Bukod sa heart attack, isa rin sa pangunahing sakit sa Pilipinas ang sakit na nakakaapekto sa baga. Ayon sa pinakahuling datos ng WHO na inilathala noong 2018. Ano ba ang mga sintomas ng sakit sa baga at epekto nito sa kalusugan ng tao?
Ang Lung Disease Deaths sa Pilipinas ay umabot sa 25,236 o 4.14% ng kabuuang pagkamatay. Ang mga namamatay ay 45.61 % kada 100,000 populasyon sa Pilipinas. Narito ang mga halimbawa ng sakit sa baga na karaniwang nararanasan ng mga tao.
Sakit sa baga na nakakaapekto sa mga daanan ng hangin
Ang iyong windpipe (trachea) ay sumasanga sa mga tubo na tinatawag na bronchi, na nagiging maliit na tubo sa iyong buong baga. Ang mga sakit na maaaring nakaaapekto sa mga daanan ng hangin sa baga ay ang mga sumusunod:
Tinatawag ding asthma in English ang hika. Kung mayroon kang hika, patuloy na nagkakaroon ng inflammation sa daanan ng hangin na maaaring magdulot ng spasm. Ito ang nagiging sanhi ng pakiramdam na hirap huminga. Ang mga allergy, impeksyon, o polusyon ay maaaring magpalitaw ng mga sintomas ng hika.
Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
Sa lung condition na ito, kumakapal at nasisira ang airways dahilan para lumikha ang baga ng mas maraming mucus na bumabara sa daluyan ng hangin. Kaya naman, nahihirapang huminga ang taong mayroong COPD.
Ilan sa mga tipikal na sintomas ng sakit sa baga na ito ay ang pag-ubo nang maraming plema, pagsikip ng dibdib, at pakiramdam na tila kinakapos ng paghinga. Paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng COPD. Kung ang taong may COPD ay patuloy pa ring naninigarilyo, posibleng mas lumala ang kondisyon nito.
Mayroong iba’t ibang type o uri ng COPD. Ito ay ang mga sumusunod:
Mayroong tinatawag na cilia, hair-like fibers na nakalinya sa ating bronchial tubes. Kapag mayroong chronic bronchitis ang isang tao, nawawala ang cilia nito. Ang cilia pa naman ay ang tumutulong sa katawan na mailabas ang mucus. Kapag nawala ang cilia dulot ng nabanggit na karamdaman, magiging mahirap na ilabas ang plema o mucus. Dahil dito, lalong titindi ang iyong ubo. At kapag ubo nang ubo ang isang tao, magproproduce nang magproproduce ng mucus ang katawan. Ang form na ito ng COPD ay nagdudulot ng pangmatagalang basa sa ubo.
Kung ang pakiramdam na tila kinakapos ng paghinga at inuubo nang may plema, ay tumagal na ng tatlong buwan sa loob ng dalawang magkasunod na taon, posibleng mayroon kang chronic bronchitis. Mahalagang magpakonsulta sa doktor para malapatan ng tamang lunas.
Ang pagkasira sa baga ay nagiging sanhi kung bakit nata-trap ang hangin sa iyong baga. Problema sa pagbuga ng hangin ang isa sa palatandaan nito. Ang emphysema ay resulta ng pagkasira ng air sacs ng baga o ng alveoli. Sinisira din nito ang walls sa loob ng alveoli na nagdudulot ng pag-merge nito sa isang giant air sac. Hirap ding ma-absorb ang oxygen kaya naman kulang ang oxygen na dumadaloy sa dugo. Kung mayroong damage ang alveoli na-sstretch ang lungs at nagreresulta ng hirap sa paghinga.
Ang biglaang impeksyon na ito sa iyong mga daanan ng hangin ay karaniwang sanhi ng isang virus. Pangkaraniwan ang sakit na ito sa baga na ang epekto ay matinding pag-ubo na mayroong plema. Karaniwang tumatagal ng ilang linggo pero kadalasang hindi naman nagdudulot ng pangmatagalang problema sa kalusugan. Subalit mahalaga pa rin na malapatan ito ng tamang gamot sa sakit sa baga para hindi lumala at humantong sa pagiging chronic bronchitis.
Ilan pa sa mga epekto o sintomas ng sakit sa baga na ito ay ang mga sumusunod:
- Paninikip ng dibdib
- Kinakapos ng paghinga
- Plema na maaaring puti, dilaw, o green
- Pananakit ng katawan
- Mababang lagnat
- Pananakit ng lalamunan
- Runny nose
Sa kondisyong ito, nagkakaproblema ka sa pag-clear ng uhog sa iyong bronchi. Ito ay humahantong sa paulit-ulit na impeksyon sa baga.
