Because of modern technology, napapadali ang mga gawaing bahay para kina mommy o daddy. Kabilang sa mga resulta ng innovative technologies ay ang induction cooker. Marami nang available sa market, kaya dapat lamang na malaman ang best induction cooker in the Philippines.
Benefits ng paggamit ng induction cooker
Safe at convenient
Hindi ka na mag wo-worry sa pagbili ng gas lalo na ngayong tumataas ang presyo nito. Another thing, bawas pangamba sa accident na dulot ng gas leak.
Mayroon itong safety features para masigurong ligtas ang pamilya. Hindi rin required na well-ventilated ang kitchen area dahil hindi ito nagko-cause ng init sa paligid.
Energy-saving
Gawa ang induction cooker sa materials na magnetically conductive at ferromagnetic. Because of these materials, bumibilis ang pagluluto kaya mas tipid sa kuryente.
Ang resistive electric current sa loob ng induction cooker generates heat. Ito ang lumuluto sa pagkain, while the rest of the surface remains cool.
In addition, it only requires 220-240V electrical current. Mas mababa pa sa kuryenteng kailangan sa electric iron o water heater.
Maiiwasan ang pagkasunog ng niluluto
May smart sensors ang induction cooker na nago-auto shut off upang maiwasan ang pagkasunog ng niluluto at ng cookware. Madali ring kontrolin ang temperature ng induction cooker.
Easy to install
Pwedeng ipatong sa mataas o mababang surface kaya helpful din sa person with disabilities (PWDs) na gustong magluto. Mayroong induction cooker na portable at madaling dalhin saanmang bahagi ng bahay.
Madaling linisin
Punasan lang ng basang tela at tuyuin ng dry cloth. Kung masyadong makapit ang dumi, maaaring gumamit ng scraper at induction cleansing cream.
How to choose the best induction cooker
Narito ang mga dapat i-consider sa pagpili ng best induction cooker in the Philippines.
Size – Choose more than one induction zone if you need to multitask. Moreover, pick one with big body size para sa efficient-air circulation sa loob nito.
Kung one dish at a time magluto, pick a compact portable induction. The size still depends sa kitchen space.
Design – Most induction cookers have minimalist designs. Framed designs help contain spills pero prone sa dirt build-up sa crevices ng frame.
Meanwhile, edgeless designs are prone to cracks and breaks. Ito ay kapag aksidenteng may nahulog sa gilid ng induction cooker. Pero madali itong linisin.
May iba’t ibang uri din ng control panels. May rotating knob control, press button control, at touch sensor control.
Useful features
- Timer settings – Pag tapos na ang sinet mong oras ay automatic na mag-shutdown ang induction cooker.
- Preset cooking menus – Set ito ng defined heat and time para sa iba’t ibang klase ng pagluluto. For example: grill, stir, boil, fry, at simmer.
- Automatic pan detection – Kusang titigil ang heating process kapag walang nakapatong na cookware sa ibabaw ng induction zone.
Safety features
Less risky man ang induction cooker sa gas stove, better safe than sorry pa rin. Tiyaking may safety features ang pipiliing induction cooker.
- Child lock – It disables other buttons habang patuloy ang ginagawang cooking process. Tanging switch off lang ang usable.
- Safety sensors – In case maiwanan ang cookware sa heating zone with power on. Kusang nag-aadjust ang power output para maiwasang masunog ang cookware.
- Auto switch off – Automatic na masu-switch off ang induction cooker in case of overheating. O kaya naman once na alisin ang cookware sa heating zone.
Price – Nakadepende ang presyo sa features at style nito. Piliin ang induction cooker na pasok sa budget, and kompleto sa features na kailangan niyo.
Best induction cooker Philippines: para sa safe at convenient na pagluluto
Nais mo rin bang ma-experience ang safe at time saving na pagluluto? Narito ang ilan sa best induction cooker in the Philippines na maaari mong pagpilian.
Best Induction Cooker sa Philippines
| Imarflex IDX-2000S Slim Type Induction Cooker Heavy duty | | View Details | Buy Now |
| American Heritage AHIC-6174 Most versatile | | View Details | Buy Now |
| XIAOMI Induction Cooker Mijia Mini Most budget-friendly | | View Details | Buy Now |
| Dowell Double Burner Vertical Cooktop Best double burner | | View Details | Buy Now |
| PHILIPS Induction Cooker HD4911 Best for safety | | View Details | Buy Now |
Heavy duty
Para sa malalaking pamilya na kailangang magluto ng maramihan, best pick ang Imarflex IDX-2000S Slim Type Induction Cooker. Up to 15 kg ang capacity ng induction cooker na ito at pwedeng gumamit ng hanggang 26 cm na cookware.
Ideal ito sa family na may kasamang bata sa bahay. May child lock at auto switch off feature ang induction cooker na ito.
Another thing, kayang magluto ng food dito ayon sa iyong preferred temperature. May 10 temperature settings ang Imarflex IDX-2000S ranging from 60°C hanggang 240°C.
In addition, ma-momonitor mo rin ang electricity consumption sa digital voltage display nito.
Features na gusto namin:
- 47mm slim.
- Safety features.
- Touch sensitive control panel.
- Air vents at the bottom.
- Function selector.
