Ang pagkakaroon ng vaginal discharge ay normal para sa isang buntis. Kung ikukumpara ang discharge noong hindi pa nagdadalang-tao, malaki ang pagbabago sa discharge na nararanasan ng mga buntis. Ang mga pagbabago sa vaginal discharge ay mapapansin sa kulay, lapot, at dami nito. Isa sa mga paraan upang mapanatiling fresh, clean, and dry ang pakiramdam buong araw ay ang pag gamit ng panty liners. Nagresearch kami at inilista ang five (5) best panty liners for pregnant sa artikulong ito. Kaya’t mommy, huwag nang magpaka-stress sa paghahanap ng panty liner na safe para sayo.
Talaan ng Nilalaman
Bakit nagkakaroon ng vaginal discharge ang mga buntis?
Mommies, nagtataka ba kayo kung bakit patuloy pa rin ang pagkakaroon ng vaginal discharge kahit na kayo ay nagdadalang tao na? Hindi ito dapat ikabahala dahil ang pagkakaroon ng vaginal discharge ay normal lamang para sa isang buntis.
Bukod sa patuloy na pagkaranas ng vaginal discharge, mapapansin din ang pagbabago ng dami, lapot, at kulay nito. Habang kayo ay nagbubuntis, nagbabago rin ang hormone level ng inyong katawan na nagdudulot ng pagbabago sa inyong discharge.
Isa rin sa dahilan ng pagdami ng vaginal discharge ay dahil sa paglambot ng cervix at vaginal wall. Dahil sa pagdami nito, maaaring maiwasan ang anumang infection mula sa vagina papunta sa inyong bahay-bata.
Kaya’t mommy, mas mabuting gumamit pa rin ng panty liner sa araw-araw na makatutulong upang mapanatiling fresh at komportable ang inyong pakiramdam.
Tips sa pagpili ng best panty liner for pregnant
- Pumili ng panty liner na unscented. Ito ay upang maiwasan ang anumang irritation na nagmumula sa fragrance na ginamit sa panty liner. Ngunit kung nais naman ng scented na panty liner, mas makabubuting pillin ang mayroon light scent lamang.
- Ang top sheet ng panty liner na nararapat hanapin ay dapat na breathable, airy at malambot. Bukod sa komportable suotin, ito rin ay makatutulong upang maiwasan ang agaran pagkakaroon ng bacteria.
- Para sa pang araw-araw na gamitan, pumili ng panty liner na may regular na haba at kapal upang maging komportable habang ito ay suot.
- Kapag napansin naman na malakas ang discharge, mas makabubuting pumili ng mas mahabang panty liner para sa extrang comfort at protection.
Higit sa lahat, kahit na napili mo na ang best panty liner para sa’yo, ugaliin pa ring palitan ang panty liner kapag ito ay puno na o every after 4 hours upang maiwasan ang anumang irritation o infection.
Best panty liners for pregnant: Top 5 panty liners para mapanatiling fresh, clean, at dry ang pakiramdam
Brand | Best for |
Carefree Unscented Breathable Panty Liners | Best fragrance-free panty liner |
Kotex Longer and Wider Pantiliners | Best for overnight use |
NALA Organic Panty Liner | Best organic panty liner |
Jeunesse Anion Panty Liners | Best extra long panty liner |
7 in 1 Panty Liner Bamboo Charcoal Reusable Menstrual Cloth Pads | Best reusable panty liner |
Carefree Unscented Breathable Panty Liners
Best fragrance-free panty liner
|
Buy Now |
Kotex Longer and Wider Pantiliners
Best for overnight use
|
Buy Now |
NALA Organic Panty Liner
Best organic panty liner
|
Buy Now |
Jeunesse - Anion Panty Liners
Best extra long panty liner
|
Buy Now |
Panty Liner Bamboo Charcoal Reusable
Best reusable panty liner
|
Buy Now |
Carefree Unscented Breathable Panty Liners
Best fragrance-free panty liner
Para sa mga soon-to-be-mommies na may extra sensitive skin, subukan ang Carefree Unscented Breathable Panty Liners. Mas makabubuting gumamit ng unscented na panty liner upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng iritasyon sa balat na dulot ng pabangong gamit sa produkto.
