TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

8 common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon

5 min read
8 common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon

Alamin kung ano ang mga common skin rashes na nakukuha ng baby sa tuwing mainit ang panahon.

Sa init ng panahon ngayon, dapat mong malaman kung ano ang mga common skin rashes na puwedeng makuha sa tag-init. At ano nga ba ang mga mabisang gamot sa skin rashes ng baby.

8 common skin rashes na nakukuha sa tag-init

mabisang-gamot-sa-skin-rashes-ng-baby

Image from Freepik

Kung nababahala ka dahil nagkakaroon ng rashes ang iyong anak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, narito ang mga uri ng common skin rash. Kailangang matukoy mo kung ano ang skin rash para malaman kung ano ang mabisang gamot sa skin rashes ng baby.

1. Heat rash

Ang heat rash o bungang araw ay ang pinaka-common na skin rash tuwing tag-init. Ito ay mapula-pula at kadalasang maliliit na kumpol-kumpol na bumps. Nakikita naman ito sa mga parte ng katawan na naiipit katulad ng leeg, kilikili at hita.

Ayon pa sa pag-aaral, kadalasang nararanasan ito ng mga baby dahil hindi pa developed ang kanilang sweat glands kaya naman hindi sila kaagad nakakapag-adapt sa init at moisture.

2. Folliculitis

Ang folliculitis naman ay isang skin rash na nakukuha mula sa mga bacteria ng swimming pools o bath tub. Ang itsura naman nito ay maliliit na bumps na parang nakatago sa mga balahibo ng katawan. Ito kasi ay bacteria na kumakapit sa follicles ng buhok ng katawan, saka nagiging maliliit na umbok na minsan ay may nana.

3. Hand, Foot & Mouth Disease

Isang common misconception na nakukuha lamaang ang Hand, Foot & Mouth disease tuwing tag-ulan. Sa katunayan, mas maraming kaso nito tuwing tag-init. Ang mga sintomas naman nito ay pagsusugat sa paligid ng bibig, mga daliri at sa puwit.

Maari ring magkaroon ng baradong ilong, sakit sa lalamunan at lagnat ang baby kapag mayroon siya nito.

4. Diaper rash

mabisang-gamot-sa-skin-rashes-ng-baby

Image from Freepik

Isa pa sa mga common skin rash na nararanasan ng bata ay ang diaper rash. Ito ay syempre nakukuha dahil sa diapers. Kaya raw ito mas nararanasan ng bata tuwing tag-init ay dahil mas malakas silang uminom ng tubig. Dahil dito, mas madalas na basa ang diaper.

Sa oras na pagpawisan ang bata sa paligid ng puwit, dito na siya magkakaroon ng pagka-irita sa diapers.

5. Eczema

Hindi lang sa matatanda kundi pati sa mga bata ay common ang eczema. Ito kasi ay maaring makuha sa pagka-irita ng katawan sa tela ng damit. Dahil sa sobrang init at friction, nagkakaroon ng eczema.

Malalaman mong eczema ito kapag ang pakiramdam ay tila mainit ang parte na may rashes at nagka-crack din ito. Maaring magsugat-sugat ito kapag kinamot ng bata.

6. Sunburn

Hindi katulad ng bungang araw, ang sunburn ay puwedeng makuha kahit na hindi masyadong mainit. Sa oras na ma-expose nang matagal ang isang bata sa UV rays, maaari na siya maka-sunburn. Wala namang masyadong visible rash sa sunburn, ang kadalasang itsura lang nito ay mapula-pula at mararamdaman na parang mainit ito at mahapdi.

7. Hives (Urticaria)

Ang hives ay mga mapupulang pantal na makati at maaaring lumitaw sa anumang bahagi ng katawan. Karaniwan itong sanhi ng allergic reaction sa pagkain, insekto, o init ng panahon. Ang sobrang pagpapawis at pagsusuot ng masisikip na damit ay maaari ring magdulot nito.

8. Impetigo

Ang impetigo ay isang impeksyon sa balat na dulot ng bacteria at karaniwang lumalabas bilang mga pantal na may nana o parang paltos. Madalas itong makita sa mukha, leeg, at kamay ng bata, lalo na kung sila ay madalas maglaro sa maruruming lugar o gumagalaw sa maiinit at pawising kondisyon.

Mabisang gamot sa skin rashes ng baby

mabisang-gamot-sa-skin-rashes-ng-baby

Image from Freepik

Narito ang ilang gamot at tips para maibsan ang pangangati ng skin rash sa bata.

1. Pagsuotin sila ng kumportableng damit

Pagsuotin lamang sila ng damit na may manipis na tela. Ito ay para maiwasan na mapagpawisan sila at para makahinga rin ang kanilang sanitary glands at hindi ma-block dahilan para mabuo ang mga bumps sa balat.

2. Kung kaya ay huwag na muna silang pagamitin ng diaper

Kung potty trained na ang bata o di naman kaya ay kung puwedeng gumamit na muna ng lampin para sa baby. Mas maigi kasi ang tela sa balat dahil kumpara sa diapers na gawa sa cotton at plastic, hindi ito masyadong nakakairita kapag kumakaskas sa balat.

3. Painumin ng maraming tubig

Ang pag-inom ng tubig ay isang paraan para maibsan ang mainit na pakiramdam sa katawan. Kinakailangan din ito para naman hindi ma-dehydrate ang bata ngayong tag-init.

4. Lagyan ito ng pulbo na may cooling sensation

Para sa bungang araw, mayroong mga prickly heat powder na may cooling sensation. Ito ay para mapreskuhan ang pakiramdam ng bata at mawala ang pangangati.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

5. Gumamit ng aloe vera o natural cooling gel

Ang aloe vera ay may natural na anti-inflammatory at cooling properties na makakatulong sa pangangati at pamamaga ng balat. Maaari itong gamitin sa sunburn, heat rash, o eczema upang mabawasan ang pangangati at pamumula.

6. Gamitin ang oatmeal bath para sa pangangati

Ang oatmeal bath ay isa sa pinakamabisang paraan upang maibsan ang pangangati dulot ng heat rash, eczema, at diaper rash.

7. Iwasan ang paggamit ng matatapang na sabon at lotion

Maraming commercial soaps at lotions ang may matapang na kemikal na maaaring magpalala ng skin rashes sa bata. Upang maiwasan ito, gumamit ng mild at hypoallergenic soap na walang fragrance o alcohol.

Ugaliin din na paliguan ang iyong anak kahit dalawang beses sa isang araw. Bukod kasi sa nakakapresko ito sa pakiramdam, naiiwasan din ang pag-build up ng bacteria at dumi sa kanilang katawan.

 

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Healthy Children

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 8 common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko