Best Nipple Cream For Breastfeeding In The Philippines

Malaking tulong ang nipple cream kung ikaw ay nagpapasuso. Alamin ang best nipple cream for breastfeeding na mabibili mo online!

Habang nagbubuntis, madalas na lumalaki at nagiging mas sensitibo ang nipples ng maraming kababaihan. Ang palaging pagsuso ng sanggol sa ina ay maaari ring magdulot ng pamamaga at pagkairita ng nipples.

Kaya naman malaking tulong ang nipple cream para sa mga breastfeeding moms. May mga mommies na gumagamit na nito bago pa man manganak upang mapangalagaan na ang kanilang nipples at maging handa sa pagpapasuso.

Kung kasalukuyan kang naghahanap ng best nipple cream for breastfeeding, patuloy na magbasa! Inilista namin ang aming recommended brands at mga home remedies para sa cracked nipples, kabilang na ang mga kilalang best nipple cream for breastfeeding na makakatulong sa iyo.

Common causes of sore and cracked nipples

  • Milk blisters

Maaring magkaroon ng milk blisters (kilala rin bilang nipple blisters o bleb) kapag nablock ang milk duct opening ng skin layer. Naiipit ang gatas sa ilalim ng balat at nagdudulot ng masakit na dot sa nipple o areola.

Ang dot na ito ay posibleng kulay puti o dilaw. Kahit masakit ito, kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagbe-breastfeed o pumping upang maiwasan ang patuloy na pag-swell nito. Baka dumaan rin ang ilang araw bago mag-peel off ang balat. 

Semi-solidified breastmilk blockage ang isa pang sanhi ng milk blisters. Kapag nangyari ito, pwede itong i-peel off nang dahan-dahan gamit ang tissue paper o fingernail.

  • Thrush

Ang thrush ay common fungal (yeast) infection na nabubuhay sa lactose na matatagpuan sa gatas. Ang thrush ay posibleng maka-apekto sa mommies at babies. 

Maaring maapektuhan ang mommies at babies. Makakaramdam ng soreness, burning sensation, itchiness at parang nagbubuong crust sa nipples.

Tumataas ang chance na magkaroon ka ng thrush kapag: gumagamit ka ng damp nipple pads nang matagal; kapag nagsusuot ka ng plastic-lined nipple pads that can obstruct air flow sa nipple area.

Kapag may vaginal yeast infection, diabetes o anemia; o may mga nipple cracks na nag-eexpose ng balat sa yeast at bacteria. 

  • Poor latching

Upang makamit ang tamang paraan ng breastfeeding, kailangan mag-practice. Kapag masakit ang nipples ni mommy during breastfeeding, ibig sabihin ay hindi naka-latch ng maayos si baby.

Ganito rin kapag si baby ay gumagawa ng chewing o sucking motion. Ang correct mouth position ay dapat naka-open wide ang bibig sa palibot ng areola.

  • Tongue tie

Congenital medical condition ang tongue tie. Nangyayari ito kapag ang frenulum ay masyadong maikli o mahigpit, kaya limited ang movement ng dila ng bata.

May mga babies na pwedeng mag-breastfeed nang maayos sa umpisa sa pamamagitan ng correct positioning at attachment.

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Image from iStock

Sintomas ng cracked nipples

Posibleng magkaroon ng sore at cracked nipples sa first few months hanggang nagbi-breastfeed si baby. Bantayan ang mga sumusunod na common symptoms:

  • Dry and cracked skin

Ang madalas na pagpapa-breastfeed ay pwedeng magdulot ng sensitive skin sa nipple kung kaya’t nagiging dry at cracked ito. Bantayan kung ang nipples mo ay extra sensitive at may crust na nabuo.

  • Pain/soreness/discomfort

Hindi dapat masakit ang breastfeeding. Ang latch-on pain ay normal ngunit hindi ito dapat tumagal for more than 30 seconds. Kung mas matagal pa dito ang sakit na nararamdaman mo pero wala kang cracks o blisters, at ang nipples mo ay pareho ang itsura before and after every feeding, ibig sabihin nito ay wala kang dapat problemahin.