Bukod sa pagiging unscented ng produktong ito, ang materyales na ginamit ay breathable at cotton soft. Ito rin ay may regular na haba at kapal na akma para sa pang araw-araw na gamit. Mayroon din itong wide adhesive strip para maiwasan ang pagkatanggal ng liner sa panty at mapanatili ang tamang posisyon nito.
Features we love:
- Unscented.
- Breathable at cotton soft.
- Wide adhesive strip.
Kotex Longer and Wider Pantiliners
Best for overnight use
Upang mapanatiling clean and dry ang pakiramdam all night, gumamit ng Kotex Longer and Wider Pantiliners. Mas makakasigurong protektado ka sa anumang leaks kung gagamit ng panty liner na mas mahaba at malapad gaya ng produktong ito.
Bukod sa mas mahaba at mas malapad na feature ng produkto, ito rin ay ginamitan ng makabagong teknolohiya na Active Air System para maging breathable ang back sheet na makatutulong magbigay ng mas preskong pakiramdam. Mayroon din itong rapid absorb layer para sa mas mabilis na pag absorb ng discharge. Cottony-soft ang cover ng panty liner na ito na makakatulong din upang makaiwas sa anumang iritasyon sa balat.
Mas magugustuhan mo pa ang Kotex panty liner na ito dahil sa unique na structure nito na may manipis na magkabilang dulo at mas makapal na gitnang bahagi para sa mas fit at komportableng pag gamit ng produktong ito.
Features we love:
- Longer at wider.
- Active air system.
- Rapid absorb layer.
- Cottony-soft cover.
NALA Organic Panty Liner
Best organic panty liner
Kung ang hinahanap mo ay organic panty liner para sa buntis, piliin ang NALA Organic Panty Liner. Ang panty liner na ito ay gawa sa 100% organic cotton na hindi ginamitan ng pesticide, herbicide, o anumang uri ng kemikal. Ang iba pang materyales na ginamit sa produktong ito ay biodegradable kaya’t ang panty liner na ito ay environment-friendly.
Bukod sa pagiging organic ng produkto, ang panty liner na ito ay fragrance-free at clinically-tested na hypoallergenic kung kaya’t makakasiguradong maiiwasan ang anumang iritasyon, pangangati, o allergy. Ito rin ay ginamitan ng makabagong teknologiya para sa mas efficient na absorbency ng produkto.
Features we love:
- Gawa sa organic cotton.
- Hypoallergenic.
- Fragrance-free.
- Biodegradable.
Jeunesse Anion Panty Liners
Best extra long panty liner
Maraming mga moms-to-be ang mas pinipiling gumamit ng mas mahabang panty liner upang mas makasiguradong protektado sa anumang leaks na nagmumula sa discharge. Kaya’t kung ang hanap mo ay extra long panty liner, tignan ang Jeunesse Anion Panty Liners.
Ang panty liner na ito ay may haba na 15.5 cm. Bukod sa haba nito, ang produktong ito ay may malambot, smooth cottony cover, at body-contoured na hugis para sa mas kompotableng pagsuot at pag gamit. Ito rin ay may anion strip na nagbibigay ng mas preskong pakiramdam at proteksyon sa germs. Mayroon din itong moist-proof na back sheet upang mas maiwasan ang tagos kapag mas malakas ang paglabas ng discharge.
Features we love:
- Extra long.
- Anion strip.
- Soft, smooth, at cottony cover.
7 in 1 Panty Liner Bamboo Charcoal Reusable Menstrual Cloth Pads
Best reusable panty liner
Kapag reusable panty liners naman ang hanap mo, ang 7 in 1 Panty Liner Bamboo Charcoal Menstrual Cloth Pads ang subukan. Bukod sa makakatulong ka sa pagbabawas ng mga hindi nabubulok na basura sa ating kapaligiran, nakakatipid ka pa.
