Welcome sa huling linggo na ng first trimester! Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 12 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Talaan ng Nilalaman
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang rambutan. Siya ay may habang 5.3cm at timbang na 13.8g.
File photo
Ang Development Ng Iyong Anak
Narito ang mga development ng 12 weeks na buntis.
- Nagsisimula nang ma-develop ang reflexes ng iyong anak. Ito ang dahilan kaya minsan sa ultrasound, mapapansin mo na parang kumakaway siya.
- Kaya na rin niyang mag-close at open ng kaniyang mga kamay.
- Nagsisimula na rin na mabuo ang kaniyang mga kuko sa kamay at paa.
- Ang kaniyang tastebuds ay nabubuo na rin.
Ang katawan ng using 12 weeks pregnant
Umaangat na ag iyong uterus kaya’t hindi na gaanong magkakaroon ng pressure sa iyong bladder. Sa ganitong sitwasyon, mababawasan na ang dalas ng iyong pag-ihi o pagbalik-balik sa banyo.
Karamihan din sa mga kababaihan ay hindi na gaanong nakakaramdam ng pagod. Gayunpaman, mayroon pa ring mga nakakaramdam ng pagod.
Kung sakaling may mapansin na brown patches sa iyong mukha o leeg, huwag mag-alala dahil normal lang ito. Ito ay tinatawag na “chloasma” o “mask of pregnancy.”
Normal rin ang pagkakaroon ng linea nigra, o brown line na nagpapakita sa balat ng iyong tiyan, simula sa iyong belly button hanggang sa pubic area.
Maaari na itong magsimulang magpakita sa 12 weeks o higit pang linggo ng iyong pagbubuntis. Ang chloasma at linea nigra ay dulot ng hormonal changes na nagpapataas ng dami ng melanin sa iyong katawan.
Kung sakaling hindi pa nakakapagpakonsulta sa doktor, karamihan din sa mga buntis ay isinasagawa ang kanilang first prenatal check-up sa 12th week ng pagbubuntis.
Sintomas ng buntis ng 12 weeks
Sintomas ng buntis ng 12 weeks. | Larawan mula sa iStock
- Isa sa sintomas ng buntis ng 12 weeks ay maaaring magkaroon ng mga pimples dahil sa pregnancy hormones. Huwag mag-alala dahil puwede mo itong lagyan ng calamine lotion na nabibili off-the-shelf. Kung medyo malala ang mga breakouts, kumonsulta sa gynecologist.
- Maaari ka rin magkaroon ng chloasma o melasma.
- Dahil hindi masyadong aktibo ang mga muscles sa iyong tiyan, mas nagiging matigas ang iyong dumi at mas napapadalas ang pag-utot o pagdighay. Uminom ng madaming fluids at kumain ng prutas upang maiwasan ang constipation.
- May mga damit na maaaring masikip sa bandang bewang dahil sa iyong lumalaking tiyan. Makakabuti na magsuot ng mga mas maluwag na damit.
- Ang ibang buntis naman ay nagsisimula na maging “blooming” sa panahon na ito.
- Maaaring mapansin ang pagdagdag sa timbang
- Mapapansin ang pagbabago sa suso tulad ng pag-drak ng areolas sa paligid ng iyong nipples, at ang pananakit ng suso
Mga pagbabago sa suso
Ang areolas ay kadalasang nangingitim sa ganitong yugto ng pagbubuntis. Ang breast tenderness o soreness ay maaaring magpatuloy hanggang sa second semester.
Mga maaaring gawin upang guminhawa ang pakiramdam:
- Gumamit ng bra na maayos ang fit sa iyo suso, siguraduhin na tama ang sukat nito.
- Maaaring makapagbigay ginhawa ang paglalagay ng ice packs, cool cabbage leaves o bags o frozen peas sa iyong suso habang nakahiga.
- Maghanap ng maliit at silicone breast soothing products na maaaring ilagay sa refrigerator at ilagay sa loob ng bra.
Pangangalaga sa buntis
- Siguraduhin na ang huwag lumampas sa inerekomendang timbang ng iyong gynecologist. Kumain nang sapat lamang.
BASAHIN:
Puwede bang magpakulay ng buhok ang buntis?