Larawan mula sa Freepik
Sakit sa baga na nakakaapekto sa mga Air Sacs (Alveoli)
Ang iyong mga daanan ng hangin ay parang maliliit na tubo (bronchioles) na nagtatapos sa mga kumpol ng mga air sac na tinatawag na alveoli. Ang mga sakit sa baga na nakakaapekto sa iyong alveoli ay ang mga sumusunod:
- Pulmonya. Tinatawag din itong pneumonia in English. Ang impeksyong ito sa iyong alveoli ay karaniwang mula sa bakterya o mga virus, kasama ang coronavirus na sanhi ng COVID-19.
- Tuberculosis. Uri ito ng pulmonya na unti-unting lumalala, sanhi ng bakterya na Mycobacterium tuberculosis.
- Emphysema. Nangyayari ito kapag nasira ang marupok na mga link sa pagitan ng alveoli. Paninigarilyo ang karaniwang dahilan. Bukod pa rito, nililimitahan din ng Emphysema ang airflow, nakakaapekto sa iyong mga daanan ng hangin.
- Pulmonary edema. Uri ito ng sakit sa baga na may tubig kung saan ang likido ay tumatagas mula sa maliit na mga daluyan ng dugo sa iyong baga papunta sa mga air sac at sa kanilang paligid. Isa sa mga porma ng sakit sa baga na may tubig ay sanhi ng heart failure at pressure sa likod ng blood vessels ng baga. Sa kabilang banda, may porma rin ng sakit na ito sa baga na ang sanhi naman ay injury sa lungs na siyang nagdudulot ng pagtagas ng tubig o fluid.
-
Kanser sa baga. Maraming iba’t ibang uri ng kanser sa baga at maaaring magsimula sa anumang bahagi ng iyong baga. Ito ay madalas na nangyayari sa pangunahing bahagi ng iyong baga, sa o malapit sa mga air sac.
- Acute respiratory distress syndrome (ARDS). Ito ay isang matindi, biglaang pinsala sa baga mula sa isang malubhang karamdaman. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng COVID-19. Maraming mga tao na may ARDS ay nangangailangan ng tulong sa paghinga mula sa isang makina na tinatawag na ventilator. Ito ang tutulong sa kanilang baga na makahinga nang maayos.
- Pneumoconiosis. Tawag ito sa katergorya ng mga kondisyon ng sakit sa baga na sahi ng pagkalanghap ng bagay na maaaring nakapinsala sa baga. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang black lung disease na resulta ng pagkalanghap ng abo mula sa uling. Gayundin ang tinatawag na asbestosis na resulta naman ng pagkalanghap ng asbestos dust.
Iba pang sakit sa baga
Samantala, mayroon ding mga ‘di pangkaraniwang sakit sa baga ngunit maaaari pa ring danasin ng isang tao. Tulad na lamang ng sakit sa baga dulot ng pinsala sa interstitium, blood vessels, pleura at chest wall.
Ang interstitium ay ang manipis at delicate lining sa pagitan ng alveoli. Mayroong maliliit na blood vessels sa interstitium na siyang dinaraanan ng gas na ipinapasa sa pagitan ng alveoli at dugo. Ilan sa mga sakit sa baga dulot ng pinsala sa interstitium ay ang interstial lung disease (ILD). Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga kondisyon ng baga kabilang na ang sarcoidosis, idiopathic pulmonary fibrosis, at autoimmune disease.
Bukod pa rito, maaaari ding magdulot ng pneumonia at pulmonary edema ang pinsala sa interstitium ng baga.
Samantala, maaari ding magkaroon ng sakit ang blood vessels sa lungs ng tao. Halimbawa nga nito ay ang pulmonary embolism (PE) at pulmonary hypertension.
Ang mga sakit sa baga naman na maaaring makaapekto sa pleura ay ang mga sumusunod:
- Pleural effusion
- Pneumothorax
- Mesothelioma
Ang pleura ay ang manipis na lining na nakapalibot sa baga at nakalinya sa loob ng chest wall.
Dagdag pa rito, puwede ring magkaroon ng pinsala sa chest wall dulot ng sakit sa baga. Ilan sa mga halimbawa ng sakit sa baga na nakaapekto sa chest wall ay:
- Obesity hypoventilation syndrome
- Neuromuscular disorders
Malaking bahagi ng kalusugan ang apektado kung mayroon kang sakit sa baga. Kaya naman mahalagang kumonsulta sa doktor kung may mga sintomas ng sakit sa baga na nararanasan.
