Best Pulse Oximeter Brands in the Philippines Para Ma-Monitor Ang Oxygen Saturation

Nais makasiguro na accurate at safe ang bibilhing oximeter? Alamin dito ang best pulse oximeter brand in the Philippines na FDA registered!

Dahil sa COVID-19 pandemic, naging mataas ang demand ng pulse oximeters sa market. However, wala mang pandemya, maraming iba pang rason kung bakit mahalagang may pulse oximeter sa bahay.  We compiled a list of recommended products para makapili ka ng best pulse oximeter brand na available in the Philippines.

Ang pulse oximeter ay small gadget na ginagamit sa fingertip. Minomonitor nito ang oxygen saturation level at pulse rate gamit ang laser beams. Beneficial ito para sa mga may respiratory at cardiovascular issues

Useful din ang pulse oximeter para sa may certain infections at sa mga naglalaro ng extreme sports. Nevertheless, mabuting kumonsulta pa rin sa inyong doktor para matiyak kung kailan ito dapat gamitin, and when to seek medical care.

 

Oxygen saturation level: mga dapat malaman

Ang blood oxygen level ay ang amount ng oxygen na nagsi-circulate sa ating dugo. Most of the oxygen ay dala-dala ng red blood cells mula sa lungs patungo sa bahagi ng katawan.

Mahalaga sa kalusugan ng tao ang blood oxygen level dahil indicator ito ng maayos na distribution ng oxygen mula sa lungs patungo sa cells. Tinatayang nasa 75-100 millimeters of mercury (mm Hg) ang healthy blood oxygen level.

Kung mas mababa rito ang oxygen level ng isang tao, maaaring mayroon itong kondisyon na tinatawag na hypoxemia. Kalagayan ito kung saan ay nahihirapang mag-deliver ng oxygen ang katawan sa cells, tissues, at organs.

On the other hand, ang oxygen saturation (SpO2) naman ay tumutukoy sa percentage ng oxygen sa dugo ng tao. Ginagamit ang pulse oximeter sa pagtukoy at pag-monitor ng oxygen saturation.

Ayon sa World Health Organization, ang healthy oxygen saturation level ranges between 95 to 100 percent. Kung mas mababa sa nabanggit ang SpO2 level ng isang tao, maaari siyang maka-experience ng lack of oxygen na magdudulot ng hirap sa paghinga at confusion.

Maraming maaaring dahilan ang pagbaba ng oxygen saturation level. Totoong mamo-monitor ang SpO2 level gamit ang pulse oximeter.

However, best na kumonsulta pa rin sa doktor kung makaranas ng hirap sa paghinga at iba pang sintomas.

 

Paano pumili ng best pulse oximeter brand sa Philippines

Para masiguro ang kalidad ng bibilhing pulse oximeter, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Accuracy – Importanteng piliin ang pulse oximeter brand na clinically-tested o kaya naman ay FDA registered para matiyak ang accuracy.
  • FDA registered – Mahalagang nakarehistro sa Food and Drugs Administration ang produkto o manufacturer para masiguro ang legitimacy ng device distribution. Maaari itong tingnan sa FDA verification portal.
  • Fit – To be sure sa accuracy ng result, tiyaking angkop ang measurement range at margin of error. May pulse oximeters na especially designed for kids.
  • Ease of use – Alamin kung paano i-operate ang bibilhing pulse oximeter. Usually, makikita sa screen display ang SpO2 level. Piliin kung LED o OLED ang screen display. Pareho ang functionality ng dalawa ngunit mas high definition ang OLED display.
  • Additional feature – May karagdagang useful feature ang ilang pulse oximeters. Tingnan kung adjustable ang screen brightness, kung rechargeable ang batteries, o kung may data recorder ito.
  • Price – Abot kaya naman ang presyo ng karamihan sa pulse oximeters on the market. However, mas pricey ang pulse oximeter for kids.  