Ang reusable panty liner na ito ay gawa sa organic na materyales na makakatulong upang makaiwas sa anumang skin irritation. Ito rin ay may microfiber na layer para sa mabilis na pag absorb ng discharge. Ang likod na bahagi ng panty liner na ito ay gawa sa waterproof na materyales kaya’t ikaw din ay protektado sa anumang leaks. Napakadali lang din nitong ikabit sa panty dahil mayroon itong clip sa magkabilang side.
Features we love:
- Reusable at eco-friendly.
- Mas tipid gamitin.
- Gawa sa skin-friendly na materyales.
- Madaling gamitin.
Iba’t-ibang uri ng vaginal discharge ng buntis
Clear
Clear o milky white ang normal na kulay ng discharge ng mga nagdadalang tao. Ito ay tinatawag na leukorrhea. Kadalasan ang texture nito ay mas makapal kumpara sa normal na consistency ng discharge noong hindi pa nagbubuntis. Ang uri ng discharge na ito ay madalas na walang amoy o kung mayroon man, katamtaman lang.
White
Habang nagbabago ang hormone level ng isang buntis, nagbabago rin pH level ng kanyang vagina. At ito ay maaaring maging sanhi ng yeast infection. Ang kulay puti na may mas makapal na consistency na discharge ay isa sa mga senyales ng infection na ito. Bukod sa kulay at consistency, mayroon din itong amoy na maihahalintulad sa beer o cheese. Kapag nakaranas ng ganitong uri ng discharge, nararapat lamang na magpakonsulta agad sa inyong OB-Gyn.
Pink
Ang pagkakaroon naman ng pink na kulay ng discharge ay maaaring maging normal o hindi. Maaaring ito ay implantation bleeding o spotting sa mga unang linggo o buwan ng pagbubuntis. Sa kabilang banda, ito rin ay maaaring maging senyales ng miscarriage.
At isa pang maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng pink na vaginal discharge ay nalalapit na ang iyong panganganak. Kaya’t hindi rin dapat ipagsawalang bahala kapag nagkaroon ng pink vaginal discharge matapos ang ilang buwan ng simula ng pagbubuntis.
Yellow
Kapag namang napansin na ang kulay ng discharge ay dilaw, maaari rin itong senyales ng yeast infection o di kaya ay bacterial vaginosis. Bukod sa madilaw na kulay, isa pa sa katingian ng mga infections na ito ay ang malansang amoy ng discharge na.
Sa kabilang banda, ang dilaw o tila ba berde na kulay ng discharge ay isa rin sa mga sintomas ng STI o Sexually Transmitted Infection na dapat ay di ipagsawalang bahala. Ito ay sa kadahilanang maaaring makuha ng sanggol sa iyong sinapupunan ang ganitong uri ng infection.
Brown
Kung brown naman ang kulay ng discharge, hindi agad kailangan mabahala sapagkat ito ay isa sa mga senyales ng pagbubuntis. Habang nagdadalang-tao, ang cervix ay sensitibo dahil sa pagbabago sa level ng hormones. At kasabay ng pagbabago ng hormone level ay ang mas malakas na pagdaloy ng dugo na nagdudulot ng spotting.
Sa kabilang banda, gaya ng pink discharge, ang pagkakaroon ng kulay brown na discharge ay maaari ring senyales ng miscarriage kaya’t ito ay hindi rin dapat ipagsawalang bahala.
Price comparison
Narito ang comparison ng mga presyo ng top 5 panty liners for pregnant
Brand | Price |
Carefree Unscented Breathable Panty Liners | Php 53 |
Kotex Longer and Wider Pantiliners | Php 190 |
NALA Organic Panty Liner | Php 269 |
Jeunesse Anion Panty Liners | Php 63 |
7 in 1 Panty Liner Bamboo Charcoal Reusable Menstrual Cloth Pads | Php 345 |
Para mas matulungan ka sa iyong pregnancy journey, check out: Best Maternity Lingerie: Sexy, Sporty, at Komportable for Mommies