Bianca Gonzalez sa pagiging ina niya sa mga anak na sina Carmen at Lucia: “Very hands-on and very strict”

Panganay ni Bianca na si Lucia nag-celebrate ng 7th birthday niya. Basahin ang sweet na mensahe ni Bianca para sa anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bianca Gonzalez as a mom, hands-on at strict umano sa mga anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Bianca Gonzalez as a mom.
  • Paano pinalalaki ni Bianca Gonzalez at mister na si JC Intal ang two daughters nilang si Carmen at Lucia.

Bianca Gonzalez as a mom

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

“Very hands-on and very strict," ganito kung isalarawan ni Bianca Gonzales ang pagiging mom niya sa mga anak na sina Carmen at Lucia. Sa kanila nga raw ng mister na si JC Intal ay siya ang disciplinarian. Dahil si JC mas close sa dalawa nilang anak at hindi basta makahindi sa hiling ng kaniyang little girls.

“Because I guess daddy siya and we have two girls so parang konting hingi lang ng mga anak namin, he would give in. So, yes ako 'yong strict pero sobra akong malambing. Very loving, very malambing.”

Ito ang sabi ni Bianca sa isang panayam.

Dagdag pa ng TV host pagdating sa mga needs ng anak, ay very hands-on si Bianca. Kaya naman thankful siya na hindi niya kailangang magtrabaho buong araw.

Mas marami siyang oras sa anak at nagagawa ang tungkulin niya sa mga ito bilang isang ina. Si Bianca sinusulit daw talaga ang panahon na maliliit pa ngayon ang mga anak niya. Sa katunayan, siya nga raw mismo ang nag-prepare ng mga baon ng mga ito sa school at iba pang needs nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel that this is the time na ang bilis mawala na maliit sila. So, I try to make the most of this age. I think the beauty sa work ko is hindi ako 9 to 5.

Because of that, nadadala ko yung kids ko sa school, hinahatid ko sila. The preparation of baon in the morning. Pag-take ng temperature. Lahat, paghanda ng bag, super hands-on.”

Ito ang sabi pa ni Bianca.

Kung may isang bagay nga daw siya na talagang nai-enjoy niyang gawin sa ngayon sa mga anak ay paghahatid-sundo sa mga ito sa school.

“CORE memory: school drop offs and pick ups. (tbh, didn't know hatid-sundo duties could bring this much joy)”

Ito ang sabi ni Bianca sa isang Instagram post kalakip ang mga pictures niya kasama ang mga anak sa mga hatid-sundo moments nila sa school.

Paano pinalalaki ni Bianca Gonzalez at mister na si JC Intal ang two daughters nilang si Carmen at Lucia

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pang kuwento ni Bianca, sa oras daw na may work siya, ang mister na si JC ang nagsusundo sa mga girls nila. Kapag si JC naman ang may trabaho siya naman ang sumasalo sa responsibilidad.

“Kapag times na may work ako, buti na lang my husband din hindi 9 to 5, siya naman ang sumusundo sa kids.”

Ito ang sabi pa ni Bianca.

Samantala, nitong October 23 ay nag-celebrate ng 7th birthday niya ang anak ni Bianca na panganay na si Lucia. Si Bianca may birthday message sa anak kasabay ng katuparan sa wish nitong makasakay sa isang kabayo sa kaniyang kaarawan.

“I can't believe you are 7. Words will NEVER be enough to capture how I feel about you, but I hope you feel it in the way I love you. Your birthday wish was just to ride a horse and so I hope this day with Julietta was everything you imagined it would be and more!!”

Ito ang bungad ni Bianca sa birthday message niya sa anak na si Lucia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa huli ay ibinahagi niya kung paano nagbibigay ng ilaw at saya ang anak niyang si Lucia sa kanilang mag-asawa. Pinaabot niya rin dito ang pagmamahal niya.

“You are really the light of mommy and daddy's lives and we hope you'll always find and follow what lights you up. Happiest birthday, Lucia. I love you to the farthest stars and back.”

Ito ang sabi pa ni Bianca sa anak sa naging 7th birthday nito.

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

Bianca thankful sa pagkakaroon ng malambing na anak na mga babae

Sa isa pang hiwalay na IG post ay ibinahagi rin ni Bianca ang nararamdaman niya sa pagkakaroon ng dalawang malalambing na anak na babae. Sabi pa ng host mukhang susundan ng panganay niyang si Lucia ang mga yapak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I feel so lucky to have the sweetest daughters. And so lucky to get to do what I love, and with Lucia too??.. and it seems Lucia is getting the hang of my career.”

Ito ang sabi pa ni Bianca sa isa niyang IG post.

Matatandaang 2014 ng maikasal sina Bianca at JC sa isang wedding ceremony sa El Nido, Palawan. Sa sumunod na taon, Cotober 23, 2015 ay isinilang ni Bianca ang panganay nila ni JC Intal na si Lucia. At noong October 29, 2018 ay ang bunso niyang anak na si Carmen ang isinilang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement