Sa tuwing sasapit ang buwanang daloy ng isang babae, kinakailangan niyang paghandaan ang sakit na dulot ng menstrual cramps at iba pang discomfort na kakambal nito. Kinakailangan ding ihanda ang menstrual pads o di kaya ay tampons na gagamitin upang manatiling hygienic at makaiwas sa leak o tagos. Bukod sa mga nabanggit na produkto, parami na rin nang parami ang mga kababaihang pinipiling gamitin ang menstrual cup. Bukod sa pagiging eco-friendly, laking tipid pa nito gamitin kumpara sa pads o tampons.
Isa ka rin ba sa gustong magswitch sa paggamit ng menstrual cup? Matuto ng higit pa tungkol sa menstrual cup at alamin ang best brands na mabibili mo online.
Ano ang menstrual cup?
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days
Ang menstrual cup ay isang funnel-shaped cup na gawa sa medical-grade silicone. Ito ay reusable at maaaring ipalit sa napkins o tampons. Ipinapasok ito sa loob ng vagina upang saluhin ang menstrual fluid o regla. Mayroon itong maliliit na air holes na nakakatulong upang makagawa ng suction sa loob ng vagina para hindi matanggal basta-basta ang cup.
Sa kabilang banda, iba-iba ang sizes at lengths ng mga period cups na mabibili sa market. Iba-iba rin kasi ang cervix height ng mga babae na kinakailangang masundan ng menstrual cups.
Best menstrual cup brands
Best for Beginners
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | Lunacup
Magandang choice ang Lunacup para sa mga magsuswitch pa lamang sa paggamit ng menstrual cup. Gawa ito sa 100% medical grade silicone kaya naman safe na safe gamitin. Bukod diyan, ito rin ay latex-free at BPA free.
Manipis lamang ang cup na ito at malambot. Komportable rin itong gamitin dahil maiksi lamang ang round tail nito at malambot din. Available ito sa tatlong sizes: Tiny, small at large. Ang Lunacup Shorty small size ang inirerekomenda para sa mga beginners. Ang tiny size naman ay para sa may mga mababang uterus at nakababata. Samantalang ang large size ay para naman sa mga babaeng may mataas na uterus o may wide vaginal size.
Features we love:
- Latex at BPA free
- Manipis at malambot
- Short tail
Best for heavy flow
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | Intimina
Kung ikaw naman ay heavy bleeder, best choice para sa’yo ang Intimina Lily Cup Classic. Kaya ka nitong bigyan ng proteksyon against leak o “tagos" sa loob ng 8 to 12 hours. Kumpara sa normal na form ng period cups, ang Intimina cups ay may kaibihan. Ito ay bahagyang palihis na umaakma sa hugis ng vagina kaya naman napakadali nitong isuot at gamitin.
Bukod pa riyan ay gawa ito sa medical grade silicone kaya naman napakalambot at reusable pa! Mayroon din itong no-spill rim na nagbibigay ng extra proteksyon sa tagos. At dahil nga sa manipis at lighweight ang cup na ito, kapag ito ay sinuot, tiyak na hindi mo ito mararamdaman. Available ito sa dalawang sizes: A at B. Ang size A ay para sa mga babaeng hindi nakaranas ng vaginal birth o panganganak at mayroong medium flow. Ang size B naman ay para sa mga may heavy flow at nakaranas nang manganak o vaginal birth.
Features we love:
- Nagbibigay proteksyon hanggang 12 hours
- No-spill rim
- Angled form
Best for high cervix
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | DivaCup
Para naman sa mga babaeng may high cervix ang DivaCup. Mayroon kasi itong long stem na naaayon sa height ng mataas na cervix. Ang kagandahan dito, maaaring i-trim ang stem depende sa height ng iyong cervix kaya puwede rin ito gamitin ng mga may katamtamang baba ang cervix.
Hanggang 12 hours ang proteksyon na kayang ibigay ng period cup na ito. Ang kagandahan din sa period cup na ito ay mayroon itong measuring lines. Nakakatulong ito sa pagmonitor ng iyong flow kada buwan at malalaman mo rin kung ikaw ba ay madalas magkaheavy flow o hindi. Medical grade silicone ang ginamit na materyal para sa DivaCup. Ito rin ay latex-free, BPA-free, plastic-free at chemical-free.
