X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma

5 min read
Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthmaHika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma

Narito ang mga sintomas ng hika at mga gamot para malunasan ang pag-atake nito.

Sintomas ng hika tulad ng hirap sa paghinga at madalas na pag-ubo sa mga bata, paano nga ba maiiwasan at malulunasan.

Hika sa mga bata

Ang childhood asthma o hika sa mga bata ay hindi naman naiiba sa hika sa matatanda. Mas nakakabahala lang ito dahil sa hirap at discomfort na idinudulot sa murang katawan ng isang bata.

Nagiging balakid din ito sa isang bata na gawin ang mga pangaraw-araw niyang activities tulad ng pagpasok sa school, paglalaro at kahit na sa pagtulog.

Maari rin itong maging dahilan ng mas seryosong kondisyon para siya ay ma-ospital. At higit sa lahat ay maari niya itong madala sa kaniyang pagtanda kung hindi malulunasan.

Kaya naman ay dapat malaman ng bawat magulang ang sintomas ng hika sa mga bata. Pati narin kung paano makakaiwas rito at ang gamot sa asthma na nararapat sa kanila.

sintomas ng hika at gamot sa asthma

Image from Freepik

Sintomas ng hika

Para sa sintomas ng hika, ang madalas na nararanasan ng mga bata ay ang sumusunod:

  • Madalas na pag-ubo na pinalalala ng viral infection na kaniyang nararanasan sa pagtulog, matapos mag-exercise o kapag malamig ang hangin
  • Tila humuhuni o sumisipol na tunog kapag siya ay humihinga
  • Hirap sa paghinga
  • Paninikip ng dibdib

Dahil naman sa mga nabanggit na sintomas ng hika ay maaring makaranas ng iba pang sintomas ang isang bata, Ito ay ang sumusunod:

  • Hirap sa pagtulog dahil sa hirap sa paghinga at pag-ubo
  • Matinding pag-ubo na maaring lumala dahil sa sipon o trangkaso
  • Matagal na pag-galing o pagkakaroon ng bronchitis dahil sa respiratory infection
  • Hirap sa paghinga na nagiging hadlang para sila ay makapag-exercise o makapaglaro
  • Fatigue o labis na pagkapagod dahil sa kakulangan sa tulog

Ang lala ng atake o sintomas ng hika ay naiiba-iba sa kada isang bata. Madalas ay maiibsan ang mga sintomas na ito sa pamamagitan ng tamang medikasyon. At may mga palatandaan naman na itinuturing ng “asthma emergency.” Ito ay nangangahulugang kailangan ng madala sa ospital agad ang isang bata dahil life-threatening na ang kaniyang kondisyon.

Life-threatening na sintomas ng hika

Ang mga life-threatening na sintomas ng hika o asthma emergency sa mga bata ay ang sumusunod:

  • Patuloy at matinding hirap sa paghinga
  • Maya-mayang pag-ubo at paghingal
  • Walang pagbabago sa kondisyon matapos ang paggamit ng inhaler tulad ng albuterol
  • Hindi makapagsalita dahil sa hirap sa paghinga

Kung magpapakita ng nasabing sintomas ang isang bata ay agad na itong dalhin sa ospital upang mabigyan ng karapat-dapat na medikal na atensyon na kailangan niya.

Gamot sa asthma sa mga bata

Quick relief

Samantala, ang gamot sa asthma na inerereseta ng doktor para mabigyan ng “quick relief” ang batang nakakaranas nito ay tinatawag na short-acting bronchodilators.

Sa pamamagitan ng short-acting bronchodilators ay naiibsan ang sintomas ng hika sa loob ng apat hanggang anim na oras.

Ang most commonly used ng short-acting bronchodilator para sa asthma ay ang Albuterol tulad ng Proair HFA, Ventolin HFA at Levalbuterol tulad ng Xopenex.

Bagamat maiibsan ang sintomas ng hika na nararanasan ng isang bata, hindi naman mapipigilan ng short-acting bronchodilator na hindi na bumalik pa ito.

Kaya naman ipinapayo na magkaroon long-term control medication o maintenance ang isang bata bilang gamot sa asthma.

Long-term control medication

Ang mga long-term control medication para sa asthma ay tinatawag rin na maintenance medications. Iniinom ito araw-araw sa loob ng mahabang panahon para makontrol ang pag-atake ng asthma.

