Bilang isang babae, ang katawan mo’y magdadaan sa maraming mga pagbabago habang ika’y nagbubuntis. Dahil sa karagdagang timbang mula sa paglaki ni baby sa iyong sinapupunan, maaaring makaramdam ka ng pananakit ng likod. Kadalasan, bearable naman ito pero hindi ito komportable.
Sa kabilang banda, minsan ay matandi ang sakit na ito kaya pwede kang ma-frustrate lalo na kapag ito’y nakakaabala sa iyong araw-araw na gawain. Mabuti na lamang at may maaari kang gawin para makatulong iwasan ang back pain. Isa na riyan ang pagsusuot ng prenatal belly band.
Keep on scrolling at matuto ng higit pa tungkol sa prenatal belly band! Plus, alamin ang aming recommended brands upang mas mapadali ang iyong pagpili at mahanap ang best one para sa iyo.
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng best prenatal belly band
Ano nga ba ang prenatal belly band? Ginawa ito mismo para sa pagbibigay ng suporta sa iyong lower back at lumalaking tiyan habang ikaw ay gumagawa ng iyong mga activities. Sa ganitong paraan, nababawasan ang pananakit ng iyong katawan.
Maraming uri ng belly bands na pwede mong bilhin. Hindi lahat ay magkakaparehong specification kaya maaari kang mahirapan sa pagpili. Narito ang ilang tips sa pagpili ng belly band para sa iyo.
- Materials
- Ano ang ginamit na materials dito? Breathable ba ito? Pwedeng suotin sa ilalim ng iyong damit? Nakasalalay ang pagiging komportable mo sa materials na ginamit sa belly band na pipiliin. Gayun din, dapat nakakapagbigay ito ng tamang suporta sa iyong baby bump.
- Safety
- Of course, kailangang sigurado na habang nabibigyan ng tamang suporta ang iyong katawan ay napapanatili din nitong safe si baby.
- Price
- Mayroong mga mumurahing belly bands pero hindi ito kasing effective ng iba. Humanap ng belly band na pasok sa iyong budget at may magandang kalidad. Isa pang tanong na dapat pag-isipan ay magkano ang kaya mong gastusin para dito?
Best Prenatal Belly Band in the Philippines
Mama's Choice: Activewear Maternity Leggings
Best Leggings
|
Buy Now |
Mama's Choice Pregnancy Belt
Best Overall
|
Buy Now |
Medela Supportive Belly Belt
Best seamless
|
Buy from Lazada |
Blanqi Maternity Belly Belt Support
Best for Exercise
|
Buy Now |
Aynmer Maternity Support Belt
Most affordable
|
Buy Now |
Mommy Kits Adjustable Support Belt Belly Band
Best Adjustable
|
Buy Now |
Mama’s Choice Activewear Maternity Leggings
Pinagsama nito ang prenatal maternity belt at leggings sa iisang produkto. Nakakatulong ang Mama’s Choice Activewear Maternity Leggings para masuportahan ang iyong tiyan and compression para sa iyong mga binti. Free size ito kaya hindi mo na kailangang manghula kung ano iyong size.
Dinisenyo para bigyan ka ng flexibility habang lumalaki ang iyong tiyan, mayroon ito ng espesyal na waistband na tumutulong sa pagsuporta sa iyong tiyan upang mabawasan ang pananakit ng likod at pelvis. Kahit anumang aktibidad na mayroon ka para sa isang araw, ang Mama’s Choice Activewear Maternity Leggings ay magiging komportable at stylish–kahit sa post-partum! Hindi rin ito madaling mastretch.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Gawa ito sa 60% cotton at 40% polyester kaya ito ay malambot, makapal, at breathable din!
- Ang waistband nito ay idinisenyo para suportahan ang iyong baby bump at bigyang ginhawa ang iyong likod at pelvic bone.
- Mayroon itong dalawang kulay: black at dark gray.
- Safety
- Mayroon itong extra strap na pwedeng i-adjust ayon sa iyong comfort level.
