Dapat gawin para makatae agad? Narito ang mga tips na dapat mong gawin pati na mga dahilan ng constipation na maaring maiwasan.
Talaan ng Nilalaman
title="Mga sintomas ng constipation
">Mga sintomas ng constipation
Mga posibleng sanhi ng constipation
title="8 pampalambot ng dumi na pwede mong subukan
">8 pampalambot ng dumi na pwede mong subukan
Pampalambot ng dumi ng baby o ng bata
Pagkain pampalambot ng dumi ng bata
Gamot pampalambot ng dumi
Kailan dapat pumunta sa doktor
Hirap dumumi? Mga dapat gawin para makatae agad
Nakadepende sa ating kinakain o iniinom na gamot ang texture ng ating dumi, isa sa pampalambot ng dumi ay mga pagkaing mayaman sa fiber.
Hirap ka bang ilabas ang iyong dumi? Narito ang mga home remedies na pwede mong subukan para pampalambot ng dumi.
Natural para sa atin ang magbawas araw- araw. Senyales ito na malusog ang ating digestive system. Iba-iba rin naman ang mga tao pagdating sa pagdumi. Mayroong regular na nagagawa ito isang beses sa isang araw, at mayroon ding nakakapagdumi ng mahigit sa isang beses.
Subalit kung nagiging madalang ang iyong pagdumi at nakakaranas ka ng hirap habang ginagawa ito, maaring mayroon kang constipation.
Ano ang constipation?
Ang constipation ay isa sa mga karaniwang sakit sa ating digestive system. Inilalarawan ito ng hirap sa pagdumi, sakit kapag tumatae o pagiging madalas ng pagdumi. Kung ang iyong pagdumi ay naging madalang (3 beses sa isang linggo), maaaring mayroon kang constipation.
Maraming posibleng dahilan ang pagkakaroon ng constipation. Kadalasan, nangyayari ito kapag mabagal ang pagdaloy ng dumi o stool sa ating colon. Kapag mabagal ang pagdaan ng pagkain sa ating digestive tract, mas maraming tubig ang nasisipsip nito ay mas tumitigas ang ating stool.
Mga sintomas ng constipation
Alam mong constipation ang nararanasan mo kung:
- Masakit ang ibabang bahagi ng iyong tiyan
- May pakiramdam na nadudumi pa rin, kahit kakadumi lang
- Maliliit at matitigas na dumi
- Hirap na hirap mailabas ang dumi (minsan umiiri)
- May rectal bleeding o pagdurugo kapag dumudumi
Mga posibleng sanhi ng constipation
Ang constipation ay karaniwang sanhi ng mabagal na paggalaw ng tinutunaw na pagkain sa colon (malaking bituka).
Narito pa ang ilang posibleng sanhi ng hirap sa pagdumi:
- mga gamot na iniinom
- kakulangan sa pag-eehersisyo
- pagbabago sa iyong routine
- kulang sa fiber sa iyong diet
- kakulangan ng tubig sa katawan
- maling paggamit ng laxatives
- hormonal disorders o mataas na lebel ng estrogen at progesterone kapag nagbubuntis
Kailangang kumonsulta kaagad sa doktor para malaman kung bakit nga ba nangyayari ito, lalo na kung nagbubuntis at para malaman na din kung ano ang mga pagkaing pampalambot ng dumi na pwede mong subukan
Pampalambot ng dumi | Image from Freepik
8 pampalambot ng dumi na pwede mong subukan
Bagamat pwedeng magreseta ang iyong doktor ng gamot na makakatulong sa iyong constipation, mayroon rin namang mga home remedies na pwede mo munang subukan. O mga dapat gawin para makatae agad ang nakakaranas ng constipation:
1. Uminom ng maraming tubig.
Isa sa pinakamabisang pampalambot ng dumi o dapat gawin para makatae agad ay ang pag-inom ng madaming tubig.