Mga sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa baga
Iilan ang mga dahilan na ito kung bakit nagkakaroon ng sakit sa mga baga ang mga tao:
Ang patuloy na paninigarilyo ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa baga ang mga tao. Ayon sa pag-aaral ang isang sigarilyo ay may lamang 4,000 na sangkap na karamihan ay mapanganib sa ating katawan gaya ng lason na nagdudulot ng kanser sa ating katawan.
Tinatawag din itong passive smoking. Ito ay nangyayari kapag hindi ikaw mismo ang naninigarilyo, ngunit palagi mo itong nalalanghap mula sa taong nainigarilyo. Ito rin ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng mga sakit.
-
Mga unang taon ng buhay ng tao.
May malaking parte rin, ang unang salik sa maagang bahagi ng buhay ng tao na maaaring magdulot ng sakit sa baga. Kabilang na rito kung ikaw ay sobra ang timbang o obese, hindi ka nabreastfeed ng iyong nanay, paggamit ng nagdadalang tao ng ibang uri ng gamot , pagkakaroon ng komplikasyon sa panganganak at estado rin ng iyong paligid.
-
Mga namamanang kondisyon.
Sabi nga nila malaking parte sa buhay mo ang iyong ama at ina. May mga sakit sa baga o iba pang kondisyon na namamana sa pamamagitan ng gene ng iyong magulang papunta sa kanilang mga anak.
-
Mga uri ng hangin sa mga establisyemento.
Maaari rin makadagdag ang maruming hangin sa iyong paligid, kagaya ng maduming paligid sa bahay, opisina, gusali , usok mula sa sasakyan, mga kemikal na lumalabas sa mga industriya. Ang mga ito ay maaaring makasama sa iyong katawan kapag ikaw ay nalantad ng matagal.
Marami na ring pag-aaral ang nagpapatunay na malaki ang epekto ng iyong kinakain sa araw-araw sa lagay ng iyong kalusugan.
Mga gamot at dapat gawin kung may sakit sa baga
Ang manggagamot na sumusuri at lumulunas sa mga sakit sa baga ay tinatawag na pulmonologist. Sila ang mga doktor na tumitingin sa baga upang suriin ito at makapagbigay ng ilang mga payo na makakatulong sa ‘yo upang guminhawa ang iyong pakiramdam. Nakadepende sa kung anong klase ng sakit sa baga ang iyong nararanasan sa kung ano ang gamot na irerekomenda sa iyo ng doktor.
Narito ang mga halimbawa ng mga gamot sa sakit sa baga:
Ito ang proseso kung saan may kailangan alisin na bahagi o lobe sa iyong baga upang hindi lumala ang sakit.
-
Mga gamot na iniinom o nilalanghap kapag may hika.
Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang salbutamol . Uri ito ng gamot sa sakit sa baga o hika na nagbibigay-ginhawa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng daluyan ng hangin sa baga.
Upang maiwasan ang pag-collapse ng mga baga sa iyong katawan dahil sa pagkapuno ng dugo o hangin sa pleural space, isinasagawa ang chest tube insertion.
Ito naman ang isinasagawa upang alisan ang mga namuong likido sa loob ng baga na nangyayari sa mga may pulmonya o kanser.
Kapag ikaw ay nahihirapan huminga at kailangan ng oxygen ng baga, isinasagawa ang oxygen theraphy, Ito ay tumutulong upang makahinga nang maaayos at mapagana ang iba pang parte ng iyong katawan.
-
Pulmonary rehabilitation.
Kapag pasulpot sulpot ang problema mo sa baga ay pulmonary rehabilitation ang posibleng irekomenda sa iyo ng doktor. Kung may nauna nang proseso ng paggamot sa sakit sa baga, hindi ito aalisin o ipapatigil. Bagkus ay gagawin lang ang tinatawag na rehabilitation bilang karagdagang lunas.
Ang ventilator ay isang uri ng makina na tumutulong sa paghinga ng taong may labis na napinsalang baga. Tumutulong ito upang magkaroon ng sapat na dami ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan at maging sa pag-alis ng carbon dioxide mula rito.
Ang paraang ito ay bihira lamang. Mangangailangan lamang nito sa kaso ng kanser o kaya ay kung ang baga ng isang tao ay ganap nang tumigil sa paggana.
Iba’t ibang uri ng gamot sa sakit sa baga
Iba-iba ang gamot sa sakit sa baga, depende sa sintomas na nararanasan at sa kalubhaan ng kondisyon. Ang mga antibiotic ay tumutulong upang patayin ang mga bacteria na sanhi ng sakit sa baga.
Samantala, ang mga expectorant ay tumutulong sa pag-aalis ng mga plema sa baga na bumabara sa mga daanan ng hangin. Ang mga bronchodilator naman ay tumutulong upang lumuwag ang mga daanan ng hangin, lalo na sa kaso ng mga may hika.