Ngunit kung magkaroon ka ng blisters at cracks o makaranas ka ng excruciating pain kapag nagbi-breastfeed, dapat ka nang magpatingin sa professional dahil hindi na ito normal. 

  • Redness

Ang redness sa nipples ay madalas associated sa thrush. Dapat mo itong bantayan lalo na kung may nararamdaman ka ring pananakit.

Nagmumula ito sa isang yeast infection at pwede itong manggaling mula sa iyo o sa iyong baby. Upang malaman kung infected si baby, tingnan kung mayroon siyang white spots sa loob ng kanyang mga pisngi.

Posibleng sa iyo galing ang infection kung mayroon kang clumpy white discharge or vaginal itchiness.

  • Bleeding

Ang poor latching ay posibleng magdulot ng bleeding cuts at pwedeng magdulot ng discomfort. Kumausap ka ng breastfeeding consultant kung masyadong masakit ang bleeding sa matagal na panahon.

  • Oozing

Kapag may oozing (nipple discharge na may laman na pus) habang nagbi-breastfeed, ito ay senyales na mayroon kang infection. Madalas ay makakaramdam rin ng pananakit at may redness.

 

Best nipple cream for breastfeeding

Best Nipple Cream
Intensive Nipple Cream
Buy from Shopee
Medela Purelan Lanolin Nipple Cream
Best Multi-purpose Nipple Cream
Buy from Lazada
Lansinoh HPA Lanolin Cream
Most Recommended Nipple Cream by Doctors
Buy from Shopee
Pigeon Nipple Cream
Best for Value
Buy from Lazada
Earth Mama Organic Nipple Butter Cream
Best Organic Nipple Cream
Buy from Lazada
Orange and Peach Nipple Balm
Best Natural Nipple Cream
Buy from Shopee

Mama’s Choice Intensive Nipple Cream

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Mama’s Choice

Bakit maganda ito?

Ang Mama’s Choice Intensive Nipple Cream ay nagbibigay ginhawa sa dry, sore at cracked nipples. Nakakatulong din ito sa pag-moisturize ng balat para maiwasan ang pag-crack nito.

Ito ay gawa sa mga natural ingredients na walang halong chemicals. Food-grade quality din ito kaya siguradong ligtas para sa iyong baby. Hindi mo na rin ito kailangan hugasan o punasan bago mag-breastfeed. Tested ang produktong ito sa mga laboratoryo sa Singapore kaya nakakasiguro ka sa bisa at kalidad ng Mama’s Choice Intensive Nipple Cream.

Mga direksyon para sa paggamit: Pagkatapos mong linisin ang iyong nipples gamit ng isang soft na cloth, ilagay ang cream sa buong nipple area. Para sa pinakamahusay na resulta, gamitin ito bilang bahagi ng iyong regular na breastfeeding routine upang maiwasan ang mga cracked and dry nipples. 

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • Isa sa ingredients ng nipple cream na ito ay lanolin na mabisa laban sa dry skin.
  • Date palm na kilala sa antioxidant properties nito.
  • Coconut oil na nakakatulong sa pag-moisturize, pag-nourish at mapalambot ang nipples.
  • Shea butter na pinapatibay at pinoprotektahan ang balat laban sa dryness.
  • (Tocopherol) Vitamin E para makatulong sa paghilom at pagpatibay ng balat.

Pakiramdam at texture

Madulas at magaan ang texture nito na hindi malagkit sa balat kapag ipinahid.

Amoy at lasa

Ang Mama’s Choice Intensive Nipple Cream ay walang amoy at lasa para mas madaling mag-breastfeed ang iyong baby.

 

Medela Purelan Lanolin Cream

Best Multi-purpose Nipple Cream

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Medela

Bakit maganda ito?

