Safe ba ang antibiotic sa buntis?
Isa ito sa madalas na itinatanong ng mga babaeng nagdadalang-tao. Lalo na ang mga nakakaranas ng impeksyon na maaring makaapekto sa kanilang dinadalang sanggol. Matapos ang ilang taon, ay may natuklasang sagot ang isang pag-aaral sa tanong na ito.
Safe ba ang antibiotic sa buntis?
Ayon sa bagong pag-aaral na nailathala sa journal na BMJ nito lamang nakaraang linggo, ang pag-inom ng antibiortic sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay nagpapataas ng tiyansa ng isang sanggol na magkaroon ng birth defect.
Mas tumataas pa nga daw ang tiyansa o risk na ito sa tuwing ang isang uri ng antibiotic ang ininom ng isang buntis. Ito ang antibiotic na kung tawagin ay macrolides na kung saan kabilang ang mga gamot na erythromycin, clarithromycin at azithromycin. Ang mga antibiotic na ito ang madalas na inirereseta bilang lunas sa sakit na pneumonia, bronchitis, urinary tract infection at sexually transmitted diseases. Lalo na sa mga pasyenteng allergic sa antibiotic na penicillin.
Ang nasabing resulta ay natuklasan matapos pag-aaralan ng mga researchers mula sa University College London ang data ng 104,605 na bata sa UK mula noong 1990 hanggang 2016. Ito ay sa layuning malaman ang kaugnayan ng macrolides sa pagkakaroon ng major malformations ng isang sanggol. Ang mga malformations na ito ay heart at genital defects. Pati na ang apat na neurodevelopmental disorders na cerebral palsy, epilepsy, ADHD, at autism.
Mula sa ginawang pag-aaral ay ito ang natuklasang sagot ng mga researcher kung safe ba ang antibiotic sa buntis.
- Ang pag-inom ng macrolide sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay nagdulot ng major malformation sa 28 out of 1,000 na bata. Mataas ito kumpara sa 18 out of 1,000 na batang nagkaroon ng major malformations sa katawan ng makainom ang inang buntis ng penicillin.
- Ang pangunahing malformation na naranasan ng mga batang ipinanganak ng inang nakainom ng macrolides habang buntis ay cardiovascular malformations.
- Wala namang nakitang kaugnayan ang pag-inom ng macrolides sa pagkakaroon ng apat na neurodevelopmental
Reaksyon ng mga eksperto
Pero ayon sa mga researcher ng ginawang pag-aaral ay hindi nangangahulugan ito na hindi na dapat uminom ng antibiotics ang isang buntis. Sa halip ay humanap lang na maaring maging alternatibo. Dahil ang pag-inom ng antibiotics ay mahalaga lalo na kung nakakaranas ng impeksyon ang buntis na mapanganib sa kaniyang sanggol.
Image from Unsplash
“Our findings suggest it would be better to avoid macrolides during pregnancy if alternative antibiotics can be used. But women should not stop taking antibiotics when needed, as untreated infections are a greater risk to the unborn baby.”
Ito ang pahayag ni Professor Ruth Gilbert ng University College London na co-author ng isinagawang pag-aaral.
Mahalaga ang pag-inom ng antibiotics laban sa impeksyon
Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Dr. Pat O’Brien, consultant obstetrician mula sa Royal College of Obstetricians and Gynaecologists. Ayon sa kaniya, sa kabila ng risk ng antibiotics sa ipinagbubuntis na sanggol dapat maintindihan ng isang buntis ang kahalagahan ng pag-inom ng antibiotics laban sa impeksyon.
“It is important to realize that untreated infections during pregnancy, such as urine and chest infections, can cause harm to both mother and baby. So it’s important that they are treated appropriately.”
Ito ang naging pahayag ni Dr. O’Brien.
Para naman kay Dr. Sarah Stock, wala naman daw dapat masyadong ipag-alala ang mga babae sa naging resulta ng pag-aaral. Siya ay senior clinical lecturer ng maternal at fetal medicine sa University of Edinburgh Usher Institute sa U.K. Dahil ayon sa kaniya, ang absolute risk daw ng pag-inom ng macrolides sa ipinagbubuntis na sanggol ay masyadong mababa.
“Using an alternative antibiotic wherever possible in early pregnancy seems sensible. However, if macrolides are the only treatment option, women can be reassured that the absolute risk of a problem is low. The highest risk was seen with early pregnancy prescriptions. Where the additional risk of a heart defect associated with macrolide use was less than half a percent.”
Ito ang pahayag ni Dr. Stock. Habang para kay Dr. Stephen Evans, professor ng pharmacoepidemiology sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, U.K, ang resulta ng pag-aaral ay dapat magsilbing paalala para sa mga nagrereseta ng gamot at hindi lamang sa mga umiinom nito.
“The message of the paper should be directed at prescribers rather than at patients. It is already well-known that prescribing of drugs, including antibiotics, should be done with caution in pregnancy.”
Iba pang pag-aaral tungkol sa epekto ng macrolides sa buntis
Ito naman ang naging pahayag ni Dr. Evans.
Samantala, noong 2005 ay isang pag-aaral na isinagawa sa Sweden ang una ng nagtukoy ng kaugnayan ng pagkakaroon ng heart defects at pag-inom ng antibiotic na macrolides.
Habang may isang pag-aaral naman ang isinagawa ng Canadian Medical Association ang nagsabing ang pag-inom ng macrolides ay nagpapataas ng tiyansa ng miscarriage sa isang pagbubuntis.
Source: Independent UK, NewsWeek, Science Daily, CNN Edition, TheAsianParent SG
BASAHIN: 4 Common kinds of antibiotics that can cause miscarriage
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!