 

Best pulse oximeter brand Philippines: para ma-monitor ang oxygen saturation

Maraming oximeters sa market na pwede niyong pagpilian pero karamihan sa mga ito ay hindi tiyak ang accuracy. Narito ang best pulse oximeter brands sa Philippines na FDA registered.

Brand Category
Contec OLED Finger Pulse Oximeter
Best overall
Indoplas Premium Pulse Oximeter
Most heavy duty
Inmed Finger Pulse Oximete Best visual alarm
ChoiceMMed Pulse Oximeter Best for kids
Indoplas Pulse Oximeter – NONIN
Best screen display

Best Pulse Oximeter Brand in the Philippines
Contec OLED Finger Pulse Oximeter
Best overall
Buy Now
Indoplas Premium Pulse Oximeter
Most heavy duty
Buy Now
Inmed Finger Pulse Oximeter
Best visual alarm
Buy Now
ChoiceMMed Pulse Oximeter
Best for kids
Buy Now
Indoplas Pulse Oximeter - NONIN
Best screen display
Buy Now

 

Contec OLED Finger Pulse Oximeter

Best overall

Kung ang hanap mo’y pulse oximeter na para sa buong pamilya, pinaka magandang piliin ang Contect OLED Finger Pulse Oximeter.

Isa ito sa mga best pulse oximeter brand sa Philippines na may more than 70 percent accuracy rate at ±2 percent margin of error.

Mayroon itong three adjustable SpO2 probes specified para sa mga adult, mga bata, at pati sa mga sanggol.

Moreover, madaling gamitin at basahin ang resulta sa adjustable screen display nito. Pwedeng baguhin ang screen mode at screen brightness. May screen mode ito in a pulse waveform, pulse rate value, or bar graph display.

Additionally, may infrared technology ito para madaling mabasa ang resulta kahit na gabi o madilim.

Powered by two AAA alkaline batteries, kaya nitong tumagal ng 32 hours. Best of all, ang real-time data mula rito ay maaaring i-upload sa computer.

Features na gusto namin:

  • Automatic power off.
  • Adjustable screen display and brightness.
  • Low-voltage indicator.
  • Low power consumption.

 

Indoplas Premium Pulse Oximeter

Most heavy duty

Isa ang Indoplas sa best brands ng pulse oximeter. Sila ay pinagkakatiwalaan ng mga ospital at sports facilities sa Philippines.

Guaranteed na accurate ang pulse rate at blood oxygen saturation reading sa Indoplas Premium Pulse Oximeter.

Mayroon itong interference resistance laban sa ambient light. In addition, may measurement performance na 70 to 100 percent at margin of error na ±2 percent.

Additionally, mababa lang ang nakokonsumo nitong power. Kayang tumagal ng charge ng batteries nito ng 30 hours kahit na tuloy-tuloy na gamitin. Kailangan lang ng dalawang AAA batteries para mapagana ito.

Best ito para sa mga taong gustong i-track ang kanilang SpO2 for longer periods of time. Moreover, madaling basahin ang results sa malinaw na LED screen display nito.

Features na gusto namin:

  • Pulse graph display.
  • Low battery warning.
  • Automatic shutdown.
  • Low power consumption.

 

Inmed Finger Pulse Oximeter

Best visual alarm

Dinisenyo ang Inmed Finger Pulse Oximeter na may user-friendly menu, malinaw na OLED display, at innovative visual alarm system.

Magaan ang pulse oximeter na ito at madaling gamitin. Not only that, mayroon din itong low battery voltage indicator.

Even with the presence of motion artifact, nakapagbibigay pa rin ito ng reliable heart rate at SpO2 readings. May advanced algorithm ito inside para maiwasan ang influence ng motion artifact sa result. Para rin ma-improve ang accuracy of low perfusion.

Best of all, ang measurement accuracy nito ay 70 to 100 percent SpO2, ±2 percent margin of error, at 0.3 percent performance in low perfusion.

