Habang lumalaki ang iyong baby, maraming bagay ang kanyang natututunan. Sa kabilang banda, may mga practices na hindi niya agad-agad magagawa nang walang sapat na gabay at pagtuturo.
Isang magandang halimbawa nito ay ang matutong gumamit ng toilet bowl para umihi at dumumi. Thankfully, may potty trainer na ginawa para sa mga bata upang maging kanilang panimulang toilet bowl. Kaya’t kung naghahanap ka ng the best one for your little one, narito ang best potty trainer brands na maaari mong mabili online!
Bakit kailangan ng iyong anak ang potty trainer?
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Image from Pexels
Matapos ang isang taon, may kakayahan nang pigilan ng mga bata ang kanilang bladder. Sa ganitong panahon din magandang simulan na ang pagtuturo ng tamang pagdumi at pag-ihi. Kaya dapat lamang na makita ng parents ang kanilang habit upang magabayan ng mabuti ang bata.
Kung nais mong alamin ang iba’t ibang early benefits ng pagkakaroon ng trainer for pooping and peeing, nandito ang mga sumusunod:
- Mas maagang sinisimulan ang potty training, mas maaga ring natatapos.
- Makakatipid sa paggamit ng sandamakmak na diapers.
- Madaling natututunan ng bata ang natural signals nila.
- Nakapagbibigay ito ng confidence na maaaring magpaunlad sa ilang areas of development.
- Nababawasan ang chance ng pagkakaroon ng UTI, constipation, at iba pang sakit.
- Bababa rin ang posibilidad na magkaroon siya ng hepatitis A o diarrhea.
- Hind na maaaring magkaroon ng diaper rashes at iba pang allergic reactions from diapers.
Best Potty Trainer Brands for Babies
Talaga namang less hassle at stress sa buhay kung sisimulan na ang potty training. Para matulungan ang kids na mas madaling matutunan ito, kinakailangan nila ng tamang equipment. Kaya inihanda namin ang best potty trainer for babies sa listahang ito:
Potty Trainer for Babies
| Baby Potty Trainer - Whale Most convenient to assemble and dump | | View Details | BUMILI SA LAZADA |
| Children Potty FrogToilet Training Urinal Best potty trainer for boys | | View Details | BUMILI SA SHOPEE |
| Phoenix Hub Baby Potty Trainer Best potty trainer for girls | | View Details | BUMILI SA LAZADA |
| Baby Toilet Seat with Adjustable Ladder Best for adjustable step | | View Details | BUMILI SA SHOPEE |
| Kids potty trainer toilet Most realistic potty trainer | | View Details | Bumili sa Lazada |
| Phoenix Hub 073 Potty Trainer Best 2-in-1 | | View Details | Bumili sa Shopee |
Most convenient to assemble and dump
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Whale Baby Potty Trainer
Most of the time ay nagiging busy ang parents, kaya madalas na ang mga pinipili nilang gamit sa bahay ay convenient at easy to use. At dahil diyan, inuna na namin sa list ang portable toilet na ito na kaaliw-aliw ang design, ang Whale Baby Potty Trainer. Ang maganda rito, madali lang ito i-disassemble kung kailangan nang linisin. You can just lift it at i-dispose ang dumi o ihi ni baby at sabay linisan.
Bukod dito, mayroon din itong urine splash proof design para hindi makalat. Napaka komportable rin itong upuan kaya naman sure kaming hindi mahihirapan si baby. Ang produktong ito ay sinigurado ring may mga smooth edges para safe sa sugat o anumang aksidente ang iyong anak.
Lastly, maaari kang pumili sa colors nito na pink at blue, kung anuman ang mas attractive for your little one.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Easy to lift and dispose
- Made with the smoothest edges
- With urine splash design
- Colors available: pink and blue
Best potty trainer for boys
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Potty Frog Urinal Trainer
Kung ikaw ang may baby boy, itong Potty Frog Urinal Trainer for Kids ang perfect for you to purchase. Ang urinal na ito ay mayroong urine groove separation design at light na surface para madali lang for you na linisin. Dagdag pa riyan, ang frog shape at rotating windmill ay maaaring makakuha ng interest ni baby para hindi na siya magpigil pa sa pag-ihi. Mayroon na rin itong strong sucker na helpful para madaling ma-adjust depende sa height ni baby.
Malaki ang capacity nito kaya maiiwasan ang pag overflow ng ihi. Gawa sa environmentally-friendly material, non-toxic at hindi rin nangangamoy.
Bakit namin ito nagustuhan:
- With urine groove separation design
- A frog-shaped urinal with rotating windmill
- Environmentally-friendly
- Non-toxic
Best potty trainer for girls
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | PHOENIX Hub
Kung mayroong toilet trainer para sa baby boy, hindi naman syempre papahuli ang ating recommendation for baby girls — ito ang PHOENIX Hub Baby Potty Trainer. Gamit ang new and advanced technology, ginawa nila ang potty trainer na ito na divided into two layers for easy diassemble at cleaning. Sa ganitong paraan, mas madali ang paglilinis at pagpapatuyo.
