Kung ikaw ay naghahanap ng panregalo sa buntis, para sa iyo ang article na ito. Kadalasan, kapag tayo ay naghahanap ng regalo para sa mga moms-to-be, una nating naiisip ay gamit para sa kanyang magiging baby. Maaaring mapakinabangan ito soon ngunit habang wala pa si baby, si mommy muna ang pasayahin.
Kaya’t upang mas maging madali ang iyong gift hunting experience, naglista kami ng mga best panregalo sa buntis:
Best panregalo sa buntis at mga brand choices
|
Regalo |
Price range |
Hospital bag |
Php 1,000 – Php 2,000 |
Comfortable maternity pillows |
Php 400 – Php 800 |
Pregnancy journal |
Php 300 – Php 1,800 |
Anti-stretchmarks product |
Php 500 – Php 1,400 |
Maternity dress |
Php 100 – Php 500 |
Best Panregalo sa Buntis
| Mama's Choice Diaper Bag | | View Details | Buy Now |
| Lekebaby nappy bag | | View Details | Buy Now |
| 5-in-1 set Mommy and Baby Diaper bag | | View Details | Buy Now |
| Maternity Backpack - Mommy and Baby Diaper Bag | | View Details | Buy Now |
| Mandaue Foam Maternity Pillow | | View Details | Buy Now |
| U-shaped Pregnancy Protection Pillow | | View Details | Buy Now |
| Fityle Sleeping Support Pillow Fityle | | View Details | Buy Now |
| Gifthing Pregnancy Journal | | View Details | Buy Now |
| Snapteria Pregnancy Journal | | View Details | Buy Now |
| Bookish.ph Personalized Pregnancy Journal | | View Details | Buy Now |
| Mustela Stretch Marks Cream | | View Details | Buy Now |
| Bio Oil Skin Care Oil 200 ml | | View Details | Buy Now |
| Palmer’s Cocoa Butter Formula - Massage Lotion | | View Details | Buy Now |
| Korean Style Maternity Dress loose size | | View Details | Buy Now |
| HapiShopi 0-9 months Maternity Dress | | View Details | Buy Now |
| Maternity Bella Babydoll Dress | | View Details | Buy Now |
Hospital or Maternity Bag
Siguradong matutuwa ang mom-to-be na iyong reregaluhan kapag ang kanyang natanggap ay hospital bag as a gift for pregnant. Magagamit ang hospital bag mula sa kanyang check-up habang siya ay nagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak. Kumapara sa tipikal na bag, ang hospital bag ay may iba’t-ibang bulsa o compartment para sa mas organisadong paglalagay ng gamit na makakatulong upang mas mapadali ang paghahanap ng gamit ni mommy o baby at maiiwasan ang pagka-stress.
Una sa listahan, ang Mama’s Choice Expandable Diaper Bag! Ito ay napakaluwag at spacious, perfect talaga ito na gamitin para sa mga gamit ni mommy or baby. Makakatulong din ito sa iyong pag-travel dahil siguradong kasya ang lahat ng essentials na kakailanganin.
Ang pinaka nagustuhan naming aspeto nito ay ang portable crib o changing station. Ito ay isang 2-in-1 bag na pwede mo gamitin panlagay ng gamit, at lugar para makatulog si baby o para makapag palit ng kanyang diaper.
Ang hospital bag na ito ay spacious at may 17 na bulsa para sa mas organized na paglalagay ng gamit ni mommy o baby. Bukod dito, ito rin ay gawa sa waterproof high grade polyester na fabric at ang loob na bahagi ay water resilient kung kaya’t napakadaling linisin sakaling may matapon na liquid sa loob ng bag. Kung gagamitin sa pamamasyal kasama si baby, maaari rin itong isabit sa stroller dahil ito ay may built-in stroller metal clips.
