X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

4 min read
LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

"To know that my child still considers she had a very happy childhood despite all (my shortcomings and hurts my mistakes caused her)… brought me relief (?)."

Sa 12th birthday ng anak ni Bettina Carlos na si Amanda Lucia Carlos o si Gummy noong March 7 may emosyunal na mensahe si Bettina sa kaniyang anak. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Mensahe ni Bettina Carlos sa kaniyang anak na si Gummy
  • 3 tips sa pagpapalaki ng isang preteen

Mensahe ni Bettina Carlos sa kaniyang anak na si Gummy

bettina carlos at kaniyang anak na si Gummy at kaniyang bunsong anak

Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos

Sa isang Instagram post ni Bettina binalikan niya ang mga panahong sila lang ni Gummy ang magkasama. Ayon sa post ni Betttina, 

“For the 10years that I raised Gummy as a single mom, (and her being my first child-aka all the experiments, mistakes, trial and error kind of parenting) I’d worry if she’s truly happy (considering all the mom and daughter fights lalo na may hormones naaaa).”

Sa post din na ito, nagbahagi si Bettina ng short video kung saan highlight ang mga picture nila ng kaniyang anak na si Gummy at mga caption nga rin ito. 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Bettinna Carlos Eduardo (@bettinnacarlos.eduardo)

Caption pa ni Bettina sa kaniyang Instagram post, 

 “So to see this video she made herself a few months back, iyak talaga meeee.”

“To know that my child still considers she had a very happy childhood despite all (my shortcomings and hurts my mistakes caused her)… brought me relief (?).”

Pagkukuwento pa ni Bettina, pinapasalamatan niya umano ang Panginoong Maykapal dahil hindi siya iniwan nito sa mga panahong nahihirapan siya. 

bettina carlos at kaniyang anak na si Gummy

Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos

“Thank you that You’re the same God whom I can trust to continue to love, lead, guide, provide and protect our family today. Today we really celebrate You. Thank you Lord for our Amanda Lucia. Thank you for using her to channel Your love and lessons to us.”

“Happy 12th anak. Mahal na mahal ka namin.”

Happy Birthday, Gummy! 

bettina carlos at kaniyang anak na si Gummy

Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos

3 tips sa pagpapalaki ng isang preteen

1. Huwag mong isipin na nire-reject ng iyonga anak dahil sa panibagong independence na mayroon siya

Normal lamang sa isang bata kapaga sumapit ng preteen na mas magkakaroon ng confidence sa sarili at independence sa mga bagay na kaniyang ginagawa. 

Minsang tayong mga magulang nalulungkot tayo kapag hindi na tayo kinakailangan ng anak natin. Halimbawa na lamang kapag sila’y maliligo o kaya naman kakain. Hindi na sila nagpapasubo o nagpapatulong na paliguan sila. 

Pahayag ni Catherine Steiner-Adair, isang Harvard psychologist, schools consultant, at author ng The Big Disconnect, 

“All too often parents personalize some of the distance that occurs and misinterpret it as a willful refusal or maybe oppositional behavior.“

Pagbabahagi pa ni Catherine, 

“This is a time when children really start to have secrets from us, and parents who have a low tolerance for that transition — they want to know everything — can alienate their children by being too inquisitive.”

2. Maglaan ng quality time sa iyong preteen

Mahalagang magkaroon ng one-one talk sa iyong anak o quality time sa iyong anak kahit isa o dalawang beses kada linggo. Kung saan ang lahat ng atensyon mo ay nasa kaniya lang. Hindi gumagamit ng cellphone o nagtatrabaho. 

Kapag ginawa mo ito, hindi mo lamang pinapaunlad ang relasyon niyo bilang magulang at anak. Kundi tinuturuan mo rin siya sa ng interpersonal skills na magagamit niya sa hinaharap. 

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

3. Huwag masyadong judgemental

Ayon kay Dr. Steiner-Adair, “At this age your children are watching you very astutely to hear how judgmental you are.”

Sabi pa ni Dr. Steiner ito ang panahon na ang iyong anak ang mas magiging observant kung paano ka rin makipag-usap sa ibang tao.

“They are taking their cues on how you talk about other people’s children, especially children that get into trouble — how that girl dresses, or that boy has good manners or bad manners. And they are watching and deciding whether you are harsh or critical or judgmental.”

 

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy
Share:
  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

  • Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

    Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

  • Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

    Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko