Pag-inom ng antibiotics ng walang reseta, bakit nga ba ito masama at ipinagbabawal? Alamin ang mga dahilan rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit nakakasama ang pag-inom ng antibiotics ng walang reseta?
- Tirang antibiotics, mainam pa bang gamitin?
- Kapag wala nang nararamdamang sintomas ng sakit, dapat pa bang uminom ng antibiotics?
Kapag nagkakasakit tayo o kaya naman ang ating anak, umaasa tayo sa mga gamot na inirereseta sa ating ng doktor para gumaling agad.
Kahit matindi na ang ating pakiramdam, kapag nagreseta na si Doc ng antibiotics, mararamdaman agad natin ang mabilis na bisa ng gamot at sa loob lang ng isa o dalawang araw.
Kaya naman may mga ibang tao na umiinom agad ng antibiotics kapag may naramdaman silang sintomas ng saki. Kahit walang pang payo ng kanilang doktor.
Ang iba naman, dahil ayaw pumunta sa ospital, ay ginagamit ang kanilang natirang stock ng antibiotics mula sa dating reseta ng doktor.
Pero alam mo ba na mali ang kaugaliang ito? Sa halip, na makatulong ay maari pang makasama sa ating kalusugan? Bakit nga ba ipinagbabawal ang pag-inom ng antibiotics nang walang reseta?
Pag-aaral tungkol sa pag-inom ng antibiotics ng walang reseta
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Annals of Internal Medicine journal, 14 to 48% ng populasyon sa US ang nagtatabi ng antibiotics para sa kanilang future use.
Ito ay dahil mahigpit na ipinagbabawal na makabili ng kahit anong antibiotics sa mga drugstores o botika ng walang reseta mula sa doktor.
Ganito rin ang patakaran ng pagbebenta ng antibiotics sa Pilipinas. At dahil mas makakamura sila kaysa sa magpakonsulta pa sa doktor, marami rin ang pinipiling magself-medicate. O kaya naman ay ipinapaubaya kay Google ang problema.
Sa pamamagitan kasi ng internet ay mas nagiging accessible sa atin ang mga impormasyon na nais nating malaman. Lalo na kung may kaugnayan ito sa ating kalusugan.
Ngunit ayon sa mga ekpesto ang pag-inom ng antibiotics ng walang reseta ay masama at maaring mag-dulot na side effects sa ating kalusugan.
Bakit nakakasama ang pag-inom ng antibiotics ng walang reseta?
-
Maari itong mauwi sa antibiotic-resistant o ang pagiging immune ng bacteria sa antibiotics na iniinom.
Ang isa pangunahing dahilan kung bakit masama sa ating kalusugan ang pag-inom ng antibiotics ng walang reseta ay dahil maaaring mauwi ito sa antibiotic-resistance o ang paglakas sa mga “superbugs”.
Ito’y maaaring maging dahilan para malimitahan ang kakayahan ng katawan na labanan ang mga impeksyon.
Ayon kay Dr. Alexis Halpern, isang emergency medicine physician sa NewYork -Presbyterian/Weill Cornell Medical Center, dapat daw ay walang nagiging leftover antibiotics o mga tirang antibiotic mula sa naunang reseta.
Dapat daw ay inuubos inumin ang niresetang antibiotic ng doktor para tuluyang mapuksa ang mga bacteria na nagdudulot ng impeksyon.
Sapagkat kung hindi ang bacteria na dapat ay papatayin nito ay magiging immune at resistant lang sa antibiotic. At hindi na basta-basta mapapatay pa ng antibiotics.
Paliwanag ni Dr. Halpern,
“Think of it like you’re killing something with a poison and you think it’s dead, but it’s not yet.
Now that it’s become exposed to that poison, or antibiotic. It can grow stronger and might not be killed by it next time. This is how resistance happens.”
Ito ang dahilan kung bakit pinapayo ng mga doktor na tapusin ang full course ng antibiotics kahit wala na tayong nararamdamang sintomas ng sakit at pakiramdam natin ay magaling na tayo.
Kapag sinabi ng iyong doktor na inumin mo ito ng dalawang beses sa loob ng 7 araw. Dapat mong tapusin ang pag-inom ng 7 araw kahit wala ka nang nararamdamang sakit.
Image from Xtalks
-
Maaaring maling antibiotic ang iyong inumin na may kaakaibat na side effects sa iyong kalusugan.