Kailangan ng katawan ang tubig para maging madali ang pagdaloy ng pagkain at stool sa ating katawan. Kapag dehydrated ka, mas malaki ang posibilidad ng constipation.
Kung hirap na sa pagdumi, uminom din ng carbonated (sparkling) water para ma-rehydrate at umayos ang sistema. May mga pag-aaral na nagsasabing mas epektibo umano ang sparkling water kaysa sa karaniwang tubig na iniinom natin.
Iwasan lang ang carbonated drinks na mataas ang sugar content tulad ng mga softdrinks dahil mas makakapagpalala ito ng kondisyon.
Pampalambot ng dumi sa buntis | Image from Freepik
2. Mga pagkaing mayaman sa fiber
Malaki ang natutulong ng fiber sa panunaw ng pagkain natin. Fiber ang nakakatulong na makadumi ng regular at tamang consistency (hindi masyadong malambot at hindi rin matigas). Ang pagkain rin ng fiber ang unang dapat gawin para makatae agad.
- kamote (sweet potato)
- popcorn (basta’t walang matamis na flavor tulad ng caramel, at hindi rin nakababad sa butter, dahil ang mga ito ay mataas ang calorie content)
- nuts gaya ng almonds, pecans, at walnuts
- beans
- seeds tulad ng sesame seeds at pumpkin seeds, pati na rin flaxseed
- prutas tulad ng peras, plums, at mansanas, at kiwi (2 piraso ng kiwi kada araw, para sa mga adults na constipated).
- berries: raspberries, blackberries, blueberries, at strawberries
- broccoli (ang kalahating tasa lang ng lutong broccoli ay sagana na sa fiber at vitamin C).
Makakatulong ang insoluble fibers sa pampalambot ng dumi. Ito ay makikita sa wheat bran, gulay at whole grains dahil ito ang nakakatulong na mapadali ang paglabas ang dumi.
Kapag soluble fibers naman, piliin ang oat bran, barley, nuts, seeds, beans, lentils, peas, at ilang gulay at prutas. Mas mabillis ang pag-absorb ng tubig kapag kumain ng mga ito, kaya’t napapalambot ang dumi.
Para maging epektibo sa pagpapalambot ng dumi, kailangan ng balanseng soluble at insoluble fibers.
3. Kumain ng probiotic foods
Epektibo din ang anumang pagkain na mayaman sa probiotic, pati na probiotic supplements. Kapag hindi balanse ang bacteria sa tiyan, tumitigas ang dumi. Nakakatulong ang pagkaing may probiotic para mabalanse ito at malabanan ang constipation. Ang pagkain ng probiotics ang isa rin sa mga nangungunang dapat gawin para makatae agad.
Ilan sa mga pagkaing mayaman sa probiotics ay ang yogurt, sauerkraut at kimchi, na may taglay na live at good bacteria.
4. Subukan rin ang prebiotics
Ang prunes, prune juice pati pasas ay kilalang prebiotics na natural na remedyo laban sa constipation at sikat na pampalambot ng dumi.
Kapag nahihirapan sa pagdumi ang isang tao, isa sa mga pinapayo ay ang uminom ng prune juice. May taglay itong sorbitol, isang natural laxative at sugar alcohol na may laxative effect.
May mga pag-aaral na nagsasabing mas mabisa pa ito kaysa fiber, lalo kung kakainin ng hanggang 2 beses kada araw. Subukan din ang dried figs at apricots, na pareho din ang epekto sa panunaw.
5. Mag-kape muna
Mabisa ang caffeine para sa constipation dahil nakakatulong ang kape na ma-stimulate ang muscles ng digestive system. May taglay ding kaunting soluble fibers ang kape na tumutulong na magbigay ng balanse sa bituka.
Ngunit ayon naman sa iba, ang kape ay hindi advisable sa pampalambot ng dumi sa buntis dahil delikado ang caffeine sa kanila.
