Kahit busy sa kaniyang work, hindi pa rin nakakalimutan ni Bianca Gonzalez ang pagiging mommy sa kaniyang two daughter. Six years old na si Lucia, ang panganay nila ni JC Intal. Habang ang kanilang bunso na si Carmen ay 3 years old.
Mababasa sa artikulo na ito:
- Pre-bedtime routine ni Bianca Gonzalez at kaniyang two daughter
- Parenting style ni Bianca
Pre-bedtime routine ni Bianca Gonzalez at kaniyang two daughter
Ibinahagi ni Bianca Gonzalez sa isang vlog kung papaano niya inaalagaan ang kaniyang mga anak. Kasama sa napag-usapan ay ang kanilang pre-bedtime routine kasama ang kanilang hygiene bago matulog.
Kasama sa kanilang pre-bedtime routin ang paliligo at pagsisipilyo. Bukod pa rito, ang kaniyang anak na rin ang namimili ng ipapantulog nito.
“Part of our routine is she already chooses her pantulog, choose her pantulog and tinatabi na namin. So it’s ready before sleeping.”
Ikinuwento ni Bianca na noon, nais nila sana na subukan ang style sa ibang bansa gaya ng ginagawa ng kaniyang kuya na nasa abroad. Ito ay upang lumaking independent ang mga bata.
Aniya, ginawa nila ito ng ilang taon pero noong lumipat sila sa kanilang bahay last year, ayaw nilang matulog ang mga anak sa kanilang sariling kwarto. Dahil ito sa namamahay pa ang kanilang mga anak, pero kalaunan ay na-attach na sila ng kaniyang asawa sa kanilang kids.
“So for the longest time when they were babies, we wanted them to be independent, to sleep in their own room pero ayun na, nung kami na ‘yong tumabi sa kanila at night ang sarap pala na katabi sila. And my kids are now 6 years old and 3 years old, so it’s the super sarap stage talaga.”
Dahilan pa ni Bianca, kapag lumaki na ang kaniyang dalawang daughter ay magsosolo na ito ng kwarto. Kaya naman ine-enjoy na nila habang gusto pa ng mga ito na katabi sila.
Ibinahagi rin ng TV host ang kaniyang diskarte sakaling may hindi pagkakaintindihan ang kaniyang dalawang anak.
Naikwento pa ni Bianca ang nangyari kanina kung saan may kinuha ang kaniyang bunso sa ate nito na ayaw ibalik. Nagresulta sa gulo at iyakan kaya aniya, tingin niya nakatulong ang pakikinig sa dalawa niya anak.
“And siguro what I found is helpful is pinapakinggan ko silang dalawa. Even if the other one is screaming, the other one is more quiet. I try to ask them parang to help them process it. What happened? What did ate do? Or what did bunso do? Are you mad? Why are you mad?”
“I don’t know why, I think lang parang when I help them talk through it, I feel like tayo, diba when we go through something din, kung parang pinoproseso natin… I hope helps them when they grow older.”
Parenting style ni Bianca
Isa rin sa mga tanong na sinagot ni Bianca Gonzalez ay kung papaano ang parenting approach niya kina Lucia at Carmen. Tugon niya, hindi niya inisip noon kung papaano siya magiging ganitong uri ng magulang, aniya tingin niya nangyari na lang ito noong manganak sa kaniyang panganay.
“Ang nangyari kasi, we have 2 daughters and so ‘yong daddy nila, talo talaga parang cannot find it in his heart to scold them, to get mad at them and so naturally and organically, ako ‘yong naging disciplinarian. Ako ‘yong naging strict parent.”
Dagdag pa niya, intentional choices lagi ang mga magulang pagdating sa kanilang mga anak pero aniya, wala naman talagang manual ang ganito kung kaya pinagkakatiwalaan natin ang ating mga instincts, gut at nag-aadjust din kapag kinakailangan.
Ani ni Bianca, siya ang naging mahigpit, nagagalit, nagtataas ng boses pero hindi sila namamalo at nagpa-punish. Dagdag pa, bukas sila sa pag-aadjust at sa ngayon, nadadala ang kanilang anak sa sabi, tingin at pagtaas ng boses.
“That is my parenting approach, I am very strict, but at the same time, I’m also very loving, very caring and very malambing to my girls. Alam naman nila na mommy loves them so much, except that there are times that we have to put our foot down pagdating sa mga ginagawa nila”.
Ibinahagi pa ni Bianca ang isa pang pre-bedtime routine at paborito niyang bahagi ng araw ay ang magdasal. Aniya, bago matulog ay nagdadasal sila kung saan isa-isa silang nagpapasalamat sa Diyos. Ibinahagi rin niya ang mga ipinagpapasalamat ng kanilang mga anak.
Huling tanong na sinagot ni Bianca ay kung papaano niya binabalanse ang atensyon sa kaniyang dalawang anak. Aniya, equal ang pagmamahal sa mga anak pero sa atensyon, magkaiba. Nagbigay rin siya ng sitwasyon gaya ng online class, mas nangangailangan ng oras ang kaniyang panganay dahil ang mga magulang ang nagsisilbing guro ng mga bata sa bahay.
“I try to make sure kunyari I spent the morning with my first born, ‘yong hapon hanggang gabi, medyo mas tututukan ko ‘yong aking bunso.”
Aniya, hindi ito perpekto araw-araw pero wika niya, “It’s a constant juggling and balancing of making them both feel loved.”