Madalas na naririnig nating nagkakaroon ng Urinary Tract Infection o UTI ay ang kababaihan. Bagaman sila ang karaniwang tinatamaan ng UTI, maaari rin itong mangyari sa mga lalaki. Alamin sa artikulong ito kung ano-ano ang sanhi, sintomas, at gamot sa UTI sa lalaki.
Ano ang Urinary Tract Infection o UTI
Nagkakaroon ng UTI dahil sa unhealthy na bacteriang namumuo sa katawan ng tao. | Larawan kuha mula sa Pexels
Ang Urinary Tract Infections (UTI) ay nangyayari sa tuwing ang unhealthy bacteria na mula sa rectum o skin ay nakakapasok sa bladder, kidneys, o tubes. Kapag nag-overgrow ang mga ito, nade-drain niya ang urine na mula sa kidney papunta sa bladder. Kadalasan sa karaniwang sintomas na makikita ay ang mabilis at madalas na pag-ihi na may kasamang pananakit.
Sino ang madalas na nagkakaroon nito?
Gaya nga ng nabanggit, mas madalas na nakukuha ito ng mga kababaihan. Sa datos ng Office of Women’s Health, nasa tinatayang 30% ang lamang ng mga babae na magkaroon ng ganitong kundisyon kaysa sa mga lalaki. Ang mga babae umano kasi ay mayroong mas maiiksing urethras kaya mas maiksi rin ang travel ng bacteria papunta sa bladder.
Bihirang magkaroon ng urinary tract infection (UTI) ang lalaking may edad 50 taong gulang pababa. Mas madalas pang nangyayari ito sa lalaking 50 taong gulang pataaas. Nakukuha raw nila ito dahil sa paglaki ng prostate gland dahilan para ma-compress ang bladder neck. Kapag nangyayari ito, mas mahirap mag-flow ang ihi kaya naman maaaring mamuo ang bacteria sa loob.
Sanhi ng UTI sa lalaki
Nakukuha ang UTI dahil sa isang bacterium na kadalasang present sa katawan, ito ang Escherichia coli o mas kilala rin bilang E.coli. Napupunta ang bacteria sa urinary tract na dumadaan sa uretha o ang tube na nagdedrain sa bladder. Ilan sa mga maaaring dahilan para magkaroon ng UTI ang mga kalalakihan ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng history ng UTI na dati.
- Paggamit ng urinary catheter sa mahabang panahon.
- Hindi gumagalaw nang mahabang panahon.
- Kakulangan sa pag-inom ng sapat ng tubig araw-araw.
- Paglaki ng prostate at pagkakaroon ng blockage tulad na lamang ng kidney stones.
- Pagkakaroon ng sakit na diabetes.
- Pagiging tuli.
- Nag-engage sa isang anal intercourse kaya na-expose ang uretha sa bacteria.
Madalas din na dahilan kung bakit nagkakaroon ng UTI sa urethra ay dahil sa sexually transmitted disease, ito ay ang chlamydia at gonorrhea. Ito ang karaniwang pinagmumulan ng sakit na ito lalo sa mga mas batang kalalakihan.
Sintomas ng UTI sa mga lalaki
Isa ang pananakit sa likod sa maaaring sintomas na mayroon ka nang UTI. | Larawan kuha mula sa Pexels
Ito ang mga maaaring sintomas ng uti sa lalaki:
- Maya’t maya at madalas na pagpunta sa banyo dahil sa naiihi.
- Pagkakaroon ng pakiramdam na naiihi sa parati ngunit wala namang lumalabas na ihi.
- Pagkaranas ng pananakit, burning feeling, o hindi komportableng pakiramdam habang umiihi maging pagtapos
- Pananakit sa bandang ilalim ng tiyan.
- Pagkakaroon ng cloudy o may amoy na ihi.
- Pagkakaroon ng basa sa higaan.
- Mayroong prescence ng dugo sa iyong ihi.
- Hindi normal na temperatura o lagnat.
- Pagkakaroon ng pakiramdam na nahihilo.
- Pananakit ng tagiliran o kaya naman likod.
- Labis na pagkapagod o fatigue.
Sa ilang mga pangyayari, may mga lalaking wala talagang nararanasan na sintomas. Maiging magpatingin na sa doktor kung naghihinalang may nangyayaring hindi maganda sa iyong katawan.
Paano dina-diagnose ang UTI
Siguro ngayon, nais mong malaman kung paano nga ba nalalaman ng mga propesyunal kung mayroon kang UTI. Kapag magpapa-check-up ka, ie-examine ka ng doktor at tatanungin ang iba’t ibang sintomas na iyong nararamdaman. Tatanungin nila kung nagkaroon ka na ba dati ng UTI. Kung ikaw ay mayroon nang history ng uti, magpe-perform ang doktor ng isang ultrasound upang makita ang ilang sa abnormalities na maaaring naroroon pa sa urinary tract.
Matapos nito, hihingan ka nila ng sample ng iyong ihi. Dito kasi nila malalaman kung mayroong bang presence ng bacteria o white blood cells ang iyong ihi. Kung mayroon, ibig sabihin nilalabanan nito ang partikular na infection na nangyayari sa iyong katawan.
Ano ang gamot sa UTI sa lalaki
Anti-biotics ang kadalasang ginagamot sa mga taong may sakit na UTI. | Larawan mula sa Pexels
Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas na nabanggit sa itaas, malamang sa ngayon ay iniisip mo na kung paano ba ito dapat ginagamot. Katulad lamang sa mga kababaihan, maaari ring sumailalim sa antibiotic medications ang mga lalaking mayroong UTI. Reresetahan ka ng doktor at bibigyan ng tamang instructions kung ilang araw ba dapat ito tapusing inumin.
Matapos mong simulan ang pag-inom ng gamot, mararamdaman mong gumagaan na ang iyong pakiramdam sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Kahit pa ganito, dapat ay tinatapos mo pa rin ang pag-inom ng antibiotics base sa payo ng doktor. Maaari umano kasing maging sanhi ito ng pagtubo ng mas malalakas na bacteria na maaaring resistant na sa antibiotics.
Mas matagal na gamutan naman daw ang kinakailangan ng mga taong may prostate. Ito umano ay dahil sa posibilidad na umabot na ang impeksyon sa proastate ayon sa National Institues of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases.
Ilan pa sa mga gamot sa UTI ng lalaki
Papayuhan ka rin ng mga eksperto na damihan pa ang pag-inom ng tubig. Bagaman mahirap na damihan ang pag-inom dahil masakit sa tuwing umiihi, malaking parte ito ng iyong paggaling. Nakakatulong kasi ang liquid na ma-flush o matanggal sa katawan mo ang bacteria na namumuo at nagdudulot ng UTI.
Sa ilang pagkakataon, magpapayo rin ang iyong doktor na magsuot ng condom sa tuwing nakikipagtalik. Bagaman hindi naman naiiwasan talaga ang UTI, napoprotektahan naman nito ang iyong sarili na makakuha ng STD’s na maaari namang pagmulan ng sakit. Maaari ring simulan nang gamutin ang problema sa prostate para mas bumaba pa ang risk ng pagkakaroon ng UTI.
Paano maalagaan ang sarili
Mahalagang susi naman para hindi makakuha ng iba’t ibang sakit ay ang pangangalaga sa sarili. Ika nga, kayaman ang kalusugan. Kaya naman inilista rin namin dito ang mga paraan para alagaan ang sariling health at malabanan ang mga sakit:
- Sumunod sa bawat payo ng iyong doktor lalo sa instruction sa pag-inom ng iyong medikasyon tulad ng vitamins.
- Kahit pa walang UTI, uminom ng maraming fluids lalo na ang tubig at healthy na inumin.
- Kumain parati ng masusustansya pagkain tulad ng gulay at prutas na maaaring makapagbigay sa iyo ng maraming nutrients.
- Mag-soak sa tub nang 20 hanggang 30 minuto para makaiwas sa kahit ano mang pananakit ng likod.
- Ugaliing kumonsulta parati sa iyong doktor para mabigyan ng ilang prevention tips at lunas kung may nararamdaman nang hindi maganda sa katawan.
- Umiwas sa kahit anumang stress na maaaring magdulot pa ng sakit sa iyo.
- Kung hindi kaagad kayang tigilan, unti-unting bawasan ang mga bisyo dahil labis na masama ito sa iyong pangangatawan.
- Huwag pagurin parati ang sarili at siguraduhing nakakatulong nang humigit kumulang walong oras sa isang araw.
- Iwasan ding nasa iisang lugar nang hindi gumagalaw sa mahahabang oras.
- Regular na magkaroon ng ehersisyo araw-araw.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!