Kung isa ka sa mga nag-iisip kung ano nga ba ang best diaper brands in the Philippines para kay baby, basahin mo ang article na ito.
Napansin n’yo ba kung gaano na kadami ang mga iba’t ibang brands ng diaper sa supermarket? Kung isa kang bagong magulang, nakakalula ito.
Best diaper brands in the philippines | Image from Unsplash
Napakadaming pagpipilian at kapag hindi mo alam kung saan ka magsisimula, pwedeng masayang ang pera mo dahil mali ang nabili mong diapers.
Paano pumipili ng diapers ang ating TAP moms?
Bago bumili ng diaper, ano ba nga ba ang dapat tignan?
Tinanong namin ang mga nanay sa theAsianparent Community kung paano sila pumipili ng diapers at ito ang sinagot nila:
- Fit and Comfort – Dapat maganda ang lapat nito para kay baby dahil naapektuhan din nito kung gaano kakomportable si baby kapag suot ang diaper.
- Absorbency – Dito nakasalalay kung magle-leak ang diaper. Kaya ba nitong i-absorb ang wiwi and poop ng iyong little one?
- Presyo – Tama ba ang presyo para sa quality? Hindi kailangang mahal ang bilhin kung hindi naman maganda ang quality.
Best diaper brands in the philippines | Image from Unsplash
7 best diaper brands in the Philippines na inirerekomenda ng mga Pinoy moms
Base sa mga ito, pinagsama-sama namin ang mga best diaper brands na makikita dito sa atin. Ito ang pito sa mga best diaper brands in the Philippines for babies ayon sa kanila. Nakalista ito in no particular order.
MamyPoko

Bakit maganda ito?
Kayang tumagal nito nang hanggang 12 oras na suot ni baby dahil sa Speed Air Wave technology na pumipigil sa leakage.
Features na gusto namin dito
Fit and Comfort
- Available ito sa iba’t ibang sizes mula small hanggang XXL para sa MamyPoko Pants. Para naman sa MamyPoko Extra Dry Tape Type, mayroong para sa newborn hanggang XXL. Finally, mayroong medium to XXXL ang MamyPoko Extra Dry Pants Type.
- Gawa ito sa materials na parang cotton kaya maaliwalas ito.
- Stretchable din ang waistband at parte ng diaper na nasa may legs kaya hindi naiipit ang balat ng bata.
Absorbency
- Merong Speed Airwave technology ang MamyPoko Extra Dry. Nakakatulong ito upang sipsipin agad ang wiwi para maiwasan ang leaks.
- Kahit up to 12 hours siyang suot ni baby, hindi basta-basta nagle-leak kaya paborito ito ng mga nanay gamitin sa gabi para hindi maputol ang tulog ng bata.
EQ Dry

Bakit maganda ito?
Bukod sa abot-kaya, madaming nagsasabi na sulit itong gamitin dahil maganda ang quality.
Features na gusto namin dito
Fit and Comfort
- Mayroon itong sizes mula newborn hanggang XXL. Isa ito sa mga best diaper brands in the Philippines for newborns.
- Sinisigurado ng elastic waist band ng EQ Dry na maganda ang fit para kay baby—hindi masyadong maluwag at hindi din masyadong masikip. Stretchy din ito para i-accommodate ang mga galaw ni baby.
- Salamat sa kaniyang Bubble Type Sheet, tumatagos ang hangin mula sa labas papasok ng diaper para mahanginan din ang balat ng bata upang maiwasan ang diaper rash.
Absorbency
- Pinipigilan ng side leak guards ang leaks gamit ang built-in absorption system ng diaper.
- Maaari rin itong gamitin sa gabi dahil nagbibigay ito ng sapat at abot-kayang proteksyon mula sa basang wiwi.
Presyo: Mula sa P297.00 para sa pack ng 44 (newborn) up to P446.50 para sa Jumbo Pack 36+2 ng XXL.
Huggies Dry Pants

Bakit maganda ito?
Hindi ito mawawala sa mga listahan ng best diapers dahil rito.
Features na gusto namin dito
Fit and comfort
- May dalawang uri ng Huggies: Dry at Natural Soft. Sa ilalim nito, nakaka-classify din sila kung Taped at Pants.
- Para sa Dry Taped, mayroong sizes mula newborn hanggang XXL. Sa Dry Pants naman, available ito sa small hanggang XXL.
- Para naman sa Natural Soft Taped, ito’y mula newborn hanggang XXL. Ang Natural Pants naman ay mula sa medium hanggang XXL.
- Ipinagmamalaki rin ng Huggies na gawa ito sa natural cotton (para sa Natural Soft). Ayon din sa Pediatric Dermatology, ito’y napatunayang dry at breathable.
Absorbency
- Gaya ng ibang diapers, ang Huggies absorbency ay kayang tumagal hanggang 12 oras. Masasabing isa ito sa mga best diaper brands in the Philippines para sa mga batang malakas mag-wiwi sa gabi.
- Bukod sa meron itong dalawang layers ng leakage barriers, meron pa itong ‘Speed Dry’ para ma-lock ang wiwi at mapanatiling tuyo ang ibabaw ng diaper.
Presyo: Mula P499 para sa 80 pcs. Newborn Huggies Dry hanggang sa P898 sa 68 pcs na XXL Huggies Dry.
Pampers Diaper

