Ano nga ba ang gamot sa diaper rash? Bago natin sagutin ‘yan, alamin muna natin kung bakit nagkakaroon nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi ng diaper rash
- Gamot o cream sa diaper rash ni baby
- Ingredients, presyo at fragrance ng bawat produkto
Walang may gusto ng diaper rash. Nagiging iritable at fussy si baby kapag nagkakaron siya nito. Pero wag kang mag-alala. Para sa madaming mga bata, normal ang pagkakaron nito.
Gamot sa diaper rash | Image from Unsplash
Mga sanhi ng diaper rash
Kadalasan, nagkakaroon nito kapag hindi agad napapalitan ang diaper kaya lumalabas ang mapupulang marks sa pwet ng bata. Dahil exposed nang matagal ang skin ni baby sa ihi at dumi niya, nagiging sanhi din ito ng inflammation. Ito ang karaniwang nakakapagpalala ng diaper rash.
Minsan, may reaksyon din si baby sa iba’t-ibang produkto kagaya ng bagong baby wipes o bagong diaper. At dahil nakitira tayo sa tropical country, hindi maiiwasan na pagpawisan ang bata.
Ang pawis kasama ng ihi ay pwede ding maging dahilan ng diaper rash.
BASAHIN:
Think you’re pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!
Paano matanggal ang stretch marks? Pumili mula sa Top 5 stretch mark creams!
LIST: Top 5 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines
Paano pumili ng gamot sa diaper rash?
Kung mag-search ka online, makikita mo na napakadaming diaper rash creams ang mabibili mo. Pero tandaan, hindi sila lahat magkakapareho. Merong mas mabisa at may kanya-kanya silang strengths. Pinili namin ang aming top 6 gamit ang mga panuntunan na ito.
- Ingredients
- Siguraduhin na safe ang ingredients ng gamot sa diaper rash. Whenever possible, piliin ang produktong gumagamit ng natural ingredients. Malaking plus din na ito ay aprubado ng mga doktor.
- Presyo
- Malaki ang range ng presyo ng mga gamot sa diaper rash. Piliin kung ano ang pasok sa budget mo. Hindi kailangang maging mahal ang isang produkto para maging effective. Gayun din, hindi kailangang sobrang mura pero hindi naman kasing bisa ng iba.
- Fragrance
- May scent ba ito? Kadalasan mas nakakapagpalala ng irritation ang cream or ointment na may heavy fragrance.
Gamot sa diaper rash | Image from Unsplash
Top 6 gamot sa diaper rash
Ang Desitin ay merong cult following sa mga nanay dahil epektibo ito.
Bakit magugustuhan mo ito
Meron itong maximum level ng zinc oxide na siyang nagbubuo ng protective barrier sa skin ni baby para mabilis itong gumaling at i-soothe discomfort ng diaper rash.
Ingredients
Ang main ingredient nito ay ang zinc oxide. Ang Desitin ay isang pediatrician-tested formula. Ayon sa clinical study, 90% ng babies na may diaper rash ay nakaramdam ng relief sa loob ng 12 oras nang paggamit ng Desitin Maximum Strength.
Presyo
Kumpara sa ibang diaper creams, nasa upper to mid-range ang presyo nito na P539 para sa 4oz tube.
Fragrance
Wala itong strong fragrance na makaka-irritate kay baby.
Ginawa ang Sebamed na may pH value na 5.5 na equivalent naman sa healthy skin.
Bakit magugustuhan mo ito
Ang water-in-oil formulation nito ay naglalaman ng wheat bran extract para pagalingin ang diaper rash.
Ingredients
Naglalaman ito ng Panthenol na siyang nagsi-stimulate ng proseso ng paggaling ng skin ni baby. Meron din itong wheat bran extract para i-soothe at kontrahin ang irritation. Ito ay dermatologically at clinically tested.
Presyo
Halos nasa parehong price range ito ng Desitin. Mabibili ito sa halagang P576 para sa 100ml ng Sebamed Diaper Rash Cream.
Fragrance
Wala itong strong fragrance kaya mainam siya para kay baby.
Isa ang Human Nature sa mga paboritong brands ng mga nanay na mahilig sa natural products.
Bakit magugustuhan mo ito
Bukod sa hypoallergenic and natural ito, ito din ay cruelty-free, which is a plus para sa amin.
Ingredients
Kung titingnan mo ang ingredients ng gamot sa diaper rash na ito, makikita mo na puro natural lang ang gamit dito. Tulad na lang ng castor oil, coconut oil, beeswax, at tocopherol.
Ang coconut oil ay nagmo-moisturize ng skin ni baby at ang kaolin clay naman ay nagpro-protekta ng skin mula sa wetness. Bukod pa d’yan, meron itong Vitamin E mula sa tocopherol para i-nourish ang balat.
Presyo
Abot-kaya ito sa halagang P249.75 para sa 50g ng Human Nature Natural Nappy Cream.
Fragrance
Ito ay 100% natural at wala din itong heavy fragrance.
Para sa diaper rash, manipis na layer lang ng Drapolene ang kailangan kaya matipid ito.
Bakit magugustuhan mo ito
Isa ito sa mga pinaka-popular na gamot sa diaper rash dahil proven effective ito. In fact, bukod sa ginagamit ito para sa diaper rash, sinasabing pwede din ito para sa minor burns at sugat.
Ingredients
Ang main ingredients nito ay ang Benzalkonium Chloride Solution at 2 mg Centrimide sa isang water-miscible base.
Presyo
Mabibili ito sa halagang P366.00 para sa 55g nito.
Fragrance
Tulad ng ibang nappy creams, wala itong malakas na amoy na pwedeng maka-irita sa sensitibong sense of smell ni baby.
Bakit magugustuhan mo ito
Abot-kaya ang produktong ito, pero hindi ibig sabihin n’yan ay hindi ito kasing epektibo ng ibang gamot sa diaper rash. Sa katunayan, inirerekomenda ito ng mga pediatrician para sa mga babies na may sensitive skin.
Bukod pa d’yan, may partnership ang Tiny Buds sa WWF Philippines kaya pag bumili ka nito, makakatulong ka sa cause ng #PlantTinyBuds.
Ingredients
Ipinagmamalaki ng Tiny Buds na natural ingredients lang ang laman ng cream na ito. Wala itong petroleum, zinc oxide, steroid and drug content, at paraben.
Gamot sa diaper rash | Image from Unsplash
Presyo
Affordable ito dahil P179 lang ito para sa 20g.
Fragrance
Gaya ng mga produkto sa listahang ito, wala itong heavy fragrance kaya safe para kay baby.
Ang produktong ito ay may iba't-ibang gamit bukod sa pagiging gamot sa diaper rash.
Bakit magugustuhan mo ito
Nakakatulong din ito sa eczema at surface wounds kaya magandang addition ito sa iyong first aid kit.
Ingredients
Kabilang sa active ingredients nito ay zinc oxide na siyang pumoprotekta sa skin ni baby mula sa wetness. Kaunting cream lang ang kailangan para maging effective sa diaper rash.
Presyo
Ito ay nasa halagang P740.00 para sa 125g na dalawang piraso.
Fragrance
Wala itong amoy na makaka-irritate sa bata.