Sintomas na nagpapahiwatig ng sakit sa baga
Hindi madaling malaman ang mga warning signs o sintomas ng sakit ng baga, kaya’t ang pag-alam sa mga senyales nito ay makatutulong upang maipagamot ito bago pa maging malubha ang kondisyon.
Kung ikaw ay mga sintomas tulad ng mga sumusunod, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor o sa iyong healthcare practitioners:
-
Hirap sa paghinga o shortness of breath.
Hindi normal na nagkakaroon ng kakapusan sa paghinga, lalo na kung ito ay hindi nawawala. Isang babala ang ganitong sintomas na mayroon kang sakit sa baga.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Ang pakiramdam na wala kang nakukuhang sapat na hangin.
Kapag madaling makaranas ng hirap o ng kakapusan sa paghinga, maaari ring itong palatandaan ng pagkakaroon ng sakit sa baga.
-
Ubo na hindi nawawala o ang pabalik-balik na ubo.
Ang ubo na hindi nawawala sa loob ng walong linggo o mas matagal pa ay itinuturing na chronic at malubha na. Mahalagang sintomas ito na dapat bantayan, indikasyon ito na mayroong mali sa iyong respiratory system.
-
Pag-ubo na may kasamang dugo.
Kung umuubo ka ng dugo, maaaring nagmumula ito sa iyong mga baga o upper respiratory tract. Saan man ito nanggaling, ito ay nagpapahiwatig ng problema sa kalusugan.
Kung ikaw ay mayroong plema na hindi nawawala sa loob ng isang buwan o higit pa, maaaring ikaw ay mayroong sakit sa baga.
Ang hindi maipaliwanag na pananakit ng dibdib na tumatagal ng isang buwan o higit pa—lalo na kung lumalala ito kapag huminga ka o umuubo—ay isang senyales ng sakit sa baga at sa respiratory system.
-
Pananamlay ng katawan o lack of energy.
-
Pagbaba ng timbang.
-
Pamamaga ng bukong-bukong (ankles), paa at mga hita.
Iba-iba man ang sakit sa baga na makukuha ng isang tao, wala itong kaibahan sa mga sintomas na nakalahad. Lalong-lalo na sa pulmonya (pneumonia) at cancer sa baga, na karaniwang kondisyon o nakukuhang sakit sa ating mga baga.
Pareho lamang ang mga sintomas na maaari mong maranasan sa iba pang sakit sa baga kung ikaw ay mayroong lung cancer. Kung ito naman ay pulmonya o pnuemonia, maaari namang malaman kung ikaw ay nakararanas o mayroong mga sintomas na nasa itaas kabilang ang lagnat, pagpapawis, chills, fatigue at maging ang pagsusuka.
Ilan lamang iyan sa mga maaagang sintomas at palatandaan na nagpapahiwatig ng sakit sa baga na hindi gaanong napapansin at inaakalang simpleng kondisyon lamang.
Marapat na bantayan ang anumang pagbabago o nararamdaman sa katawan upang maiwasan ang mga komplikasyon. Ipagbigay-alam din ito sa mga propesyunal upang mabigyan ng kaukulang atensyon at mga gamot sa pagpapabuti ng kalagayan.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kung ang mga sintomas ay nagbibigay discomfort na sa iyong pakiramdam, mabuti na ang pagpapakonsulta sa doktor. Lalo na kung hindi bumubuti ang pakiramdam at mas lalo lamang lumalala.
Kung napapansin din na nagkakaroon na ng mga impeksiyon, tulad ng pagbabago ng kulay ng plema o mas nadragdagan ang mga sintomas, nagiging asul ang kulay ng labi at mga kuko, nahihirapan mag-concentrate o laging out-of-focus, kinakailangan na nito ng pangangalagang medikal.
High-risk factors at groups na mahalagang komunsulta sa mga doktor:
- Mga nasa hustong gulang na mas matanda sa edad na 65
- Mga batang wala pang 2 taong gulang na mayroong nararamdamang senyales ng sakit sa baga
- Taong mayroong mga underlying conditions at mahihinang immune system.
- Mga taong kasalukuyang tumatanggap at nakatanggap na ng chemotherapy.
Paano makakaiwas sa mga sakit sa baga?
Narito ang ilan sa mabibisang paraan upang makaiwas sa mga sakit sa baga,
- Iwasan ang paninigarilyo.
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay
- Sa tuwing umuubo at bumabahing, takpan ang bibig at ilong.
- Panatilihing malinis ang paligid ng tahanan at ang tahanan mismo.
- Regular na mag-ehersisyo.
- Magpabakuna kung mayroong mahinang resistensya.
- Pagkain ng masustansyang pagkain.
- Regular na pagpapatingin sa doktor.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!