Pampalambot ng dumi | Image from Freepik
6. Umiwas sa dairy products
May mga pagkakataon na mas nakakapagpalala ang pag-inom o pagkain ng produktong dairy tulad ng gatas at itlog.
May mga batang hindi kayang tunawin ang cow’s milk protein, at may mga adults na may lactose intolerance, na nakakaranas ng constipation.
Kung alam nang lactose intolerant, umiwas na sa pagkain o produktong dairy, kahit pansamantala lang. Palitan ito ng mga pagkaing mayaman sa calcium, para hindi pa rin manghina ang sistema.
7. Sumubok ng laxatives
Ang mga laxatives ay mga uri ng gamot na pampalambot ng dumi. Ngunit upang makasiguro, kumonsulta mula sa doktor bago uminom nito para malaman kung anong uri ng laxative ang dapat mong bilhin at kung paano ito iniinom.
8. Pagbabago sa iyong lifestyle
Ang pag-eehersisyo ay makakatulong rin sa maayos na digestion at regular na paglalabas ng dumi sa katawan.
Gayundin, subukang magkaroon ng routine kung saan magiging regular ang iyong paglabas ng dumi, at iwasang pigilan ang sarili kapag kailangang pumunta sa banyo.
Pampalambot ng dumi ng baby o ng bata
Madalas ang mga babies ay may pagitan sa kanilang pagdumi. Sa ibang pagkakataon, normal din sa mga baby ang abutin ng hanggang ilang araw o higit sa isang linggo bago pa ulit tumae. Pero minsan, kailangan din ng mga pagkain, prutas o gamot bilang pampalambot ng dumi ng baby o ng bata.
Narito ang ilan sa mga home remedies o pwedeng gawin sa bahay bilang pampalambot ng dumi ng baby kapag may constipation. Ito rin ang mga dapat gawin para makatae agad ang baby o isang bata:
Ang paggalaw galawa sa mga legs ng baby ay nakakatulong bilang pampalambot ng kanyang dumi o bilang relief sa constipation.
-
Maligamgam na tubig pampaligo
Ang pagpapaligo sa baby gamit ang maligamgam na tubig ay nakakatulong sa pagpaparelax ng kanyang abdominal muscles at para mapigil ang strain. Nababawasan din nito ang iba pang discomfort na dulot ng constipation. Nakaka-enhance rin bilang pampalambot ng dumi ng baby ang warm bath.
Hindi necessarily na kailangan ng baby ang liquid supplement bilang pampalambot ng dumi. Mas nakakakuha sila ng hydration mula sa breastfeed o formula milk na kanilang iniinom o kinakain.
Pero, mas makakabuti rin kung may dagdag na liquid sa katawan ng baby, hindi lang ng bata, na pampalambot ng dumi.
Inirerekomenda minsan ng mga pediatrician ang pagpapainom ng dagdag na kakaunting dami ng tubig, o kung appropriate na sa edad ng baby o bata, ay fruit juice. Maaaring ihalo ang fruit juice sa diet ng baby na pampalambot ng kanyang dumi.
Pagkain pampalambot ng dumi ng bata
Maliban sa mga home remedies na pampalambot ng dumi ng baby o ng bata, mahalaga rin na napapanatili ang food intake. Nakakaapekto rin kung minsan ang pagkain na ipinapakain sa baby o bata sa kanilang constipation o di kaya sa pagpapalamabot ng dumi.
Pero, batay sa mga pag-aaral, kakaunting datos lang ang nagpapatunay para sa mga partikular na pagkain pampalambot ng dumi ng bata o baby. Kadalasan, ang mga evidences ng fiber riched na pagkain ay epektibo lamang bilang pampalambot ng dumi ng matatanda.
Dahil ang mga baby na magsisimula pa lang kumain ng solid food ay sensitibo pa sa mga content ng pagkain, kailangang dahan-dahanin ang proseso. Tiyakin at i-take note ang mga pagkain na madaling magdudulot ng allergy sa kanya o magdudulot ng constipation, maging ng diarrhea.
