Hindi mawawala sa must-haves ng iyong little one ang baby wipes. Gaya ng diaper, onesies, lampin ,medyas at iba pa, palagi mo itong bitbit saan man magpunta basta kasama ang iyong anak. At dahil ginagamit ito direkta sa balat ng iyong precious one araw-araw, napakahalagang pumili ng best baby wipes brand na baby-safe at skin-friendly.
Kung kasalukuyan kang naghahanap ng wipes for baby, keep on scrolling para malaman mo ang aming recommended brands! Plus, matuto nang higit pa tungkol sa paggamit at pagpili ng wet wipes.
Best Baby Wipes in the Philippines
Maya't maya ang pag-ihi at pagdumi ng sanggol, kaya naman palagian din ang pagpapalit ng diaper o lampin. Ito rin ang dahilan kung bakit very helpful na palaging may wipes sa bahay o sa diaper bag ninyo. Para mabigyan ng convenience ang parents sa paglilinis sa inyong little ones, narito ang aming recommendations.
[product-comparison-table title="Best Baby Wipes"]
Best Overall Baby Wipes
[caption id="attachment_483466" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Mama's Choice[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Sikat ang Mama's Choice sa mga produktong safe na safe para sa mga buntis, nagpapasuso at mga babies. Kaya naman hindi naiiba ang kanilang 3 in 1 Gentle Wet Wipes. Ito ay walang halong alcohol, chemicals, o mga harsh ingredients na maaaring magdulot ng irritation sa balat ni baby.
Ang wet wipes na ito ay formulated para sa gentle at hassle-free na paglinis ng maduming mga kamay, mukha, at iba pang parte ng katawan ni baby. Ito ay extra wide, kaya mas malaki ang surface area na nalilinis ng isang wipe. Meron itong chamomile na na isang natural antibacterial ingredient, aloe vera na tinutulungan i-nourish ang balat, at rosemay na isang natural antibacterial din.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- Natural ingredients — chamomile, aloe vera, rosemary
- Makapal, malamabot at mas malapad kumpara sa iba
- Moisturizing at natural antibacterial
- Alcohol-free
- Hypoallergenic
- Dermatologically tested
- Fragrance
- Meron itong natural fragrance mula sa mga natural ingredients
Best Organic Baby Wipes
[caption id="attachment_483469" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Organic[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Bilang magulang, maingat tayo sa pagpili ng products na gagamitin para kay baby. Kaya naman kadalasan, ang mga binibili natin ay yung gawa sa organic materials. Sa Organic Baby Wipes, matitiyak mong organic lamang ang mga ingredients na taglay nito. Naglalaman ang produktong ito ng organic aloe vera na kilala para sa anti-inflammatory at antibacterial properties nito.
Mas magugustuhan mo ang brand na ito dahil ang bawat sheet ay 100% biodegradable kaya't environmental-friendly rin. Wala itong halong chlorine, alcohol, paraben at anumang harsh chemicals na maaaring magdulot ng kapahamakan kay baby.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- Gawa ang wipe nito sa 100% bamboo kaya ito ay biodegradable
- Infused ito ng organic aloe vera
- Wala itong alcohol, chlorine, harsh chemicals at paraben
- Fragrance
- Mild lamang ang scent nito
Best Baby Wipes for Newborn
[caption id="attachment_494510" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Kleenfant[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Perfect para sa newborns ang Kleenfant Baby Wipes. Unscented ito kaya naman hindi mo dapat ipangamba ang anumang iritasyon dulot ng strong fragrance na taglay ng tipikal na wet wipes. Mayroon din itong mild at hypoallergenic formulation na akma para sa delicate skin ng sanggol.
Ang kagandahan pa sa wet wipes na ito ay napakalambot at makapal ang bawat sheet. Wala rin itong taglay na alcohol at parabens at ginamitan lamang ng mga natural na ingredients.
Makakasigurado ka ring mapapangalagaan nito ang balat ni baby dahil ito ay naglalaman din ng aloe vera, vitamin E at fruit extract.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- 99% water
- Natural ingredients — infused with aloe vera, vitamin E at fruit extract
- Extra soft and thick sheet
- 0% Alcohol and paraben
- Fragrance
- Unscented ang wet wipes na ito
Best Baby Wipes for Sensitive Skin
[caption id="attachment_494511" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Yoboo[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Extra sensitive ba ang balat ng iyong little one? Tamang-tama para sa kanya ang Yoboo Unscented Baby Wipes. Nagtataglay ito ng vitamin E at aloe essence na nakakapag moisturize ng balat para maiwasan ang dry skin. Mabilis kasi mairita ang balat kapag nagdry ito.
Bukod pa riyan ay nonwoven ang produktong ito kaya't hindi nag-iiwan ng anumang himulmol. Ang bawat sheet ay may pearl cross texture para naman mas maayos itong makalinis. Mild lamang din ang formula na ginamit dito at may balanced pH level pa.
