Best manual breast pump brand sa Philippines ba ang hanap mo? Matutulungan ka naming mamili ng brand na para sa iyo sa pamamagitan ng ilang gabay na aming ibibigay.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng best manual breast pump brand sa Philippines
Ang breast pump ay malaking tulong sa ating mga padede moms. Natutulungan nitong ma-stimulate ang breast ng mga ina upang magtuloy-tuloy ang paglabas ng kanilang gatas.
Karaniwan itong ginagamit ng mga working moms upang maimbak ang kanilang mga breastmilk habang sila ay nasa kani-kanilang mga trabaho.
Malaking tulong din ito para sa mga mommies na may malakas na supply ng gatas. Sa pamamagitan ng breast pump, mailalabas nito ang sobrang gatas at maiiwasan ang pagkakaroon ng mastitis ng mga ina.
Narito ang ilang factors na dapat isaalang-alang natin sa pagpili ng best manual breast pump brand sa Philippines:
Disenyo
Mahalaga sa ating mga ina na gusto natin ang itsura ng ating bibilhing breast pump dahil matagal natin itong gagamitin sa ating breastfeeding journey. Kasama sa pagpili ng disenyo ang pag-alam sa functionality nito upang mapadali ang pag-pump ng ating mga gatas.
Presyo
Importante na ang ating pipiliing breast pump ay pasok sa ating mga budget. Bilang ina, marami tayong mga gastusin sa pamilya kaya mahalaga na ang pipiliin nating brand ay abot-kaya natin.
Madaling linisin
Kailangan nating pumili ng brand na madaling linisin dahil araw-araw natin itong gagamitin. Mahalaga rin ito upang masigurong safe at malinis ang breastmilk na ating iipunin para kay baby.
Kaginhawahan
Ang breast pumping ay dapat na maginhawa para sa mga ina. Kung ikaw ay nasasaktan habang ginagamit ito, tiyak na hindi akma para sa iyo ang ginagamit mo. Siguraduhin na tama ang size ng breast pump at breast shield o flange nito sa iyo.
Kalidad
Matagal nating gagamitin ang breast pump kaya mahalagang dekalidad ang ating pipiliing brand. Suriin ang overall safety nito sa health ninyo ni baby. Kailangang malaman mo kung ito ay BPA-free at walang anumang kemikal na maaaring makapag-kontamina ng iyong gatas.
9 best manual breast pump brand sa Philippines
Disenyo
Innovative ang design nito at ergonomic ang handle, kaya napakadaling gamitin nito gamit ang isang kamay. Ang pag-pump gamit nito ay tulad lang ng pag breastfeed kay baby; hindi masakit at napaka-komportable gamitin ang Mama’s Choice Manual Breast Pump!
Presyo
Sa halagang PHP 549 lamang, makukuha mo na ang set na ito.
Madaling linisin
Madaling linisin ang bote pagkatapos gamitin.
Kaginhawahan at Kalidad
Multi-functional ang bottle nito na pwedeng gamitin sa manual pumping at bilang lagayan ng gatas ng mama! Siguradong safe ito para kay mama at baby dahil wala itong BPA at hazardous chemicals.
Pur Manual Breast Pump
Disenyo
May ergonomic pump shape ito para maisagawa ang manual pumping at handle na may silicone upang madaling hawakan. Ang teat o tsupon ay gawa sa standard neck comfort flow silicone nipple.
Presyo
Mabibili sa presyong PHP 1,599.75 ang manual breast pump set na ito, kasama na ang feeding bottle at silicone nipple.
Madaling linisin
Madaling linisin ang bote dahil heat resistant ang silicone. Maaaring i-sterilized gamit ang mainit na tubig.
Kaginhawahan at Kalidad
Multi-functional ang bottle nito na pwedeng gamitin sa manual pumping at bilang lagayan ng gatas ng mommy. Komportableng gamitin para kay mommy at baby, patunay na dekalidad, matibay, magagamit nang matagal, at karapatdapat talagang irekomenda.
Pigeon Milk Saver Pump
Disenyo
Ito ay may unique flange shape na siyang nagsasaayos sa breast pumping technique. Mayroon din itong grooves na nakapagpapadali ng pagsasalin ng gatas na naipon mula rito.
Nilagyan din ito ng anti-slip hook bilang sabitan ng lanyard o tali upang hindi ito malaglag habang ginagamit ito. Simple din ang disenyo nito kaya hindi komplikadong gamitin. Compact size kaya siguradong kasya sa maliit na bag.
