Madalas bang naglalagas ang buhok mo Mommy kapag nagsusuklay at kapag naliligo? Kung oo, maaaring signs iyan ng tinatawag na postpartum hair loss. Gusto mo ba ng remedy para diyan? Basahin ang Top 6 shampoo para sa naglalagas na buhok na safe kahit sa mga breastfeeding mommies.
Bilang isang ina, mahirap na pagsabay-sabayin ang pagpapasuso, pag-aalaga sa mga anak, at pagliligpit sa bahay kaya naman nakakalimutan na nating alagaan ang ating mga sarili.
Mas mainam kung bigyan halaga rin at panahon ang ating sarili upang matugunan ang pangangailangan ng ating katawan.
Ano ang postpartum hair loss at bakit ito nararanasan?
Ang postpartum hair loss ay stage kung saan ang bagong panganak na ina ay nakakaranas paglalagas ng buhok na kung minsan ay umaabot sa pagkapanot o pagkalbo.
Nakakabahala ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga bagong ina na nakakaranas nito. Bukod pa rito, idagdag pa ang stress na dala ng puyat sa pag-aalaga sa bagong silang na sanggol. Kaya naman lalo itong nagpapalala sa hair loss na nararanasan.
BASAHIN:
LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak
#AskDok: 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis
STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer
Normal na yugto ito bilang isang ina, katunayan, karamihan sa mga nakakaranas nito ay umaabot sa 200-300 hair strands ang nalalagas sa kada araw. Ang dahilan nito ay ang pagbalik sa dating level ng estrogen sa katawan.
Ang pagtaas ng level ng estrogen sa katawan ng babae ay nangyayari sa panahon ng kanyang pagbubuntis. Habang tumataas ang estrogen level sa katawan, ang nagbubuntis ay nagkakaroon ng makakapal at magandang tubo ng buhok. Ang kaunting paglalagas lamang ang nararanasan dahil rito.
Mga pagkain para mabawasan matinding ang paglalagas ng buhok
Ang postpartum hair loss ay walang gamot. Subalit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya, ehersisyo, at sapat na tulog, makakatulong ito ng malaki para maibsan ang paglagas ng buhok. May mga pagkain na makakatulong para maibsan ang matinding paglalagas ng buhok.
Shampoo sa naglalagas na buhok | Image from Unsplash
Kabilang na rito ang pagkaing mayaman ng L-lysine. Ang L-lysine ang tumutulong para maabsorb ng katawan natin ang calcium at para sa pagbuo ng collagen na nagpapatibay at nagpapalago ng ating buhok.
Ang mga pagkain na karne, keso, itlog, sardinas, tokwa, abokado, at kamatis ay nagtataglay ng L-lysine na makakatulong ng malaki sa paglalagas ng buhok.
May mga shampoo product na nirerekomenda gamitin ng mga taong nakakaranas ng postpartum hair loss. Mas makakabuting suriin muna natin ang bibilhing produkto para malaman kung safe ba ito sa breastfeeding mommy.
Shampoo para sa naglalagas na buhok ng isang breastfeeding mommy
Top Hair Fall Shampoo na Safe sa Breastfeeding Mommies

Why we love it?
Maaaring maraming hair loss o hair fall shampoo na mabibili ngayon pero hindi maipagkakailang espesyal ang Mama’s Choice Treatment Shampoo dahil ito ay ginawa para lamang sa mga nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed. Dahil riyan, makakasiguro kang ligtas ito sa iyong kalusugan at ng iyong anak. Wala itong SLS, SLES, paraben, dyes, alcohol o silicones.
Nakakatulong itong linisin, bigyan ng sustansya at patibayang ang buhok. Ito ay dahil sa mga sangkap nitong natural ingredients tulad ng kiwi, candlenut at green peas. Ang kiwi ay mayaman sa vitamin C nakakatulong patibayin ang buhok habang ang candlenut ay nakakapagpasigla ng tubo ng buhok. Ang green peas naman ay nakakatulong na maging malusog ang tubo ng buhok.
How to use?
Basain ang buhok at imasahe mula anit pababa. Banlawan ito ng maigi. Maaari itong sundan ng Mama’s Choice Treatment Conditioner para sa mas magandang resulta.
Moringa O2 Anti Hairfall Shampoo with Argan Oil

Why we love it?
Gawa ito sa mga natural na sangkap na binubuo ng moringa (malunggay) at Argan Oil. Ang Moringa ay natataglay ng iba’t ibang bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan kaya naman nabibilang ito sa tinatawag na superfood. Ang moringa ay nagbibigay ng natural na proteksyon sa ating buhok mula sa pagkasira at pagkalagas.
Katulad ng ibang nabanggit na produkto, ang Moringa-O2 Herbal Anti-Hair Fall Shampoo rin ay may Argan Oil. Ito ang isa sa essential oil na tumutulong upang maibalik ang ganda, tibay, at lusog nito. Ito rin ang nagbibigay ng moisture sa anit para maiwasan ang brittle o madaling maputol na hair strand.
How to Use?
Maglagay ng sapat na dami ng shampoo sa kamay bago ipahid sa basing buhok. Imasahe sa anit ng dahan-dahan papunta sa tip ng buhok. Banlawan ng maigi. Para sa mas epektibong resulta, gumamit ng Moringa-O2 Herbal Contioner after mag-shampoo.
Dove Shampoo Hair Fall Rescue

