X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Pag-crawl ni baby, posibleng magpababa sa risk ng childhood asthma

4 min read
Kasama sa development ni baby ang paggapang niya, ayon sa mga eksperto nakapagpababa rin daw ito ng tsansa na siya ay magkaroon ng childhood asthma. Bukod pa ito sa iba’t ibang positive effects ng crawling lalo sa early stages ng isang sanggol.
Mga mababasa sa artikulong ito:
  • Ano ang childhood asthma?
  • Pag-crawl ni baby makatutulong para makaiwas sa asthma, ayon sa pag-aaral

Ano ang childhood asthma?

baby crawling

Larawan kuha mula sa Pexels

Halos walang pinagkaiba ang childhood asthma sa asthma ng maraming adults. Nangyayari ito sa tuwing ang lungs at airways at nati-trigger dahil sa iba’t ibang bagay katulad na lang ng pollen o anumang alikabok.

Hindi pa lubos na nalalaman kung paano nga ba nakukuha ang childhood asthma ngunit ang ilan sa factors na maaaring involved ay maaaring namamana, airway infections, at exposure sa polluted na kapaligiran.

Kadalasang nararananasan ng bata ang walang humpay na pag-ubo, pagkakaroon ng tunog ng whistle sa tuwing humihinga, kahirapan sa paghinga, at ang chest tightness. Maaari ring maranasan ng bata ang hirap sa pagtulog o malala ay respiratory infection.

Sa kasamaang palad, hindi nagagamot ang asthma. Maaaring mag-develop pa ang sintomas nito hanggang sa adulthood. Ang ilan sa maaaring makapagpalala nito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng allergic reactions kasama ang skin reactions at food allergies.
  • Pagkakaroon ng history ng pamilya na may asthma.
  • Pagtira sa kapaligirang polluted.
  • Pagkakaroon ng labis na timbang o obesity.
  • Pag-exist ng iba pang respiratory conditions.

Sa tamang pag-aalaga sa baby ay maaari naman itong ma-control at maiwasan. Mahalagang maagapan kaagad ang sintomas na mapapansin sa inyong babies para maiwasan ang pagkakaroon ng labis na damage sa lungs.

BASAHIN:

Put an end to your annoying allergy symptoms

Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema

STUDY: Babies, toddlers who take antibiotics may develop into asthma and allergies later on

Pag-crawl ni baby makatutulong para makaiwas sa asthma, ayon sa pag-aaral

childhood asthma

Larawan kuha mula sa Pexels

Marami ang stages na pagdadaanan ang baby bago tuluyang masabing siya ay fully developed. Nariyan ang pag-unlad niya mentally, emotionally, psychologically at syempre ang pisikal niyang pangangatawan. Sa simula ang unang magagawa ng kanyang munting katawan ay tumawa, matulog, isubo ang daliri, at gumulong.
Kalaunan magiging matibay na ang mga bones niya sa katawan kaya naman magkakaroon na siya ng kakayahang gumulong at gumapang.
Ang paggapang na ito ay makakatulong sa kanya sa maraming aspeto. Kabilang dito syempre ang paghahanda na siya ay matutong maglakad. Sa bagong pag-aaral ng mga eksperto, napag-alaman nilang hindi lamang sa motor skills may benepisyo ang paggapang maging sa health din ni baby.
Sa isang pag-aaral na published sa journal ng Environmental Science and Technology, inalam nila ang inhalation process ng baby sa paggapang. Lumikha ng isang robotic baby ang mga researchers mula sa Purdue University. Kung saan pinaggapang nila ito sa mga carpet na galing sa mga tahanan.
“Our goal was to study how the crawling motion of a baby stirs up microbes [the tiny bio particles] and dust from carpets, and to evaluate the resulting inhalation exposures.”
“This is the first study to show that crawling infants are exposed to significant concentrations of re-suspended biological particles, and that many of these particles deposit in the lower airways of their of respiratory systems.”

“Their exposures are amplified due to the close proximity of their breathing zones to the floor.”

Ayon sa author ng pag-aaral na si Boor.
Dito rin nila nalaman na ang concentration ng particles sa cloud of dust ay mas mataaas nang higit 20 beses kumpara sa iba pang lugar sa bahay. Binubuo ang mga particles na ito ng skin cells, pollen, fungal spores, at maging bacteria. Ano kinalaman nito sa childhood asthma?
childhood asthma

Larawan kuha mula sa Pexels

Dagdag ni Boor may magandang epekto rin daw ang pag-inhale ng mga baby ng mga dust particles. Sa isang pag-aaral kasi sa Johns Hopkins Children’s Center noong taong 2014, nakitaan nila na maaari nga maging immune ang baby kung madalas exposed sa dust.
Marami na raw pag-aaral ang nakitang ang exposures ng mga bata sa airborne microbes tulad nga ng bacteria, fungi at iba pa man ay maaaring makapagpataas ng kanilang immunity. Ang immunity na ito ay nakatutulong sa kanila na maprotektahan sila sa mga sakit tulad ng lagnat, allergies, at ang childhood asthma.
Payo pa ng mga eksperto, huwag daw masyadong panatalihin ang tahanan na sterile. Ito ang tinatawag na “hygiene hypothesis” kung saan tumutukoy ito na huwag masyadong gawing sterile ang environment na ginagalawan ng bata dahil hindi niya mapauunlad ang immune system niya kung hindi exposed sa mga dust.
Mayo Clinic,Parents.com
Partner Stories
Gut Health: How to keep your child’s digestive tract healthy with Erceflora Kiddie
Gut Health: How to keep your child’s digestive tract healthy with Erceflora Kiddie
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • STUDY: Pag-crawl ni baby, posibleng magpababa sa risk ng childhood asthma
Share:
  • Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?

    Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?

  • UTI sa mga babae: Sanhi, sintomas at lunas

    UTI sa mga babae: Sanhi, sintomas at lunas

  • Dighay ng dighay: Sanhi, epekto, at ilang mga gamot at home remedy para rito

    Dighay ng dighay: Sanhi, epekto, at ilang mga gamot at home remedy para rito

  • Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?

    Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?

  • UTI sa mga babae: Sanhi, sintomas at lunas

    UTI sa mga babae: Sanhi, sintomas at lunas

  • Dighay ng dighay: Sanhi, epekto, at ilang mga gamot at home remedy para rito

    Dighay ng dighay: Sanhi, epekto, at ilang mga gamot at home remedy para rito

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.