Likas sa mga babies ang pagkakaroon ng sensitive skin. Patuloy pang nagdedevelop ang kanilang balat at mas manipis pa ito kumpara sa adult skin. Kaya naman sa pagpili ng baby detergent, kinakailangan na maging mabusisi at i-check ang mga nilalaman nito. Tipikal kasi sa mga sabong panlaba ang pagkakaroon ng mga harsh chemicals na maaari magdulot ng iritasyon o health risk kay baby.
Kung kasalukuyan ka pang naghahanap ng best baby detergents, makakatulong ang listahang ito sa iyo! Patuloy na magbasa at alamin ang aming top picks ng baby laundry detergent na mabibili mo online.
Best Baby Detergents Philippines
Best Baby Laundry Detergent
| Tiny Buds Baby Natural Laundry Powder Best Powdered | | View Details | Buy Now |
| Cycles Baby Laundry Liquid Detergent Best Pedia-recommended | | View Details | Buy Now |
| Breeze Laundry Liquid Detergent Gentle and Free Best for Sensitive Skin | | View Details | Buy Now |
| UniLove Baby Laundry Detergent Best Hypoallergenic | | View Details | Buy Now |
| Kleenfant Antibacterial Baby Laundry Wash Best Anti-bacterial | | View Details | Buy Now |
| Nature to Nurture Liquid Laundry Detergent Best Fragrance-Free | | View Details | Buy Now |
| Pigeon Baby Laundry Detergent Best Easy-To-Rinse | | View Details | Buy Now |
Best Natural Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Tiny Buds
Ang Tiny Buds laundry powder ang isa mga detergent powder na inirerekumenda ng mga pediatrician. Dahil sa ito ay gawa sa natural cleaning agents na safe sa balat ni baby. 100 % na walang harsh chemicals, artificial preservatives, at unnecessary additives ang Tiny Buds Natural Laundry Powder for Babies.
Dahil all natural ang laundry powder na ito, tiyak na gentle sa skin at hindi magdudulot ng iritasyon kay baby. Safe rin gamitin ang Tiny Buds Natural Laundry Powder sa washing machine o i-handwash. Mayroon itong color-safe formula na perfect para sa mga mommies na sensitive ang skin.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Gawa sa natural ingredients
- Walang halong harsh chemicals
- Pediatrician recommended
Best Pedia-Recommended Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Cycles
Hindi mawawala sa aming listahan ang Cycles Baby Laundry Liquid Detergent na isa sa mga Pediatrician recommended brands ng baby detergent. Hindi ito naglalaman ng strong substances gaya ng bleach, dyes, fabric softener, SLS at SLES na maaaring magdulot ng iritasyon at health risk sa iyong anak. Ito rin ang dahilan kung bakit tiwala ang expert dito, maging ang mga mommies na subok na ang brand na ito.
Napakadali rin nito banlawan at makakatiyak kang walang residue na maiiwan sa damit. Mayroon din itong hypallergenic formulation kaya naman ligtas ito maging sa mga babies na may extra sensitive skin. Swak din itong gamitin para sa damit ng adults na posible ring madikit sa balat ni baby.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Pediatrician-recommended
- Walang halong harsh chemicals
- Hypoallergenic at di nag-iiwan ng residue
Best Baby Detergent for Sensitive Skin
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Breeze
Kilala ang Unilever bilang isa sa mahuhusay na manufacturers ng iba’t ibang laundry detergents. At ang Breeze Laundry Liquid Detergent Gentle and Free na ginawa nila for babies ay isa rin sa mga trusted brands ng experts at parents dahil sa mabisa at safe na formulation nito.
Ito ay mayroong pH-balanced formula na mild at ligtas para sa sensitive skin at maging sa damit ni baby. Binubuo ito ng natural ingredients kaya naman tiyak na wala itong halong irritants. Naglalaman ito ng lavender extract at rice milk essence na mainam gamitin sa damit at nakakapagbigay din ng proteksyon sa balat.
Higit sa lahat, siguradong magugustuhan mo ang pag gamit ng baby laundry detergent na ito dahil kahit na ito ay mild lamang ay may kakayahan itong magtanggal ng mantsa na mahirap alisin.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Gawa sa natural ingredients
- Mild at pH-balanced formulation
- Nakakatanggal ng mantsa
- Ideal for babies with sensitive skin
Best Hypoallergenic Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Unilove
Gaya ng formulation ng mga baby skin care products, magandang piliin din ang baby laundry detergent na may hypoallergenic formulation. Ito ay upang makasigurado kang walang taglay na irritating components ang detergent na gagamitin sa damit ni baby. Tamang-tama para dyan ang UniLove Baby Laundry Detergent.
Bukod sa pagiging hypoallergenic ng produktong ito, naglalaman ito ng natural ingredients at essential oils na maganda para sa damit at balat ni baby. Wala rin itong halong disinfectant at dyes na maaaring magdulot ng kapamahamakan.
