Best time to swab for COVID-19: Kailan nga ba dapat magpa-swab test?
Best time to swab for COVID
Ayon sa head ng Project ARK (Antibody Rapid Test Kit), ang best time na magpa-swab test for COVID ay 8 days pagkatapos, sa tingin niya na siya ay na-expose sa virus.
Banggit pa niya, maging rapid o swab test man, mayroong mga false positive o negative depende sa oras o kung kailan ito nagpa-test.
“Kunwari na-expose ako today, alam ko na-expose ako sa isang COVID positive. Wala akong sintomas, I just want to be sure. When is the best time for me to do my swab para pinakamataas ang chance na positive ang results kung meron man ako? Eight days after exposure.”
Pagpapaliwanag niya, 5 to 6 days kasi ang average period kung saan lumalabas ang mga sintomas ng isang tao matapos niyang ma-expose sa COVID.
“The best time, the highest chance of getting a positive PCR, if you have the disease, this is based on national studies, is eight days after exposure. If you do it too early, on the day of exposure, wala kang makukuha.”
Kaya naman kung pakiramdam mo ay na-expose ka sa sakit, mabuti na munang mag-self quarantine para makasiguro.
RT-PCR (Real-time reverse transcription polymerase chain reaction) o swab test
Samantala, ang RT-PCR test kits naman ay gumagamit ng swabs mula sa mga pasyente na kinukuha sa kanila mula ilong o lalamunan. Tumatagal ng 24 hours bago makuha ang resulta nito. Ito ang pinaka-mainam na test sa ngayon dito sa bansa dahil mayroon itong accuracy na 97%. Nagkakahalaga naman ito ng 3 thousand hanggang 8 thousand pesos.
Swab test Philippines
Kung nakakaramdam ng mga sintomas tulad ng cough, colds, fever, sore throat, loss of smell or loss of taste, narito ang listahan ng mga ospital kung saan puwedeng magpa-swab test.
- Asian Hospital
PHP 8,150
max of 3 days
87719000 - Cardinal Santos MC
PHP 7,500 (Online Booking)
PHP 8,000 (Walk-In)
3-5 days
87270001 - Chinese General Hospital
PHP 5,500 – drivethru
48H will text result/ send to email - Makati Medical Center
PHP 8,150
1-2 days
88888999
- Phil Red Cross Boni
1158 – 4000 pesos
1 week - St Luke’s Global
PHP 6500 drive thru, Php 4,300 OPD
2-3 days
87897700 - St. Lukes QC
PHP 4,300
2-3 days
87230101 - St. Martin de Porres Charity Hospital
PHP 4,000
3 days
(02) 8723 0743 - The Medical City Ortigas
PHP 8,150
3 days
89881000 - VRPMC
PHP 7-10,000 pesos through ER
3 working days
Airborne ba ang COVID-19?
Una nang inilabas ng WHO ang pahayag na hindi airborne ang coronavirus at naihahawa lamang ito from person to person mula sa mga droplets. Kaya naman isa ang social distancing sa mga safety precautions na ginagamit para ma-contain ito. Dahil kung wala namang contact sa infected at hindi ka nito na-ubuhan o natalsikan ng laway o droplet ay hindi mahahawa.
Pero sa isang scientific journal mula sa mga scientists at researchers, nakita ang ilang ebidensya na maaring airbone ang COVID. Ito ay dahil sa mga small particles na nagiging dahilan para mahawa ang isang tao.
Ayon sa kanila,
“Whether carried by large droplets that zoom through the air after a sneeze, or by much smaller exhaled droplets that may glide the length of a room, the coronavirus is borne through air and can infect people when inhaled.”
Ang ibig sabihin nito ay maaring sa isang enclosed area na walang maayos na ventilation. Sa oras na mag-alis ka ng mask, maari kang mahawa sa virus. Kahit pa walang close contact sa may sakit. Ito ay dahil sa mga small particles na naiiwan sa hangin.
Gayunpaman, narito ang sagot ng WHO Technical Lead on Infection Control, Dr. Benedetta Allegranzi:
“Especially in the last couple of months, we have been stating several times that we consider airborne transmission as possible but certainly not supported by solid or even clear evidence. There is a strong debate on this.”
Giit naman ng mga eksperto, maaring hindi i-acknowledge ng WHO itong sentimento na ito, pero mag-ingat na lamang ang publiko dahil sa posibilidad na ito. At manatiling informed sa mga updates o developments na katulad nito.
Source:
Basahin:
Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?