Sa Pilipinas, karaniwang usapin na ang hika ngunit hindi pa rin maiaalis na ito ay banta sa kanilang mga kalusugan. Madali mong malalaman ang mga sintomas ng hika sa mga bata. Bukod dito, mas maganda na rin na ikaw ay handa at may sapat na kaalaman pagdating sa asthma para naman matutulungan mo ang iyong anak kung sakaling sumpungin siya ng hika.
Ngayong National Asthma Awareness Week, kinausap ng Kidspot si Eric Chan, Head ng Pharmacy sa Blooms the Chemist. Nagbigay siya ng kasagutan sa mga common questions na nakuha natin mula sa ating mga concerned parents.
Paano ko malalaman kung ang ubo ng aking anak ay ubo ng asthma?
Ang ubo ay isang pangunahing sintomas ng asthma na iyong makikita. Kaya naman maaaring mahirap matukoy ito lalo na ng mga new parent. Para sa kaalaman ng lahat, may dalawang uri ng ubo na kailangan mong bantayan.
Gamot sa hika | Image from Unsplash
Ang una ay ang productive cough, dito mo makikita ang mucus at phlegm na nagmumula sa baga. Habang ang pangalawa naman ay ubo sa hika na kung tawagin ay non-productive cough, isang uri ng ubo na tuyo na dahilan ng pamamaga at pagsisikip ng airways.
Ang unang mapapansin mo ay ang tila ‘high-pitched wheezing’ at susunod na ang pag-ubo sa hika.
Napansin kong lumalala ang asthma ng anak ko sa gabi, normal ba ito?
Ang mga batang may hika ay kadalasang hindi nakakatulog sa gabi. Ayon sa reseach ng US Academic Pediatrics, ang mga batang may katamtaman hanggang malalang hika ay hindi nakakatulog ng maayos lagi sa gabi.
Hindi pa napapatunayan ang sanhi ng nocturnal asthma. Ngunit ito umano ay maaaring dahil sa posisyong pahiga kapag matutulog. Nakakapagpataas din umano ito ng mucus production sa bata o maaaring nakuha ang asthma sa dust mites ng higaan.
Sintomas ng hika ng kailangan mong bantayan
Tandaan, ang sintomas ng hika ay iba-iba sa bawat bata. Kaya naman dapat ay alam mo ang sintomas ng hika ng iyong anak. Ayon sa National Asthma Council Australia, narito ang mga common na sintomas ng asthma:
- Pag-ubo na sinamahan ng iba pang sintomas
- Paninikip ng dibdib
- Tuloy-tuloy na “wheezing sound” na nanggagaling sa dibdib kapag humihinga
- Hindi makahinga ng maayos
Gamot sa hika | Image from Unsplash
Paano ko matutulungan ang anak kong may asthma kapag malamig ang panahon?
Mahirap para sa mga may hika ang malamig na panahon. Ngunit may ilang sintomas na maaaring makita sa ganitong panahon.
Ugaliin ang mag-ingat kapag lalabas ng bahay dahil ang dry air ay maaaring dahilan ng pagsikip ng airways. Ang dehumidifier ay makakatulong para masipsip ang anumang tubig sa hangin at makakapag pababa ng alinsangan. Panatilihin din ang malinis na kamay dahil importante ang good hygiene para maiwasan ang pagkalat ng germs na pwedeng makapag-trigger ng iyong asthma.
Namamana ba ang hika?
Ang hika ay mula sa iba’t ibang genes at environmental factors. Ngunit hindi ibig sabihin nito na kapag may hika ikaw ay magkakaroon na rin ng hika ang iyong anak.
Gamot sa hika | Image from Unsplash
Lalaki bang may hika ang aking anak?
Isa ito sa common questions na mayroon ang mga magulang. Kinakailangan na alam mo kung paano alagaan ang iyong anak na may hika at nakabase rin sa severity ng kanilang kondisyon. Makipagtulungan sa iyong healthcare professional para sa mga sintomas ng asthma sa iyong anak.
Gaano kadalas ang pag-gamit ng reliever puffer at preventer puffer?
Mahalagang sundin ang payo ng iyong healthcare professional tungkol sa puffer ng iyong anak.
May mga batang kinakailangang gumait ng preventer puffer ng madalas lalo na kapag naririnig na ang wheezing sound at nahihirapan nang huminga. Samantala, kinakailangang gamitin lang ng mga batang may asthma ang reliever puffer kapag sial ay may sintomas.
Ang pag-gamot sa iyong anak ay nakadepende sa kanilang edad at sintomas. Kinakailangan nilang i-monitor ng isang propesyonal.
This article was first published on KidSpot and translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma
Mas madali nga bang mahawaan ng COVID-19 ang mga may asthma?
Skin asthma: Sanhi, sintomas, at gamot para sa eczema
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!