Maraming pagbabago ang dala ng pagbubuntis tulad ng paglaki ng iyong tiyan, madalas na pagkapagod, paglilihi, at mood swings.
Mapapansin mo rin na ang pagbabago sa iyong balat. Sa kabilang banda, iba-iba pa rin ang pagbabago na nararanasan ng mga buntis sa kanilang skin.
Posibleng maging mas sensitive ang iyong balat at magkaroon ng dryness, oiliness, o acne. Mayroon ding pregnancy breakouts o skin pigmentation disorders tulad ng melasma na posibleng magdulot ng dark spots. Dahil dito, maaaring kailanganin palitan ng mga mommies-to-be ang kanilang skincare products to be pregnancy-safe. Kung kabilang ka sa mga nakakaranas ng common skin issues na ito, wag mag-alala dahil may kasagutan diyan.
Isa na ang moisturizer kaya narito ang aming picks para sa best moisturizer for pregnant women.
Talaan ng Nilalaman
Pagpili ng moisturizer para sa iyo
Kailangan mong maging maingat at mapanuri sa mga produktong gagamitin mo dahil maaari itong makaapekto sa batang nasa iyong sinapupunan. Narito ang ilang mga pointers na dapat mong sundin sa pagpili ng moisturizer:
- Ingredients used
- I-check kung ano ang mga ingredients na ginamit dito. Iwasan ang mga beauty and skincare products na may retinoic acid at retinol dahil maaari itong makasama kay baby.
- Fragrance
- Kung sensitibo ka sa pang-amoy, pumili ng fragrance-free o mga produktong may mild scent lamang.
Ingredients to avoid when choosing pregnancy-safe face moisturizer
Narito ang mga ingredients na dapat mong iwasan habang buntis:
- Anti-wrinkle ingredients tulad ng retinoids
Maraming moisturizers ang gumagamit ng retinoids na pwedeng magbawas ng wrinkles at fine lines. Pero hindi advisable na gumamit ng retinoids habang buntis. Ayon sa research, may Vitamin A derivatives tulad ng tretinoin (Retin-A) at accutane (isotretinoin) na posibleng maging sanhi ng embryotoxicity o pagkalason sa fetus. Pwede itong magresulta sa abnormal growth o pagkamatay nito. May mga studies na nagpapakita na ang tropical tretinoin ay posible rin na maging sanhi ng congenital abnormalities.
- Harsh chemicals
Mas mainam na pumili ng pregnancy-safe moisturizer na walang allergens, preservatives, fragrances, o irritants. Importante rin na walang parabens, mineral oils, phthalates, formaldehyde, at perfumes sa moisturizer dahil ang mga substances na ito ay posibleng magpataas ng chance na magkaroon ang buntis ng miscarriage. Pwede ring magdulot ito ng dry skin at adverse side effects.
- Potent acne-fighting ingredients
Iwasan ang paggamit ng produktong may retinoids, high-dose salicylic acid, hydroquinone, at oxybenzone. Limitahan rin ang paggamit ng Benzoyl peroxide.
Best moisturizer for pregnant women
Mama's Choice Daily Protection Face Moisturizer with SPF 20++
|
Buy from Shopee |
Clarins Hydra-Essentiel Light Cream
Best light cream
|
Buy from Shopee |
Neutrogena Hydro Boost Water Gel
Best long lasting
|
Buy from Shopee |
Bio-Oil Skin Care Oil
Best stretch mark oil
|
Buy Now |
VMV Hypoallergenics Know It Oil
Best Hypoallergenic
|
Buy from Shopee |
Marula Beauty Pure Marula Facial Oil
Best for Environment Conscious Users
|
Buy from Shopee |
Mama’s Choice Daily Face Moisturizer
Bakit mahusay ito?
Ang Mama’s Choice Daily Protection Face Moisturizer ay ginawa para sa mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga nanay. Wala itong alcohol o artificial fragrance na nakakairita ng balat o harmful ingredients tulad ng parabens, kaya siguradong ligtas ito gamitin sa pagbubuntis. Kapag ginamit mo ang moisturizer na ito, hindi ito malagkit sa pakiramdam at agad-agad itong nakakapagbigay ng moisture sa dry and dull na balat.
Bukod pa riyan, nagbibigay proteksyon din ito sa UV rays dahil mayroon itong SPF 20++.
Safe and epektibo din ito para sa mga nanay, FDA-registered at walang harmful ingredients katulad ng parabens, triclosan, hydroquinone, drying alcohols, at mga fragrance.
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Mayroon itong rice extract at hyaluronic acid na nakakatulong sa pag-restore ng elasticity ng balat at pagpigil ng maagang pagtanda ng balat.
- Wala rin itong harmful ingredients para sa buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina.
- Mineral sunscreen ang gamit nito na mas ligtas kumpara sa mga moisturizer na may chemical sunscreen.
- Fragrance
- Wala itong fragrance.
Clarins Hydra-Essentiel Light Cream
Best light cream
Bakit mahusay ito?