Features we love:
- Maaaring i-trim ang stem
- Measuring lines
- Gawa sa medical grade silicone
Best locally-made
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | Sinaya
Ang Sinaya Cup naman ang kauna-unahang menstrual cup brand na gawa sa bansa. Gaya ng mga imported cups, gawa rin ito sa medical grade silicone kaya’t ito ay komportable, malambot, may katamtamang nipis at ligtas gamitin.
Higit pa riyan, may kakayahan ang cup na ito na magkolekta ng menstrual fluid hanggang 12 na oras. Ito rin ay maaaring magamit hanggang dalawang taon basta’t sisiguraduhing nalilinisan at naitatabi ng maayos ang produkto. Mayroong dalawang size ang Sinaya Cup: Small at Large. Ang small ay para sa mga babae below 35 years old at ang large naman ay para sa mga 35 years old pataas.
Features we love:
- Locally-made
- Magagamit hanggang 2 years
- Transparent
Best soft cup
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | Saalt
Kung tingin mo naman ay sensitive ka at hindi magiging komportable sa paggamit ng mga firm period cups, dapat na ang piliin mo ang iyong extra soft gaya ng Saalt Soft Cup. Ang ginamit na medical grade silicone rito ay ultra-soft kaya naman tiyak na magiging komportable kang gamitin ito. Hindi ka rin mahihirapan sa pag fold nito at pagpasok sa iyong vagina.
Bukod pa riyan, kapag ang Saalt Soft Cup ay ginamit at nilinis ng maayos, maaari mo itong magamit hanggang 10 years. Sulit na sulit, hindi ba? Kaya rin nitong magbigay ng leak protection hanggang 12 hours. Slip-resistant din ito at may unique indented stem na flexible. Wala rin itong abrasive ridges na maaaring makairita.
Features we love:
- Ultra-soft silicone
- Indented stem
- Magagamit hanggang 10 years
Best unscented
Menstrual Cup: Best Brands Na Safe At Sulit Gamitin Tuwing Red Days | Haliya
Kung extra sensitive ka sa mga scented products, nararapat lamang na ang pipiliin mong period cup ay wala ring amoy. Ang Haliya Menstrual Cup ay unscented at gawa sa 100% medical grade silicone. Ito rin ay US FDA registered kaya’t makakasigurado kang ligtas ito gamitin sa iyong private part.
Ang kaibahan ng period cup na ito sa iba ay wala itong stem. Ito ay may ring para sa mas madaling pagkabit at pagtanggal sa vagina. Higit pa riyan ay mayroon itong normal firmness na hindi magdudulot ng discomfort. At dahil nga sa leak protection na nabibigay nito, maaari kang gumawa ng iba’t ibang activities o exercises habang may menstruation.
Features we love:
- Gives you freedom to move
- Mayroong bell
- Unscented
Price Comparison Table
|
Brands |
Price |
Lunacup |
Php 1,369.00 |
Intimina |
Php 1,800.00 |
DivaCup |
Php 1,840.00 |
Sinaya |
Php 1,199.00 |
Saalt |
Php 1,800.00 |
Haliya |
Php 649.00 – Php 1,900.00 |
Paano pumili ng best period cup
Sa pagpili ng best menstrual cup for you, ito ang ilan sa mga factors na kailangan mong i-consider:
Comfort
Mahalagang komportable ka sa gagamitin mong period cup. Mas malambot, mas komportable sa pakiramdam. Sa kabilang banda, ang iba naman na sanay na sa paggamit nito, mas komportable sila sa cups na mas firm.
Para kanino
Ang mga sizes at types ng menstrual cups na mabibili sa market ay ginawa para sa partikular na edad, experience at cervix height ng mga kababaihan. May mga cups na para sa beginners, below 35 years old women, 35 years old women and up, nakaranas ng vaginal birth at may low o high cervix.
Other features
Makakatulong din ang iba pang features ng period cups sa pagdedesisyon kung ano ang pipiliin mo. Halimbawa ng ibang features ng cups ay ang long stem, ring para mas madali tanggalin sa loob ng vagina, kulay at scent.
Talaga namang laking tipid kung ikaw ay gagamit ng menstrual cups. Sa loob ng dalawa hanggang sampung taon ay maaari mo itong magamit basta’t lilinisin at itatabi ng maayos. Higit sa lahat, mas komportable kang makakakilos during your red days at hindi mangangamba sa tagos.