Gawa ito sa 100% lanolin. Kaya namin ito itinuturing na isa sa best nipple cream for breastfeeding in the Philippines dahil ang lanolin nito ay mula sa ethically sourced mulesing-free farms. Saludo kami sa mga produktong cruelty-free.

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • 100% ultra-pure at ethically sourced lanolin ang kaiisa-isang sangkap ng Medela Purelan at wala itong additives at preservatives
  • Hypoallergenic at pwede ito sa may sensitibong balat.
  • Safe ito sa ingestion at hindi kailangan tanggalin mula sa nipple bago magpasuso.

Pakiramdam at texture

Makapal at rich ang texture pero mabilis ma-absorb ng balat. Hindi din ito nag-iiwan ng oily at greasy na pakiramdam.

Amoy at lasa

Ang Medela Lanolin cream ay walang amoy at lasa.

 

Lansinoh HPA Lanolin Cream

Most Recommended Nipple Cream by Doctors

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines

Bakit maganda ito?

Ito ay clinically tested na safe para kay baby kaya pasok ito sa aming listahan ng best nipple cream for breastfeeding in the Philippines.

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • 100% HPA modified lanolin kaya wala itong preservatives, parabens, amoy, at lasa.
  • Hypoallergenic kaya pwede sa ito sa may sensitibong balat.
  • Safe ito sa ingestion at hindi kailangan tanggalin mula sa nipple bago magpasuso.

Pakiramdam at texture

Sinasabing mas maganda ito sa pakiramdam kumpara sa Medela. Maaari umanong mag-iwan ng mantsa na madaling matanggal gamit ang kahit anong panlaba.

Amoy at lasa

Ang Lansinoh HPA Lanolin Cream ay walang amoy at lasa.

 

Pigeon Nipple Care Cream

Best for Value

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Pigeon

Bakit maganda ito?

Ang cream na ito ay nakakatulong upang makaiwas sa pamamaga ang nipples dulot ng breastfeeding. Nakakatulong din ito makapagdagdag ng proteksyon mula sa dry at cracked nipples.  

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • 100% ultra-pure lanolin.
  • Hypoallergenic kaya pwede sa ito sa may sensitibong balat.
  • Safe ito sa ingestion at hindi kailangan tanggalin mula sa nipple bago magpasuso.

Pakiramdam at texture

Makapal at hindi greasy ang texture nito kaya nakakatulong upang mabilis na mawala ang dryness at cracked skin 

Amoy at lasa

Ang Pigeon Nipple Care Cream ay walang amoy at lasa.

 

Earth Mama Organic Nipple Butter Breastfeeding Cream

Best Organic Nipple Cream

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Earth Mama

Bakit maganda ito?

Gawa ito sa organic beeswax kaya ito ay 100% natural. Ginagamit ito sa madaming NICU sa iba’t ibang ospital sa buong mundo.

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • Organic beeswax na nakakatulong para panatilihing makinis at non-greasy ang balat.
  • Organic Cocoaseed butter at organic mango seed butter na nakakatanggal ng dryness ng balat.
  • Habang ang Organic calendula flower extract ay nakakatanggal ng irritation.
  • Walang itong lanolin.
  • Pinakaunang non-GMO project verified na nipple cream so nakakasigurdo kang safe ito kahit malunok ni baby.

Pakiramdam at texture

Hindi madikit at non-greasy.

Amoy at lasa

Ang Earth Mama Organic Nipple Butter ay walang amoy at lasa.

 

Orange and Peach Natural Nipple Balm

Best Natural Nipple Cream

 

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Orange and Peach

Bakit maganda ito?

Para sa ating huling rekomendasyon, isa sa pinagkakatiwalaang nipple cream ng ating mga breastfeeding mom ay ang Orange and Peach Natural Nipple Balm. Sobrang natural lang nito sa balat. Ang nipple balm ng Orange and Peach ay gawa sa virgin coconut oil at iba pang sangkap.