Most versatile
Isa ang American Heritage sa leading induction cooker brands sa Philippines. May sophisticated crystal design ang American Heritage AHIC-6174 Touch Type Induction Cooker.
Aside from that, may eight cooking programs ito. For sure, mapapabilis ang pagluluto ng iba’t ibang klase ng pagkain.
Choose the desired power mula 200 watts to 800 watts na aangkop sa nais lutuin. It’s also compact and light kaya pwedeng ipatong sa counter.
Best of all, may alert feature ito sakaling mag-overheat. Makatutulong din ang feature na ito upang maiwasan ang beneficial nutrition destruction and harmful free radicals sa inyong pagkain.
Features na gusto namin:
- Overheat auto cut-off.
- Crystal plate na madaling linisin.
- Temperature control.
- Touch screen button.
- Free cooking pot.
Most budget-friendly
Round-shaped ang XIAOMI Induction Cooker Mijia Mini unlike most induction cookers na square-shaped.
Dinisenyo ito para maiwasan ang pagdulas ng cookware. The silicone ring around the surface ensures na nasa tamang pwesto ang cookware.
In addition, a single knob performs lahat ng operation sa induction cooker na ito. Kailangan lang i-long press to switch on at ikutin ang knob para ma-adjust ang temperature.
May LED light indicator sa taas ng knob para makita ang current heat status. Ang LED screen naman shows the cooking mode, time, at iba pang information.
Moreover, may Xiaomi app na maaaring i-download sa mobile phone para magawa mong makontrol ang pagluluto remotely.
Furthermore, the gas-cooled air duct and 35 adjustable mini fan blades help avoid overheating. Best of all, pinakamura ito sa best induction cookers sa market.
Features na gusto namin:
- 9 level adjustable heat power.
- Built-in 156mm large coil to increase heating speed.
- Anti-slip design.
- App control.
Best double burner
Madaling gamitin ang Dowell Double Burner Vertical Cooktop dahil sa rotary knobs nito na hindi nalalayo sa traditional gas stove.
Aside from this, madali ring linisin dahil sa double hob design. In addition, may 10 adjustable settings ito. Helpful sa mabilis na pagluluto ng iba’t ibang klase ng pagkain.
May sukat na 60 x 31 x 7 cm at may auto-shut off feature for safety. Additionally, up-to-date ang design ng vertical double burner induction cooker na ito. Makakadagdag sa aesthetic at style ng inyong bahay!
Best choice ito para sa mga madalas na mag-multitask. Dahil double burner ay pwedeng magluto ng dalawang magkaibang putahe nang sabay.
Features na nagustuhan namin:
- 4-digit temperature display.
- Auto-shut off function.
- Thermal fuse feature.
- Knob control.
- Stylish design.
Best for safety
Gawa sa A-grade glass panel na solid at durable ang PHILIPS Induction Cooker HD4911. Maaari mong hawakan ang surface nito nang hindi napapaso because it remains cool kahit na nagluluto.
Good news para sa mga madalas makalimot na i-turn off ang kanilang stove. Automatic na nagshu-shutdown ang induction cooker na ito when not in use.
Furthermore, mayroon itong five healthy cooking programs na may temperature range from 60°C to 280°C. Aside from that, mayroon itong 1-20 minutes cooking time setting.
Features na gusto namin:
- Easy-to-control.
- Sensor touch operational panel.
- Digital timer display.
- Cool-to-touch surface.
Price Comparison
Narito ang price list ng best induction cooker in the Philippines to guide you kung anong dapat bilihin.
|
Product |
Price |
Imarflex IDX-2000S Slim Type Induction Cooker |
Php2,760.00 |
American Heritage AHIC-6174 Touch Type Induction Cooker |
Php2099.00 |
XIAOMI Induction Cooker Mijia Mini
|
Php1529.00 |
Dowell Double Burner Vertical Cooktop |
Php6,198.00 |
PHILIPS Induction Cooker HD4911 |
Php4,299.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Mga dapat malaman sa paggamit ng induction cooker
Narito ang mga bagay na dapat niyo ring malaman bago magdesisyon kung akma ba sa inyong pamilya ang induction cooker.
- Hindi lahat ng cookware pwede sa induction cooker. Kailangan ito ay flat, smooth, at magnetic. Maglagay ng magnet sa ilalim ng cookware. Kapag dumikit ang magnet, it means compatible ito sa induction cooker.
- May ibang induction cookers na hindi detectable ang very small pan or pot. Ang minimum base size ay 4-5 inches depende sa unit. On the other hand, may cookware with 12-14 inch bases na may issue rin sa induction cooker.
- At times, makaririnig ng noises mula sa induction cooker kapag naka-set sa higher settings. Dahil ito sa fan sa loob ng induction cooker o kaya naman sa takip ng cookware na nagba-vibrate habang nagluluto.
- Minsan, ang ticking sound ay mula sa power controllers na nag-o-on and off ng element para mapanatiling stable ang power. Hindi dapat mangamba dahil normal ito.
- Ang magnetic field ng induction cooker may interfere with digital meat thermometers. Better gumamit ng old-fashioned analog thermometers kung kailangan.
Para sa more energy efficient na appliances sa bahay, basahin: Best Energy Saving Aircon Brand Philippines: Beat the Heat and Save with these Inverter Air Conditioners