Best Baby Soap & Wash For Your Little One's Sensitive Skin

Kailangan ang tamang pagpili ng soap for baby's delicate skin. Alamin dito kung anu-ano ang best baby soap for sensitive skin available online!

Extra sensitive ang balat ng mga babies. Kinakailangang maging maingat sa pag-aalaga nito, maging ang pagpili ng mga produktong gagamitin para sa kanila.

At isa sa mga madalas na gagamitin para sa kanilang balat ay ang baby soap o wash. Napakaraming brands na available sa market at pare-parehas na nangangakong mangangalaga sa balat ng iyong little one. Sa kabilang banda, hindi lahat ay akma para sa iyong anak. Kaya naman nararapat lamang na pagtuunang pansin ang pamimili ng brand na gagamitin.

Huwag mag-alala parents dahil narito kami upang tulungan kayo! Keep on scrolling at alamin ang aming top picks ng baby soap for sensitive skin in bar and liquid form. Plus, kumuha ng tips kung paano mapaliguan ng wasto at maingat ang iyong little one.

How to choose the best baby soap and wash

Anu-ano nga ba ang dapat i-consider bago bilhin ang sabon na gagamitin sa sensitibong balat ng iyong little one? Narito ang ilan:

  • Formulation – Humanap ng sabon o baby wash na may gentle at hypoallergenic formulation, at hindi naglalaman ng mga harsh chemicals gaya ng parabens, alcohol, phthalates, artificial fragrances at colorants. Kung maaari, piliin ang mga produktong naglalaman ng natural at organic ingredients.
  • Reviews – Malaking tulong din ang pagreresearch at pagbabasa ng mga reviews ng mga magulang na gumagamit ng brand na plano mong piliin. Base sa kanilang mga experience at obserbasyon habang gamit nila ang partikular na brand sa kanilang anak, makakakuha ka ng idea kung iyon ba ay akma rin para sa iyong baby.
  • Price – Humanap ng product na hindi masyadong mahal pero mayroong magandang quality at ligtas gamitin para sa iyong little one.

Best baby soap and wash for sensitive skin

Best baby soap and wash
Mama's Choice Baby Hair & Body Wash
Best Overall
Buy Now
Johnson’s Cottontouch Top-To-Toe Bath
Best Tear-Free
Buy Now
Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash
Best for Dry Skin
Buy from Lazada
Aveeno Baby Cleansing Therapy Moisturizing Wash
Best for Eczema-Prone Skin
Buy Now
Baby Dove Rich Moisture Baby Soap
Best Hypoallergenic
Buy from Shopee
Mustela Soothing Cleansing Gel
Best for Extra Sensitive Skin
Buy from Lazada
Tender Care Classic Mild Hypo-Allergenic Baby Soap
Most Budget-Friendly Baby Soap
Buy from Shopee

Best Hair and Body Wash

Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Mama’s Choice

Siguradong safe at maalagaan ang sensitive skin ni baby gamit ang Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash. Gawa ito sa natural ingredients na effective sa pag linis ng kanyang skin.

Ang mild scent nito ay perfect para kay baby dahil hindi matapang ang amoy, pero mabango parin. May laman din itong chamomile ingredient na nakakatanggal ng irritation at dead skin cells. Ang lavender at sugar maple extract naman ay nakakatulong sa pag strengthen at moisturize ng kutis at buhok ni baby.

Features we love:

  • Nourishes and protects baby’s skin from irritation.
  • Gets rid of dead skin cells.
  • Promotes healthy hair growth.
  • Can be used for hair and body.

Best Baby Wash for Newborns

Johnson’s Cottontouch

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Johnson’s

Tamang-tama for newborn babies ang Johnson’s CottonTouch Baby Wash. Napapanatili nitong soft at smooth skin dahil sa taglay nitong natural cotton at milk proteins. Johnson’s Cottontouch. Mayroon itong mild, pH balanced at hypoallergenic formulation kaya’t ligtas gamitin sa sanggol.

