X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

5 gamot sa constipation para sa mga buntis

8 min read
5 gamot sa constipation para sa mga buntis

Narito ang limang paraan at gamot sa constipation na safe para sa mga buntis.

Ang normal a bowel function o pagdumi ay iba iba sa bawat tao. Pero, may ilang tao rin na hirap sa pagdumi ng regular. Dito pumapasok ang constipation o hirap sa pagdumi.

Kadalasang nangyayari ang hirap sa pagdumi o constipated ang isang tao kapag mas mababa sa 3 beses ang pagdumi sa isang linggo. Kapag constipated, tiyak na magiging mahirap at masakit ang pagdumi. Dagdag pa, mapipilitang kang umire ng mas pwersahan kaysa normal.

Ang ilan din sa mga constipated o hirap sa pagdumi ay mararamdamang hindi pa nila tuluyang nailabas ang lahat. O ‘di kaya’y kailangan pa nilang magbawas pagkatapos nilang makadumi.

Kapag ganito ang sitwasyon, kailangan ng solusyon at gamot para sa hirap sa pagdumi, pero paano kung ng buntis? May mga kailangang alalahanin ang mga nagbubuntis tungkol sa pag-inom ng gamot basta-basta.

Hirap sa pagdumi ng buntis

Kapag hirap sa pagdumi ang isang tao, maaaring may mga sanhi ito na kailangang alamin para mabigyan ng solusyon. May mga gamot na maaaring solusyon sa hirap sa pagdumi, at home remedies na madali ring mahahanap sa palengke at sa bahay.

Pero, paano ang solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis? Ano ang mga maaaring pwedeng gawin para malunasan ang ganitong sitwasyon ng isang mommy na buntis. Dahil maselan ang alinmang pagbubuntis, may mga gamot na hindi maaaring inumin ng isang buntis ng walang konsultasyon sa doktor o OB-Gyne.

Ang hirap sa pagdumi ay isa sa mga normal na nararanasan ng isang babae habang nagdadalang-tao. Dagdag pa rito, ang infrequent bowel movements at pananakit ng tiyan na mga sintomas din ng constipation.

Ayon sa pagtataya ng Pregnancy Birth Baby, may 1 sa bawat 4 ang hirap sa pagdumi ng buntis na kinakailangan ng solusyon. Pero, sa mga ganitong kalagayan, maiibsan o kusang malulunasan ang pagiging constipated habang tumatagal ang pagbubuntis.

Kailan mararanasan na hirap sa pagdumi ng buntis at solusyon dito?

Maaaring maranasan na hirap sa pagdumi kapag nag-umpisa ng tumaas ang level ng hormones ng buntis. Ang pagtaas ng level ng hormones na ito ang siyang tumutulong bilang suporta sa pagbubuntis at sa lumalaking sanggol sa sinapupunan.

Pwedeng lumitaw ang pagbabagong ito sa hormones sa katawan sa simula ng 2 months o 3 months ng iyong first trimester.

Bakit nakakaranas ng hirap sa pagdumi ng buntis at solusyon para dito

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Acta Obstetricia et Gynecologica Scandinavica, ang constipation ay normal at nararanasan ng tatlo sa apat na babaeng nagdadalang-tao.

Ilan sa itinuturong dahilan nito ay ang hormonal changes, minimal physical exercise at low-fiber diet.

Ito ay dulot din ng pressure ng lumalaking uterus ng isang buntis. Ito ay nangyayari sa kaniyang intestines na nagpapabagal sa paggalaw ng mga pagkain at waste sa loob ng kaniyang tiyan.

gamot hirap sa pagdumi sa mga buntis

Image from Pexels

Ang constipation ay isa ring side effect ng pag-inom ng iron na makikita sa mga pre-natal vitamins ng mga buntis.

Ganoon pa man, ang hirap sa pagdumi o constipation ng mga buntis ay maari namang maiwasan at mabigyan ng solusyon.

Sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis para malaman ang solusyon dito

Narito ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis upang mas maunawaan at magabayan sa solusyon nito:

  • Progesterone: Dahil sa pag produce ng katawan ng mataas na progesterone level ng buntis, nirerelax nito ang bituka, at maging pagdumi. Kung kaya, huwag masyadong puwersahin na ilabas ang dumi sa katawan. Ang pagbagal ng digestion dulot ng progesterone ay nakakatulong sa pag-absorb ng nutrients sa iyong mga kinakain at iniinom. Sa matagal na pananatili sa colon o large intestine ng kinain, mas natutuyot ito kaya mahirap ilabas.
  • Fetus: Ang fetus ang nagiging sanhi ng pagbigat ng iyong uterus. Sa pagbigat na ito, mas nakakadagdag ito ng pressure sa pagdumi, kaya mahihirapan kang maglabas ng dumi sa katawan.
  • Lifestyle habang buntis: Ang diet, at dami ng fluids na iniinom mo kada araw, at pregnancy exercise na iyong ginagawa ang sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis.

5 gamot sa constipation o hirap sa pagdumi ng mga buntis

Ang mga sumusunod ay ilan sa paraan at gamot bilang solusyon sa constipation o hirap sa pagdumi na safe ng mga babaeng nagdadalang-tao o buntis.