Features na gusto namin dito

Quality ingredients

  • Virgin coconut oil para palambutin ang nipples.
  • Lanolin Free.
  • Safe kay mommy at baby.
  • Hindi mo na kailangang tanggalin kapag ikaw ay magpapasuso.

Pakiramdam at texture

Madulas at manipis kumpara sa iba kaya madali itong ipahid at gamitin.

 

Nipple Cream Price Comparison

Para mas madali ikumpara ang presyo ng mga nipple cream, mommies can refer to this chart: 

Brand  Pack size Price Price per ml or g
Mama’s Choice Intensive Nipple Cream  15 ml ₱379.00 ₱25.27/ml
Medela Purelan Lanolin Cream  37 g ₱695.00 ₱18.73/g 
Lansinoh HPA Lanolin Cream  10 ml ₱359.00 ₱35.90/ml 
Pigeon Nipple Care Cream  50 g ₱899.00 ₱17.98/g 
Earth Mama Organic Nipple Butter Breastfeeding Cream   60 ml ₱1,260.00 ₱21.00/ml
Orange and Peach Natural Nipple Balm  30 g ₱449.00 ₱16.63/g

Gamot at treatment sa cracked nipples

Bagamat overwhelming ang symptoms na ito, huwag kang ma-discourage na mag-breastfeed ng iyong anak. Hindi lahat ng mga mommies ay nakakaranas ng sakit kapag nagbi-breastfeed. May mga home remedies na recommended ng breastfeeding experts upang maresolba ang mga symptoms na ito.

1. Salt water rinse

Pwedeng gamitin ang normal saline at madali lang itong gawin sa bahay. I-mix ang 1/2 teaspoon of salt sa 8 ounces ng warm water.

Isang minuto pagkatapos mong mag-breastfeed, ibabad ang iyong nipples ng sa maliit na bowl na may laman na warm saline solution. Pwede mo rin ilagay ang saline solution sa isang squirt bottle para basain ang iyong mga nipples.

2. Warm compress

Gumamit ng warm at moist washcloth. I-apply ang warm compress sa iyong nipples before at after breastfeeding upang mabawasan ang pananakit.

3. Mag-apply ng freshly expressed breastmilk sa apektadong area

Ang breastmilk ay may Vitamin E na effective sa paghilom ng sugat sa balat. Huwag maglagay ng Vitamin E mula sa capsule dahil toxic ito para sa isang sanggol. Huwag rin maglagay ng breastmilk sa dibdib kung mayroon kang thrush dahil dadami lang ang thrush.

4. Mag-apply a medical grade ointment o nipple cream

Isang necessity ang nipple ointment o nipple cream para sa isang breastfeeding mother. Gawa ito mula sa natural at baby-safe ingredients kaya hindi na kailangan tanggalin ito bago magbreastfeed. Nakakatulong ang nipple cream na tanggalin ang pananakit at pwedeng mapabilis ang iyong paghilom.

Tips sa pagpili ng best nipple cream

Best Nipple Cream For Breastfeeding: Top Brands In The Philippines | Image from iStock

Pumili kami ng limang pinakamahusay na nipple creams. Ang pagpili namin ay base sa mga katangiang ito:

  • Quality ingredients na safe para sa iyo at kay baby.
  • Pakiramdam at texture – Dapat hindi ito greasy at oily. Kadalasan, ang lanolin creams ay mas makapal at mabigat sa pakiramdam. Ang blended lanolin creams naman ay mas magaan sa pakiramdam at mas madaling gamitin ngunit nangangailangan ilagay nang ilang ulit sa isang araw
  • Amoy at lasa – May mga sanggol na sensitibo sa pang-amoy at panlasa at baka makaapekto ito sa pagdede ni baby

Ngayong alam mo na mommy kung anong brands ang maaari mong subukan, ano pa ang hinihintay mo? I-add to cart mo na ang iyong napupusuan!