Karagdagan, mas magiging panatag ang iyong loob sa paggamit nito dahil hindi ito naglalaman ng parabens, phthalates o dyes na maaaring makairita ng balat. Tested din ito ng experts at recommended ng mga Pediatricians.

Kumpara sa mga normal na baby soap, doble ang moisturizing power ng baby wash na ito.

Highlights:

  • Blended with natural cotton and milk proteins.
  • Hypoallergenic and pH balanced.
  • Double moisturizing power.

Best Baby Soap for Dry Skin

Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Cetaphil

Kapag dry ang balat ni baby, prone siya sa iba’t ibang skin conditions gaya na lamang ng eczema. Kaya naman magandang masolusyunan ito kaagad at gumamit ng baby soap na may gentle at moiturizing formulation gaya na lamang ng Cetaphil. Ang Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash ay nagtataglay ng panthenol na nagbibigay hydration at glycerin na nakakapagpalambot ng balat. Sinamahan pa ito ng aloe vera, almond oil at 1/3 lotion na may moisturization effects din sa skin.

Bukod pa riyan, soap-free rin ang baby wash na ito at gawa sa mga hypoallergenic ingredients. Hindi rin ito naglalaman ng paraben,  fragrances at anumang harsh chemicals na maaaring makasama kay baby.

Features we love:

  • Gentle at hypoallergenic formulation.
  • Hydrating at moisturizing.
  • Ideal gamitin para sa dry skin.

Best Baby Wash for Eczema-Prone Skin

Aveeno Baby Cleansing Therapy Moisturizing Wash

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Aveeno

Nakakaranas ba ng eczema ang iyong baby? Ideal na ipagamit sa kanya ang Aveeno Baby Cleansing Therapy Moisturizing Wash. Ito ay isa sa mga recommended brands ng Pediatricians at pinarangalan ng National Eczema Association Seal of Acceptance kaya naman makakasiguradong ligtas ito gamitin.

Gawa ang baby wash na ito sa natural oatmeal at Provitamin B5 na nakakapagmoisturize at nakakapagpakalma ng iritableng balat dulot ng eczema. Gentle lang din ang formulation nito dahil ito ay soap-free at hindi rin harsh sa mata ng bata. Hypoallergenic din ang produktong ito kaya naman hindi nakakairita sa balat.

Ang kagandahan pa rito ay hindi ito nagtataglay ng mga strong chemicals na maaaring makasama kay baby gaya ng sulfates, parabens, phthalates at fragrance.

Features we love:

  • Suitable for eczema-prone skin.
  • Awarded National Eczema Association Seal of Acceptance.
  • Fragrance-free, soap-free, paraben-free at phthalate-free.

Best Hypoallergenic Baby Soap

Baby Dove Rich Moisture Baby Soap

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Baby Dove

Mabilis mairita ang balat ng baby kaya naman kapag pipili ng sabon para sa kanila, kailangan mong i-check kung ito ba ay may hypoallergenic formulation o hindi naglalaman ng mga skin irritants. At kung hanap mo ay hypoallergenic baby soap, check out Baby Dove Rich Moisture Baby Soap.

Naglalaman ito ng Dove’s signature 1/4 moisturizing cream na nakakapagpalambot at nakakapag retain ng moisture sa balat ng baby. Karagdagan, ito ay may balanced pH level na nagbibigay ng proteksyon mula sa skin irritation at dryness. Mild lamang din ang pagkakagawa rito at Ophthalmologist, Dermatologist at Pediatrician-tested din.

Ang kagandahan pa sa sabong ito ay maaari rin itong maging hair to toe wash.

Features we love:

  • Hypoallergenic baby soap.
  • 1/4 moisturizing cream.
  • Can be used as head to toe wash.

Best Body Wash for Extra Sensitive Skin

Mustela Soothing Cleansing Gel

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Mustela

Kapag mayroong extra sensitive skin ang iyong little one, kinakailangang mas maging mapanuri sa pagpili ng produktong gagamitin sa para sa kanya. Ideal na piliin ang gawa sa organic at natural ingredients upang makasiguradong maiiwasan ang anumang iritasyon. Kaya naman kung kasalukuyan ka pang naghahanap ng baby soap for sensitive skin, tamang-tama ang Mustela Soothing Cleansing Gel.

