Isa sa mga baby must-haves ang bib. Madalas kasing maglaway, matuluan ng gatas o di kaya ay magdumi si baby kapag siya ay nagsimula nang kumain. Kaya naman kailangan niya ng baby bib na makakatulong upang manatiling siyang malinis at dry.
Sa kabilang banda, sa dami ng baby bibs na naglalabasan sa market tila ba napakahirap pumili ng nararapat para sa iyong little one. Huwag nang magpakastress pa mommy and daddy! Naglista kami ng best baby bibs na maaari ninyong pagpilian base sa pangangailangan ng inyong anak.
Keep on scrolling at alamin ang best baby bibs na mabibili ninyo online!
Talaan ng Nilalaman
Best baby bibs in the Philippines
Narito ang aming recommendations ng bibs for newborns. We hope na may mapusuan kang bilhin dito!
Hoshi Baby Premium Cotton Bib
Best Overall
|
Buy Now |
Enfant Organic Bib
Best for Sensitive Skin
|
Buy Now |
Yoboo Baby Dribble Bib
Best for Drooling
|
Buy Now |
Beaba Silicone Bib
Best for Eating
|
Buy Now |
Moose Gear Baby Bibs
Most Budget-Friendly
|
Buy Now |
Nuby Teething Bib
Best for Teething
|
Buy Now |
Best Overall Baby Bib
Hoshi Baby Premium Cotton Bib
Tamang-tama for newborn babies ang baby bib na ito from Hoshi. Gawa kasi ito sa 100% cotton material na napakalambot, magaan at hindi nakakairita ng sensitive skin. Super absorbent din ito kaya naman tiyak na mapapanatili nitong dry si baby kapag naglaway o natuluan ng gatas.
Ang kagandahan pa sa baby bib na ito ay madali itong labhan at mabilis lang din matuyo. Garterized ito at may button closure kaya’t tiyak na magagamit ni baby sa matagal na panahon. Maaaliw ka rin maging si baby sa mga cute designs na mayroon ang bib na ito. Kabilang diyan ang bear, apple, bunny, duck at cars.
Features we love:
- Gawa sa super absorbent cotton material
- Madaling labhan at matuyo
- Para sa newborn babies at pataas
Best Baby Bib for Sensitive Skin
Enfant Organic Bib
Kung ang iyong little one ay may extra sensitive skin, magandang ang bib na isusuot sa kanya ay gawa sa organic fabric. At tamang-tama para sa kanya ang Enfant Organic Bib. Ginamitan ito ng 100% organic cotton na malambot, fertilizer at chemicals-free.
Bukod pa riyan ay pulido rin ang pagkakatahi rito at makinis ang magkabilang sides kaya naman safe ito gamitin kahit pa extra sensitive ang balat ni baby. Hindi rin ito ginamitan ng mga pangkulay na maaaring magdulot ng iritasyon kaya naman plain lamang ang design nito.
Features we love:
- Gawa sa organic cotton
- Free from harmful chemicals
- Malambot at makinis
Best Baby Bib for Drooling
Yoboo Baby Dribble Bib
Madalas bang maglaway si baby? Kailangan niya ng dribble bib na ito from Yoboo. Ideal ito gamitin dahil sa super absorbent feature nito. Binubuo kasi ito ng 6 layers of soft cotton yarn na napakadali ring matuyo kaya’t makakaiwas din sa tagos dulot ng basang bib.
Karagdagan, bukod sa pagpapanatiling dry si baby, malambot, skin-friendly at breathable rin ang bib na ito kaya naman iwas iritasyon o anumang skin concerns. Mayroon pa itong 360 degrees feature kaya’t maaaring iikot sa tuyong parte ng bib kapag ang ibang parte ay nabasa na.
Features we love:
- Quick water absorption
- Gawa sa skin-friendly materials
- 360 degrees feature
Best Baby Bib for Eating
Beaba Silicone Bib
Kapag nagsimula nang kumain si baby, kailangan niyang gumamit ng silicone bib na may pansalo ng mga nahuhulog o tumutulong food particles. Hindi kasi ito maiiwasan lalo na’t nagsasanay pa lamang siya. Kaya naman kung magsisimula na sa weaning stage ang iyong anak, perfect para sa kanya ang Beaba Silicone Bib.
