Best Healthy Snacks In The Philippines

Iwasan na ang nakasanayang pag kain ng unhealthy foods at subukan ang mga guilt-free at best healthy snacks na ito na maaaring mabili online!

Isa ba sa New Year’s resolutions mo ang pagiging healthy at fit? Siguradong magiging challenging ito para sa’yo lalo na kung mahilig kang mag snacks.

Sa kabilang banda, alam mo bang may mga healthy snacks kang pwedeng ipalit sa mga maaalat, mamamantika at matatamis na pagkain? At good news dahil available ito online! Kaya naman isantabi mo na ang pag kain ng mga unhealthy processed foods at maging smart sa pagpili ng mga pagkain.

Keep on scrolling at alamin ang best healthy snacks na mabibili mo online!

Best Healthy Snacks in the Philippines

Healthy Snacks
Founding Farmers Mixed Veggie Crisps in Sea Salt
Best Healthy Chips
Buy Now
Keto Almond Chocolate Chip Cookies
Best Healthy Cookies
Buy Now
Ezekiel Keto Almond Loaf Bread
Best Healthy Bread
Buy Now
Hummus Us Authentic Greek Yogurt
Best Healthy Yogurt
Buy Now
Thai Coco Plant-gurt Yogurt Drink
Best Healthy Drink
Buy Now
Almond Breeze Almond Milk Unsweetened
Best Unsweetened Drink
Buy Now

Founding Farmers Mixed Veggie Crisps in Sea Salt

Best Healthy Chips

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Founding Farmers

Naghahanap ka ba ng healthier alternative sa corn at potato chips? Check out Founding Farmers’ Mixed Veggie Crisps in Sea Salt. Ang snack na ito ay gawa sa pinaghalo-halong real vegetables kabilang ang okra, sweet potato, green sword beans, carrots, purple sweet potato at pumpkin.

Karagdagan, ito ay vacuum-fried kaya’t mayroon itong mas mababang fat at calorie content kumpara sa mga fried chips.  Naipreserve rin ang natural flavors ng mga veggies dahil sa nasabing prosesong ito. Mataas pa ang vitamins, minerals at fiber content ng snack na ito kaya naman tiyak na beneficial ito para sa iyong overall health.

Wala rin itong gluten content at anumang artificial flavorings o preservatives na maaaring makasama sa kalusugan.

Keto Almond Chocolate Chip Cookies

Best Healthy Cookies

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Keto Cookies

Kung hilig mo naman ang pag kain ng matatamis, magandang choice para sa’yo ang Keto Almond Chocolate Chip Cookies. Gawa ito sa mga healthy ingredients kabilang ang almond flour at erythritol na healthier alternatives sa regular na flour at asukal. Dahil dito, mababa lamang ang calorie content ng cookies na ito.

Malambot, chewy at may katamtamang tamis ito kaya naman siguradong magugustuhan mo. Ang bawat box ay naglalaman ng 12 cookies at may shelf life na aabot sa isang buwan.

Ezekiel Keto Almond Loaf Bread

Best Healthy Bread

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Keto Bread

Isa sa mga pagkaing may mataas na calorie content ay ang tinapay. Ngunit alam mo ba na may mabibili kang loaf bread na mayroong low calorie content? Maeenjoy mo na ang pag kain ng tinapay without worrying sa calorie intake mo dahil sa Ezekiel Keto Almond Loaf Bread.

Bukod sa pagiging low calorie, ang almond loaf bread na ito ay sugar-free at gluten-free. Kaya naman maaari rin itong kainin ng mga taong may mataas na blood sugar. Malambot, masarap at fresh ang tinapay na ito na ginamitan ng almond flour at iba pang keto-friendly ingredients.

Higit sa lahat, dahil din sa natural na lasa nito ay napakadali itong bagayan ng kahit anong palaman. Mayroon itong shelf life na aabot ng limang araw kapag nakastore sa room temperature, ngunit maaari rin naman itong i-refrigerate o i-freeze upang mas tumagal.