Buntis Guide: Week 8 ng pagbubuntis mga dapat mong malaman
Stressed habang buntis? Ito ang maaaring maging epekto nito kay baby
Ang kinakain at iniinom sa 12 weeks pregnancy
Sa yugtong ito, nagtatrabaho na ang placenta kung saan nagdadala ng oxygen at nutrients sa pamamagitan ng umbilical cord, at inaalis ang mga waste products.
Karamihan ng iyong kinakain at iniinom ay siyang kinakain at iniinom din ng iyong baby sa loob ng sinapupunan. Kaya’t mainam na kumain ng mga masusustansyang pagkain.
Huwag uminom ng masyadong maraming caffeinated drinks tulad ng coffee, tea, at energy drinks. Iwasan din ang pag-inom ng alcoholic beverages at mga gamot na hindi prescribed ng iyong doktor.
Magpakonsulta rin sa iyong doktor o midwife tungkol sa mga iniinom mong gamot kung meron man, at kung ligtas ito sa’yong pagbubuntis. Kasama rito ang prescribed medicines, natural supplements, at mga gamot mula sa chemists at supermarkets.
Iwasan din ang paninigarilyo o ang paglanghap ng secondhand smoke.
Mga dapat gawin ng buntis ng 12 weeks
- Siguraduhin na sundin ang balanced pregnancy diet na kinabibilangan ng proteins tulad ng meat, fish, o plant-based substitutes. Maaari ka ring sumubok ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas araw-araw para sa vitamins at minerals na nilalaman nito, at mga calcium-rich foods tulad ng low-fat dairy, beans, nuts, at tofu.
- Kung hindi pa nakakapagsimula mag-ehersisyo, subukan ang Kegels. Ang Kegels exercise ay nakakatulong mapalakas ang pelvic floor muscles na sumusuporta sa uterus at bladder. Maraming benepisyo na nakukuha sa Kegels, tulad ng hindi sinasadyang pag-ihi habang o pagtapos ng iyong pagbubuntis.
- Maganda ring makapagsimula ng pregnancy journal. Puwede mo itong simulant sa pagsusulat ng iyong mga exciting pregnancy milestones na maaari mong balikan pagkapanganak.
Malusog na pagbubuntis ng 12 weeks
Dahil nadadagdagan ang iyong timbang dahil sa pagbubuntis, mainam na bigyang pansin ang iyong mga kinakain at iwasan na masyadong tumaas ang iyong timbang.
Ang sobrang pagtaas ng timbang ay maaaring magresulta sa mga komplikasyon tulad ng gestational diabetes, high blood pressure, at pananakit ng likod at mga binti.
Gayunmapan, huwag ding iwasan na kumain dahil kinakailangan ito ng iyong katawan. Kumain ng maraming gulay at prutas, lean proteins, at complex carbohydrates. Umiwas sa mga junk foods, sa halip ay kumain ng snacks tulad ng yogurt at dried fruits na naglalaman ng protein, calcium, at minerals.
Kung wala pang iniinom na vitamins, magtanong sa iyong doktor sa pag-inom ng prenatal vitamins.
Larawan mula sa iStock
Checklist
- Dahil ang iyong dede ay patuloy na lumalaki, bumili ng bra na angkop sa iyong size ngayon.
- Magsimulang bumili ng maternity clothes para hindi maipit ang lumalaki mong tiyan. Siguraduhin na kumportable ang iyong suot lalo na kapag ikaw ay gumagalaw at umuupo.
- Maaari ka na rin magsimulang maghanap ng kasambahay
Kailan dapat tumawag sa doktor
Mababa na ang panganib ng pagkalaglag o miscarriage sa 12 weeks, pero mabuti pa rin na pagtuunan ng pansin ang mga warning signs na maaaring nagpapahiwatig ng problema. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Pagdurugo ng may kasamang pananakit
- Spotting na nagtatagal ng tatlo o higit pang araw
- Sobrang pananakit o cramps na tumatagal ng buong araw
Sa yugtong ito ay alam mo na kung normal lang ang nararamdaman na morning sickness. Kung sakaling nakaramdam ng severe nausea at pagsusuka nang higit sa dalawa o tatlong beses sa isang araw, tumawag agad sa doktor.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Additional source:
Healthline, RaisingChildren
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!