Paninigarilyo sa loob ng sasakyan kahit na nakabukas ang bintana may masama pa ring epekto sa kalusugan. Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na nailathala sa SAGE Journals. Epekto ng second hand smoke o usok mula sa taong naninigarilyo maaring makapagdulot ng cancer sa isang bata kapag siya ay tumanda. Ito ang dagdag pang natuklasan ng isa pang pag-aaral.
Paninigarilyo sa loob ng sasakyan o smoking in car with a child
Ang paninigarilyo sa loob ng sasakyan na may kasamang bata o smoking in car with a child ay illegal o ipinagbabawal sa ibang bansa. Tulad nalang sa bansang Australia at America. Ito ay dahil napatunayang may masamang epekto sa kalusugan ng isang tao lalo na sa mga bata ang SHS o second hand smoke.
Base nga isang pag-aaral, ang paninigarilyo sa loob ng sasakyan ay nag-iexpose sa mga pasahero nito sa elevated concentrations ng second hand smoke. Ito ay hindi naaalis bagamat bahagyang nababawasan kapag nakabukas ang bintana. Ang pag-aaral ay nailathala sa Sage Journal of Chronic Respiratory Disease.
“Smoking in cars can potentially expose passengers to very elevated concentrations of SHS (secondhand smoke), with increased ventilation and open window status found to reduce but not eliminate elevated SHS concentrations.”
Ang pahayag ay bahagi ng konklusyon ng ginawang pag-aaral. Ang pag-aaral ay isang systematic review ng 12 pag-aaral mula sa iba’t-ibang bansa tungkol sa paninigarilyo sa loob ng sasakyan.
Masamang epekto sa kalusugan
Base naman sa isang pag-aaral na ginawa ng Harvard School of Public Health noong 2006, may “alarming” levels ng second hand smoke ang na-gegenerate sa loob ng sasakyan sa loob lamang ng limang minuto. Sa katunayan ay mas mataas pa umano ang level ng respirable particulate matter o yung nalalanghap na polusyon mula sa second hand smoke sa loob ng sasakyan kumpara sa mga bars. Ayon parin sa pag-aaral, ang polusyon na ito ay “unhealthy” para sa sensitive groups tulad ng mga bata at senior citizen.
Maliban nga sa mataas na level ng second hand smoke, natuklasan din ng pag-aaral na tumataas ang level ng carbon monoxide sa sasakyan kapag may naninigarilyo sa loob nito. Ang carbon monoxide ay isang a poisonous gas na maaring magdulot ng coma at pagkasawi sa mga sanggol kung sila ay makakalanghap ng large amount nito. O kaya naman ay magdulot ng lethargy o pagiging matamlay at kawalan ng energy kung sila ay makakalanghap kahit ng kaunti.
Epekto ng second hand smoke sa mga bata
Maliban sa ginawang Harvard study ay marami pang pag-aaral ang isinagawa sa mga nakalipas na taon ang mayroong pare-parehong findings. Ito ang nag-udyok sa American Academy of Pediatrics o AAP na maglabas ng warning at paalala sa mga magulang tungkol sa nakakatakot na epekto ng paninigarilyo sa loob ng sasakyan sa mga bata. Ayon sa AAP, ito ay maaring magdulot ng sumusunod na kondisyon sa mga bata:
- Nagpapataas ng tiyansa sa mga bata na magkaroon lower respiratory illness. Pati na increased rates ng middle ear effusion, asthma, at sudden infant death syndrome.
- Itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng cancer kapag sila ay tumanda na.
Epekto ng second hand smoke sa mga matatanda
Ayon naman sa American Cancer Society, ang usok mula sa sigarilyo ay nagtataglay ng mahigit 7,000 kemikal at mga substansya. Ang mga ito ay nakakalason at maaring magdulot ng sumusunod na epekto sa kalusugan partikular na sa mga matatanda:
- Pagkabulag (macular degeneration)
- Katarata (paglabo ng mga lente sa mata)
- Huminang pang-amoy at panlasa
- Sakit sa puso
- Mga peptic ulcer
- Maagang pagkulubot ng balat
- Mas mababang densidad ng buto (mas mataas na panganib na mabali ang mga buto)
- Rheumatoid arthritis
- Sakit sa gilagid at pagkawala ng ngipin
- Mabahong hininga/kinalawang na ngipin
- Chronic obstructive Pulmonary Disease (COPD)
- Hika
- Kawalan ng sekswal na kakayahan ng
- Kalalakihan
- Maagang menopause
- Nabawasang kakayahang magkaanak para sa kababaihan
- Type 2 diabetes
- Matagal na paggaling ng sugat
- Huminang immune system
Second hand smoke maari ring dumikit sa mga gamit at damit
Ayon parin sa organisasyon ang second hand smoke ay hindi lang basta malalanghap sa pamamagitan ng hanging may usok ng sigarilyo. Ito ay maari ring dumikit o manatili sa damit at kagamitan. At maaring tumagal ng ilang buwan hanggang sa ilang taon. Ang second hand smoke na ito ay iniugnay rin sa atake sa puso at stroke. Pati na sa pagkakaroon ng pagbabago sa kaisipan at emosyon tulad ng depresyon.
Kaya naman upang maiwasan ang masasamang epekto na ito sa kalusugan ng iyong pamilya ay mabuting itigil o gawing tobacco smoke free na ang inyong tahanan. Ito ay hindi lamang para sa inyong kaligtasan, ngunit para narin sa kaligtasan at kinabukasan ng inyong mga anak.
Imbis na manigarilyo ay magpakabusy sa ibang healthy activities. O kaya naman ay humingi ng tulong sa mga grupo o eksperto na maaring magbigay payo sa kung paano maititigil ng paunti-unti ang paninigarilyo.
Source:
Tobacco-Free Kids, Cancer. Org, Sage Journal, AAP
Basahin:
Amoy ng sigarilyo sa kamay, masama para sa kalusugan ng bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!