Hummus Us Authentic Greek Yogurt

Best Healthy Yogurt

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Greek Yogurt

Hindi rin mawawala sa listahan ng mga healthy snacks ang greek yogurt. Bukod sa maganda ito para sa ating gut health ay napakarami pang ibang health benefits na makukuha rito. At kung naghahanap ka ng magandang brand ng greek yogurt online, subukan ang Hummus Us.

Gawa ang produktong ito sa Australian cow full cream milk na walang halong preservatives, coloring, sugar at iba pang additives. Mayroon itong maasim na manamis-namis na lasa na tiyak ay magugustuhan mo. Maaari rin itong haluan ng mga fresh fruits gaya ng strawberry, blueberry, banana, kiwi at marami pang iba.

Karagdagan, bukod sa mga nagdadiet, ideal din ito gawing snack ng mga taong may high blood pressure at diabetes.

Thai Coco Plant-gurt Yogurt Drink

Best Healthy Drink

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Yogurt Drink

Kung mahilig ka rin mag explore ng iba’t ibang drinks, tamang-tama para sa iyo ang Thai Coco Plant-gurt Yogurt Drink. Ang organic coconut yogurt drink na ito ay may katamtamang tamis at asim na siguradong hahanap-hanapin mo. Naglalaman ang inuming ito ng probiotics na maganda para sa digestion. Nakakatulong din ito para sa pagbabawas ng timbang dahil mayaman ito sa fiber.

Bukod pa riyan ay mayaman din ang yogurt drink na ito sa vitamins at minerals na nakakapag improve ng overall health, maging ng kondisyon ng balat. Vegan-friendly, dairy at gluten-free rin ito. Available ito sa mga flavors na original, mango at strawberry.

Almond Breeze Almond Milk Unsweetened

Best Unsweetened Drink

Best Healthy Snacks Philippines: Top Brands Available Online | Almond Drink

Mahilig ka bang uminom ng gatas ngunit may plano ka nang magdiet? Maaari mong gawing alternative ang almond milk na ito from Almond Breeze. Ideal ito inumin ng mga nagbabawas ng timbang maging ng mga may lactose intolerance dahil ito ay dairy-free at walang cholesterol.

Gaya ng gatas, mayaman din ang almond milk sa calcium at vitamin E. Masarap at creamy ang inuming ito at kahit walang halong sweetener ay manamis-namis pa rin. Maaari rin itong ihalo sa iba pang drinks gaya ng kape at gamitin sa pagluluto o pagbabake.

Price Comparison Table

Products Price
Founding Farmers Mixed Veggie Chips Php 219.00 – Php 657.00
Keto Chocolate Chip Cookies Php 395.00
Keto Loaf Bread Php 241.00
Hummus Us Greek Yogurt Php 330.00
Thai Coco Yogurt Drink Php 594.00
Almond Breeze Almond Milk Php 195.00

Tips para maging fit and healthy

Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa iyo upang maachieve ang healthy at fit body this year:

  1. Iwasan na ang sobrang pag kain ng matatamis, matataba, maaalat at mamamantikang pagkain. Piliin ang mga healthy foods gaya ng prutas, gulay at mga processed foods na gawa sa natural ingredients.
  2. Magkaroon ng oras para sa ehersisyo. Ideal ang pag-eexercise ng 30 minutes kada araw.
  3. Uminom ng 10 to 12 glasses of water kada araw.
  4. Siguraduhin ding napapahinga at nabibigyan ng sapat na tulog ang katawan.
  5. Iwasan na ang stress. Maaari kang marelax sa pamamagitan ng paggawa ng iyong mga favorite hobbies gaya ng pagbabasa ng libro, panunuod ng paboritong movie o tv series, paglalakad at marami pang iba.
  6. Isama ang pag-inom ng food supplement sa iyong daily routine. Makakatulong ito upang mapunan ang nutrients na kulang sa iyong katawan.

Sa pagpasok ng panibagong taon, mahalagang bigyang atensyon ang kalusugan at pangangatawan upang magawa mo ang mga bagay na planong gawin this year.

Sinulat ni

Teresa Alcantara