Best Hair Care Products Na Mabibili Online

Best hair care products na mabibili online at magandang gamitin para magkaroon ng strong and healthy hair and scalp.

Gaya ng pag-aalaga sa ating balat, mahalagang bigyang pansin din ang buhok upang mapanatili ang ganda at kapal nito. Maiiwasan din ang anumang hair and scalp condition kung magkakaroon ng proper hair care routine at gagamit ng best hair care products na gawa sa skin-loving ingredients.

Kung nais mo na rin simulan ang pagkakaroon ng proper hair care routine, patuloy na magbasa! Alamin dito ang best hair care products na dapat mong isama sa iyong hair and scalp care routine. Plus, kumuha ng ilang tips na maaari mong sundin para mapanatiling healthy ang iyong crowning glory.

Best Hair Care Products in the Philippines

Moringa-O2 Anti-Hairfall

Best Natural Shampoo & Conditioner

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | Moringa-O2

Malaking tulong ang paggamit ng natural hair care products sa kalusugan ng anit at buhok. Kaya naman kung nais mo na ring magswitch sa paggamit ng natural shampoo at conditioner, maganda choice ang duo na ito ng shampoo at conditioner mula sa Moringa-O2.

Nagtataglay ang shampoo at conditioner na ito ng scalp-loving vitamins at minerals mula sa mga natural ingredients na bumubuo rito. Ang star component ng mga produktong ito ay Moringa na beneficial sa anit at nakakapagpatibay ng hair follicles. Kaya naman kung problema mo ang paglalagas ng buhok ay ito rin ang perfect products for you!

Sinamahan din ito ng Olive at Sunflower extracts na nakakapagrevitalize ng damaged hair. May kakayahan din ang mga produktong ito na palambutin at gawing smooth ang buhok dahil sa Argan Oil na kasama sa formulation nito.

Features we love:

  • Gawa sa Moringa, Olive, Sunflower at Argan Oil
  • Scalp-loving vitamins at minerals
  • Anti-hairfall

Moringa-O2 Herbal Oil

Best Hair Oil

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | Moringa-O2 Oil

Kinakailangan din ng relaxing massage ng iyong scalp upang mapanatili itong healthy. At ang resulta ng healthy scalp? Strong hair strands! Kaya naman magandang isama rin sa iyong routine ang paggamit ng Moringa-O2 Herbal Oil.

Ang kombinasyon ng Moringa oil, Olive oil at Sunflower oil ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa hair, skin at scalp. Kaya naman maaari ring gamitin ang produktong ito mula ulo hanggang paa.

Bukod pa riyan ay naglalaman ang herbal oil na ito ng 46 antioxidants, 90 vitamins at 36 minerals na nakakatulong sa healthy cell growth. Talaga namang epektibo ito sa pagbibigay moisture sa anit at pagpapatibay at kapal ng buhok.

Features we love:

  • Gawa sa Moringa, Olive at Sunflower oil
  • Maaaring gamitin sa buong katawan
  • Nagtataglay ng antioxidants, vitamins at minerals

Mama's Choice Strengthening Hair Serum

Best Hair Serum

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | Mama's Choice

Kung may serum para sa mukha at iba pang parte ng katawan, mayroon din para sa anit at buhok. At ang best hair serum na may hypoallergenic formulation ay ang Mama's Choice Strengthening Hair Serum.

Bukod sa pagiging hypoallergenic, ang produktong ito ay free from toxin, alcohol, paraben at silicone kaya naman safe ito para sa lahat, maging sa mga buntis at breastfeeding moms. Mayroon itong green peas na effective na lumalaban sa hair loss. Naglalaman din ito ng Kiwi extract na mayaman sa vitamins at nakakapagpatibay ng hair roots, at Candlenut na nakakapagbigay ng nourishment sa anit at buhok.

Higit sa lahat, ang kagandahan sa hair serum na ito ay non-sticky ito kaya hindi malagkit at nakakairitang gamitin.

Features we love:

  • Safe para sa buntis at breastfeeding moms
  • Free from harsh chemicals
  • Non-sticky formulation

The Eco Shift® Popeye's Olive

Best Conditioner Bar

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | The Eco Shift

Nauuso na rin ang mga shampoo at conditioner bars sa market. Bukod sa mas tipid ito gamitin kumpara sa liquid shampoo at conditioner ay eco-friendly rin ito dahil hindi ito gumagamit ng plastic bottle bilang packaging. At kung nais mo rin subukan ang hair products in bar form, magandang choice ang conditioner bar na ito from The Eco Shift.