Ligtas gamitin ang silicone bib na ito for babies dahil ito ay walang halong harmful chemicals gaya ng BPA, BPF, PVC at phthalates. Malambot at lightweight ito at mayroong curve shape upang hindi mahirapan si baby sa pagkilos. Higit sa lahat, ang pocket nito ay nakakasalo ng mga pagkaing maaaring mahulog o tumulo.
Tiyak na mess-free ang mealtime ni baby kapag ito ang gamit niyang bib!
Features we love:
- Free from harmful chemicals
- Curved shape
- Mayroong pocket para saluhin ang food particles
Most Budget-Friendly Baby Bib
Moose Gear Baby Bibs
Abot-kaya naman ang baby bib na ito from Moose Gear. Kahit na ito ay mas mura kumpara sa ibang brands ng bib, nakikipagsabayan naman ang quality at features nito. Gawa kasi ang bib na ito cotton fabric na natural at hypoallergenic. At dahil dito, makakatiyak kang safe ito gamitin maging ng mga newborn babies.
Higit pa riyan ay ultra absorbent din ito kaya’t mapaanatiling tuyo at malinis si baby kapag siya ay naglalaway o dumedede. Malambot din ito at komportable gamitin.
Pagdating naman sa design, simple at traditional ang design ng Moose Gear bib. Ito ay ikinakabit sa baby sa pamamagitan ng pagtali kaya naman maaari ritong maiadjust.
Features we love:
- Gawa sa natural cotton
- Hypoallergenic
- Traditional style
Best Baby Teething Bib
Nuby Teething Bib
Para naman sa mga babies na nagsisimula nang mag-ngipin ang Nuby Teething Bib. Ginamitan ang bib na ito ng absorbent cotton fabric kaya naman mapapanatiling dry si baby habang naglalaway at nag-ngingipin.
Bukod diyan ay mayroon itong soft end part na chewable at nakakapagbigay ng soothing feeling sa mga babies na tinutubuan ng ngipin. Mayroon itong velcro lock para sa mabilis na pagkabit at pag-alis. Hindi rin dapat problemahin ang paglilinis nito dahil napakadali lang din labhan at patuyuin.
Features we love:
- Absorbent cotton fabric
- Mayroong teething corner
- Velcro lock
Price Comparison Table
Brands | Price |
Hoshi | Php 249.00 |
Enfant | Php 350.00 |
Yoboo | Php 129.00 |
Beaba | Php 740.00 |
Moose Gear | Php 230.00 |
Nuby | Php 379.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
How to choose the best baby bibs
Alam naming hindi kayo basta-basta bumibili ng gamit for your baby. Lahat ay chine-check niyo ng maayos mula sa quality, reviews, safety, price, at iba pa. Ganito naman talaga dapat, maseselan kasi ang mga sanggol. Kaya need na fit for them ang bawat products. You always want the best for your babies.
Ganun din sa pagpili ng bibs. Narito ang mga kailangan i-consider when choosing the best baby bibs:
- Style – Love na love ng parents sa tuwing nakikitang presentable ang kanilang baby. Kaya dapat, humanap ng bagay na style ng bib sa kanya.
- Fastener – Hindi dapat madaling lumuluwag ang fastener ng bibs para maprotektahan ang damit from mess. Siguraduhin din na hindi masyadong masikip para sa leeg ng iyong baby.
- Material – Since newborn pa lang ang anak, double check the material. Dapat ay iyong delicate at safe sa skin niya ang bib na bibilhin.
- Easy to clean – Para bawas hassle at bawas stress, piliin na iyong madaling malinis.
- Price – Pumili ng budget-friendly but good ang quality.
Nakagamit na ng isa sa mga brands na ito? Mahalaga ang inyong feedbacks sa amin. Mag-iwan ng review at i-explore ang page na ito: Bibs for newborn babies