Ang kagandahan pa sa laundry detergent na ito ay napakagentle nito sa kamay. Kaya naman makakaiwas ka rin sa anumang allergic reactions o pagkakaroon ng kulubot at magaspang na kamay. Magugustuhan mo rin ang packaging nito dahil mayroong “easy and secured" feature ang lid cover.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Hypoallergenic formulation
- Gentle sa kamay
- May easy and secured lid cover
Best Anti-bacterial Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Kleenfant
Para naman makasiguradong 99.9% germ-free ang damit ni baby, gumamit ng Kleenfant Anti-bacterial Baby Detergent Powder. Mayroon itong anti-bacterial feature na may kakayahang makaalis ng mikrobyo na maaaring kumapit sa damit ni baby dahil sa tulo ng gatas, pagkain at iba pa.
Kayang-kaya rin ng laundry detergent na ito na makaalis ng mantyang matagal at mahirap tanggalin. Sa kabila nang pagiging anti-bacterial nito ay nananatiling mild pa rin ang formulation kaya naman safe na safe ito kahit super sensitive pa ang skin ni baby.
Wala rin itong halong kemikal na harmful kay baby tulad ng dyes, bleach at parabens.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Anti-bacterial baby laundry detergent
- Safe para sa sensitive skin ni baby
- Walang halong harmful chemicals
Best Fragrance-Free Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Nature to Nurture
Kung extra sensitive ang balat at respiratory tract ng iyong baby at mabilis mairita sa mga produktong may amoy, ideal gamitin ang Nature to Nurture Free & Clear detergent. Ito ay may plant-based formulation at nagtataglay ng baking soda na kayang makatanggal ng tough stains. Nakakatulong din ito para manatiling amoy malinis ang mga damit ni baby kahit na walang halong fragrances ang laundry detergent na ito.
Higit mo itong magugustuhan dahil nakakapagpalambot din ito ng damit kaya naman tiyak na magiging komportable ang iyong anak. Concentrated din ang formulation ng liquid detergent na ito at matipid gamitin.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Akma para sa babies na may extra sensitive skin
- Plant-based formulation
- Matipid gamitin
Best Easy-To-Rinse Baby Detergent
Best Baby Detergents That Are Safe, Mild And Clean Clothes Effectively | Pigeon
Tiyak na hindi sobrang dami ang onesies at baru-baruan na binili mo para sa iyong ittle one dahil mabilis siyang lumaki. Kaya naman halos araw-araw maoobliga kang maglaba ng kanyang damit. May ilang minuto o oras ka ring kailangang gugulin para sa paglalaba kaya naman upang mapabilis ito, mas magandang gumamit ng easy-to-rinse detergent. Kung kasalukuyan ka pang naghahanap ng ganitong uri ng detergent, subukan ang Pigeon Baby Liquid Detergent.
Napakadali nitong banlawan at hindi pa nag-iiwan ng residue sa damit. Bukod pa riyan, mayroon itong stain-removing formulation na kayang magtanggal ng iba’t ibang mantsa. Alcohol-free rin ito kaya ligtas gamitin sa clothes ni baby at gentle pa iyong mga kamay.
Dumaan din ang laundry detergent na ito sa three safety tests gaya ng soap residue on clothes, allergy testing at skin irritation testing at lahat ng resulta ay pasado.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Easy-to-rinse detergent
- May stain-removing formulation
- Dumaan sa three safety tests
Price Comparison Table
|
Brands |
Pack size |
Price |
Tiny Buds |
1 kg |
Php 250.00 |
Cycles |
800 ml |
Php 264.00 |
Breeze |
980 ml |
Php 243.00 |
UniLove |
1000 ml |
Php 140.00 |
Kleenfant |
1000 ml |
Php 299.00 |
Nature to Nurture |
1000 ml |
Php 279.00 |
Pigeon |
900 ml |
Php 370.00 |
Bakit kailangang gumamit ng laundry detergent na ginawa for babies?
Ayon kay Dr. Zain Husain, isang dermatologist sa New Jersey, USA ang mga baby ay may highly sensitive skin. Ito ay dahil ang kanilang balat at immune system ay hindi pa fully mature. Kaya naman mataas ang tiyansang mag-react sila sa mga kemikal na taglay ng mga detergents o sabong panlaba.
Payo ni Dr. Husain para makaiwas sa allergic reaction na ito, mas mabuting gumamit ng baby safe laundry detergent sa paglalaba ng mga damit ni baby. Hindi lang para masigurong malinis ang mga damit niya, kung hindi upang masiguro rin na safe sa chemicals ang balat niya.
Pero hindi lahat ng detergent soaps at powder na nagsasabing sila ay “baby-friendly" ay siguradong safe para kay baby. Ayon pa kay Dr. Husain, may ilang bagay na dapat kang tingnan sa pagpili ng baby safe laundry detergent sa damit ni baby. Una ito ay dapat hypoallergenic para siguradong hindi magdudulot ng allergic reactions sa balat niya. Pangalawa, ito ay dapat may mild scent o frangrance-free at hindi hinaluan ng kemikal na pampabango. Pangatlo, ito rin ay dapat hindi naglalaman ng kemikal o artificial na pangkulay.