Bakit maganda ito?
Sa Pilipinas, naging magkasingkahulugan na ang salitang ‘diaper’ at Pampers. Bukod sa isa ito sa mga pinakaunang diaper brand dito sa bansa, isa rin ito sa mga palaging ginagamit ng mga Pinoy parents.
Features na gusto namin dito
Fit and comfort
- May dalawang uri ng Pampers: Baby Dry at Premium Care. Pareho itong merong newborn hanggang XXL sizes. Gaya ng ibang mga diapers, mayroon itong Taped at Pants na uri.
- Gawa sa malambot at breathable na materyales ang Pampers. Ang layered construction nito ay nakakatulong para manatiling tuyo ang pwet ni baby at makaiwas sa rashes.
- Ang pinakataas na layer nito ay mayroong mild lotion para protektahan ang skin ni baby sa wetness.
Best diaper brands in the philippines | Image from Unsplash
Absorbency
- Dumadaan ang wiwi sa absorption layer na mabilis na sumisipsip sa likido upang hindi manatiling basa ang pwet ng bata.
- Meron ding super-absorbent gel ang Pampers. Ito ang technology na gamit pa nila mula nung 1980s. Nagdudulot ito ng madaming benefits sa skin gaya ng pag-trap ng basang wiwi mula sa pwet ni baby para manatili itong tuyo.
Presyo: Mula sa P254 para sa 40 piraso ng Newborn Pampers Taped hanggang sa P540 para sa 40 piraso ng XXL Pampers Taped.
Drypers

Bakit maganda ito?
Hindi man kasing kilala gaya ng mga naunang brands, ang Drypers ay nagkakaron na ng sarili nitong loyal customers. Marami ang nagsasabi na talagang absorbent ito at hindi basta-basta nagle-leak kaya napabilang ito sa ating listahan ng best diaper brands in the Philippines.
Features na gusto namin dito
Fit and comfort
- Gaya ng ibang brands, may dalawang uri ng Drypers. Ito ay Drypantz at Wee Wee Dry.
- Para sa Drypers Wee Wee Dry, meron itong newborn hanggang XXL sizes. Sa Drypantz naman, nagsisimula ito sa medium hanggang sa XXL.
- Malambot at saktong sakto sa pwet ni baby, ang Drypers Drypantz ay bagay sa mga aktibong bata dahil nakakagalaw sila nang malaya at nanatiling komportable.
Absorbency
- Naiiwasan ang flowback dahil sa Drypers Activ-Core samantalang ang Dry Active Absorb Layer naman ay epektibo sa pag-absorb ng wiwi,
- Ang maganda sa brand na ito, mayroon itong apat na natural plant extracts para sa kanilang Wee Wee Dry variant. Ito ay Aloe Vera, Chamomile, Olive Extracts, at Vitamin E. Nagsisilbi itong proteksyon sa wetness para maging healthy lagi ang skin ni baby.
Presyo: Mula P158.34 para sa 24 piraso ng Drypers Wee Wee Dry Newborn hanggang sa P453.90 para sa 40 piraso ng Drypers Wee Wee Dry XXL.
Moony Natural Baby Diaper Pants

Bakit maganda ito?
Mula sa Japan, ang Moony ay unti-unti nang nakikila dahil sa kaniyang magagandang katangian. Itinuturing itong isa sa mga best diaper brands in the Philippines for sensitive skin. Para sa mga prone sa rashes, inirerekomenda ang Mooony.
Features na maganda dito
Fit and comfort
- Gawa ang surface sheet nito sa organic cotton kaya makakasigurado ka na hindi mangangati si baby. Bukod dito, mayroong itong olive oil, jojoba oil, and rice oil.
- Ang navel cut nito’y patunay na pinag-aralan nilang mabuti ang Moony diapers. Hindi nito madadali ang pusod ni baby para hindi mairita ang bata.
- Mayroon itong sizes mula newborn hanggang sa XXL.
Absorbency
- Pinagmamalaki ng Moony ang kanila Runny Stool Zone na sumasalo sa basang poopoo at wiwi.
- Absorbent din ang Moony nang hanggang 12 oras.
Presyo: Mula sa P517.32 para sa 63 piraso ng Moony Natural Newborn hanggang sa P735.61 para sa Moony Man Pants XXL.
Cuddly Japanese Cool Pants Diaper

Bakit maganda ito?
Isa ito sa mga bagong brands ng diaper dito sa atin. Gayunpaman, dumadami na ang mga nahihilig gumamit sa Cuddly dahil sulit daw ito.
Features na maganda dito
Fit and comfort
- Ang available sizes ng cuddly ay medium hanggang XXL lang.
- Nakakadaloy ang hangin sa loob ng diaper dahil sa Honeycomb Air Channels.
- Gumagamit din ito ng Breathable USA Fabric kaya makakasigurado kang komportable si baby.
Absorbency
- Mayroon itong Japanese QuickSorb Technology at Dual Leak Protection Barrier para maiwasan ang leaks.
- Pwede niyo din tingnan ang Wetness Indicator para ma-check kung mapupuno na ang diaper.
Presyo: Mula P275 para sa 40 piraso ng Cuddly Cool Pants Medium hanggang sa P350 para sa Cuddly Cool Pants XXL.
BASAHIN:
Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy
5 best baby wash brands for newborns, according to Pinoy moms
LIST: Mosquito repellant na safe para sa baby at bata