Bettinna Carlos nasorpresa nang malamang pregnant siya muli matapos maranasang magkaroon ng miscarriage sa nakaraan niyang pagbubuntis.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Bettinna Carlos announces she is pregnant
- Miscarriage story of Bettinna
Bettinna Carlos announces she is pregnant
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Bettinna Carlos
Kakaibang ligaya nga naman ang magkaroon muli ng bagong parte ng pamilya. Labis-labis na saya ang dala nito lalo na sa inang gusto nang mayroon siyang inaalagaan na supling.
Kaya nga isa ang celebrity na si Bettinna Carlos sa mga nanay na naging maligaya dahil nalaman na niyang buntis siya at dinadala niya ang anak nila ng mister na si Miki Eduardo.
Nalaman ng publiko ang balitang ito nang ibahagi mismo ni Bettinna Carlos ang kanyang pregnancy sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel na ‘A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo’. Dito niya kasi inanunsyong 12 weeks na pala siyang nagbubuntis.
Kasabay nito ay ikunwento niya rin kung paano nga ba niya nalaman ang sorpresa na ito. Dapat daw kasi ang araw na iyon ay get together lamang nila ng mga kaibigan,
“Nakakatawa kung paano namin nalaman na we are pregnant. Sobrang random, sobrang unexpected. It was on April 19, it was Tuesday I remember.”
“We were leaving for a friend’s anniversary, Taco Tuesday celebration. So magmo-motor lang kami going there because it’s tacos sabi ko, ‘Oh sarap ‘to iterno with beer.'”
Habang naiisip niya raw na uminom ng beer bigla na lang niyang gusto alamin kung safe lang ba na inumin niya ito at siguradong hindi nga siya buntis.
“But then, naisip ko I was supposed to get my period that day. So, wala lang randomly naisip ko to check this is mga 4:30 in the afternoon, I got the pregnancy test kit. And then, I checked, parang wala lang, just to make sure it’s safe to consume alcohol. Biglang nag-positive! There were two lines pero yung second line, fade!”
Hindi niya raw ito pinaniniwalaan kaagad dahil hindi raw dapat siya mabuntis six months matapos ang kanyang pelvic laparotomy. Inisip niya raw na baka kaya nagkaroon ng positive result ay dahil sa cheap ang kanyang pregnancy test kit at hapon pa siya nag-take nito.
Para makasiguro raw ay kinabukasan ay muli niyang sinubukang mag-test.
“The next day, what I did first thing when I woke up nagtest ako kaagad. Same test kit, pero malabo pa rin.”
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Bettinna Carlos
Pinipilit niya pa rin daw nga ang sariling huwag masyadong ma-excite dahil baka nga false positive lamang ang resulta. Kaya hindi pa rin daw siya tumigil at muling nag-test matapos ang limang araw. Sa pang-apat at huling subok niya raw ay doon pa lang nagpakita ng dalawang malinaw na resulta ang pregnancy test kit.
Inihatid naman nila ang balitang ito sa kanilang 11 year old daughter na si Gummy sa pamamagitan ng isang sorpresa. Niyaya nila itong mag-lunch sa labas at matapos nilang magdasal ay ni-reveal nila ang pregnancy kit na ang resulta ay positive. Labis naman ang tuwa at maluha-luhang tinignan ni Gummy ang kit sa lamesa.
Ayon pa kay Bettinna, bigay raw ng Panginoon ito sa kanilang pamilya sa tamang panahon,
“Si God talaga ‘yong may hawak ng time. He’s all powerful to dictate life, when to allow to happen.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “Nakunan ako kasi sinunod ko ‘yong in-laws ko na magpahilot imbis na pumunta sa ospital.”
Early signs of miscarriage pregnant women should know
What causes miscarriage and how much at risk is a pregnant woman in
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Bettinna Carlos
Miscarriage story of Bettinna
Kung labis na ligaya ang dala ng pagkakaroon ng balita ng anak, labis din ang sakit at pighati nito sa isang ina kung ito ay mawawala. Katulad na lamang ni Bettinna Carlos, na nag-suffer sa miscarriage noong mga nakaraang buwan lamang.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account noong February 2022 ang larawan ng isang pregnancy test na may positive result kasabay ng isang mensahe para sa mga kapwa niya magulang.
“We were pregnant and then no more.”
Hiniling niya rin dito na makahanap ng peace at alamin daw ang purpose ng Panginoon kung bakit ito nararanasan nilang mga ina. Fulfilled pa rin daw ang kanyang pakiramdam sa kabila ng maiksing panahong pagsasama at hindi niya man lang nasilayan ang anak.
“To all the mothers who have lost their children before they could even hold them, feel them, see them (in the flesh or ultrasound), may you too find peace in this: God’s purposes for the lives of our unborn children were fully fulfilled however long or short they were IN us. Their lives did not go to waste.
And in the same way, YOU, if you are still breathing that means God’s purpose for you is not yet fulfilled-hence your very life and every breath.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!