Paano tumigil manigarilyo? Narito ang mga paraan na maari mong gawin!
Paano tumigil manigarilyo?
Maraming beses na nating narinig na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng seryosong problema o epekto sa ating kalusugan. Tulad ng pagkakaroon ng cancer, heart disease, lung diseases, diabetes, tuberculosis at iba pang malalang sakit. Ngunit para sa mga naninigarilyo ay hindi madaling itigil ito.
Ayon nga sa isang CDC survey, halos kalahati ng mga adult smokers sa mundo ang nais tumigil manigarilyo. Pero tanging 7.5% lang sa mga ito ang nagtatagumpay na gawin ito.
Paliwanag ni Dra. Gynna Ong Cabrera, isang pulmonologist sa Lung Center of the Philippines, hindi ito ganoon kadali. Ito ay dahil sa taglay na nicotine ng mga sigarilyo na ina-activate ang neurotransmitters sa utak na nagbibigay ng pleasure at nagdudulot ng addiction. Ang dahilan kung bakit nahihirapang tumigil ang mga naninigarilyo.
“The cigarette has 7,000 chemicals, but the nicotine is really the one that triggers the addiction.”
Ito ang pahayag ni Dr. Cabrera.
DOH Quit Smoking Hotline
Kaya naman upang matulungan ang mga naninigarilyo na malabanan ang kanilang adiksyon ay inilunsad ng Department of Health ang kanilang Quit Smoking Hotline. Sa tulong ng hotline na ito ay maaring makipag-usap sa isang counselor ang taong gustong tumigil sa paninigarilyo. Dito ay makakatanggap siya ng libreng advice at counseling sa mga hakbang na maari niyang gawin upang makamit ang kaniyang goal.
May dalawang paraan kung paano magkakaroon ng access sa Quit Smoking Hotline ng DOH. Una ay sa pamamagitan ng pagtawag sa 24-hour hotline na 165-364. O kaya naman ay sa pamamagitan ng pagtetext ng STOPSMOKE sa mga numerong (29290) 165364.
Sa pagtawag sa nasabing numero ay makakapag-enroll ka na sa quit smoking program. Dito ay may kakausap sayong counselor upang gabayan ka sa iyong pagtigil sa paninigarilyo.
Kung hindi ka naman komportable sa isang phone call ay pwede mo parin simulan ang programa sa pamamagitan ng isang text. Matapos makapag-send ng mensahe sa numerong nabanggit sa itaas ay makakatanggap ka na ng mga messages tungkol sa quit smoking program.
4-step process para tumigil manigarilyo
Sa ilalim ng programa ay may 4-step process na sinusunod kung paano tumigil manigarilyo. Ang prosesong ito ay ang sumusunod:
1. Pag-seset ng iyong “Quit Day” o araw kung kailan ka magsisimulang tumigil manigarilyo sa tulong ng programa.
Kapag nakapag-desisyon na kung kailan ang iyong “Quit Day” ay makakatanggap ka na ng tawag 24 oras bago at matapos ang nasabing araw. Ito ay upang gabayan ka sa programa. Saka i-check at kumustahin ng counselor ang status mo.
Sunod ka nilang tatawagan matapos ang isang linggo para kumustahin. Ito ay mauulit linggo-linggo hanggang sa ma-kompleto mo ang 6 na buwan.
2. Ipaalam sa mga taong nakapaligid sayo ang pagnanais mong tumigil sa paninigarilyo.
Mahalaga ito sapagkat makakatulong sila upang ma-kontrol at maiwasan mo ang adiksyon. Sa tulong ng kanilang suporta ay mas magiging possible na matapos mo ang programa at tuluyan ng matigil ang paninigarilyo.
3. Itapon na ang iyong mga smoking paraphernalia.
Para hindi ka na ma-enganyong manigarilyo pa ay itapon o alisin na sa iyong paningin ang mga gamit sa paninigarilyo. Tulad ng lighter o ashtray na makakapagpaalala sayo ng iyong adiksyon.
4. Magkaroon ng dahilan kung bakit mo nais tumigil manigarilyo.
Ayon kay Dr. Cabrebra, para magawa mo ang isang bagay ay dapat magkaroon ka ng rason kung bakit mo ito dapat gawin. At para ma-inspire ay gawin ito sa pamamagitan ng isang emergency kit.
Halimbawa, kung nais mong tumigil manigarilyo dahil sa iyong kalususan ay maglagay ng larawan ng malusog na katawan sa emergency kit. Kung para naman sa iyong pamilya ay ilagay rin ang larawan nila sa emergency kit. At saka ilagay dito ang bawat pera na iyong magagastos sanang pambili ng sigarilyo. Makikita mo kung gaano kalaki ang iyong natitipid sa pagtigil sa paninigarilyo na ginagawa mo.
7 D’s para tuluyan ng hindi bumalik sa paninigarilyo
Ang pag-aalis ng nicotine sa iyong sistema ay hindi magiging madali. Makakaranas ka ng withdrawal symptoms tulad ng paglalaway, pag-uubo at anxiety. Pero ang mga ito ay maaring malabanan sa pamamagitan ng pagsasaisip ng 7’Ds na ito.
Delay – Kung naiisip na manigarilyo ay i-delay ito. Sabihan ang iyong sarili na “mamaya na”. Saka sunod na gawin ang pangalawang D.
Distract and Do something else – I-distract ang iyong sarili sa paggawa ng ibang bagay. Sa ganitong paraan ay mawawala ang cravings mo sa sigarilyo.
Drink water – Kung naglalaway sa paghahanap ng lasa ng sigarilyo ay uminom ng tubig para malabanan ito.
Deep breathing – Matapos uminom ng tubig ay huminga ng malalim. Ito ay upang pakalmahin ang iyong sarili at patigilin sa paghahanap sa sigarilyo.
Divine Intervention – Huli, para tuluyang mapagtagumpayan ang iyong laban ay huminga ng gabay sa Diyos. Para matulungan ka niyang malabanan ang adiksyon at maging maayos na ang kalusugan mo pati na ng iyong buong pamilya.
DOH Quitline – At syempre ang pang-huli ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DOH Quit Smoking Hotline na gagabayan at hindi ka bibitawan hanggang sa matigil mo na ng tuluyan ang paninigarilyo.
Source:
CDC, GMA News
BASAHIN:
Paninigarilyo sa loob ng sasakyan nakakasama sa bata kahit na bukas ang bintana
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!