Gaya ng ibang wet wipes brands, hindi ito nagtataglay ng alcohol at anumang artificial coloring.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- Nonwoven fabric
- Pearl cross texture
- Thick and soft
- Moisturizing
- Aloe essence and vitamin E
- Alcohol-free
- Fragrance
- Wala itong halong anumang fragrance
Most Affordable Baby Wipes
[caption id="attachment_483467" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | UniLove[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Araw-araw, mahigit sa sampu ang wet wipes na maaari mong magamit for your precious one. Kaya naman kailangan din maglaan ng budget para sa pagbili ng baby essential na ito. Kung medyo tight ang budget, magandang pumili ng wipes na abot-kaya ngunit dekalidad gaya ng UniLove Baby Wipes.
Unscented ito at may pH-balanced, hypoallergenic formulation kaya't safe na safe itong gamitin sa kamay, mukha at buong katawan ng iyong baby. Karagdagan, ang bawat sheet ng produktong ito ay makapal at hindi madaling mapunit o masira. Malambot din ito kaya naman tiyak na komportable itong gamitin para sa delicate skin ng sanggol.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- Natural at mild ang ingredients — aloe vera, lanolin, Vitamin E
- Mas makapal at mas malambot ang fabric nito kompara sa ordinaryong wipes
- Moisturizing at extremely gentle sa balat
- Hypoallergenic
- Fragrance
- Unscented ito para matiyak na hindi magdudulot ng iritasyon.
Best Thick Baby Wipes
[caption id="attachment_485831" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Nursy[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Mahalaga rin na ang pipiliing water wipes ay di nagdudulot ng dryness sa balat dahil sa strong formulation na taglay nito. Kaya naman maganda rin gamitin ang Nursy Baby Wipes na may moisturizing content at talaga namang nakakapag hydrate ng balat.
Bukod pa roon ay gawa ang product na ito sa cotton material kaya't mayroon itong malambot na texture. Makapal din ito at matibay, kaya't sulit na sulit gamitin. Hindi ito naglalaman ng matatapang na chemicals na maaaring magdulot ng health concerns. Magugustuhan mo rin ang powder scent na mayroon ito na tamang-tama lamang at hindi magdudulot ng allergic reaction.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- Silky soft sheet na gawa sa cotton
- Makapal
- Gentle sa balat
- Moisturizing
- Fragrance
- Mayroong light powdery scent
Best Parents' Choice Baby Wipes
[caption id="attachment_483471" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: Top Brands Online Na Sulit Gamitin | Moose Gear[/caption]
Bakit magugustuhan mo ito?
Ang Moose Gear ay ang brand na itinanghal bilang "Parents' Choice Baby Wipes" sa nakaraang TAP Awards 2023.
Ilan sa mga dahilan kung bakit ito ang trusted brand ng mga parents ay gawa ito sa natural ingredients, may hypoallergenic at pH-balanced formulation, at swak para sa sensitive skin. Bukod pa roon ay ideal ang size ng bawat sheet para maging panglinis ng buong katawan ni baby. Makapal pa ito at napakalambot. At higit sa lahat, ang scent nito ay light lamang at hindi rin nagdudulot ng iritasyon.
Features nito:
- Quality of materials and ingredients used
- FDA approved at clinically tested
- Naglalaman ng aloe vera at vitamin E
- Moisturizing at healthy sa balat
- Extra soft at thick
- Fragrance
- Nagtataglay ng baby scent na mula sa natural ingredient
Price Comparison Table
Brands |
Pack size |
Price |
Mama's Choice |
90 sheets |
Php 399.00 |
Organic |
480 sheets |
Php 610.00 |
Kleenfant |
540 sheets |
Php 495.00 |
Yoboo |
600 sheets |
Php 458.00 |
UniLove |
500 sheets |
Php 339.00 |
Nursy |
270 sheets |
Php 291.00 |
Moose Gear |
600 sheets |
Php 429.00 |
Pagpili ng best baby wipes
Hindi basta-basta ang pagpili ng wipes na gagamitin para sa inyong anak. Gaya ng kahit anong bagay na may kinalaman sa iyong precious one, nangangailangan ng iyong masusing research kung ano ang iyong magiging desisyon sa gagamiting brand.
Upang tulungan kayo, nilista namin sa baba ang ilang mga katangian na dapat mong tingnan sa pagbili ng wipes.
[caption id="attachment_401996" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Wipes In The Philippines: 6 Brands Na Sulit Gamitin[/caption]
Quality of materials at ingredients used
- Gawa ba ito sa safe ingredients na gentle sa balat ni baby pero epektibo sa pagtanggal ng poopoo, ihi, at iba pang dumi? Gayun din, matibay ba ito at hindi madaling mapunit? Kung masyado itong manipis, mas madali itong mapupunit at kung madali itong mapunit, mas mapapadami ka ng wipes na gagamitin. Ibig sabihin, hindi ito cost-effective.
Fragrance
- Scented ba ito o fragrance-free? Tulad ng mga ibang bagay na ginagamit para kay baby, mas mainam kung ang wipes ay fragrance-free dahil sensitibo pa ang sense of smell ng iyong little one.
Presyo
- Tandaan, madalas mong gagamitin ang wet wipes. Kung kaya ng budget, mas mabuting bilhin ito nang maramihan para makatipid. Kadalasang may mga discount ang brands na ito kapag binili nang maramihan.