Pagpapainom ng antibiotic para sa baby at mga bata ay nakita umanong may koneksyon sa pagiging obese at pagkakaroon ng allergy ng isang bata, ayon sa isang pag-aaral. Ang mga batang 2 taong gulang pataas na nabigyan na ng isa o dalawang antibiotic. Mas mataas umano ang tiyansa na magkaroon ng iba pang sakit pagtanda.
- Epekto ng antibiotic sa pagtagal ng panahon.
- Mga sakit na maaaring ma-develop sa isang bata sa pagdating ng panahon.
- Kahalagan ng tamang pagpapainom ng antibiotic.
Ang mga antibiotic sa katunayan ay hindi naman masama lalo na kung may sakit ang isang bata. Nakakatulong itong gumaling at mawala ang impeksyon o sakit ng bata. Subalit mayroon itong masamang epekto katagalan ayon sa isang pag-aaral.
Larawan mula sa IStock
Pinapatay kasi umano ng antibiotic ang mga bacteria. Mabuti umano ito lalo na kung ang mga bacteria na ito ay nagdudulot ng matinding impeksyon. Subalit ayon kay Claire McCarthy MD, Senior Faculty Editor sa Harvard Health Publishing, ang mga antibiotic ay hindi lamang pumapatay ng mga masasamang bacteria na nagdudulot ng impeksyon. Pinapatay rin nito ang iba pang bacteria sa loob ng katawan ng tao. Ayon umano ito sa pag-aaral na isinagawa.
Dagdag pa rito sinasabi sa pag-aaral na ang katawan ng tao ay punong-puno ng mga bacteria. Ang bacteria na ito ay parte ng ating microbiome, na lubos na mahalaga. Kasama na ang iba pang micro-organism sa ating katawan.
“They play a role in how we digest foods, in normal growth, and in our immune system. When we take antibiotics, we inadvertently kill some of those bacteria.”
Ayon ito kay Claire McCarthy MD. Dagdag pa niya sa una umano akala natin ay hindi ito magiging malaking problema. Pero sa patuloy na pag-aaral patungkol sa ating microbiome. Ipinapakita na ang mga bacteria na na-grow sa ating buhay sa unang yugto ng ating buhay ay napakahalaga. Mayroon itong lifelong effects sa atin.
Posibilidad ng obesity at pagkakaroon ng allergy
Ipinakita rin sa isinagawang pag-aaral na ang mga baby at bata na pinapainom ng antibiotic ay may 26% chance na maging obese. Ang pag-inom ng mga antibiotic para sa impeksyon halimbawa ni baby o ng bata ng isa o dalawang uri ng antacid ay nagkakapagpataas ng tiyansa ng pagiging obese ng isang baby pagdating ng panahon.
Larawan mula sa IStock
Sa paghahalimbawa ni Claire McCarthy MD, sinabi niya na kagaya ng mga ginagawa ng mga magsasaka na binibigyan ng antibiotic ang isang hayup sa unang bahagi nito ng kaniyang buhay. Mas nagiging mabigat ito. Ibig sabihin mas maraming karne o laman ang makukuha mula sa kanila.
Ang isyu sa usapin na ito, kahit na tumataas ang kita ng mga magsasaka o mga nag-aalaga ng hayup. Mayroon itong malaking significant contributor para sa antibiotic resistance.
Dagdag pa riyan hindi lamang pagkakaroon ng mataas ng tiyansa sa pagiging obese ang pag-inom antibiotic, halimbawa na lamang ang pagpapainom ng antibiotic para sa mga bata, tumataas din ang kanilang tiyansa sa pagkakaroon ng food allergy at iba pang allergic diseases katulad ng asthma.
“These findings offer the opportunity to target future research to determine more reliable and safer approaches to timing, dosing and types of antibiotics for children in this age group.” ani ni Nathan LeBrasseur, isang researcher sa Mayo Clinic’s Center on Aging.