Binubuo ito ng organically farmed ingredients gaya ng Avocado Perseose na nagbibigay proteksyon sa skin barrier upang makaiwas sa iritasyon at Schizandra, isang uri ng berries na nakakapag improve at nakakapagpakalma ng balat. Nakakapag moisturize at hydrate rin ng balat and soap-free cleanser na ito.

Higit sa lahat, hypoallergenic din ang formulation nito at hindi naglalaman ng parabens, phthalate at phenoxyethanol na maaaring magdulot ng iba’t ibang health concerns.

Features we love:

  • Suitable for very sensitive skin.
  • Organic baby wash.
  • Hypoallergenic at soap-free.

Most Budget-Friendly Baby Soap

Tender Care Classic Baby Soap

Baby Soap For Sensitive Skin: Best Expert Trusted Brands Online | Tender Care

Kilala ang brand na Tender Care pagdating sa mga baby products na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga parents, maging ng mga health experts. Kaya naman kahit na Classic Baby Soap na may hypoallergenic formulation ay maganda ring gamitin para sa delicate skin ng iyong little one.

Swak na swak din ito sa budget dahil kumpara sa ibang baby soap brands, mas mura ito ngunit nakikipagsabayan pa rin ang quality. Bukod dito ay ligtas din ito gamitin dahil wala itong halong parabens at silicone. Mayroon itong gentle at mild scent kaya naman di rin dapat ikabahala na ito ay makakairita sa balat, maging sa respiratory tract ng iyong baby.

Features we love:

  • Budget-friendly baby soap.
  • Hypoallergenic at mild.
  • Gentle fragrance.

 

Price Comparison Table

Brand  Price Pack size Price per ml or g
Mama’s Choice Php 299.00 200 ml Php 1.50
Johnson’s Php 229.00 200 ml Php 1.15
Cetaphil Php 495.00 400 ml Php 1.24
Aveeno Php 680.00  236 ml Php 2.88
Baby Dove Php 190.00   75 g x 3 Php 0.84
Mustela Php 695.00  300 ml  Php 2.37
Tender Care Php 123.00 115 g x 3 Php 0.36

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Paano ang tamang pagpapaligo kay baby?

Dobleng pag-iingat ang kailangan sa paglilinis ng katawan ni baby dahil sa kanyang sensitive skin. May tamang araw at oras sa pagpapaligo kay baby na kinakailangang sundin.

Upang magabayan ka sa pagpapaligo sa iyong little one, narito ang ilang tips kung paano ito gagawin sa ligtas na paraan:

  • Huwag silang paliguan pagkatapos nilang dumede ng gatas o kung sila ay busog.
  • Siguraduhing may akma at may katamtamang init ang temperatura ng lugar na pagpapaliguan sa kanya.
  • Ihanda na kaagad ang mga kailangan bago pa man siya simulang linisan.
  • Bago idampi ang tubig sa kanyang balat, i-check muna kung katamtaman lang ba ang init nito.
  • Huwag maglagay ng kahit anong liquid cleanser sa tubig. Mas mainam ang plain water bilang panligo.
  • Dahan-dahang idampi ang kamay habang nililisan lahat ng parte ng katawan ni baby.
  • Gumamit ng baby soap na may mild at gentle formulation bilang panlinis.
  • Parating suportahan ang ulo ni baby at huwag hayaang mababad sa tubig.
  • Huwag na huwag iiwan ang anak sa pagpapaligo kahit isang segundo.
  • I-massage ang katawan ni baby matapos paliguan. Maaaring gumamit ng baby oil o baby lotion upang mamoisturize ang kanyang balat.

Maaari ring kumonsulta sa inyong trusted Pediatrician upang malamang ang best brand ng baby soap o wash na maaaring gamitin para sa sensitive skin ng inyong anak.

Sinulat ni

Ange Villanueva