Narito ang mga dapat tandaang paraan ng pagpapakain at pagkain na pampalambot ng dumi ng bata.
Tignan muna ang basics
I-prepare ang digestive system ni baby sa pamamagitan ng pagpapakain ng mashed avocado o kamote. Ang mga pagkaing ito ay madaling tunawin at magreready sa digestive system ni baby.
Pwedeng pagpilian ang broccoli, Brussel sprouts, at beans.
P fruits o prutas na nagsisimula sa P na pampalambot ng dumi
Maaaring gawin ang puree ng pinagsamang prunes at peras, plums, o kaya ay peach. Pero, laging tiyakin kung allergic ba si baby sa mga kinakain niya, dahil kahit prutas na pampalambot ng dumi ay maaaring magdulot ng allergens.
Probiotics para sa Pampalambot ng Dumi ng Baby o Bata
Ang probiotics ay mga live microorganisms na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng tiyan at digestive system. Ang mga ito ay kilala bilang “good bacteria” na nagdadala ng benepisyo sa ating katawan, lalo na sa ating digestive tract.
Ano ang Role ng Probiotics sa Constipation?
Ang probiotics ay makakatulong sa pagpapabuti ng digestive health ng baby o bata sa pamamagitan ng pagpapasigla ng tamang balanse ng bakterya sa bituka. Nakakatulong ito sa mga sumusunod na paraan:
- Pagpapabuti ng Bowel Movement: Ang probiotics ay maaaring magdulot ng mas regular na pagdumi sa pamamagitan ng pagpapalakas ng peristalsis o ang paggalaw ng mga kalamnan sa bituka na responsable sa paggalaw ng dumi.
- Pagbawas ng Pagkapinsala sa Bituka: Ang mga good bacteria na nasa probiotics ay maaaring magbigay ng proteksyon laban sa mga harmful bacteria na nagdudulot ng constipation o iba pang digestive issues.
- Pagpapahusay ng Digestive Health: Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng flora ng bituka, ang probiotics ay makakatulong sa mas epektibong pag-digest ng pagkain, na nagreresulta sa mas regular at mas malambot na dumi.
Patikimin ang baby o ang bata ng fiber rich foods
Kapag tumuntong na ng 8 months pataas si baby, simulan ng ipakain sa kanya ang whole grains tulad ng oatmeal, fiber-rich cereals, whole wheat pasta, at brown rice.
Water intake
Hanggang 6 months ni baby, di pa niya kailangan ang pag-inom ng tubig dahil sa pag-breastfeed o formula feeding niya. Kapag lumampas na siya ng 6 months, maaari mo ng simulan ang pagpapainom kahit kaunting dami lang ng tubig.
Gamot pampalambot ng dumi
Maliban sa mga home remedies at pagkain na pampalambot ng dumi ng baby o ng bata, may mga gamot na ipeprescribe ang inyong pediatrician. Huwag painumin sa baby o bata ang mga gamot na ito ng walang reseta ng doktor.
- Laxatives
- Enema
- Suppositories
Kailan dapat pumunta sa doktor
Bagamat nagdadala ito ng hirap, hindi naman delikado ang constipation. Subalit maari rin itong magdulot ng mga komplikasyon kapag hindi ito naagapan.
Kumonsulta na agad sa iyong doktor kapag naranasan ang mga sumusunod na sintomas:
- hindi bumubuti ang pakiramdam at lalong lumalala ang constipation
- hirap sa pagdumi na biglaan at hindi alam ang dahilan
- may dugo sa iyong stool o sa iyong rectum
- matinding pananakit ng tiyan at lower back
- hindi makautot
- lagnat
- pagsusuka
- hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
Kapag mayroong katanungan tungkol sa constipation o napapansing kakaiba sa iyong katawan, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!