Hindi lahat ng antibiotics ay magkakapareho. Bawat impeksyon ay may angkop na uri ng antibiotics na dapat inumin. Kaya mahalaga na kumonsulta muna sa doktor para maresetahan ka niya ng antibiotics na angkop sa iyong sakit.
May mga sakit naman na hindi malulunasan ng antibiotics. Lalo na kung ito ay dahil sa isang virus at hindi dahil sa impeksyon. Kung dahil sa virus ang iyong sakit, hindi ito bubuti kahit uminom ka pa ng antibiotics.
Higit sa lahat, ang pag-inom ng antibiotics nang walang reseta ay may kaakibat na side effects sa kalusugan. Ito ay dahil maari nitong puksain pati ang mabuting bacteria sa ating katawan na lumalaban rin sa sakit.
“Antibiotics can cause a wide range of side effects. These can include serious allergic reactions and even other infections. As antibiotics can kill off the population of beneficial bacteria in the body”
Ito ang pahayag ni Dr.Christopher Hanifin, Chairman ng department of physician assistant, at assistant professor sa Seton Hall University sa New Jersey.
Bukod dito, hindi rin porket nakabuti ang gamot na iyon sa isang bata ay pwede mo na rin itong gawin para sa iyong anak. Tandaan, ang pagbibigay ng antibiotics ay nakabase rin sa edad at weight ng taong iinom nito. Kaya lubhang delikado kung iinumin mo ito nang walang payo ng doktor.
BASAHIN:
Pag-inom ng antibiotics habang buntis maaring sanhi ng birth defects
Safe bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang breastfeeding mom?
#AskDok: Nakakahawa ba ang pneumonia?
-
Ang mga naitago o naitabing antibiotics ay maaring hindi na mabisa.
Ayon pa rin kay Dr.Hanifin, ang mga pag-inom ng antibiotics ng walang reseta o yung mga leftovers na ay maaring hindi na rin maging epektibo.
Tulad na lang ng mga liquid antibiotics para sa mga bata na nag-eexpire kung hindi agad iinumin o i-rerefrigerate. Ganoon rin ang mga antibiotic tablets na nawawalan ng bisa lalo na kapag itinatago sa mainit o kaya naman ay sa mahalumigmig o humid na area sa bahay tulad ng bathroom.
Kung babasahin mo nang maigi ang papel na kasama ng mga antibiotics na pambata, nakasaad sa ilalim ng Storage Conditions kung ano ang dapat na temperatura nito. Gayundin, sinasabi rin dito na para sa mga liquid o reconstituted suspension, dapat ay magamit mo ito sa loob lamang ng 7 hanggang 10 araw.
-
Ang mga antibiotics na nabibili online o gray market ay madalas na expired at less effective.
Bagamat maari pa ring makabili ng antibiotics ng walang reseta sa mga online shops o gray market, mariing ipinapayo ng mga doktor na maaring hindi ito ligtas, lalo pa’t walang kasiguruhan sa kung anong ingredients ang taglay ng mga ito.
“Gray market antibiotics are often expired, less effective, unregulated, use non-standard dosing, or aren’t manufactured for human use — all of which further drives antibiotic resistance.”
Ito ang paliwanag ni Dr. J.D. Zipkin, isang board-certified doctor ng internal medicine and pediatrics.
Dagdag pa niya, ang tamang gamot lang ang makakapatay sa isang partikular na sakit. Kung huhulaan ng isang pasyenteng may sakit ang gamot na dapat niyang inumin, malaki ang posibilidad na hindi niya matatanggap ang tamang treatment na kaniyang kailangan.
Kaya naman paalala ni Dr. Zipkin, mahalaga ang pagpapakonsulta sa doktor at pag-inom ng antibiotics na may reseta. Ito ay para masiguro na mabibigyang lunas ang sakit na nararanasan at maiiwasan ang mga side effects na maidudulot nito sa kalusugan.
Dapat tandaan ng mga magulang na bagamat mabilis ang paggaling mula sa mga antibiotics, hindi naman ito ang solusyon sa lahat ng sakit at maaring makasama kung hindi gagamitin nang tama.
Iwasan ang magself-medicate para makaiwas sa mga komplikasyong maaring mangyari dala ng gamot. Paalala rin na huwag paiinumin ng anumang gamot ang iyong anak nang walang payo mula sa kaniyang pediatrician.
Source:
Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!