Ang mga uri ng long-term medication ay ang sumusunod:

  • Inhaled corticosteroids o mga anti-inflammatory drugs tulad ng fluticasone (Flovent HFA), budesonide (Pulmicort Flexhaler), beclomethasone (Qvar), ciclesonide (Alvesco) at mometasone (Asmanex HFA).
  • Leukotriene modifiers tulad ng montelukast (Singulair), zafirlukast (Accolate) at zileuton (Zyflo). Maari silang gamitin kasabay ang inhaled corticosteroids.
  • Combination inhalers na nagtataglay ng inhaled corticosteroid at long-acting beta agonist (LABA) tulad ng fluticasone-salmeterol (Advair HFA), budesonide-formoterol (Symbicort), fluticasone-vilanterol (Breo Ellipta) at mometasone-formoterol (Dulera).
  • Theophylline na isang daily medication na nakakatulong para maging maluwag ang airways ng mga bata.

Ibinibigay naman sa bata ang mga gamot sa asthma na ito sa pamamagitan ng mga devices tulad ng metered dose inhalers, dry powder inhalers at nebulizer.

Isa pang paraan at gamot sa asthma ay sa pamamagitan ng immunotherapy o injectable medication para sa mga allergy-induced asthma

Sa pamamagitan nito ay bibigyan ng series of injections ang isang bata ng small doses ng allergens na nakakapagsimula ng asthma attack sa kaniya. Ito ay para maging immune ang kaniyang katawan mula sa allergens at unti-unting mabawasan ang allergic reaction na dulot nito.

Paraan para maiwasan ang atake ng hika

Para naman maiwasan ang mga asthma attacks sa bata ay dapat iwasan ang mga nagtritrigger nito at gawin ang mga sumusunod:

  • Huwag manigarilyo malapit sa bata dahil ito ay nagtri-trigger ng asthma attack.
  • I-encourage ang bata na maging active para maexercise ang kaniyang lungs.
  • Magkaroon ng regular check-up sa doktor para makontrol ang mga sintomas ng hika.
  • Tulungan ang bata na mag-maintain ng malusog na timbang dahil ang pagiging overweight ay maaring magpalala ng sintomas ng hika.
  • Kontrolin at lunasan ang acid reflux na nararanasan ng isang bata dahil pinapalala nito ang pag-atake ng hika.

Samantala para mas makaiwas sa pag-atake ng hika ay dapat malaman rin at hangga’t maari ay maiwasan ang mga nagdudulot nito.

Sanhi ng hika

Bagamat ang ilang kaso ng hika sa bata ay namamana o kaya naman ay dulot ng airway infection na naranasan nila, may ilang environmental factors din ang nagdudulot nito. Ito ay sumusunod:

  • Cigarette smoke o air pollution
  • Viral infection tulad ng sipon
  • Allergy sa dust mites, pet dander, pollen o mold
  • Physical activity
  • Pagbabago sa panahon o malamig na hangin

Para maiwasang lumala ang kondisyon ng isang bata na dulot ng hika marapat lamang na alam ng bawat magulang ang sintomas ng hika pati na ang mga gamot sa asthma at paraan kung paano tuluyang makakaiwas sa pag-atake nito.

Partner Stories
Catch NBA All-Star 2021 with your NBA League Pass from PLDT Home Fibr
Catch NBA All-Star 2021 with your NBA League Pass from PLDT Home Fibr
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
Share the light this holiday season with McDonald’s exciting Christmas offers and merry antics!
Share the light this holiday season with McDonald’s exciting Christmas offers and merry antics!
Authentic Paul Van Doren: A memoir by the founder of Vans
Authentic Paul Van Doren: A memoir by the founder of Vans

 

Source: Mayo Clinic
Photo: Freepik

Basahin: Heto ang dapat malaman ng mga magulang tungkol sa asthma

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma
Share:
  • Hika ng bata: Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman

    Hika ng bata: Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman

  • Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

    Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

  • Zeinab Harake nakunan, pumanaw ang anak: "Bantayan at palakasin mo kami palagi"

    Zeinab Harake nakunan, pumanaw ang anak: "Bantayan at palakasin mo kami palagi"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Hika ng bata: Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman

    Hika ng bata: Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman

  • Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

    Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

  • Zeinab Harake nakunan, pumanaw ang anak: "Bantayan at palakasin mo kami palagi"

    Zeinab Harake nakunan, pumanaw ang anak: "Bantayan at palakasin mo kami palagi"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.