1. High fiber diet

Ang pagkakaroon ng high fiber diet ay isang paraan para makaiwas sa constipation ang isang babaeng nagdadalang-tao.

Ang pagkain ng mga pagkaing high at rich in fiber din ay nagsu-supply ng kinakailangang vitamins at natural antioxidants ng isang buntis.

Sa araw-araw, ang isang buntis ay dapat nagcoconsume ng 25 to 30 grams ng dietary fiber na makikita sa mga prutas, gulay, beans, peas, cereals, prunes at whole-grain bread.

hirap-sa-pagdumi

Hirap sa pagdumi ng buntis | Image from Frepik

2. Pagpapanatiling hydrated o pag-inom ng maraming tubig

Ang pag-inom ng maraming tubig ay mahalaga sa isang babaeng nagdadalang-tao lalo na’t tumataas rin ang fiber intake nito.

Ito ay makakatulong para mapanatiling soft ang bowels o dumi ng isang buntis. Sa ganitong paraan ay mas mabilis na makakagalaw ang pagkain sa digestive tract nito at maiiwasan ang constipation.

Ang mga babaeng buntis ay dapat umiinom ng hindi bababa sa walong 12 ounces na baso ng tubig sa isang araw.

3. Pagkain ng smaller meals

Ang paghahati rin ng pagkain ng buntis sa mas maliliit na meals ay makakatulong na maibsan ang hirap sa pagdumi. Sa pamamagitan nito ay mas mada-digest ng tiyan ng mas mabilis ang pagkain at maililipat sa intestines at colon ng mas madali.

Ang pagkain na malalaki at mabigat na meals kasi ay maaring maka-overload ng tiyan ng isang buntis na nagpapahirap sa digestive system na tunawin at i-process ito.

4. Pag-e-exercise o pagkakaroon ng regular na physical activity

Ang pagkakaroon ng regular na physical activity ay makakatulong ring maibsan ang constipation sa mga buntis.

Partner Stories
The Secret to Having a Happy, Allergy-Free Holiday Season
The Secret to Having a Happy, Allergy-Free Holiday Season
#SeeADifference In Your Skin with #GoodMoleculesPH—Because There is Nothing to Hide
#SeeADifference In Your Skin with #GoodMoleculesPH—Because There is Nothing to Hide
Discover the health benefits of whole grains
Discover the health benefits of whole grains
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids

Ang mga exercises gaya ng walking, swimming at iba pang moderate exercise ay nakakatulong sa intestines ng isang buntis. Sa pamamagitan ng pag-iistimulate ng kanilang bowel movements.

Inirerekumenda na ang mga babaeng nagdadalang-tao ay dapat na nag-eexercise ng tatlong beses sa isang linggo sa loob ng 20 to 30 minuto.

Ngunit para makasiguro ay ipinapayong i-check muna sa iyong doktor kung anong mga exercise ang safe kay baby at sayo.

hirap-sa-pagdumi

Hirap sa pagdumi ng buntis | Image from Frepik

5. Pag-inom ng over-the-counter medicines

Kung ang mga natural na paraan naman na nabanggit ay hindi naging epektibo sa isang buntis, ang mga doktor ay maari ring magreseta ng mga stool softerners o gamot sa constipation gaya ng Colace.

Ngunit ito ay panandaliang lunas lamang. Dahil, ang matagal na paggamit ng Colace ay maaring magdulot ng dehydration at pagbabago sa electrolyte balance. Kapag nagbago ang electrolyte balance ay maaaring makasasama sa isang babaeng nagdadalang-tao.

Ang stool softeners gaya ng Colace ay makakatulong na basain ang dumi upang ito ay mas madaling lumabas.

Malaking tulong ito sa mga babaeng buntis na hirap sa pagdumi. Lalo na sa mga pagkakataon na kung ito ay dulot ng mga iron supplements na kailangan nilang inumin.

Ang mga stool softeners ay medications o mga gamot na kailangang i-intake. Kaya naman, mas mabuting i-check muna sa doktor kung safe ito para sayo at sa baby na dinadala mo.

Maliban sa iron ay maaring magdulot rin ng constipation ang sobrang calcium intake na makukuha sa mga dairy products. Kaya naman dapat ding maghinay-hinay sa pagkain ng mga pagkaing may mataas na content nito.

Paalala para sa solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis

Ang constipation ay normal lamang sa mga buntis. Ito nga ay sinasabing isa sa mga side effect ng pagdadalang-tao. Ngunit ito naman ay maaring malunasan at higit sa lahat ay maiwasan. Kailangan lang sundin ang mga nabanggit na paraan. Dito matitiyak na ang hirap sa pagdumi sa isang buntis ay hindi na mararanasan.

Kung kaya, ugaliin din sa bawat pagbisita sa inyong OB o prenatal visit na itanong kung may kapansin-pansin ng hindi normal sa pagdumi. Mas makakatulong ito upang mabigyan ng solusyon ng wasto sa hirap sa pagdumi ng buntis.

Maging malusog sa pagbubuntis mga moms!

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

HealthLine, EverydayHealth, American Pregnancy, Mayo Clinic, Pregnancy Birth Baby, My Cleveland Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Nathanielle Torre

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • 5 gamot sa constipation para sa mga buntis
Share:
  • Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

    Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

  • 11 na pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

    11 na pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

    Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia

  • 11 na pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

    11 na pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.