Mama’s Choice Pregnancy Belt
Gaya ng 2-in-1 maternity leggings ng Mama’s Choice, ang kanilang pregnancy belt ay free size rin. Kaya naman siguradong akma ito sa anumang belly size. Bukod pa riyan ay komportable ito suotin dahil ito ay adjustable, gawa sa preskong materyales at nagbibigay suporta maging sa lower back.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Polyester blend ang materyal na gamit dito kaya naman ito ay moisture-wicking at breathable.
- Safety
- Adjustable ito kaya naman siguradong ligtas ito gamitin ng isang pregnant mom.
- Nakakatulong maibsan ang back pain at iba pang discomforts na karaniwang nararamdaman sa ikalawang trimester.
Medela Supportive Belly Band
Best seamless
Ang Medela Supportive Belly band ay widely used na rin ng maraming pregnant moms. Nakakatulong ito bilang suporta sa growing belly ng moms-to-be at nakakapagbigay pa ng extra comfort.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Ang Medela supportive belly band ay swak para sa iyong 2nd at 3rd trimester.
- Ang materyal na gamit dito ay seamless fabric na magbibigay kay mommy ng high comfort.
- Safety
- Para sa kaligtasan ng tiyan ni mommy, ang materyal ng belly band na ginamit dito ay extra stretchy para maiwasan ang hindi komportableng higpit.
Blanqi Maternity Belly Support
Best belly band short
Ito ay isang girl short na humuhulma sa katawan at extended hanggang sa belly ni mommy na nakakapagbigay ng extra support at comfort sa nagbabagong katawan. Kaya rin nitong i-secure ang mga unbuttoned jeans at mga ill-fitting skirts kaya maaari pa ring magamit ang mga pre-pregnancy clothes.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Gawa ito sa moisture-wicking fabric na breathable kaya komportable.
- Ang knit-in anchor nito ay nakakatulong upang iangat at i-redistribute ang bigat ng belly bump para mabawasan ang pressure sa iyong lower back at overall stress.
- Safety
- Ang back support nito ay tumutulong upang mabawasan ang discomfort mo habang tumutulong ito para panatilihin ang tamang posture mo.
- Ang seamless panels nito ay nagbibigay ng targeted support at mayroon itong stretchy belly panel na lumalapad habang lumalaki ang iyong tummy. Safe itong gamitin.
Aynmer Maternity Support Belt
Most affordable
Para sa mga mommies na hirap makatulog, makakatulong ang prenatal belly band na ito. Hindi ito mahuhulog o didiin sa iyong katawan kaya mainam itong gamitin habang ikaw ay natutulog o nakahiga.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Gawa ito sa stretchy at breathable material na idinisenyo para buhatin ang weight ng iyong lumalaking tiyan tulad ng stable at firm na mga kamay.
- Mayroon itong deep see squalene fibers na tinatawag na Papolis para i-hydrare ang iyong sensitive skin.
- Safety
- Binabawasan nito ang pressure sa iyong back, pelvis at spine.
- Pinapaganda rin nito ang circulation ng iyong dugo at pinapagaan ang discomfort sa iyong pantog.
- May arc cuts para masiguradong akma ito sa shape at size ng belly.
Mommy Kits Maternity Support Belt
Best one-size belly band
Sulit din ang paggamit ng maternity support belt na ito dahil ito ay free size. Kaya nitong mag-adjust gaano man kaliit o kalaki ang iyong baby bump.
Features na gusto namin dito
- Materials
- Gawa ito sa cotton fabric at iba pang stretchable material na presko at napaka komportable isuot dahil kaya nitong mag adjust sa laki ng belly.
- Safety
- Kaya nitong ibsan ang lower back pain.
- Beneficial ito para sa circulation ng dugo sa pelvic region.
Price Comparison Table
Brands | Price |
Mama’s Choice – Leggings | Php 599.00 |
Mama’s Choice – Belt | Php 699.00 |
Medela | Php 1,250.00 |
Blanqi | Php 3,599.00 |
Aynmer | Php 359.00 |
Mommy Kits | Php 499.00 |
Siguradong ang prenatal belly band ay isa sa magiging best buddy mo sa iyong pregnancy journey. Kaya naman siguraduhin na ang pipiliin na produkto ay akma para sa iyong pangangailangan.
Talaga namang makakaiwas ka sa back pain at iba pang discomforts kaya naman ano pang hinihintay mo mommy? I-add to cart na agad ang napupusuang brand!