Presyo
Ito ay mabibili sa halagang Php 599.75 sa Lazada. Ang model na ito ang pinakamura sa kanilang mga breast pumps. May iba’t ibang disenyo pa ng manual breast pumps ang brand na ito, kagaya ng Pigeon Basic Manual Breast Pump na nagkakahalaga ng Php 1,299.75 at Pigeon United Manual Breast Pump na nagkakahalaga naman ng Php 5,999.75
Madaling linisin
Arch shape ito kaya madaling linisin ng cleaning brush ang loob at labas ng breast pump. Ang suction base nito ay madali ring tanggalin.
Kaginhawahan at Kalidad
Malambot ito dahil gawa ang breast pump sa 100% food grade silicone. BPA and BPS-free kaya nakasisigurong safe gamitin sa gatas ni baby.
Haakaa Manual Breast Pump
Disenyo
Simple ang disenyo kaya natural ang suction technique nito. Compact size din kaya kasya sa baby bag o hand bag. Mayroon din itong suction base upang hindi matapon ang laman ng breast pump kapag inilapag. Ang flange nito ay fit sa lahat ng breast sizes.
Presyo
Ito ang pinakamurang model ng brand sa presyong Php 619.00. May iba pang disenyo o model ito, gaya ng Haakaa Gen 2 Silicone Manual Breast Pump na nagkakahalaga ng Php 936.00 at Haakaa Gen 3 Silicone Manual Breast Pump na nasa Php 2,099.00. Mayroon din silang mga combo sets na nasa Php 1,299.00 hanggang Php 1,999.00
Madaling linisin
Wide flange ito kaya madaling linisin gamit ang cleaning brush. Safe din itong i-sterilize sa mainit na tubig.
Kaginhawahan at Kalidad
Gawa ito sa 100% food grade silicone. 100% eco-friendly din ito. BPA, PVC, lead and phthalate-free kaya safe na safe gamitin para sa storage ng breastmilk. Lightweight din ito kaya hindi mabigat dalhin.
Spectra Manual Wide Neck Pump
Disenyo
Ang disenyo nito ay ang tipikal na manual breast pump na alam natin. Mayroon itong 5 parte: 1 flange (breast shield), 1 white valve, 1 wide neck bottle, 1 silicone diaphragm and connector, 1 handle.
Presyo
Mabibili ito sa presyong Php 800.00. May isa pang disenyo ng manual breast pump ang Spectra: Ang Spectra Handy Plus Manual Pump-Narrow Neck na nasa Php 650.00 ang halaga. Mabibili lamang ito sa official website ng Babymama.
Madaling linisin
Mabilis at madaling kalasin o i-assemble ang breast pump na ito kaya malilinis mo isa-isa ang bawat parte ng breast pump.
Kaginhawahan at Kalidad
Ang Spectra brand ay may iba’t ibang sukat ng flange na akma sa bawat nipple size ng mga ina. Mayroon silang 20mm, 24mm, 28mm at 32mm. Ito ay US FDA and European CE registered at approved bilang isang personal–use breast pump. BPA-free din ito kaya safe para sa gatas ni baby.
BASAHIN:
LIST: Top 6 shampoo para sa naglalagas na buhok ng breastfeeding moms
Beauty products at treatment na dapat iwasan ng isang breastfeeding mom
Breastfeeding must-have: 5 best nursing bras in the Philippines
Hegen Manual Breast Pump Module (Bundle)
Disenyo
Minimalist design ang brand na Hegen kaya tiyak na magugustuhan ito ng mga mommies. Mayroon itong 5 parte: 1 flange (breast shield), 1 pump body, 1 diaphragm and stem, 1 valve at 1 handle. Ang diameter ng flange tunnel ay 27mm na akma sa karaniwang nipple size ng mga ina.
Presyo
Mabibili sa Lazada ang bundle pack na ito sa halagang Php 1,900.00. Nagkakahalaga ng Php 1,599.75 ang pump module nito na may kasamang 24mm flange. Makakabili rin ng Hegen Express Store Feed Starter Set sa halagang Php 7,199.75
Madaling linisin
Mabilis at madaling kalasin o i-assemble ang breast pump na ito. Matibay at heat-resistant din kaya puwede itong i-sterilize sa mainit na tubig pagkatapos linisin.
Kaginhawahan at Kalidad
Gawa sa FDA compliant food-contact grade at NSF certified medical grade material. PPSU grade din ito, na kombinasyon ng glass at plastic materials kaya kulay amber ang storage bottle. Ilan pa sa mga features ng Hegen brand ay:
- Free of BPA, BPS, PVC at Phthalates
- Odor-free
- Lightweight
- High temperature resistance
- High impact/shatter resistance
- Dishwasher safe (top rack only)
- Tough, hard and durable
- No artificial pigments
Medela Harmony Manual Breast Pump
Disenyo
Ito ay may ergonomic design na madaling gamitin kahit sa one-hand expression. Compact, lightweight at portable din ito kaya puwedeng dalhin at gamitin kahit saan. Mayroon din itong discreet & quiet design kaya hindi ito maingay gamitin.