Ang stylish 5-in-1 hospital bag na ito ay may isang malaking bag, isang maliit na bag, isang diaper pad, isang bottle pouch at isang maliit na pouch. Ang bawat bag o pouch ay may kaniya-kaniyang gamit na maaaring mapakinabangan maging sa pang araw-araw na gamitan. Another perfect gift sa buntis!
Ang maternity backpack na ito ay may malaking space kaya’t siguradong kasya ang gamit ni mommy at baby. Ito rin ay may bottle holder na malaking tulong upang makaiwas sa pagtapon ng tubig o gatas. Mayroon din itong waterproof na side pocket na nakalaan para sa tissue. Gawa ang hospital bag na ito sa matibay na nylon polyester material.
Maternity Pillows
Habang lumalaki ang tummy ni mommy, mas nagiging mahirap para sa kanya ang paghiga o pagtulog. Malaking tulong ang paggamit ng maternity pillow na pwedeng maging travel pillow for pregnant din upang suportahan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan lalo na ang tiyan habang nakahiga. Nakakapagbigay din itong panregalo sa buntis ng mas komportableng pakiramdam kung kaya’t mas magiging masarap ang pagpapahinga habang nakayakap sa malambot na maternity pillow.
Ang Mandaue Foam C-Shaped Maternity Pillow ay nagbibigay ng full body support kung kaya’t di na kailangan pang gumamit ng maraming unan upang masuportahan ang likod, hita, tuhod, leeg, at ulo. Ang fiber-filled maternity pillow na ito ay may tamang lambot na nakatutulong upang mas maging komportable ang pakiramdam ni mommy.
Ang U-shaped pillow na ito ay may unique na hugis sa inner part na humuhubog sa katawan ng isang nagdadalang tao. Higit na sinusuportahan nito ang tiyan na nakakatulong upang makaiwas sa iba’t-ibang uri ng discomfort sa pagbubuntis gaya ng fibromyalgia at gastric reflux. Bukod dito, ang maternity pillow na ito ay may cotton filling at cover na crystal velvet fabric para sa mas mahimbing na tulog.
Ang Fityle Sleeping Support Pillow ay isang uri ng U-Shaped maternity pillow na may kurbadong design sa inner part. Ito ay epektibong gamit upang masuportahan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan at maiwasan ang pananakit ng katawan. Ang inner filling ng maternity pillow na ito ay gawa sa cotton, gayundin ang fabric na gamit sa cover.
Pregnancy Journal
Para sa mas memorable na pregnancy journey ng isang nagdadalang-tao, ideal din na regalo sa buntis ang pregnancy journal. Dito, maaari niyang itala ang mga memorable experience habang nagbubuntis gayundin ang development na nararanasan sa pagbubuntis. Karamihan din sa mga journal ay may mga nakatalang tips sa pagbubuntis na maaaring sundin ng mga moms-to-be.
Ito ang swak na regalo sa buntis na artistic at creative. Ang pregnancy journal na ito ay may tummy recording tape na maaaring gamitin sa tuwing nais alamin ang sukat ng tiyan. Mayroon ding page para sa ultrasound photos at picture ng tiyan habang lumalaki. May nakalaan din na space para sa unang picture at information tungkol kay baby kapag siya ay isinilang na.
Ang pregnancy journal na ito ay ang susunod na best buddy ni mommy sapagkat maaaring ilagay lahat ng karanasan, iba’t-ibang development habang nagbubuntis at maging ang kanyang doctor’s appointment. Mula sa pagsisimula ng pagbubuntis hanggang sa panganganak, lahat ng impormasyon ay maaaring maitala. May mga nakalaan din na space na lagayan ng pictures ni mommy, daddy, at baby.
Ito ang pregnancy journal na kung saan maaaring maitala ni mommy ang kanyang doctor’s appointment at gamitin bilang tracker ng kanyang medicine in-take, sugar, at blood pressure. Maaari rin niya itong mapaglagyan ng kanyang weekly meal plan. Bukod sa mga nabanggit, may mga nakalaan ding pahina para sa kanyang mga plano kay baby, mula sa baby shower guest list hanggang sa pagpaplano ng pangalan ni baby. At marami pang iba’t-ibang pahina na maaaring paglagyan ng mga karanasan sa pagbubuntis.