Mapapagana ang pulse oximeter na ito gamit ang dalawang AAA 1.5v alkaline batteries. Maaari itong gamitin nang tuloy-tuloy sa loob ng 30 oras.

Features na gusto namin:

  • Automatic switch off.
  • User-friendly menu with big font.
  • Provides real-time spot-checks.
  • Comes with carrying case.

 

ChoiceMMed Pulse Oximeter

Best for kids

Isa ang ChoiceMMed Pulse Oximeter sa mga best oximeter brand in the Philippines na clinically tested.

May 70 to 100 percent SpO2 measurement accuracy ito at ±2 percent margin of error. Moreover, may adult series at pedia series ang pulse oximeter brand na ito.

May slip-resistant silicone padding para matiyak na nasa tamang posisyon ang daliri. Additionally, may one-button operation ito na madaling gamitin. Adjustable din ang brightness ng OLED display nito.

Kung bibilhin, it comes with a silicone case, lanyard, free AAA batteries and an easy-to-follow instruction manual.

Features na gusto namin:

  • Low battery consumption.
  • Automatic power off.
  • Easy-to-read screen display.
  • Cute design for kids.

 

Indoplas Pulse Oximeter – NONIN

Best screen display

May three detection function ang Indoplas Pulse Oximeter-NONIN. Nade-detect nito ang saturation level, pulse rate, at perfusion index sa dugo.

May accuracy measurement na 70 to 100 percent SpO2 at margin of error na ±2 percent. Meanwhile, 30 BPM to 250 BPM ang pulse measurement range.

Matitiyak ang reliability ng result dahil may high accuracy chip na naka-embed sa system nito. Kailangan lang ng AAA batteries para mapagana ang pulse oximeter. Included na ito sa package kung bibilhin.

Aside from that, may kasama rin itong pouch at lanyard for portability at storage. Best of all, easy to read ang results sa high definition OLED display ng Indoplas Pulse Oximeter-NONIN.

For easier access sa results, naro-rotate ang screen display nito sa four different directions.

Features na gusto namin:

  • Automatic shutdown.
  • Three detection function.
  • Highly accurate.
  • Rotating screen.

 

Price Comparison

Para mas lalo kang magabayan sa pagpili ng dapat bilihin, narito ang price list ng best pulse oximeter brands in the Philippines.

Product Price
Contec OLED Finger Pulse Oximeter Php 673.98
Indoplas Premium Pulse Oximeter  Php 293.00
Inmed Finger Pulse Oximeter
Php 720.00
ChoiceMMed Pulse Oximeter Php 1,429.00
Indoplas Pulse Oximeter – NONIN Php 391.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

Factors na nakakaapekto sa accuracy ng pulse oximeter

Ang light na ginagamit sa pulse oximeter ay dumadaan sa fingernail at tissue. Because of this, maraming factors na maaaring makaapekto sa accuracy ng SpO2.

  • Skin color – Ang balat na may mas maraming pigment ay maaaring mag-cause ng slightly higher reading.
  • Circulation problems – Kung may kondisyon ng poor blood circulation sa mga kamay at daliri, maaari itong magdulot ng lower readings.
  • Cold Hands – Pwedeng mag-cause ng lower readings.
  • Wet Skin – Maaaring mag-reflect ang light sa tubig o pawis sa balat at makaapekto sa measurement.
  • Thick fingernails – Pwedeng ma-block ang pagpasok ng liwanag kung makapal ang kuko. Maaari itong magresulta sa lower readings.
  • Nail polish – Maaaring magdulot ng lower readings.
  • Sugat o tattoo sa fingertips – Gumamit ng ibang daliri for more accurate reading.
  • Surrounding light – Make sure na walang ibang light source malapit sa inner part ng device maliban sa sarili nitong beam para hindi makaapekto sa reading.

 

Kung nais mo ring magdagdag ng appliances na energy efficient, basahin: Best Induction Cooker Philippines: Safe At Time-Saving Na Pagluluto

Written by

Ange Villanueva