Sinigurado rin na walang matutulis na edges ang trainer na ito kaya’t talaga namang secured ang iyong little one. Maganda rin ang pagkakagawa ng urinal na ito dahil ginamitan ito ng high-quality materials. Dahil din sa cute cartoon design, shape at color, maaari nitong ma-encourage pa ang bata na magkaroon ng independent toilet good habit.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Divided into two layers
- Made from high-quality materials
- Cute cartoon shape and color
- Encourage kids to have an independent toilet habit
Best for adjustable step
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Baby Toilet Seat with Adjustable Ladder
Kung nais mo naman na gamitin ang actual na toilet bowl sa pag potty train sa iyong little one, narito ang Baby Toilet Seat with Adjustable Ladder. Gaya ng nakikita niyo sa picture, mayroon itong small ladder para sa different height ng kids. Madali itong ma-adjust para kung sakaling lumaki ang bata ay magagamit niya pa rin.
Kung nagwoworry ka sa tatag, ginawa nila itong super sturdy na kayang mag-hold up to 75 kilograms o 165 lbs. Kaya naman hindi na need mag-aalala kung aakyatan man ng iyong baby. Bukod pa diyan, sa safety ulit nito, ginawa nilang anti-slip ang design sa pads at hagdan. Nakakatulong ang features na ito na hindi mag-shift ang seat ng baby.
Mayroon din dalawang designs na pwedeng pagpilian, na very catchy for kids. Mas mapapadali ang potty training gamit ang produktong ito!
Bakit namin ito nagustuhan:
- With the small adjustable ladder
- Pads and seats have the anti-slip feature
- Safe and durable
- Two available designs
Most realistic potty trainer
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Kids Toilet Trainer
Ang swak na swak na solution para sa iyong little ones’ needs? Ang Kids Potty Tolier Trainer. Real na real ang experience na makukuha ng iyong chikiting sa pag potty train gamit ang produktong ito. Matututunan nila unti-unti ang tamang pagdumi at pag-ihi na tulad sa ginagawa ng mga matatanda.
Sa features pa lang nito tiyak mapapabili ka na. Mayroon itong lagayan ng tissue sa likod na maaari mong ituro sa anak upang maging aware siya. Mayroon ding lid na maaaring mag-close at open.
Isa pa sa dagdag “wow factor" sa product na ito ay mayroon itong back tank na nala-lock in place. Ito ay removable kaya madali lang linisin para sa parents. Safe na safe rin ang kids dahil sa anti-skid rubber base na mayroon ito.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Realistic features
- Has tissue holder
- Amazing back tank
- Built with an anti-skid rubber base
Best 2-in-1
Potty Trainer For Babies: Durable At Affordable Brands Na Mabibili Online | Phoenix Hub
Sulit na sulit din kung pipiliin mo ang potty trainer na ito mula sa Phoenix Hub. Bukod sa pagiging potty trainer, maaari rin itong gamitin bilang upuan ng iyong little one. Ideal bilang children’s chair ang produktong ito dahil sa structure nito. Mayroon itong sandalan at hawakan kaya’t sure kang safe ang iyong chikiting habang nakaupo dito.
Karagdagan, ito ay gawa sa durable plastic material. At dahil doon ay napakadali rin nitong linisin at very hygienic gamitin. Siguradong mas magugustuhan mo rin ito dahil sa mga color choices na mayroon ang produktong ito. Ang colors na available ay: blue, pink, sky blue at brown.
Bakit namin ito nagustuhan:
- 2-in-1
- May sandalan at hawakan
- Easy to clean
Price Comparison Table
Upang malaman mo naman kung alin ang brand na swak sa iyong budget, tignan ang inihanda naming price comparison table para sa iyo:
|
Brands |
Price (Php) |
Whale Baby Potty Trainer |
175.00 |
Potty Frog Urinal Trainer for Kids |
199.00 |
Phoenix Hub Baby Potty Trainer |
106.72 – 109.00 |
Baby Toilet Seat with Adjustable Ladder |
699.00 |
Kids Toilet Trainer |
1,599.00 |
Phoenix Hub 073 Potty Trainer |
549.00 |
Tips sa pagpili ng best potty trainer for kids
Alam namin kung gaano na kayo ka-excited na mabigyan ang mga bata ng training potty nila para matuto na. At the same time, siguro ay medyo na-ooverwhelm kayo sa dami ng urinal trainer na inyong nakikita. Yes, kaliwa’t kanan talaga ang magsasabing the best ang kanilang product para lamang mabili.
Paano nga ba dapat namimili? Ito ang ilan sa maaaring sundan na guide:
Safety
Of course, ito dapat ang numero unong iniisip natin for kids. Tignan ang bawat edges kung smooth ba at hindi nakakasugat sa kanila sa tuwing uupo o didikit ang kanilang delicate skin.
Obserbahan din kung hindi ba ito kaagad natutumba kapag nauupuan para iwas disgrasya.
Durability
Alamin kung ano ang iba’t ibang features nito for durability. Mayroon ba itong stand? Sandalan? Gawa ba ito sa matibay na material? Lahat ito ay kailangan mong alamin.
Price
Marami pang pangangailangan ang kids, kaya magandang hindi na gaanong kamahalan ang kanyang potty trainer.
Other features
Ilan pa sa mga added features na makakahikayat sa iyo na bilhin ang isang toilet trainer ay ang padded seat at easy to wash. Magandang mayroon nito ang bibilhin mo dahil mas napapadali rin nito ang potty training both for you and your kids.
Marami talagang kailangang ituro sa kids, at mahalagang kasama diyan ang tamang pagdumi at pag-ihi. Sa ganitong phase, kailangan ng parents ang tamang gamit para mas mapadali ang pagkatuto nila. Ang potty trainer ang isa sa maaaring gamitin para mabilis na matutunan ng iyong anak kung paano gumamit ng toilet bowl in the future.