Presyo
Nagkakahalaga ito ng Php 2,200.00. Ito lamang ang manual breast pump na ibinebenta ng Medela brand. Ang ibang disenyo o models ng Medela ay mga electric breast pumps na nagkakahalaga ng Php 13,500 hanggang Php 19,000.
Madaling linisin
Madaling kalasin o i-assemble ang breast pump na ito. Puwede itong i-sterilize sa mainit na tubig pagkatapos linisin.
Kaginhawahan at Kalidad
Ang Medela Harmony ay may unique flex breast shields na perpektong humuhulma sa hugis ng breast ni mommy. Mayroon itong 2 Phase expression technology na nakakapag-stimulate ng natural rhythm ng pagdede ni baby sa breast ni mommy. Isa lamang ang Medela sa iilang brand ng manual breast pump na may ganitong feature. BPA-free din ito kaya safe sa gatas ni baby.
Chicco Natural Feeling Manual Breast Pump
Disenyo
Kagaya ng karaniwang manual breast pumps, ang Chicco Breast Pump ay may 5 parte: 1 flange (breast shield), 1 silicone valve, 1 wide neck bottle, 1 silicone diaphragm and connector, 1 handle. Mayroon itong ergonomic handle na madaling hawakan at hindi nakakapagod pisilin.
Presyo
May 2 uri ng manual breast pump ang brand ng Chicco: Ang Natural Feeling Breast Pump at Chicco Classic Breast Pump. Mabibili ang Natural Feeling Breast Pump sa halagang Php 2,999.75 samantalang ang Classic Breast Pump ay nasa Php 1,499.75
Madaling linisin
Madaling kalasin o i-assemble ang breast pump na ito. Puwede itong i-sterilize sa mainit na tubig pagkatapos linisin.
Kaginhawahan at Kalidad
Ito ay may maximum safety feature para sa delicate nursing period ng mga mommy. Mayroon din itong suction rate control system para sa mahusay na pagpump ng mas maraming gatas.
Ang flange nito ay may extra soft silicone cup na may special texture para sa malambot at delicate feeling ng balat ni mommy. BPA-free din ito kaya safe sa gatas ni baby.
Philips Avent Natural Comfort Manual Pump
Disenyo
Ito ay may compact lightweight and intuitive design kaya kasya sa baby bag at puwedeng dalhin o gamitin kahit saan. Kaunti lang din ang parte ng breast pump na ito kaya hindi masyadong komplikado gamitin.
Mayroon ding special design ang manual breast pump kung saan hindi tatapon sa flange ang breastmilk kahit nakaupo si mommy.
Presyo
Nagkakahalaga ang set nito ng Php 3,588.00. Kasama sa set ang travel cover, sealing disc, feeding bottle at silicone nipple.
Madaling linisin
Madaling kalasin at i-assemble ang breast pump na ito. Puwede itong i-sterilize sa mainit na tubig pagkatapos linisin.
Kaginhawahan at Kalidad
Ang flange nito ay may soft massage cushion upang maging kumportable ang breast ni mommy. Ang iconic petal design ng flange ay may mimicry technique na gumagaya sa natural rhythm ng pagdede ni baby. Nakakapag-stimulate din ito upang mas maging efficient ang suplay ng breastmilk ni mommy.
Paano malalaman ang tamang flange size ng breast pump para sa iyo?
RULER METHOD
Step 1. Sukatin ang diameter ng iyong nipple gamit ang ruler, pagkatapos magpadede.
Step 2. Magdagdag ng 4mm sa actual na sukat ng iyong nipple.
Halimbawa:
15mm + 4mm = 19mm ang sukat ng flange size mo.
COIN METHOD
Gamit ang mga coins sa bahay, ikumpara ang mga sizes nito sa laki ng diameter ng iyong nipple.
- kung kasinglaki o mas malaki sa 10 centavos ang diameter ng iyong nipple, gamitin ang 20mm flange.
- kapag ang diameter ng iyong nipple ay kasinglaki ng 25 centavos, 24mm flange ang para sa iyo.
- kung ito naman ay mas malaki sa 25 centavos ngunit mas maliit sa Php 1 coin, 28mm flange ang kailangan mo.
- at kung kasinglaki o mas malaki sa Php 5 coin ang diameter ng iyong nipple, 32mm ang dapat mong piliin.