Kung ayaw mo ng moisturizer na nag-iiwan ng heavy feeling matapos ipahid sa balat, perfect choice ang Clarins Hydra Essentiel. Gel moisturizer ito kaya napakalight nito sa skin. Kayang-kaya nito mapanatili ang moisture sa iyong face at hindi nagdudulot ng oily skin dahil ito ay may matte finish.
Prinoprotektahan nito ang iyong balat mula sa pollutants at environmental stress. Para ito sa may normal at dry skin.
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Mayroon itong organic leaf of life extract na nakakatulong para maging moisturized ang balat.
- Wala rin itong harmful ingredients para sa buntis tulad ng retinol.
- Fragrance
- May light at refreshing fragrance lamang ito.
Neutrogena Hydro Boost Water Gel
Best long lasting
Bakit mahusay ito?
Gusto ng plump, supple at glowing skin? Check out Neutrogena Hydro Boost Water Gel. Nakakapagbigay ito ng intense hydration sa balat na tumatagal hanggang 72 hours. At dahil nga ito ay water-based, mas madali itong maabsorb ng balat at light lang din sa pakiramdam.
Ito ay dermatologist tested at maaaring gamitin ng mga buntis na may sensitive skin. Siguradong maaachieve mo ang glass skin goals mo sa tulong ng produktong ito!
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Tulad ng mga pregnancy-safe moisturizers, mayroon itong hyaluronic acid nakakatulong para i-lock in ang moisture at panatilihing makinis at supple ang skin mo.
- Oil-free at non-comedogenic kaya hindi ito greasy.
- 100% alcohol-free ito
- Fragrance
- Lightly scented lang ito.
Bio-Oil Skincare Oil
Most trusted skin care oil
Bakit mahusay ito?
Ang Bio-Oil ay karaniwang ginagamit para maiwasan ang stretch marks. Pero sa katunayan, pwede rin ito bilang moisturizer. Higit pa riyan ay makakatulong din ito kung ikaw ay nakakaranas ng acne at skin darkening habang nagbubuntis.
Sigurado kang pregnancy-safe ito at walang harmful ingredients.
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Mayroon itong PurCellin Oil, Vitamin E, calendula, lavender, rosemary oils at chamomile extracts
- Wala itong preservatives.
- Fragrance
- Light fragrance.
VMV Hypoallergenics Know-It-Oil
Best Hypoallergenic
Bakit mahusay ito?
True to their word, wala itong mga allergens kaya hindi mo kailangang mag-alala. Bukod pa riyan, nakakatulong itong i-repair ang damaged skin dulot ng environmental factors. May kakayahan din itong mabawasan ang inflammation ng balat.
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Clinically validated at 100% organic virgin coconut oil.
- Cholesterol- at transfat-free.
- Fragrance
- Aroma-free.
Marula Beauty Pure Marula Facial Oil
Best for Environment Conscious Users
Bakit mahusay ito?
Bukod sa nakakatulong ito para i-hydrate ang skin, mayroon pa itong antioxidant properties na nakakatulong para maiwasan ang skin aging.
Ang maganda pa rito, ito’y sustainably harvested mula sa wild marula trees. Dahil riyan, isa ito sa aming picks para sa best moisturizer for pregnant women.
Features na gusto namin dito
- Ingredients
- Purong marula oil ang star ingredient nito.
- May oleic, stearic, at palmitic fatty acids ito kaya mabilis itong ma-absorb ng skin.
- May Omega 6 and Omega 9 fatty acids ito kaya isa itong anti-aging moisturizer.
Price Comparison Table
Anumang moisturizer ang piliin mo para sa iyong pregnancy journey, sana nakatulong ang listahang ito para mabawasan ang worries mo sa paghahanap ng produktong safe para sa iyo.
Brand | Price | Pack size | Price per ml (₱/ml or g) |
Mama’s Choice Daily Face Moisturizer | ₱499.00 | 30 ml | 16.63 |
Clarins Hydra-Essentiel Light Cream | ₱3,350.00 | 50 ml | 67.00 |
Neutrogena Hydro Boost Water Gel | ₱1,114.00 | 50 g | 22.28 |
Bio-Oil Skincare Oil | ₱520.00 | 60ml | 8.67 |
VMV Hypoallergenics Know-It-Oil | ₱2,639.00 | 500ml | 5.28 |
Marula Beauty Pure Marula Facial Oil | ₱2,980.00 | 30 ml | 99.30 |
Skin care tips para sa buntis
Narito ang ilang mga skin care tips na maaari mong sundin habang ikaw ay nagbubuntis:
- Panatilihing malinis ang iyong balat.
- Mag-apply ng moisturizer.
- Maglagay ng sunscreen.
- Iwasan ang mga produktong naglalaman ng retinoids.
- Uminom ng maraming tubig.
- Kumain ng healthy foods gaya ng gulay at prutas na mayaman sa vitamin C, D at E.
- Gumamit ng produkto na gawa sa natural ingredients.
- Kumuha ng sapat na pahinga o tulog.
Mommy, kapag iyong sinunod ang aming tips at sinabayan ng pag gamit ng isa sa mga moisturizer sa aming list, tiyak na maaachieve mo ang glowing skin habang nagbubuntis!