag healthy ang scalp ni baby, healthy rin ang kanyang buhok. Kaya naman aming inirerekomenda ang isa pa sa mga experts at parents trusted na baby shampoo mula sa Cetaphil.

Ang Cetaphil Baby Shampoo ay may gentle caring composition na naglilinis ng buhok at scalp ni baby habang pinapanatili ang moisture nito. Mayroon itong natural chamomile extract na makatutulong para maging healthy ang scalp ni baby. Ito rin ay may tear-free formula at balanced pH level na ideal para sa pang araw-araw na gamitan. Ang produktong ito ay tested ng mga Dermatologists at Ophthalmologists, at inirerekomenda ng mga Pediatricians kaya naman sure na sure kang safe ito para sa iyong precious one.

Features we love:

  • Nakakatulong upang maging healthy ang scalp
  • Gawa sa gentle caring ingredients
  • Tested at recommended ng mga experts

 

Mustela Foam Shampoo

Best for cradle cap

Best Baby Shampoo In The Philippines: Gentle & Baby-Safe Brands | Mustela

Isa sa mga common concerns sa scalp ng baby ay ang cradle cap. Ang dryness ng balat ay isa sa nagiging sanhi nito kung kaya’t effective gamitin ang baby shampoo na may foamy texture para mas intense ang moisturization ng scalp. At isa sa pinaka pinagkakatiwalaan na anti-cradle cap shampoo sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo ay ang Mustela Foam Shampoo.

Naglalaman ang baby shampoo na ito ng Avocado Perseose na nagbibigay proteksyon sa skin barrier, nakakapag moisturize at nagpre-preserve ng cellular richness ng balat. Ito rin ay may salicylic acid na mabisang pantanggal ng cradle cap dahil ito ay may exfoliating effect. Mayroon din ito climbazole na nakakapag purify ng balat at mild surfactants na gentle na nililinis ang scalp habang iniiwasan ang pagkadry nito. 

Features we love:

  • Mabisang baby shampoo para sa cradle cap
  • Foamy texture
  • Naglalaman ng natural at skin-caring ingredients

 

Price Comparison Table

Brand Volume Price (Php) Price per ml (Php)
Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash  200 ml 399.00 2.00
Johnson’s Active Kids Shiny Drops Baby Shampoo  100 ml 99.00 0.99
Sanosan Organic Baby Shampoo  200 ml 300.00 1.50
Baby Dove Shampoo Rich Moisture  200 ml 284.00 1.42
Cetaphil Baby Shampoo  200 ml 340.00 1.70
Mustela Foam Shampoo  120 ml 620.00 5.17

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date

Hair care tips para kay baby

Narito ang ilang mga tips sa pag-aalaga ng buhok ni baby:

  1. Gumamit ng mild na shampoo na espesyal na ginawa para sa sanggol. Iwasan ang mga produktong may matapang na kemikal na maaaring makairita sa kanilang balat.
  2. Limitahan ang paghuhugas ng buhok ng sanggol sa 2-3 beses kada linggo upang hindi masyadong matuyo ang kanilang anit.
  3. Gumamit ng malambot na towel o tuwalya. Patuyuin ang buhok ng sanggol ng banayad na pagpiga gamit ang malambot na towel.
  4. Pagkatapos paliguan si baby, lagyan ng kaunting baby oil o baby lotion sa anit si baby upang panatilihing malambot ang kanilang buhok.
  5. Gamitin ang malambot na suklay o brush.
  6. Iwasan gumamit ng mga goma o iba pang hair accessories na masikip sa ulo.
  7. Alagaan ang kalusugan ng sanggol. Ang isang malusog na pangkalahatang kalusugan ay makakatulong sa pangangalaga ng buhok ni baby.

Mommies and daddies! Ngayong alam niyo na kung anu-ano ang best baby shampoo in the Philippines, ano pang hinihintay ninyo? Mag-add to cart na agad! Sure na sure kaming makakakuha kayo ng discounts at iba’t ibang promos kaya ‘wag ninyo iyon palampasin.