Epekto ng gas sa kalusugan ng bata, nagpapataas umano ng tiyansa ng hika, ayon sa pag-aaral.
Mababasa as artikulong ito:
- Masamang epekto ng gas sa kalusugan ng bata.
- Tamang paggamit ng gas stove sa loob ng bahay.
Epekto ng gas sa kalusugan
Dito sa Pilipinas, marami sa atin ang gumagamit ng gas stove sa pagluluto. Sapagkat kung ikukumpara sa electric stove ay mas makakamura dito. Siyempre, hindi hamak na mas madali itong gamitin kung ikukumpara sa pagluluto gamit ang kahoy.
Pero ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng gas sa pagluluto ay may masamang epekto umano sa kalusugan ng mga bata. Base sa mga nakakalap na ebidensya ay mas pinalala at pinapataas nito ang tiyansa sa pagkakaroon ng hika.
Ano ang mayroon sa gas?
Image source: iStock
Ang mga stoves na ginagamitan ng gas ay madaling gamitin. Nagbubukas ito ng mabilis at madali ring i-adjust. Pero ayon sa paliwanag ng mga eksperto, ang nagsusunog na gas ay maraming byproducts na makasama sa kalusugan ng isang tao. Malaki rin ang papel na ginagampanan sa malawakang climate change sa buong mundo.
Ang natural gas na ginagamit sa mga stoves ay nagtataglay ng methane at hydrocarbons na ethane, nitrogen at carbon dioxide. Kapag nasunog, ang mga ito ay nagdudulot ng kulay blue at walang usok na apoy sa kalan ninyo. Saka maglalabas ng carbon dioxide at tubig na nagtataglay rin ng iba pang traces ng gas elements.
Paliwanag ng siyensya, sa kada isang kilo ng carbon dioxide na napo-produce mula sa nasusunog na natural gas. 34g ng carbon dioxide, 79g ng nitrogen oxide at 6g ng sulfur oxide ang nare-release.
May mga pag-aaral ring nagsabi na naglalabas din ito ng colorless at strong-smelling gas na kung tawagin ay formaldehyde.
Maliban sa mga ito, ang nasusunog na gas ay nagre-release rin ng microscopic particles na kung tawagin ay PM2.5. Mas marami din umano ang napo-produce ng gas stoves na PM2.5 kumpara sa mga electric stoves.
Habang kung ikukumpara naman ang gas sa coal ay hindi hamak na mas malinis ito. Sapagkat ang coal ay nagpo-produce ng 125 times na mas maraming sulfur dioxide. Habang 700 times na mas mataas naman ang PM2.5 levels nito.
BASAHIN:
Hika ng bata: Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman
STUDY: Mga baby na pinainom ng antibiotic, may chance na magkaroon ng allergies at asthma paglaki
Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma
Pinatataas ng paggamit ng gas ang tiyansa ng pagkakaroon at paglala ng hika sa mga bata
Bagama’t less polluting din ang paggamit ng gas kaysa sa coal o uling sa loob ng bahay, may masamang epekto pa rin ito sa kalusugan.
Sapagkat ang mga nitrogen dioxide at PM2.5 particles na ini-rerelease nito ay maaring ma-inhale papasok sa ating lungs at humalo sa ating blood stream.
Ang mga ito maaring makaapekto sa ating paghinga at direktang iniuugnay ng mga pag-aaral sa pagkakaroon ng asthma. Pero maliban sa gas stoves, ang mga nasabing gas particles ay maaari ring magmula sa iba pang gamit sa bahay. Tulad na lamang ng mga furniture, adhesives, at carpets.
Epekto ng gas sa kalusugan ng bata | Image source: iStock
Base pa rin sa pag-aaral, ang mga nabanggit na epekto ng gas sa kalusugan ay mas mataas ang tiyansa na mangyari sa mga bata. Ito nga ay napatunayan ng isang population study na isinagawa sa the Netherlands. Ito ang resulta ng ginawang pag-aaral:
Ayon sa resulta ng ginawang pag-aaral, ang mga batang nakatira sa isang bahay na gumagamit ng gas sa pagluluto ay may 42% increase risk na magkaroon ng current asthma. Habang 24% naman ang increased risk na ang asthmang dulot nito ay maging lifetime o panghabang-buhay na.
Natuklasan din ng isang pag-aaral na ginawa sa US, na ang mga gas cookers o stoves ay nagpapataas din ng amount ng nitrogen dioxide sa loob ng bahay.
Ang resulta ay pinatataas rin nito ang tiyansa na gumamit ng night-time inhalers ang mga batang may asthma. Bagama’t hindi naman umano naitala na pinapalala nito ang asthma symptoms nila.
Ang mga nabanggit na findings ay sinuportahan din ng isa pang pag-aaral na isinagawa naman sa Latrobe Valley, Australia. Ayon sa pag-aaral, 80 na kabahayan na may mga batang edad 7 at 14-anyos ang nagpakita ng ugnayan ng paggamit ng gas stove at asthma sa mga bata.
Paliwanag pa ng pag-aaral, ito ay dahil ang nitrogen dioxide exposure ay nagpapataas ng sensitivity ng isang bata mula sa mga allergens.
Maaari bang mabawasan ang tiyansa ng asthma kung gumagamit ng gas stove sa pagluluto?
Ayon sa mga health experts, ito naman umano ay possible. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng good ventilation na kung saan maaaring mabawasan ng tiyansa ng pananatili ng mga nitrogen dioxide at PM2.5 particles sa loob ng inyong bahay.
Makakatulong din umano ang paggamit ng gas range hood. Sapagkat sa pag-i-install nito ay na-exhaust palabas ng bahay ang mga nitrogen dioxide at PM2.5 particles. Dapat lang tandaan na ito ay dapat naka-install ng maayos at higit sa lahat ay bukas o on habang gumagamit ng gas stove.
Sapagkat ayon sa isang 2018 study, ang paggamit ng high-efficiency range hood ay nagbabawas ng tiyansa ng childhood asthma dahil sa paggamit ng gas stoves ng 12.8% hanggang 3.4%.
Bagama’t may 44% ng mga nag-participate sa nabanggit na pag-aaral ang nagsabing hindi nila madalas na ginagamit ang gas range hoods nila.
Image source: iStock
Pero maliban sa paggamit ng range hood, mas makakatulong pa rin ang pag-iimprove na natural airflow sa loob ng inyong bahay. Hindi lang nito nababawasan ang tiyansa ng asthma. Binabawasan din nito ang pagkakaroon ng iba pang pollutants sa loob ng bahay na makakasama sa ating overall health.
Kung sakali namang may asthmatic ng bata sa loob ng inyong bahay ay mas mainam na palitan ang inyong gas appliances ng mga non-gas appliances.
Ito ay para sa mas mababang tiyansa ng pagkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan at upang mabawasan din ang carbon footprint sa ating kalikasan.
Isinulat ni: Ian Musgrave, Senior lecturer in Pharmacology
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa The Conversation sa ilalim ng Creative Commons license. Isinalin ito sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!