Ang mga pag-aaral umano na ito ay hindi para panakot upang huwag nang uminom o painumin ng antibiotic ang isang bata. Sapagkat napakahalaga rin nito. Subalit ang pag-aaral na ito at natuklasan sa pag-aaral ay magbibigay daan upang mas mapapainam pa ang pagpapainom ng antibiotic sa isang baby o bata. Nang wala siyang mararanasang iba pang problema kapag laki niya.
BASAHIN:
Pag-inom ng antibiotics habang buntis maaring sanhi ng birth defects
4 na dahilan kung bakit hindi dapat uminom ng antibiotic nang walang reseta
Safe bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang breastfeeding mom?
Mas mataas na dose, mas maraming kundisyon
Sinasabi rin sa pag-aaral na mayroong posibilidad na ang mga bacteria sa isang tiyan ng isang baby; na kinakailangan sa proper development ng immune system, neural development, body composition at metabolism, ayon kay LeBrasseur.
Katulad nga ng sinasabi kanina hindi kayang i-determine ng mga antibiotic ang “good” at “bad” bacteria, lalo na sa digestive tract. Pinapatay nito ang lahat ng bacteria na nasa tiyan ng isang baby o bata na walang appropriate na kontribusyon ng microbiome.
Kinakailangan umano kasi natin ng certain na bacteria upang ma-absorb ang mga nutrients sa mga pagkain na ating kinakakain. Kailangan din natin ito para maprotektahan ang ating buong digestive system lalo sa mga baby at bata.
“When antibiotics were first developed and deployed, the overwhelming consideration was control of pathogens. We now realize that their widespread application has considerable collateral effect on the microbiome. Which may be of special importance in developing children,”
Nakita umano sa pag-aaral na may koneksyon umano ang pag-inom ng antibiotic para sa mga bata sa kanilang paglaki o development. Lalo na ang pagkakaroon ng ilang kundisyon pangkalusugan.
Payo sa mga magulang
Kaya naman ang payo ng mga eksperto hindi dapat pinapainom ang mga baby o mga bata ng antibiotic ng walang reseta ng doktor. Kinakailangan na may reseta o prescription ito ng doktor. Kinakailangan din na sundin lamang araw kung hanggang kailan iinumin ng inyong mga baby o anak ang antibiotic.
Payo pa ni Claire McCarthy MD, kung kailan umanong ipainumin talaga ng antibiotic ang isang bata painumin. Subalit tanungin ang inyong doktor kung ano ang pinakamaikling panahon ng pagpapainom nito. Patuloy pa rin ang mga isinasagawang pag-aaral na may koneksyon sa mga antibiotic na pinapainom para sa mga baby at sa development nila. Isa lamang ang pag-aaral na ito sa nakitaan ng koneksyon sa pagiging obese at pagkakaroon ng allergy ng isang baby paglaki sa pag-inom ng antibiotic.
Wala pang lubos na patunay na ito nga’y dahilan kung bakit nagiging obese o nagkakaroon ng allergy ang isang baby paglaki nito. Patuloy pa rin ang pag-aaral upang mas maunawaan ang epekto ng antibiotic sa mga baby paglaki nila.
Larawan mula sa IStock
Kinakailangan din maunawaan ng mga magulang na ang papainom ng antibiotic ay para lamang sa mga impeksyon at hindi sa mga viral na sakit. Kinakailangan din na magpatingin sa doktor upang matukoy ang kung anong klaseng impkesyon ito o sakit ito. Para malaman kung ano ang gamot na maaaring ipainom sa inyong mga anak.
Malaki pa rin ang naitutulong mga antibiotic para sa mga baby at bata na nakakaranas ng impeksyon. Subalit kinakailangan na maging maingat lamang sa pagpapainom sa kanila. Tandaan na mahalaga na iinom lamang ang mga gamot lalo na ng antibiotic kung mayroon itong reseta ng doktor. Huwag mag-self medicate mga daddy at mommy lalo na para kay baby.
Source:
health.harvard, cnn
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!