Why we love it?
Ang produktong ito ay ginawa para sa mga taong nakakaranas ng hair fall o hair loss. Ito ay naglalaman ng dynazinc at grapeseed extract.
Dynazinc-ito ang content ng shampoo para sa naglalagas na buhok. Grapeseed Extract-ito ay nagtataglay ng antioxidant na nagpapalakas ng ating immune system at tumutulong upang maiwasan ang matinding pagkalagas ng buhok
How to use?
Katulad ng pangkaraniwang shampoo, basain ang buhok. Maglagay Dove Nutritive Solutions Shampoo Hair Fall Rescue+ sa buhok. Dahan dahan imasahe mula anit pababa. Banlawan maigi pagkatapos ng 5 minuto.
Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo with Argan Oil

Why we love it?
Ang Head & Shoulders ay kilalang brand ng shampoo para sa naglalagas na buhok dahil sa mabisang pantanggal nito ng dandruff na kalimitang sanhi ng paglalagas o hair loss. Mayroon silang iba’t ibang variants ng shampoo mabibili sa grocery o online stores. Ang mga ito ay depende sa pangangailangan ng inyong buhok.
Ang Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo with Moroccan Argan Crème ay maroong argan oil na kung saan hindi lang nagbibigay ng proteksyon sa buhok laban sa matinding init ng araw.
Habang ang argan oil ay nagtataglay rin ng fatty acids, antioxidant, at Vitamin E na kinakailangan ng isang malusog na buhok upang maiwasan ang hair breakage at hair loss.
How to use it?
Basain ng bahagya ang buhok, maglagay ng shampoo sa kamay at ipahid sa buhok. Huwag kuskusin ang scalp upang maiwasan ang lalo pang pagkalagas. Maingat na pagmasahe sa scalp ang kinakailangan. Banlawan mabuti at gamitan head na shoulder conditioner.
Pantene Pro-V Hair Fall Control Shampoo

Why we love it?
Ang Pantene ay kilalang brand noon pa man sa buong mundo dahil sa epektibo nitong formula ng shampoo na nilalabanan ang hair fall o hair loss. Ang produktong Pantene Hair Fall Control Shampoo ay nagtataglay na Pro-Vitamin Formula na nagko-convert ng Vitamins sa ating katawan upang labanan ang paglagas ng buhok. Pinapatibay ng formula nito ang strands ng ating buhok mula anit pababa.
Ayon sa clinical trial na kanilang isinagawa, umaabot sa 98% ang nababawasan na hair fall mula sa mga taong nakasubok na ng produktong ito.
How to use it?
Basain ang buhok at maglagay ng sapat na shampoo sa kamay bago ipahid sa buhok. Imasahe hanggang anit ng marahan. Banlawan at pigain ng bahagya gamit ang kamay. Para sa mas maganda resulta, sabayan ito ng Pantene Pro-V hair Fall Control Conditioner after mag-shampoo.
Shampoo sa naglalagas na buhok | Image from iStock
How to Use?
Maglagay ng sapat na dami ng shampoo sa kamay bago ipahid sa basing buhok. Imasahe sa anit ng dahan-dahan papunta sa tip ng buhok. Banlawan ng maigi. Para sa mas epektibong resulta, gumamit ng Moringa-O2 Herbal Contioner after mag-shampoo.
Aloe Grow Hair grower Shampoo

Why we love it?
Ang Aloe Grow Hair Grower Shampoo ay gawa sa mga natural na sangkap at essential oils kaya naman safe itong gamitin ng buntis at ng breastfeeding mommies.
Mayroon itong mga sumusunod na sangkap:
- Aloe Vera- kilala bilang halaman gamot nagpapatubo ng buhok, mayroong itong antioxidant at antibacterial properties
- Vitamin E- isa rin itong antioxidant na kailangan ng ating buhok
- Argan Oil- nakakatulong sa pagtanggal ng dandruff at maibsan ang paglalagas ng buhok
- Biotin- ay isang variant ng Vitamin B na tumutulong sa pangangalaga ng kuko at buhok
How to use it?
Gamitin ng katulad ng pangkaraniwang shampoo. Safe gamitin sa araw-araw. Para sa magandang resulta, gamitin ito sa loob ng isa hanggang dalawang buwan. Maari ring gumamit ng conditioner after magshampoo.