Ang Popeye's Olive Conditioner Bar ay gawa sa naturally-derived ingredients kaya naman ligtas gamitin at hindi nakakairita sa balat. Nakakapag moisturize ito at nakakapagpalambot ng buhok kaya naman tiyak na magugustuhan mo ito. At sulit na sulit din ang produktong ito dahil maaari mo itong magamit hanggang 50 washes o higit pa.

Features we love:

  • Conditioner bar
  • Magagamit hanggang 50x o higit pa
  • Gawa sa naturally-derived ingredients

SEVICH Hair Vitamins

Best Hair Vitamins

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | Sevich

Hindi rin makukumpleto ang hair care routine mo kung hindi ka gagamit ng hair vitamins. At ang best pick para dyan ay ang Sevich Hair Vitamins. Naglalaman ang isang bote ng Sevich ng 30 capsules na mayroong iba't ibang vitamins na may partikular na benepisyo para sa buhok.

Kulay gold para sa daily hair care, purple para sa damaged hair, yellow para mamoisturize ang buhok, red para sa mapalambot ang buhok, orange para maging smooth ang bawat strands ng buhok, green para sa dry hair at black para sa frizzy hair. Ang kagandahan din sa hair vitamins na ito ay hindi ito malagkit at hindi na kailangan banlawan matapos ilagay sa buhok.

Features we love:

  • Iba't ibang hair vitamins
  • With Morocco oil
  • Non-greasy

YVES ROCHER Vanilla Bourbon Body & Hair Mist

Best Hair Mist

Best Hair Care Products Para Maging Strong At Healthy Ang Buhok At Anit | Yves Rocher

Para naman mapanatiling smelling good at fresh ang buhok, magandang addition sa iyong hair care routine ang hair mist. Ang Yves Rocher Body & Hair Mist ang best pick for you dahil ito ay sulit at long-lasting. Maaari kasi itong gamitin all over your body. May sweet at light scent ito mula sa Vanilla Bourbon kaya naman nakakarelax amuyin.

Tiyak na mas magugustuhan mo ang produktong ito dahil ito ay gawa sa 96% natural ingredients. Hindi dapat ipag-alala ang alcohol content nito sapagkat naglalaman ito ng 100% botanical based alcohol. Ligtas gamitin kahit na ikaw ay may sensitive skin. Karagdagan, wala rin itong halong colorant at iba pang preservatives.

Features we love:

  • Hair at body mist
  • Gawa sa 96% natural ingredients
  • 100% botanical based alcohol

Price Summary

Brands Pack size Price
Moringa-O2 - Shampoo at Conditioner 350 ml Php 345.00
Moringa-O2 - Oil 240 ml Php 680.00
Mama's Choice 50 ml Php 449.00
The Eco Shift 50 g Php 300.00
Sevich 30 capsules Php 225.00
Yves Rocher 100 ml Php 499.00

Hair Care Tips

Para mapanatiling healthy at maganda ang iyong anit at buhok, narito ang ilang hair care tips na maaari mong sundin:

  • Gumamit ng mga hair products na gawa sa natural ingredients o walang halong strong substances.
  • Kapag maliligo, banayad lamang na kuskusin ang anit upang hindi ito magdry at mairita.
  • Iwasan ang pagbababad sa matinding sikat ng araw ng mahabang oras. Kung hindi maiiwasan, gumamit ng sumbrero o payong. Malaking tulong din ang paggamit ng hair serum.
  • Ugaliing magpatrim ng buhok kada dalawa hanggang tatlong buwan upang maiwasan ang split ends.
  • Bigyan ng relaxing massage ang anit isang beses kada linggo.
  • Limitahan ang pagkukulay ng buhok o anumang hair treatment na ginagamitan ng kemikal.
  • Kung may mga partikular na hair o scalp condition na nais gamutin, piliin ang mga produktong angkop para rito. Mas makakabuti ring magpatingin sa Dermatologist upang maexamine mabuti ang anit at buhok.

Sa pagsunod ng mga hair care tips na ito at paggamit ng best hair care products, tiyak na maaachieve ninyo ang inyong hair goals at mapapanatiling malusog ang anit at buhok.

Sinulat ni

Teresa Alcantara