Bianca Gonzalez nagbalik-tanaw sa naging experience niya as first-time mom: “Ang hirap ng newborn stage, nawawala ka sa sarili mo.”

Pero kapag lumalaki na daw ang mga bata ay mababago ang pananaw mo bilang isang magulang at mai-enjoy mo na ang mga rewarding at sweet moments na kaakibat nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bianca Gonzalez binalikan ang naging karanasan at reaksyon niya noon ng maging first time mom. Ayon kay Bianca, naloko siya ng social media na nagbigay ng pag-aakala sa kaniya na madali at puro saya lang ang pagiging isang ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bianca Gonzalez sa naging impluwensiya sa kaniya ng social media ng maging isang ina.
  • Experience ni Bianca Gonzalez bilang isang ina.

Bianca Gonzalez sa naging impluwensiya sa kaniya ng social media ng maging isang ina

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca Gonzalez

Sa panayam sa kaniya ng kilalang broadcaster na si Korina Sanchez ay ibinahagi ng host at celebrity mom na si Bianca Gonzalez ang karanasan niya bilang isang ina. Kuwento niya, sa unang beses niyang makapanganak ay natatawang ibinahagi ni Bianca na naloko siya ng social media. Dahil doon makikita daw ang mga mommies na tulad niya na nanganak na puro masaya at maganda lang ang sinasabi tungkol sa  pag-aalga ng newborn. Pero sa realidad, sabi ni Bianca ay malayo ito sa katotohanan at mahirap pala.

“Niloko ako ng Instagram. Sa Instagram lahat ng mga new moms you’ll see “you are the best thing that ever happened in my life”, tapos ang ganda ng photo or “like, tingnan niya lang ako nawawala na yung pagod ko”. When you experienced it, ito na ba yun talaga?Walang kang ligo, wala kang tulog. 5 pm na hindi ka pa kumakain.”

Ito ang pag-alala pa ni Bianca sa naging karanasan niya as first-time mom noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca Gonzalez

Experience ni Bianca Gonzales bilang isang ina

Kuwento pa niya ay napakahirap ng newborn stage. Sa katunayan ay minsan niya ngang tinanong ang sarili kung tama ba ang desisyon niya na magkaanak. Pero sa pagdaan naman daw ng panahon, habang lumalaki na ang anak ay nabago rin ang pananaw niyang ito.

“Ang hirap ng newborn stage, nawawala ka sa sarili mo. Di ba nag-aral naman ako, di ba may career naman ako? Bakit nandito lang ako, ito yung ginagawa ko?”

“Kapag medyo mas malaki na sila, nakakapagsalita na or nakakapag-embrace na at nakakapag-express na ng love doon na pumapasok yung ay ang sarap na maging mommy.”

Ito ang sabi pa ni Bianca.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca Gonzalez

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement