Naghahanap Ng Best Halloween Costumes? Narito Ang Mga Brands Na Maaaring Mabili Online

Aattend ng halloween party? Narito ang listahan ng best halloween costumes na swak para sa buong pamilya at swak din sa budget mo!

Bago sumapit ang Undas ay kaliwa't kanang Halloween parties ang tiyak na idaraos ng mga tao. Mula kasi noong nagkaroon ng pandemiya ay ngayon na lamang ulit maaaring magtipon-tipon ang mga tao na walang banta ng COVID19 o anumang sakit.

Bukod sa candies at chocolates na kailangan mong ihanda kung sakaling may kasamang trick or treat ang party, kailangan mo rin ng best Halloween costume. Nakakadagdag ito ng Halloween vibes kaya naman mas magiging masaya at exciting ang party.

Kaya naman kung may plano kang pumunta sa isang Halloween party kasama ang buong pamilya, tamang-tama ang aming listahan para sa inyo! Keep on scrolling para malaman mo ang mga brands ng best Halloween costumes na maaaring mabili online.

Best Halloween Costumes

Little Red Riding Hood costume for kids

Best for Girls

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Little Red Riding Hood

Kung naghahanap ng costume na babagay para sa iyong anak na babae, magandang choice ang Little Red Riding Hood costume na ito. Kumpleto na ang costume na ito dahil may kasama pa itong red cloak.

Bukod pa riyan ay tiyak na magiging komportable ang iyong chikiting sa pagsuot nito dahil ito ay gawa sa cotton fabric na malambot at presko. Maaari itong bagayan ng pula o itim na flat shoes upang mas maging kamukha ng kasuotan ni Little Red Riding Hood ang outfit ng iyong anak.

Features we love:

  • Gawa sa cotton fabric
  • Breathable
  • May kasamang red cloak

Prince Charming Halloween Costume

Best for Boys

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Prince Charming

Hindi man scary ang costume na ito, tiyak na babagay ito sa iyong little boy this Halloween! Talaga namang mas magiging charming at adorable siya kapag sinuot ang Prince Charming costume na ito.

Presko at lighweight ang costume na ito dahil sa polyester fabric na ginamit dito. Complete set na rin ito ng pants at prince jacket kaya naman sulit na sulit. Maaari itong bagayan ng black o white shoes para mas maging in-character ang iyong chikiting.

Features we love:

  • Complete set ng prince charming costume
  • Gawa sa polyester fabric
  • Lightweight at presko

Money Heist Costume

Best for the Whole Family

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Money Heist

Kung costume naman for the whole family ang hanap, magandang choice ang money heist costume na ito! May sizes for kids and adults kaya naman siguradong matchy-matchy ang costumes ninyong buong pamilya.

Ang costume na ito ay jumpsuit at madali lamang isuot. Breathable naman ang fabric na gamit dito at water repellent kaya't madali lamang din linisin. Maaari ring bumili ng money heist mask upang nakumpleto ang inyong Halloween outfit.

Features we love:

  • Jumpsuit
  • May available sizes for kids at adults
  • Comfortable suotin

Cartoon and Animal Onesies

Best Unisex Costume

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Animal Onesies

Nahihirapan ka pa rin bang mag-isip ng Halloween costume mo? Check out this cute onesies na pwede para sa babae at lalaki. Hindi naman kailangan na scary ang costume this Halloween, kaya kung nais mo ng costume na magagamit mo pa ulit sa ibang okasyon o di kaya ay gamiting pantulog, perfect ang cartoons and animals costume na ito.

Maraming available designs na maaaring pagpilian gaya ng iba't ibang zoo animals at cartoon characters na sina stitch, pikachu, minion at iba pa. Napaka komportable nito suotin dahil gawa ito sa flannel fabric na napakalambot. May garter din ito sa bottom part ng pants kaya naman hindi lumalagpas sa paa.

Features we love:

  • Onesie
  • Cute designs
  • Gawa sa flannel fabric
  • Unisex

Elf Fairy Dress Corset Set Halloween Costume

Best for Women

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Elf Fairy

Para sa mga ladies out there, ito ang perfect choice for you! Tiyak na babagay ang elf fairy dress na ito sa lahat ng body shapes at sizes. Ito kasi ay available sa sizes na small hanggang 5XL. At ang kagandahan dito, may kasama itong corset na nagbibigay ng extra curve sa katawan.

Napaka unique ng costume na ito na tila ba ikaw ay nasa medieval period habang suot ito. Maaari itong bagayan ng low cut boots o di kaya ay brown or blacks sandals na may mahabang strap. Higit pa riyan ay gawa rin ito sa polyester material kaya't hindi mainit sa pakiramdam habang ito ay suot.

Features we love:

  • Available sa small hanggang 5XL na size
  • May kasamang corset
  • Gawa sa polyester fabric

Star Wars Jedi Warrior Hooded Cape

Best for Men

Best Halloween Costumes: Affordable Brands Na Mabibili Online | Star Wars Jedi

Swak na swak naman para sa mga kalalakihan ang Star Wars Jedi costume na ito. Napakadali lamang isuot at maaaring ipatong sa kahit na anong damit. Ang fabric na ginamit dito ay polyester kaya naman ito ay presko at hindi mabigat suotin.

Karagdagan, available rin ang hooded cape na ito sa iba't ibang kulay gaya ng black, purple, wine red, brown, green, white at blue. Ang sizes na mayroon ito for adults ay Small hanggang XL. At ang kagandahan pa rito ay may available sizes din for kid. Kaya naman kung favorite rin ng iyong chikiting ang Star Wars ay magandang choice rin ito para sa kanyang costume.

Features we love:

  • Easy-to-wear
  • Gawa sa polyester fabric
  • For adults and kids

Price Summary

Brands Price
Little Red Riding Hood Php 478.00 - Php 599.00
Prince Charming Php 699.00 - Php 867.00
Money Heist Php 539.00
Cartoon & Animal Onesies Php 730.00 - Php 1,050.00
Elf Fairy Php 899.00 - Php 911.00
Star Wars Jedi Php 472.00 - Php 566.00

Tips sa pagpili ng best Halloween costumes

Upang makasiguradong mapipili ang best Halloween costumes para sa'yo o para sa mga chikiting, narito ang ilang gabay sa pagpili na maaari mong sundin:

  • Siguraduhing komportable ang costume na pipiliin. Maaari kasing matagal mo ito susuotin kaya't 'wag isawalang bahala ang comfort. Piliin ang costume na gawa sa cotton o iba pang fabric na breathable at malambot. Mainam din na iwasan ang pagpili ng costume na mabigat o di kaya ay yung may mga head piece na malalaki.
  • Mahalaga rin na madaling isuot ang costume na bibilhin lalo na kung ito ay para sa bata. Mabilis kasing mairita ang bata kapag nahihirapan siyang magsuot ng damit.
  • Hindi rin naman kailangan gumastos ng malaki para makabili ng magandang costume. Maraming simpleng costume na mabibili online na maaari mong i-enhance at lagyan ng palamuti gaya ng bulak, sequins at iba pang pangkulay.
  • Kung may theme naman ang Halloween party, siguraduhing hindi nalalayo sa theme ang bibilhing costume.

Siguradong excited ka na o ang mga chikiting para sa darating na Halloween! Kaya naman i-add to cart na agad ang costume na napupusuan upang makabahol pa ito sa Halloween party na iyong pupuntahan. Have a happy and safe Halloween!

 

Sinulat ni

Teresa Alcantara