Anti-stretch marks product
Kasabay ng paglaki tiyan at pagbabago ang katawan, karaniwang lumalabas ang stretch marks sa balat ng isang buntis. Kadalasan ito ay makikita sa bahagi ng kanilang tiyan, hita, at dibdib. Kaya’t mahalaga rin para kay mommy na maalagaan ang balat habang nagbubuntis upang maiwasan ang pagkakaroon ng stretch marks. Isang great idea na gawing regalo para sa buntis ang anti-stretch marks products upang ma-encourage ang self-confidence nila during or after pregnancy.
Ang Mustela Stretch Marks Cream ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkaroon ng stretch marks habang nagbubuntis. Ito ay nagbibigay ng long-lasting hydration sa balat na nakapagpapanatili ng elasticity nito. Ang produktong ito ay fragrance-free at gawa sa mga ingredients na safe para kay mommy at baby.
Bukod sa mga cream at lotion, mayroon ding anti-stretch marks oil na mabibili sa market. Ito ay ang Bio Oil Skin Care Oil na hindi lamang maaaring gamitin para makaiwas sa stretch marks, ito rin ay nakakatulong sa pag improve ng marka mula sa sugat at uneven skin tone. Ito ay gawa sa mga natural ingredients na ligtas para sa mga nagdadalang tao at maging sa sanggol na nasa loob ng kanyang sinapupunan.
Ang Palmer’s Cocoa Butter Lotion ay perfect para sa mga mommies-to-be na may sensitive na balat. Ito ay hypoallergenic at dermatologist tested kaya’t makasisiguradong ligtas para kay mommy ang produktong ito. Ang produktong ito ay walang halong mineral oil, parabens, phthalates, fragrance allergens, at artipisyal na pangkulay kung kaya’t makakaiwas din sa anumang iritasyon o allergic reaction. Bukod sa ligtas gamitin, ito ay nagpapanatili ng moisture ng balat na maaaring makatulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng stretch marks.
Maternity Dress
Last sa ating listahan ng mga regalo para sa buntis ay ang maternity dress. Habang nagbabago ang shape at size ni mommy, kinakailangan din niya magsuot ng damit na magiging komportable para sa kanya. Ang maternity dress ang isa sa pinaka komportableng kasuotan para sa mga moms-to-be. Karaniwang ito ay may cotton spandex na tela upang ang damit ay mag adjust base sa hugis at laki ng katawan ng buntis.
Kahit na nagbubuntis, dapat ay updated pa rin si mommy sa latest fashion trend. Maaari siyang regaluhan ng Korean Style Maternity Dress na hindi lamang maganda ang print at kulay, komportable rin suotin. Ang maternity dress na ito ay may mga available sizes na medium hanggang 2XL.
Bigyan si mommy ng maternity dress na maaari niyang isuot anumang araw o okasyon. Ang maternity dress na ito ay gawa sa cotton fabric kung kaya’t napaka komportable at presko nitong suotin. Ito ay may iba’t-ibang kulay at print na may mga sizes mula small hanggang XL.
Mayroon ding mga pleated na maternity dress na mabibili para sa mga soon-to-be-mommies na conscious sa pagsusuot ng dress. Ang pleated na babang bahagi ng damit na ito ay nakakatulong upang maiwasang umangat ng husto ang dress. Ito rin ay may cotton spandex na tela at may mga sizes na small hanggang large.
Ngayong nalaman mo na kung ano ang mga dapat ibigay sa mga soon-to-be-mommies, i-add to cart mo na agad ang iyong mga napusuan.
Happy shopping!
Kung ang gusto mo naman nang panregalo sa buntis na makakatulong sa kaniyang panganganak, check out: Pregnancy Guide: Listahan ng mga Gamit sa Panganganak