Hi po sa mga Mommies na nagbabasa.
First Pregnancy ko po ito at ani na buwan na po ngayon ang pinagbubuntis ko. Share ko lang po sa inyo ang Ibat ibang Ulam Recipes na niluluto ko po ngayon sa pagbubuntis ko.
Nung First Trimester ko po hanggang apat na buwan ay naglilihi pa po ako kaya wala pa po akong masiyadong nakain nun pero pagkatapos naman ng apat na buwan ay nagluluto na po ako ng ibat ibang ulam recipes na gusto ko at pati na rin panghimagas sa hapon.
Pagkabalik po ng gana ko sa pagkain ay nagluluto na po ako ng Sinangag na kanin na may sahog minsan na scrambled eggs, hotdog, beef loaf o di po kaya ay corned beef. Paborito ko po talaga ang sinangag na kanin kasi nag iiba ang lasa niya yung mapapakain ka ng tama pero sabi po kasi ng partner ko na hindi namin araw arawin para iwas sa oil pero pwede naman mag substitute ng butter para mas healthy po.
Sa Karne ng Manok naman po ang niluluto ko ay Adobong Manok, iyan po ang madalas namin ulamin pag sa karne ng manok po kasi iyan po ang paborito ng family nitong partner ko, minsan po ay nagluluto naman ako ng fried chicken iniiwasan ko lang din po kasi ang maparami sa oil kasi nga po buntis, minsan sinasahog ko sa pansit o di kaya sa mga gulay na pwede naman lagyan ng karne ng manok.
Kapag sa karne ng baboy naman po ang niluluto ko ay Sinigang na Karne ng Baboy na may gulay na pechay, cabbage, patatas at saging na saba , dinadamihan ko po ng gulay para lahat kami ay makakain at hindi po ako lang. Nabasa ko rin po kasi sa social media na mas mabuti ang pagkain ng may sabaw pag ikaw ay buntis. Minsan din po ay nag ma-marinate ako para gawing tocino kasi mas masarap po itong ulam sa almusal at mapapakain ako ng marami. Nag pri-prito rin po ako pero nilalaga ko muna ang parte ng karne ng baboy katulad ng pang porkchop tapos nilalagyan lang agad ng breading mix pero minsan lang din para iwas na rin po sa oily foods. Sinasahog ko rin po minsan sa mga gulay tulad ng string beans kasi masarap po talaga siya.
Sa gulay naman po, ang niluluto ko ay ibat ibang klase ng gulay na nilalagyan ng Sardinas kasi nabasa ko po na mabuti sa isang buntis ang pagkain ng Sardines. Ang naluto ko na po ay Upo, Malunggay, Talbos ng kamote at Itlog na may Sardinas. Sobrang sarap po at nakakagana sa pagkain. Masarap na masustansiya pa.
Iyon lang po at Maraming Salamat sa pagbabasa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!